10
X: Mistake
AIRISH
NAGISING na na masakit ang ulo. Unti-unti kong ibinangon ang sarili ko at saka napahawak sa ulo dahil sa biglaang pagkirot no'n. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakitang nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid, gawa ito sa kamay at banig ang nahihigaan ko kanina.
Kaya pala medyo masakit din ang likod ko.
Sinubukan kong itayo ang sarili at muntikan pa ngang matumba dahil sa hindi maipaliwanag na panghihina. Naglakad ako patungo sa bintana at tinukuran iyon upang bumukas. At nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang labas.
Madilim na. Ibig sabihin ba nito ay gabi na rin sa mundo namin? Kung gabi na ay hindi na namin siya maaabutan sa parke?
"Mabuti naman at gising ka na," halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng kung sino. Nilingon ko kung kanino nanggaling ang boses na iyon at nakota ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 30s. "Airish, hindi ba?" Tumango ako.
"Sino ka?"
"Hindi mahalaga ang pangalan ko kaya sasabihin ko na lang kung ano ako," tugon niya na hindi ko naman kaagad naintindihan kaya bahagya pang napakunot ng noo ko at hinintay na lamang siyang magsalita. "Katulad mo ay lumaki ako sa mundo ng mga mortal at isang daang taon na ang nakaraan ay nalaman kong dito pala ako nababagay. Isa akong fairy na nagkatawang tao lamang dahil nakakapagod ding lumipad 'no. I'm 123 years old by the way," ngumiti siya.
Napanganga naman ako, one hundred twenty-three years old?! Nagbibiro ba siya?!
"Halika na sa labas, alam mo bang alalang-alala sa 'yo kanina si Prinsipe Darren?" Natatawang tanong niya at hindi naman ako nagsalita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon ko ano. Nang makalaba kami ay nakita kong tulog na si Darren sa mahabang upuan, wala sa sariling natawa na lang ako. "Nakatulog na pala siya." Tumawa rin siya.
"May itatanong ako sa 'yo, kung gusto mo lang naman sagutin," sabi ko at napalingon naman siya sa akin. Sabay kaming umupo sa isa pang mahabang upuan saka bahagya akong humarap sa kaniya. "Anong alam mo tungkol sa prinsesa ng Glaceviere na hindi alam ng nakararami? If you have one..."
"Paano mo nalaman na babae ang tagapagmana?" Tanong niya sa akin at napakibit balikat na lang ako at sinabing hula lang iyon kahit hindi naman. "Pero, tama ka, babae ang tagapagmana. Ako... ako ang nagpaanak sa reyna noong araw na iyon at sobrang saya ko dahil nauna kong nasilayan ang sanggol bago ang iba."
"Wow, taga-Glaceviere ka?"
"Oo, dahil sa mismong gabi na iyon nagkaroon ng kaguluhan, ako na rin ang tumulong sa reyna't hari na tumakas ang kasama ang kanilang anak," nagulat ako dahil sa sinabi niyang iyon at pinakinggan ang sunod pa niyang sasabihin. "At nang babalik sana ako sa kaharian ng Glaceviere, nakita kong wala na iyon... nawala ang kaharian dahil sa pagkawala ng mag-anak. At nakalulungkot dahil... dahil nawala sila ng hindi ako kasama."
"Does... does the princess really have a birthmark? Like, on her pulse?"
"Oo, marami ang nagtangkang gayahin ang ang marka ngunit wala ni-isa sa kanila ang nakakuha ng tamang detalye. Ipinanganak ng mayroong ganoong marka ang prinsesa, marami ang nagkamali," paliwanag niya at napakunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan, nakakalito.
"Anong ibig mong sabihin na marami ang nagkamali?"
"Dahil sa paniniwala nila sa tadhana, naloko sila. Dahil sa paniniwala nilang ang babae ay kaliw ng lalaki, nagkamali sila," lalo lamang akong naguluhan sa sinabi niyang iyon. Bumuntonghininga siya at tila naintindihan na hindi ko ma-gets nag mga sinasabi niya. At nagdulot naman ng kung anong saya ngunit mayroong pagkatakot dahil sa sunod na sinabi niya.
"Anong kaugnayan ng myth na kaliwa ng lalaki ang mga babae?" Naguguluhang tanong ko, mayroon akong naiisip na dahilan ngunit mas mabuti nang sigurado.
"Dahil alam nilang mayroong marka sa kanang pulso si Prinsipe Darren, naglagay sila sa kaliwa upang masabi na sila ang nakatadhana para sa prinsipe. Mula pa noon ay nariyan na nag myth na 'yon, kaya halos lahat ng mga tao rito ay naniwala sa kasabihang iyon kahit na wala naman iyong katotohanan."
Natulala ako sa kaniya ng ilang segundo at hinawi naman niya ang mga buhok kong humaharang sa aking mukha. Ngumiti siya sa akin at mayamaya ay biglang may narinig kaming gumalaw, at nakita kong si Darren iyon.
"Airish, gising ka na!" Tila kaagad na nawala ang antok niya nang makita ako. Lumapit agad siya sa akin at yumakap ngunit tinawanan ko lang siya saka hinawi palayo. "And oh, sorry pala kung nakatulad ako sa upuan mo..." hindi na naituloy ni Darren ang sasabihin niya at tumawa na lang ang babae.
"Hindi mo na kailangang malaman ang pangalan ko, may mas mahalagang bagay kay dapat malaman," saad ng babae at napatitig naman sa kaniya si Darren. Ngunit biglang tumawa ang babae saka tumayo. "Ngunit si Airish na lang ang magsasabi sa iyo no'n, ako'y magpapahinga na. May pagkain sa kusina, kumain kayo dahil alam kong gutom na kayo. At kung aalis naman kayo ay mag-iwan kayo ng sulat."
Pumasok na sa kaniyang silid ang babae at napahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Tumitig sa akin si Darren na parang may masama akong ginawa ka pinagtaasan ko naman siya ng kilay saka tumayo upang pumunta ng kusina dahil nagugutom ako.
"What is it, Airish? What's the thing you're going to tell me?" Pangungulit niya pero pinagpatuloy ko lang ang pagkuha ng pagkain para sa aming dalawa.
"Mamaya ko na ike-kwento, kumain na muna tayo. Wala pa akong gana magsalita ng mahaba," saad ko at ngumuso naman siya. Binelatan ko siya at umupo na lang upang kumain.
Habng kumakain kami ng masarap na pagkain ng misteryosang babae ay biglang may nakasisilaw na liwanag ang biglang sumulpot mula sa ilalim. Nagkatinginan kami ni Darren at sabay kaming napatingin sa ibaba at nakita na umiilaw ang espada naming dalawa. Itatanong ko sana kung bakit ngunit nagsalita na si Darren.
"Danger is coming," saad niya na nagpatayo sa mga balahibo ko. Napalunok ako at hindi magawang sumubo pa ng pagkain dahil sa takot at pangamba sa sinasabi niyang panganib. "Umiilaw lamang ang espada kapag ang panganib na pararating ay hindi basta-basta tatablan ng mahika. Kapag umilaw 'yan, ibig sabihin, oras na para gamitin sila."
Tumayo ako at kaagad na hinugot ang espada mula sa kaniyang lalagyan at pinakiramdaman ang pakilid. Nagtalikuran kami ni Darren at sumandal ako sa likod niya upang maramdaman niya ako at maramdaman ko siya kahit papaano
Nakararamdam ako ng mabibigat na presensya mula sa labas at palagay kong hindi naman nila magawang makapasok dito sa bahay ng babae. Ngunit nagulat kami nang biglang may ingay na nanggaling mula sa nag-iisang silid ng bahay na ito. Napatakbo kami ni Darren papunta roon at nakitang naghihirap ang babae.
Hawak niya ang isang mahabang kahoy may patalim sa dulo at iyon ay inisasangga niya s abawat atake ng kalaban.
Sabay kaming tumakbo ni Darren palapit doon at sinaksak ang nilalang na umaatake sa babae. At hindi pa nagtatagal ay biglang naging abo ang nilalang na sinaksak namin saka hinangin na iyon palayo. Napalunok ako at napatingin sa bintanang nakabukas saka napaatras nang biglang may tumapat doon.
'Yong taong tumatawag ng pangalan ko. 'Yong lalaking naka-engkwentro ko sa banyo nila Darren. Nandito siya.
"Airish Solene."
Dahil sa pag-atras ko ay natumba ako sa kama ng babae, naramdaman kong niyakap niya ako habang si Darren naman ay nakatayo sa gilid ko habang nakaharang ang espada niya sa akin. Napalunok na lamang ako at hindi maipaliwanag ang takot na nararamdaman para sa nilalang na 'to.
"Siya 'yon Darren, 'yong sinabi kong tumatawag ng pangalan ko. Siya 'yong dahilan kung bakit sumisigaw ako sa banyo," biglang sabi ko at nakita kong gulat na napalingon sa akin si Darren. Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at maging ang paglunok niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti siyang magpalabas ng itim na usok. Narinig ko ang mabibigat na hinga ni Darren at napaupo rin siya sa kama saka iniharan ang sarili sa akin.
By a blink of an eye, and a snap of a finger,
May this spell take us away from danger.
I snapped my finger and a white smoke surrounded us. Nang unti-unting mawala ang usok ay nasa itaas na kami ng isang burol, kung saan kitang-kita naman ang magulong ibaba. Napalingon sa akin si Darren at ngumiti lamang ako sa kaniya.
Actually, gawa-gawa ko lamang ang spell na iyon at hindi ko alam na gagana iyon. Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa mapayapang kalangitan at biglang namilog ang bibig at mata nang makita ang isang puting ibon na lumilipad sa ibabaw namin. Ang Helluxious.
"Isang himala..." dinig kong bulong ng babae na aming kasama, nilingon ko siya at nakitang nakatingin din siya sa itaas. "Sa mahigit isang daang taon na aking pamumuhay, ngayon ko lamang nakita ng personal ang mahiwagang Helluxious. At hindi ko inaasahan na mas maganda pala siya kaysa sa nakatala sa libro."
At bigla silang lumuhod, at hindi ko alam kung bakit may nagpipigil sa akin na gawin din iyon. Tumingin akong muli sa itaas at pinagmasdan ang Helluxious na papalapit na nang papalapit, wait, papalapit nang papalapit? Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na lumilipad na naman siya palapit sa akin!
Ngunit bago pa man dumikit sa akin ang kaniyang balahibo ay tumigil siya saka dahan-dahang lumapag sa lupa. Lalo namang napaluhod ang dalawa kong kasama at ang tanging nagawa ko lang naman ay ang bahagyang yumuko bilang paggalang.
"Solene. Bukas na ang huling gabi ng Ocprus Moon, paano mo magagawang matagpuan ang prinsesa bago pa muling bumalik sa normal ang buwan?"
Tumitig siy ng diretso sa mga mata ko, napalunok ako at hindi napigilan ang sarili sa pagluha. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba, natatakot akong mamatay? Dahil ba natatakot akong mabigo? Ibinigay sa akin ng sagradong ibon ang kaniyang tiwala ngunit hindi ko naman yata kayang gawin ang misyon na kaniyang ibinigay.
Siguro hindi ako ang karapat-dapat upang iligtas ang prinsesa. Kasi, ano bang kaya kong gawin? P'wede namang si Darren na lamang dahil mas may alam siya kumpara sa akin, kaya, bakit ako?
"Dahil ikaw ng pinili ko, Solene. Paano mo nasabing hindi mo magagawa, paano mo nasabing ika'y mabibigo nang hindi ka pa naman nagsisimula? Alam kong kaya mo, dahil alam mong kaya mo. Hindi mo dapat kuwestiyunin kung ano ang makakaya mong gawin, dahil hindi mo pa nasusubukan."
Biglang nanghina ang tuhod ko hanggang s aunti-unti akong mapaluhod. Ramdam ko ang titig nilang dalawa sa akin at nagulat naman ako nang lumapit sa akin ang Helluxious saka inilapit sa akin ang kaniyang ulo na tila gusto niya akong yakapin. At hindi pa siya nagtatagal na nakayakap sa akin ay biglang nahilo at natumba na nang tuluyan.
-***-
Nagising ako ng mayroong nakayakap sa akin, tiningnan ko siya at nakita ang isang babae na may mahaba, makinang at wavy na buhok. Nakasuot siya ng kulay puting dress, maganda ang kutis niya, ngunit sa lahat ng maaari kong pagtuonan ng pansin ay mas pinili kong mapatingin sa kaniyang marka.
Marka ng araw, sa kaniyang kanan na pulso.
"Makakaya mo 'yon, Airish, naniniwala ako sa 'yo, naniniwala ako sa kakayahan mo. Bakit... bakit hindi mo bigyan ang iyong sarili ng tsansa upang mapatunayan na kaya mo nga? Dahil hindi mo naman masasabing nabigo o mabibigo ka kung hindi mo naman sinubukan o susubukan."
Tinitigan ko siya, ngunit kahit anong gawin kong focus hindi hindi ko talaga makita ang mukha niya. Blurry iyon kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Ngunit, kahit na hindi ko makita, pamilyar sa akin ang boses niya. Kilalang-kilala ko iyon. Hindi ko lang alam kung kanino ko narinig.
"Gawin mo ang misyon, Airish. Dahil walang ibang makagagawa no'n, kundi ikaw. Ikaw ang pag-asa ng mundong ito, Airish. Sa 'yo nakasalalay ang bukas ng ating mundo. Nas aiyo ang buong tiwala ko."
Iyon na lamang ang huling sinabi niya sa akin saka hinawakan niya ang kamay ko saka lumipat ang isa niyang kamay sa pisngi ko. Hinawi niya ang aking mga buhok na napupunta sa sa mukha saka yumakap sa akin na nagdulot ng kung anong init sa katawan na hindi ko maipaliwanag.
-**-
"AIRISH, are you okay?" Tanong kaagad sa akin ni Darren at bumuntonghininga naman ako, tumingin ako sa kalangitan at nakita ang napakalaking buwan na tila napakalapit no'n sa amin. "You lost your consciousness after the Helluxious hugged you. And, why would the sacred bird hug you in the first place?"
"I-I don't know..." napalunok ako at tumingin sa paligid. Right, this world needs me. And I would do everything to save her, even if it means is me dying. But, who would she be? Sa dinami-rami ng babae sa mundo, imposible mahanap ko kaagad siya. But wait, in the temple, the Helluxious told me that... I know her.
But I'm sure that it's not Kim, I was wrong. It was a mistake. After this lady beside me told me that the common mistake of other girls about the mark is they put it on the left arm. But the girl that I saw has the mark on her right arm, and the design of the sun is very different. It's something unique, majestic, it's one of a kind.
———
princemattrionixx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top