08
VIII: Helluxious
AIRISH
"MALAPIT na ba tayo? Nananakit na nag paa ko, ha!" Reklamo ko kay Darren, hindi ko alam kung gaano pa kami katagal, ngayon ko lang naman siya tinanong at ngayon lang din ako nagreklamo. Magsasalita pa sana ako ulit pero tinakpan niya ang bibig ko, papalag pa san aako pero hinila na niya ako sa likod ng isang malaking puno. "Ano bang problema mo?"
"Shh, yes, malapit na tayo. Just be quiet kung gusto mo pang makarating doon!" Natakot ako dahil sa sinabi niya kaya sumunod na lamang ako at umupo na lamang, pinipilit na hindi gumawa ng kahit na anong ingay.
Nagulat ako nang biglang kay gumalaw sa gilid ko, nakita ko ang isang maliit na nilalang na sa tingin ko ay kasing laki ng 12-inches na ruler o mas maliit pa roon. Mabalahibo siya at napaka-cute ng mukha! Sa tingin ko ay harmless naman siya kaya akmang hahawakan ko siya ngunit agad na binawi ni Darren ang kamay ko at hinila palayo.
"Bakit?!"
"Why are you going to touch the creature we're hiding for?" Tanong niya sa akin na halos bulong na lamang, napakunot naman ako at akmang magsasalita pa pero tinakpan niya ang bibig ko. "They're Mierdes, and yes, they look adorable and fluffy but they aren't! Their fur is poisonous, and they hate being touched that's why they release a toxin through their fur, and they also hate noises that's why I'm whispering. Even if they're not even a foot high, they good swallow you and can devour you in less than a minute..."
"Oh my god, totoo ba 'yan?" Hindi makapaniwalang bulong ko sa kaniya pabalik at tanging tango na lamang ang naging tugon niya.
Mayamaya pa ay unti-unti na silang naglabasan mula sa mga damo at naglakad palapit sa amin. Napakarami nila! Ang bilang nila ay hindi pa kakasiya ang pinagsamang daliri ng kamay at paa ko! Sa tingin ko ay nasa higit isang daan ang grupo nila, at iyon ang mas lalong ikinatakot ko. Napaatras ako kay Darren dahil sa kaba at takot.
Mukhang totoo ang sinasabi niya dahil nakikita ko ang bahagyang pamamasa ng nadaraanan nila, at namamatay ang mga damong nababasa no'n.
"Are you ready?"
"Ready for what?" Gulat na tanong ko sa kaniya ngunit nginisihan niya lamang ako, hindi ko na napigilan nag sarili kong tumili lang bigla niya akong buhatin. At nang dahil sa tili kong iyon, nabulabog ang mga Mierbes at nanlaki nag mga mata ko nang biglang lumaki ang bunganga nila at may lumabas na isang malaking patusok na dila roon!
"I just said they hate noises!"
Hindi na ako tumugon pa at napayakap na lang kay Darren dahil hindi ko kayang tingnan ang mga cute na nilalang na iyon na biglang nagkaroon ng napakalaking dila! Nakakakadiri na nakakatakot! At idagdag mo pa ang napakarami nilang ngipin, tinalo pa 'yong pusa sa sobrang tulis!
Buhat-buhat akong tumakbo si Darren, mabilis iyang tumakbo saka napatili akong muli nang itapon niya ako kung saan ngunit nagulat ako nang bumagsak ako sa isang malambot na bagay. Hindi ko naman iyon napagtuonan ng pansin dahil napunta kaagad kay Darren ang titig ko.
May sinabi siyang isang spell saka ikinumpas ang kaniyang patpat na hindi ko naman alam na mayroon siya. Napalunok na lamang ako at pinanood na tumakbo palayo ang mga nilalang na iyon.
And those creatures is a great example for the quotation, Never judge a book by its cover.
Lumapit sa akin si Darren at nakaawang ang bibig na napatitig lamang ako sa kaniya. Ngunit biglang napaseryoso ako nang makita siyang tinatawanan ako. Napakunot ang noo ko at bahagya naman niyang pinisil ang pisngi ko.
"Where are we heading now?"
"To our destination. It's just up there," itinuro niya ang isang wirdong isla na lumulutang sa itaas. Napanganga naman ako at biglang napatayo dahil hindi makapaniwalang may kumulutang na isla dito! Ang weird tingnan ng ilalim dahil puro malaki at matulis na bato lamang iyon pero kahit nasa ibaba kami ay kita ko na may gandang itinatago ang lugar na iyon!
"Paano naman tayo pupunta roon?! Hindi naman tayo nakakalipad, gagi ka!"
Tumawa siya, "Walang imposible dito sa mundong ito, Airish Solene. Sasakay tayo riyan," itinuro niya ang grupo ng mga nilalang na nasa loob ng isang bakod. Napanganga ako at pinagmasdan ang hitsura ng nilalang na iyon at napangiwi na lamang dahil hindi matanggap na sasakay kami sa kanila.
Ang ulo nila ay para sa agila ngunit meron silang tainga na parang pusa, may makukulay silang pakpak na parang sa Phoenix at ang katawan ay hindi ko naman mawari kung ano 'yon. Ang buntot nila ay parang sa Lion, ang mga mata nila ay kulay ginto at ang paa ay may matitilos na kuko kay ang agila.
"What kind of creature is that?!"
"They are Wyverns. Opposite of Mierdes, they look intimidating but they are actually friendly. They serve without asking anything for return. But they're quite choosy on who they will obey," paliwanag niya sa akin at napatango naman ako. At least, mabait naman ang nilalang na 'to. "But before we go, the first thing we will do is bow down, the one that will give us a feather will be our ride."
Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa kanila, himinto kami ni Darren ng isang metro na lang ang layo namin sa kanila. Napalunok ako at unti-unting yumuko, hindi pa ako tumatagal ay may nagbigay kaagad sa akin ng kulay lilang balahibo. Ngumiti ako at tinanggap iyon saka unti-unting tumayo.
Tumalon ang Wyvern na iyon mula sa loob ng bakod saka tumayo sa paka-harapan ko. Sumakay ako sa kaniya at tinawanan si Darren nang wala pa ring nagbibigay sa kaniya ng balahibo. Nginusuan niya ako at nagpatuloy na lamang sa pagyuko, sa huli ay may nagbigay s akaniya ng dilaw na balahibo.
Sabay na kaming lumipad papunta sa lumulutang na isla at napayakap pa ako sa Wyvern na sinasakyan ko dahil mahina ang sikmura ko. Mas'yado na kaming mataas, at hindi ko na magawang tumingin sa ibaba. Sa wakas ay naglanding na kami kaya bumaba na ako mula sa Wyvern na ito.
"Diyan lang kayo, ah? Mabilis lang kami!" Ngumiti ako at sumunod na kay Darren. Isa iyong napakaling templo na doble ang laki sa bahay nila Darren. Napalunok na lamang ako at sumabay kay Darren sa paglalakad.
Tumigil kami sa harap ng napakalaking pinto at biglang may lumabas na ahas mula sa susian. Nanlaki ang mga mata ko dahil mayroon akong matinding takot sa mga ahas. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko at kahit anong oras ngayon ay sa tingin ko ay iiyak ako.
"Anong kailangan niya sa 'tin, Darren?" Nanginginig ang boses na tanong ko kay Darren dahil sa sobrang takot. Nanghihina na ang mga tuhod ko at bumibilis nang bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Don't worry, he won't harm us. He's the guard of this temple, he's just checking us out. He's harmless, right, Maliksi?" Saad ni Darren at kinausap pa ang ahas na nasa harapan namin. Tumango naman ang ahas at mayamaya ay bumukas na ang pinto at muling nagtago na ulit si 'Maliksi' sa loob ng pinto.
Sabay kaming pumasok sa loob at halog lumapat naman ang panga ko sa sahig dahil sa sobrang pagkamangha. Sobrang ganda! Napakakintab ng sahig at kitang-kita ko ang buong repleksyon namin doon, buti na lang at pantalon ang ibinigay sa akin na damit ni Darren.
Ang bawat poste dito sa loob ay mas malaki pa sa akin, higit na mas mataas na nga at mas mataba pa! Kakasya ang tatlong ako sa isang poste! Ang kisame naman ay may mga ulap at may mga bagay na kumikinang doon. Hindi ko sure kung ano ang mga kumikinang sa itaas pero ang ganda no'n.
"Napakaganda naman dito," puna ko na sinang-ayunan ni Darren. "First time mo rin bang makapasok dito?"
Tumango siya, "Yes, of course. Kagaya mo, sa mundong ibabaw din ako lumaki. Ang pinagkaiba lang natin ay nake-kwento sa akin nila mommy at daddy kung anong klaseng mundo ang Underworld," kwento niya at malit naman akong napangiti. "I'm sorry..."
"Hindi, ayos lang," ngumiti ako sakaniya saka hinila na siya papunta sa pinakaunahan ngunit malayo pa iyon. Hindi naman ako makatakbo dahil natatakot akong baka madulas kami. "So, anong gagawin natin dito? Magtatanong din kapag sinabi aalis na? Ang daya, hindi ba tayo p'wede mag-selfie dito? Ay wait, wala naman tayong pang-selfie..."
"Exactly," tumawa siya at napabuntong hininga na lamang ako dahil doon.
"Pero, seryoso, ang ganda dito, kung p'wede lang na dito ako tumira habang buhay ay papayag ako! Kahit ako pa ang tagalinis, ayos lang!" Natatawang biro ko na tinawanan na lang din naman niya. "So, kanina tayo magtatanong? He-he. Wala naman akong nakikitang ibang tao dito bukod sa atin – holy f/cking shit..."
Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may makitang napaka-gandang babae sa dulo ng mahabang pasilyo na ito. Lumuhod bigla si Darren kaya ginaya ko naman siya dahil baka patayin kapag hindi ko ginawa 'yon. Ayaw ko pa namang mamatay 'no, pero seryoso, makalaglag panga ang ganda niya!
Sorry mommy, mababaliko yata ako! Charot!
"Tumayo kayo."
Nag-echo sa buong lugar ang boses niyang iyon, malamig ngunit nakakabighani. Marami naman na akong naging girl crushes pero sa kaniya lang ako humanga ng husto. Nakaka-insecure ang beauty ng ate niyo! Bigla tuloy akong napatingin sa sarili ko mula sa repleksyon ko sa sahig. Napakalayo ng patatas kong mukha sa kaniya, tsk.
"Goddess Lithereé, we are here –"
"I already know your intentions, Prince Darren Ace and... you are?" Bumaling ng tingin sa akin ang babae at napaayos naman ako ng damit pati na ang buhok ko. Magsasalita sana si Darren pero inunahan ko na siya.
"I'm Airish Solene Cortez, mahal na.. diosa, hihi," nakita kong napasapo si Darren sa kaniyang noo ngunit hindi ko na siya pinansin. Tumayo ang babae muli s akaniyang ginintuang trono at marahang naglakad pababa ng hagdan. Pino ang galaw niya, mahinhin, at malambot. Nahiya tuloy ako.
"Very well. Nice meeting you, Airish."
"Ikaw rin po, hehe," ngumiti ako at nakita ko naman siyang ngumiti. Jusko, p'wede na ako humimlay. Na-guwapuhan ako kay Darren noong una naming pagkikita pero iba ang ganda ng babaeng nasa harapan namin ngayon. Kabog na kabog siya at magmumukha talaga siyang patatas lalo na't lumalapit nang lumalapit sa amin ang babae.
"There's only one of you to get a chance to talk with the Sacred Helluxious."
Naguguluhan man kung anong nilalang iyon pero nanatili akong nakangiti at tahimik na nakatayo. Goddess Lithereé snapped her fingers and a loud hum came from nowhere. At sa isang iglap lang, may napakagandang ibon ang lumilipad sa ibabaw namin.
Kulay puti iyon, pinalaking version ng kalapati ngunit malago ang kaniyang buntot kaya sumusunod iyon sa hangin. Purong puti lamang siya at walang ibang kulay, well, maliban sa kilay ginto niyang mga mata. Umikot-ikot ang ibon sa ibabaw namin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad iyon palapit sa akin.
Akmang titili pa sana ako ngunit bigla na lamang nanlambot nag buong katawan ko at biglang bumagsak ako sa sahig. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko si Darren na tinatawag ang pangalan at kasunod no'n ang pagkawala ng lahat.
-***-
NAGISING ako sa isang silid ngayon, puro puti ang lahat ng bagay dito. Wait, wala namang ibang bagay dito dahil ang buong lugar ay walang laman. Tanging ako lamang ang naririto. Mayamaya ay biglang may boses na bumulong sa akin.
Mayroong isang tao ang lumabas sa picture, mahaba ang buhok niya at masasabi kong babae nga ang tagapagmana. Siguro, ito ang sinasabi nilang kasaysayan. Unang tagapagmanang babae.
Nakalugay ang kulay brown niyang buhok, nakasuot siya ng simpleng puting dress na abot sa kalahati ng binti at simpleng flat sandals. Ang ganda ng kutis niya, napakaputi pero mayroon ang napansin, tumatakbo siya. May humahabol sa kaniya.
"Airish Solene, hindi ka mahihirapang hanapin ang prinsesa dahil kilalang-kilala mo ito. At naniniwala ako sa kakayahan mo. Ngunit sana lamang ay mahanap mo siya bago pa man matapos ang Ocprus Moon. Napakahalagang pangyayari nito dahil sa mga oras na ito lalabas ang kaniyang tunay na pagkatao. At kapag natapos ang Ocprus Moon nang hindi pa rin siya natatagpuan, unti-unti siyang maghihirap, malalason ang kaniyang katawan, at hindi na muling makababalik pa dito sa ating mundo. Siya ang susi sa lahat ng ito, Airish. At kapag nabigo kang mahanap siya sa takdang oras, hindi na muling maibabalik pa ang pinakamataas na kaharian."
"Ngunit, paano ko naman matutukoy kung sino ang tagapagmana? Ni-hindi ko makita ang kaniyang mukha sa pinapakita mo sa akin," sabi ko na puno ng paggalang.
"Mamayang gabi, pupunta ng parke ang prinsesa, at kung hindi niyo man iya maabutan, mayroon pa kayong bukas ng gabi. Ngunit kung hahanapin niyo siya ng umaga ay mag-iingat kayo, may panganib na maghihintay sa inyo kapag sinubukan niyo iyon. Paghandaan mo ang misyon na ito, Airish Solene. Ang aking buong tiwala ay iniaalay ko sa iyo, sana ay maisakatuparan mo ang misyon na ito hindi lang para sa Underworld, kundi para na rin sa iyo..."
"Anong para sa akin? Bakit para din sa akin? Anong kaugnayan ng pagkabigo namin sa sarili ko?"
"Airish Solene, dahil ikaw ang aking natalaga para sa napaimportanteng misyon na ito, iniaalay mo ang iyong buhay para sa kinabukasan ng ating mundo. Sa oras na mabigo ka ay madadamay ka sa pagkalason, madadamay ka sa paghihirap, madadamay ka sa kamatayan," sabi ng boses na nagbigay ng kung anong takot sa dibdib ko. "Ibinibigay ko s aiyo ang aking buong basbas, at sana ay hindi naman mangyari ang aking kinatatakutan, Airish. Sana magawa mo nang maayos at ligtas ang iyong misyon."
Sa huling pagkakataon, nagpakita siya ng bagong imahe, nakatalikod ang babae at naririnig ko siyang humikbi. Biglang hinangin ang isang papel na sa tingin ko ay galing sa kaniyang kamay kaya sinubukan niyang abutin iyon ngunit hindi na niya hinabol. Tinitigan ko iyon nang mabuti at nanlaki ang mga mata ng makita ang marka sa isnag braso niya.
Araw.
-**-
"AIRISH! Thank god, you're okay!" Napayakap ako kay Darren at mabigat ang hinga na pumikit. No, hindi totoo ang nakita ko! Hindi maaarinh siya 'yon! Hindi maaaring pagsilbihan ko siya ulit! "What happened, Airish? What happened? What did the Scared Helluxious told you?"
"Sasabihin ko sa 'yo kapag nahimasmasan na ako, Don't worry, I have very sharp memory," paniniguro ko s akaniya at tumango naman siya. Napatingin ako sa itaas nang biglang may humuni saka nakita ang Helluxious na lumilipad-lipad sa kalangitan. Napalunok ako at hindi namalayan na napatulo na pala ang luha ko. I guess I have to accept the painful truth.
That's what the Helluxious told me, and I have to do it. Even if whatever I do, it will just the same outcome. I will be in pain. I will be in predistinction. Death will be my fate, in either of what could happen.
———
princemattrionixx
Author's Note: Your votes and comments will be highly appreciated! Thank you for reading ^^
Pronunciation:
Mierdes - Mïrdz
Wyvern - Y-vern
Helluxious - Hel-u-shōos
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top