09

IX: His Arms
AIRISH

"THAT is what the Helluxious told me, that was what the Helluxious show me," ini-kwento ko kay Darren kung ano ang nangyari habang wala akong malay at nasa ilalim ako ng salamangka ng sagradong ibon. Ngunit kahit na sinabi ko sa kaniya ang kwento, pinilit kong... pinilit kong sabihin na siya ang prinsesa.

Dahil natatakot ako, natatakot ako na kung sakaling siya nga iyon ay iwan niya ako. Natatakot ako na baka bumalik siya...

My parents always told me that being selfish is not a good thing to do, but I just couldn't but to be like one... just this once. In my life living under the same roof with them, I didn't complain. I still loved them because we are still family in anyway. I've been selfless for all of those years living with them.

And now, I just want to be happy but why does it feel illegal to be? Don't I have the right to be happy, even just once?

"Parang ang lalim ng iniisip mo?" Natatawang tanong niya sa akin at mapait na lang akong napangiti. Niyakap ko ang binti ko at diretsong tumingin sa napakagandang talon na nasa ibaba. It's such a great view. "Have problems? Doubts?"

"Wala," I smiled to hide the fact that I'm lying. Tumingin na lang ulit ako sa ibaba at dininig ang mapayapang huni ng mga ibon pati ang pagbagsak ng tubig mula sa mataas na talon. Sa tingin ko ay tanghali na, at medyo nagugutom na rin ako. "Saan na tayo pupunta ngayon?"

"Kakain," tugon niya saka dahan-dahang tumayo kaya tumayo na lang din naman ako. "Don't worry, hindi naman daw iyon ganoon kalayo mula rito," sabi niya na tila hindi pa sigurado dahil sa 'daw'.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang sa kaniya sa paglalakad. 'Yong wyverns na sinakyan namin kanina ay bumalik na sa kanilang kulungan nakakalungkot pero sabi naman ni Darren ay maaari ko naman siya ritong bisitahin kung gusto ko. Pero hindi ko raw siya p'wedeng gawing personal na alaga. At naiintindihan ko naman 'yon.

Habang naglalakad ay biglang nakapa ko ang kulay lilang balahibo na ibinigay sa akin ng Wyvern na sinakyan ko. Napatitig ako roon at ngayon lang napansin na bahagya iyong kumikinang, bigla tuloy akong napaisip. Bakit niya ako binigyan ng kulay lilang balahibo? E, kung bibilangin ang mga iyon ay hindi pa aabot ng sampo ang nasa isang pakpak!

"Kung ano ba talaga ang makuha nilang balahibo, 'yon na 'yon o sinasadya nila? Bakit magkaiba tayo ng kulay ng balahibo?" Tanong ko kay Darren habang naglalakad kami.

"Hindi ko rin alam, nai-kwento sa akin ang tungkol sa Wyverns pero hindi sa akin nasabi kung paano sila nagbibigay ng balahibo, pero maaari naman tayong magtanong pagkauwi natin," paliwanag niya at napatango naman ako. "Hindi naman kasi tayo p'wedeng magtanong sa mga taga-rito kasi sasabihan lang nila tayo na, 'Taga-rito kayo tapos hindi niyo alam ang bagay na iyan', and then they live. Rude, right?"

Natawa na lang kaming pareho dahil sa pag-iiba ng boses niya sa pangungusap na iyon na tila may ginagaya siyang boses. Magsasalita pa san akong muli ngunit biglang may humarang sa amin na sa tingin ko ay mga guardia dahil mayroon silang hasak na sibat at 'yong damit nila ay hindi naman pangkaraniwan.

"Ano ang inyong sadya?" Sabay na tanong ng dalawang guardia habang ang kanilang sibat ay nakaharang sa daan.

"We're here to visit. I'm Prince Darren Ace," tugon ni Darren at tila biglang natigilan naman ang mga guardia dahil sa kanilang narinig. Napakibit balikat na lang ako at tumayo lang habang hinihintay ang paghakbang ni Darren. "So, can we, gentlemen?"

"Patawad, kamahalan. Maaari na kayong tumuloy," lumuhod ang dalawang guardia sa isa nilang tuhod at nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni Darren.

"Magdahan-dahan ka nga," bulong ko sa kaniya ngunit tinawanan niya lang ako. Napakunot naman ang noo ko nang tumapat kami sa isang napakalaking puno at ang mga katabi no'n ay napakataas na bagin na puro tinik. Napatitig ako sa napakalaking puno na iyon na sa tingin ko ay higit dalawang metro ang taba. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla iyong magkaroon ng mukha. Oh my lordie...

"Welcome back, Prince Darren!" Maligayang bati ng puno at tumango naman s akaniya si Darren. Napayakap naman ako sa braso niya dahil hindi ko alam kung dapat ko ba siyang katakutan. What if, kainin niya ako? "Huwag kang mag-aalala, Solene! Hindi ako nangangagat!" Tumawa ang puno at napakunot naman ang noo ko.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Ano ka ba, Solene? Siyempre kilala kita! Kamukhang-kamukha mo ang mama mo, napaka-gandang bata," tugon ng puno at doon ko lamang na-kumpirma na nababasa niya ang iniisip ko. Wait, kilala niya ang mama ko? "Oo, nakababasa ako ng isip, at oo rin, kilala ko nga ang iyong ina. Sige, pumasok na kayo! Aking ikinatutuwa na sa wakas ay nakita ko na kayo!"

Humakbang na si Darren at muli na naman niya akong hinila saka sabay na kaming tumagos sa nagsasalitang puno na iyon. Ngunit nawala naman sa isip ko ang nagsasalitang puno nang biglang bumungad sa akin ang isang napakagandang palasyo. Namimilog ang mata ko pati ang bibig dahil sa sobrang pagka-mangha!

May dalawang malaking fountain sa kaliwa at kanan, pantay ang damo at ang nilalakaran naman namin ay cobblestones na higit dalawang metro ang lapad. Hindi ko maiwasang mapa-wow dahil sa pagka-mangha, may malawak na plaza sa tigkabilang gilid at may mga nilalang na lumilipad sa itaas.

Ilang metro pa ang layo namin sa pinto at habang palapit-kami nang palapit ay saka ko lamang nakikita kung gaano kataas ang pinto! Sa tingin ko ay kasingtaas na iyon ang 2 storey house namin sa mortal world! Napaawang ang bibig ko nang kusang bumukas iyon at bumungad sa akin ang napakagandang loob.

Makintab ang sahig, maraming maliliit na nilalang sa loob, may faeries, may dwarfs, may gnomes, at iba pang hindi ko alam kung anong tawag!

"Hindi mo pa nakikita lahat, manghang-mangha ka na," tumawa si Darren at napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Likuran pa lamang ang nakikita mo, Airish. Sa likod tayo dumaan," dagdag niya na lalong ikinalaglag ng panga ko. Likod pa lang 'yon, seryoso siya?!

"Dito po, mahal na prinsipe."

Sumunod kami sa isang lalaki na sa tingin ko ay butler. Naglakad kami nang ilang metro din hanggang sa marating namin ang isang mataas na pinto, bumukas iyon at bumungad sa amin ang napakahabang lamesa na punong-puno ng pagkain. Halos malaglag ang panga ko nang makita iyon ngunit pinigilan ko dahil maraming nasa loob.

What is this, a feast?!

"Apo! Maupo kayo, maupo kayo!" Sabi ng isang matandang babae na may nakapatong na korona sa kaniyang ulo, kaya inaasahan kong siya ang reyna nitong Palasyo na 'to. Bahagya akong yumuko upang paggalang at umupo sa tabi ni Darren. "Napakalaki mo na apo, noong huli kitang makita ay dalawang taong gulang ka pa lamang!"

Ngunit tanging tipid na ngiti lamang ang naging tugon ni Darren. May problema ba siya? Hindi ba siya masaya na nagkita na sila ng lola niya?

"Aking ikatutuwa kung mananatili ka rito kahit ngayong gabi lang!" Nakangiting ani ng matandang babae ngunit hindi sumagot si Darren at nagpatuloy lamang sa pagkakain kaya kumain na lang din ako. "Sandali, ipahahanda ko ang iyong silid–"

"No, thank you. We're not staying for long. I just visited because dad told me so," nag-iba ang tono ng pananalita ni Darren. Ang malambing at masiglang boses niya ay naging mas malamig pa sa yelo ngayon. Napalunok na lang ako at pinilit ang sarili hindi hindi mangialam kasi labas ako roon. Masamang manghimasok sa buhay ng iba.

"Nakalulungkot naman iyan," saad ng matanda at tumango-tango pa. Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain at marahang kumain na lamang ngunit kahit na pilit kong hindi pakinggan ang pag-uusap nila ay naririnig ko pa rin. "Ngunit bago kayo umalis ay samahan mo muna ako't may ipakikilala ako sa 'yo."

"I won't," saad ni Darren at napalunok na lamang naman ako dahil sa sobrang bigat ng tensyon dito sa silid na ito. Maski ang ibang tao rito na sa tingin ko ay kamag-anak din ni Darren ay hindi makatingin ng diretso sa kanilang dalawa at ramdam ko ang kanilang pagkailang.

"Uh, excuse me..." hindi na ako naghintay pa ng sagot at tumayo na lamang sa lumapit sa isang katulong upang tanungin upang saan ako p'wedeng mag banyo. Itinuro ang pinto doon sa kanang sulok ng silid, nagpasalamat ako at naglakad papunta roon. Pumasok ako at tinitigan ang sarili sa salamin.

Palaging sinasabi s aakin ni mama noon na masamang makinig sa usapan ng iba, masamang manghimasok sa buhay ng iba. At ayaw ko namang suwayin iyon pero, anong magagawa ko? Kinakain ako ng kuryosidad pero alam kong mali, siguro... siguro hihintayin ko na lang na sabihin niya sa akin.

Lumabas ako ng banyo matapos kong umihi at nakitang wala naman na si Darren at ang matandang babae roon. Tinanong ko ulit ang isang katulong at sinabing tumakbo daw palaba si Darren at hinabol siya ng kaniyang lola. Nagpasalamat ulit ako at lumabas ng dining room upang hanapin sila.

At natanaw ko silang nag-uusap sa labas, doon sa may fountain. At mukhang hindi maganda ang kanilang pag-uusap.

Habang lumalapit ako ay sumasakit ang ulo ko, hindi pa ako nakakalabas ng pinto pero naririnig ko ang pag-uusap nila at hindi ko gusto iyon. Ngunit imbi na lumabas ay lumiko na lamang ako sumandal muna sa pader at napagdesisyunan na hintayin na lamang sa Darren. Ngunit bigla akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ko.

"At ano namang kinalaman ni Airish dito?" Boses ni Darren iyon, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na maiwasang pakinggan ang kanilang usapan. "At hindi mo ako kailangang ipakilala sa taong kilala ko naman na! I already cut the engagement, so there's no wedding going to happen anymore!"

"But she's the one that destiny has chosen for you..." tugon ng matanda at hindi ko namalayan na unti-unti na pa lang namamas anag mga mata ko sa hindi malamang dahilan. "Why did you cut the engagement, is it because of that flirty girl you're with–?"

"Stop. Dragging. Airish. In. This. Conversation. She has nothing to do with this! It's my choice! So why can't you just f/cking accept it and leave me alone?!" Tugon niya pabalik na lalong nagpatulo ng luha ko. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang binti.

"But destiny–"

"F/ck destiny! I don't give a damn about that shit! You can't force me to believe something that doesn't exist! Something that is only made up!" Sigaw ni Darren pabalik at hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ganoon siya magsalita? Bakit... Bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan kaya nangyayari 'to?

Kasi, totoo naman, ako ang may kasalanan kung bakit niya ginawa 'yon. Ako ang dahilan. And somehow, I felt hopeless, I feel so out of place. Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ko na alam kung ano pa ba ang gagawin ko. Dapat ko pa bang ilapit ang sarili ko kay Darren? Pero kapag lumayo ako, sinong matitira sa kaniya? Sinong matitira sa... akin?

"We're done talking. I don't want to hear about that f/cking engagement anymore, I don't want to hear that destiny again, I don't wanna hear words coming from your mouth again." Matigas na ni ni Darren at biglang narinig ko naman ang mga yapak ng paa niya, palakas na ng palakas ang naririnig ko kaya nalaman kong papalapit na siya.

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko at umaktong hinahanap siya habang naglalakad-lakad sa paligid. Nang marinig ko siyang tawagin ako ay nginitian ko siya na parang wala akong narinig.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, ah!" Sabi ko ngunit tanging tawa lamang ang naging tugon niya sa akin. "Uuwi na ba tayo?"

"Yes, let's go?" Tanong niya at tumango naman ako. Nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako. Hindi naman ganoon kalayo ang lalakarin namin dahil sa kabilang dulo naman ay naroon n anag isang pinto. Ngunit bago pa kami makalabas ay biglang may nakita akong dalawang pamilyar na taong nakaupo sa sofa na nasa sala.

Nahuhuli ako kaya siguro hindi pa nila ako nakikita.

"DARREN!" Sigaw ni Kim at napatigil naman sa paglalakad si Darren. Narinig ko siyang bumuntonghininga saka nagulat ako nang humarap siya sa akin at naglakad palapit saka hinila na ako papunta sa malaking pinto na iyon. "AIRISH?! Anong ginagawa mo rito?!"

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Kim ngunit hindi ko na iyon pinansin at nagpahila nalamang kay Darren hanggang sa makalabas kami ng lugar na iyon.

At sa oras na makalabas kami ay biglang may isang lalaki ang bumungad sa amin. Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang paligid dahil bigla na lang tinutukan niya ako ng kaniyang magic wand kaya napasinghap na lamang ako dahil s agulat. Nakangisi siya sa akin napatili naman ako nang bumigkas siya ng ilang salita at may kung anong enerhiya ang humugot sa katawan ko.

"AIRISH!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Darren ngunit wala akong magawa kundi ang sumigaw dahil sa hindi maipaliwanag na sakit.

Before that man disappear, I saw a tattoo on his skin. A rose. And then he vanished in the black smoke and everything went spinning. I can hear Darren calling my name but I have no energy to talk back. I feel so helpless and then I suddenly caught off the ground and before I even hit the ground, someone caught me. He caught me. I fell inside his arms

I laid my head on his chest and felt the warmth inside his arms. I heard him calling my name repeatedly and tightened his hug. And then everything went blank.

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top