07

VII: Underworld
AIRISH

NAGISING ako nang wala si Darren sa tabi ko. Inaasahan ko naman na iyon kaya tumayo na ako ngunit kaagad na nakaupo nang makaramdam nang biglaang pagkahilo. Nang unti-unti iyong mawala ay sinubukan kong tumayo hanggang sa nagawa ko nang lumakad.

Lumabas ako ng silid na iyon matapos kong ayusin ang sarili sa banyo. Malayo-layo rin ang nilakad ko upang makarating lamang sa hapagkainan, ito ang pinakaayaw ko sa malaking bahay, 'yong kailangan mo pang maglakad ng malayo dahil sa sobrang lawak.

"Airish, come on, join us!" Tita Daniel yelled when she saw me. Ngumiti ako sa kaniya at tahimik na umupo, nahiya pa nga ako dahil siya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. "Go on, eat, I can swear that there's no shrimp involve in that dish," she said and I just smiled and started eating.

"Airish, do you want to go in the underworld... like, right now?" Biglang tanong ni Tito Bruno at napaisip naman ako dahil doon. Gusto kong makita kung ano nag hitsura ng mundong iyon ngunit natatakot ako. "Pupunta mamaya si Darren sa isang kaibigan upang tanungin kung paano natin matatagpuan ang tagapagmana. Hindi namin siya masasamahan dahil mayroong ibang misyon na itinalaga sa amin si Master Julian."

"Uhm..." napaisip ako, gusto kong samahan si Darren dahil ayaw ko namang magisa siyang pumunta roon pero, baka may makita akong bagay na hindi ko dapat makita. Baka may lobo do'n, o baka mga bampira ulit. Pero, kung hindi ako sasama ay si Darren naman ang makakae-engkwentro nila. Kakainin lang ako ng konsensya ko. "Sige po, he-he..."

"Aalis kayo mamaya na rin pagkakain ng agahan. Wala namang makakapanakit sa inyo roon, masisiguro ko iyan," nakangiting saad ni Tito Bruno at tumango na lamang ako saka pinagpatuloy ang pagkakain. Mas alam niya ang lugar at nasiguro niyang ligtas kami roon, may tiwala ako kay Tito Bruno ngunit wala akong tiwala sa ibang nilalang na naroroon.

Pagkatapos kumain ay tumaas ako sa k'warto na initalaga nila para sa akin saka ilang minutong naupo lamang sa kama.

Ayon na naman ulit, naalala ko na naman ulit. Tila may kung anong kumurot ko sa puso ko nang maalala na kinuha nila Tiya ang perang iniwan sa akin ng mga magulang ko. At nakaramdam ako nang galit nang maalala kung paano nila ako alilain, sa sarili kong pamamahay.

"Hey," agad kong pinunasan ang mga kuhang pumatak galing sa mata ko at huminga nang malalim. Umayos ako ng upo at pilit na itinago kay Darren ang mukha ko. "Heto mga damit, sige na maghanda ka na, aalis tayo mamaya," malumanay na aniya at napatango na lamang naman ako habang nasa ibaba ang tingin.

Nang marinig kong sumara ang pinto ay kinuha ko ang nilapag niyang damit saka pumasok na ng banyo upang maligo. Ngunit habang sinasabon ko ang katawan ko, biglang lumamig ang paligid sa hindi ko malamang dahilan. Mainit naman ang tubig ngunit malamig ang paligid, napakunot pa nga ang noo ko nang makita na may namumuong ice frosts sa salamin at mga gamit sa loob nitong shower.

"Airish Solene."

Bahagya akong natigil sa paghinga dahil sa narinig kong iyon. Pumwesto ako sa ilalim ng shower upang may mainit na tubig na dumaloy sa katawan ko ngunit napalunok ako nang unti-inti rin iyong lumalamig. Napayakap ako sa sarili ko at kaagad na pinatay ang tubig saka binalot ang sarili ng tuwalya.

Mabuti na lang at nakabanlaw na ako.

Napapikit ako saka bumuntonghininga. Ilusyon lang 'yon, guni-guni mo lang 'yon, Airish. Pilit kong kinumbinsi ang sarili na ganoon nga lamang iyon ngunit ayaw maniwala ng utak ko. Yumakap na lang ako sa sarili unti-unting binuksan ang salaming pinto at humakbang palabas.

Ngunit bumungad sa akin ang isang nakaitim na nilalang. Nakasuot siya ng puting maskara at purong itim naman ang kaniyang mga mata. May nakataklob sa ulo niya at karugtong no'n ang isang klase ng mahabang damit. Ni hindi ko makita ang kamay niya dahil sa haba ng sleeves no'n.

"Airish Solene."

Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang marinig kong tawagin niya ang boses ko. Siya ang tumatawag sa akin, sa kaniyang boses ang narinig ko sa bahay ni lolo. Pero, paano niya ako nasundan dito?

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya, pinipilit na hindi manginig nag boses ngunit nabigo ako. Unti-unting bumigat ang paghinga ko nang makita ang mga usok na lumabas mula sa mahaba niyang sleeves. Napalunok ako. "Anong kailangan mo sa 'kin?!"

"Ikaw. Ikaw mismo ang aking kailangan."

Naramdaman ko ang lalong panlalamig ng paligid at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit akong umatras hanggang sa makapasok ulit ako sa shower place at mapasandal sa basa at malamig na pader. Wala pa siyang ginagawa ngunit ang lebel ng takot ko ay hindi ko na masukat.

"H'wag... tigilan mo ako! Lumayo ka!" Napapikit ako at naramdamang tumulo ang mga luha ko. Napahikbi ako at dinasalan ang lahat ng santo upang lumayo siya sa akin. Napatili naman ako ng biglang may yumakap sa akin, pilit akong nagpumiglas pero natigil nang marinig ko siyang magsalita.

"Airish, what happened? Anong nangyayari sa 'yo? Bakit ka sumisigaw?" Tanong niya matapos kumalas sa pagkakayakap. Nakahawak siya sa tigkabilang pisngi ko at nakatitig ng diretso sa mga mata ko. "You seems so scared, what happened? I think it's better if you stay here instead..."

"No, no, no, don't leave me here. H'wag mo ako iiwan mag-isa..." isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at narinig ko naman siyang bumuntonghininga. Yumakap siya sa akin ngunit hindi iyon gano'n kahigpit, narinig kmat naramdaman ko rin ang paglunok niya. Kaagad naman akong napahiwalay nang mapagtantong tuwalya lamang ang bumabalot sa katawan ko.

"I-I'll wait you outside..."

Tumango na lang ako at niyakap ang sarili dahil sa hindi maipaliwanag na kahihiyan. Nang makalabas siya ay dali-dali akong nagsuot ng damit at nakapagtataka namang pati size ng panty ko ay kuhang-kuha niya! Tamang-tama lang din ang ibinigay niya sa akin kahapon!

Nang lumabas ako ng k'warto ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin lamang sa mga naglalarong kamay niya. Tumighim ako at kaagad naman siyang napaayos ng upo.

"U-uh, marunong ka mag-ayos ng buhok? Hehe..." nag-aalangang tanong ko sa kaniya at narinig ko naman siyang mahagyang tumawa. Hindi naman kasi ako marunong mag-alis ng buhok, basta masuklay ko at maitali, ayos na 'yon!

Umupo ako sa kama at siya naman ay nasa likuran ko. Nagsimula siyang suklayin ang buhok ko at sa paghahati niya ay nalaman ko kaagad na ib-braid niya ang buhok ko. Nagsimula siya sa bandang itaas ngunit hindi naman sa may noo ko, doon lang sa tuktok hanggang sa matapos siya. May naiwang buhok sa mukha ko dahil hindi iyon nadala sa pagsuklay dahil maiksi.

Bahagya pa niyang ginulo ang bawat tipak ng braids dahil magulo naman daw kaya guguluhin na niya. At the end, maayos naman siya tingnan, kung hindi niya nga ginulo pa ng bahagya ay makikita ang hindi pantay-pantay na haba ng buhok ko.

"Salamat!"

Bahagya lang siyang tumawa saka mahinang pinisil ang pisngi ko. May kinuha siya mula sa isang secret drawer na nasa ilalim ng kama at nagulat nang makitang may espada roon. Ibinigay niya sa akin at bahagya naman akong napanganga dahil sa ganda no'n! Inilabas ko siya muli sa lalagyan at nakita pa ang repleksyon ng sarili sa talim dahil sa kintab!

"Hindi ba ako makakapatay nito?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya at narinig ko naman siyang tumawa kaya napakunot ang noo ko.

"That's what it is for, Airish. That sword is for killing, it's not just a design or a match for your outfit," sabi niya at napangiwi naman ako. Bakit parang gusto niya pa akong pumatay? Lamok nga hindi ko mahuli-huli, e! "Bring that with you, just incase... you know, just incase we – you need it."

Napatango naman ako. Okay, for emergency purposes ang espadang 'to. Lalaban ka kapag may dapat labanan, Airish. You are not a coward. You will not show sympathy. Show them no mercy, Airish Solene. Napatango ako dahil sa isipin na 'yon at nakita ko naman si Darren na tinatawanan ako kaya hinampas ko ng mahina ang braso niya.

"H'wag mo ako tawanan, mino-motivate ko ang sarili ko! Tara na nga, nagmumukha ka ng unggoy katatawa!" Saad ko at nauna nang maglakad palabas ng silid kaya hindi ko na nakita pa kung ano ang naging reaksyon niya nang ihalintulad ko siya sa unggoy.

Gumagawa ng tunog ang bawat yapak ko at nai-enjoy ko naman ang tunog na iyon. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong CEO ng isang malaking kumpanya ay nagmamadali ako papunta sa meeting room kaya ganoon ang tunog ng yapak ko. Nakakatunog mayaman! Parang ayaw ko na tuloy hubarin 'tong boots na 'to!

"Ay, wala na sila?" Tanong ko kaagad nang makarating kami sa ibaba. Wala ng ibang tao roon, patay na rin ang mga ilaw.

"Umalis sila no'ng naliligo ka, kaya pinuntahan na kita roon pero nasa malayo pa ako ay rinig ko na ang mga sigaw mo," sabi niya at napanguso na lang naman ako. If he only knows. "So, ano? Let's go? Dapat makarating tayo roon bago magtanghalian dahil ayaw ko naman magutom!"

Tanging tango na lang ang naitugon ko sa kaniya at sabay naman na kaming lumabas ng bahay nila. Sumakay na kami sa kotse at dire-diretso nang nag-drive paalis, kusa namang sumara ang pinto pati na ang gate ng bahay nila. Hindi ko alam kung motion activated ba ang mga pinto nila o mayroon lamang nilagay na salamangka.

Ilang minuto nga lamang at narating na namin ang puno ng santol kung saan nasa likod ang bahay ni lolo Julian. Bumaba siya sa kotse kaya bumaba na rin naman ako.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kaniya dahil nalilito kung bakit kami naririto. Dito ba ang kaibigan na sinasabi ni Tito Bruno, si lolo Julian mismo? Eh? May sinabi niyang kung anong salita at napa-oh naman ako nang makitang magliwanag ang puno ng santol. "Ah, sabi ko nga ito ang daan, he-he."

Tinawanan niya ako saka hinila na ako palapit sa kaniya. Mahigpit niya akong hinawakan at sabay na kaming humakbang papasok sa portal na iyon, at sa oras ng pagpasok namin ay kasunod no'n ang pagbaliktad ng sikmura ko. Napaluhod pa ako sa kung ano man ang natatapakan namin, pakiramdam ko ay nasusuka ako.

Mabuti na lang at nakahawak pa rin siya sa akin, makalipas ang ilang segundo ay unti-unting nawala ang liwanag at bumungad na sa akin ang isang kakahuyan. Tinulungan niya akong tumayo at napasandal naman ako sa kaniya dahil hindi pa rin ako nakaka-recover mula sa impyernong portal na 'yon.

"Ayaw ko na ulit dumaan do'n! Mamamatay ako nang wala sa oras diyan!" Reklamo ko sa kaniya at sinamaan ko naman siya ng tingin nang tawanan niya ako. "Anong tinatawa-tawa mo riyan? Seryoso ako, Darren! Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa pagdaan natin diyan!"

"But unfortunately, there's no other way but that," at tila gumuho naman ang mundo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Walang ibang daan upang makauwi kami, kundi ito lang?! "But if we're lucky enough fof the Goddess to give us the opportunity to fly, we could go home by going through the moon. Iyon ang dahilan kung bakit karamihan sa napupunta sa mundo natin ay mga nakakalipad."

"Napakamalas naman! Dapat pala unang tinuro sa akin ay kung paano makalipad – ay wait, kaya ko ba lumipad?" Natauhan ako dahil sa sinabi kong iyon. Dapat kasi may mga listahan kung ano-ano ang mga kaya kong gawin, e! "H'wag na nga, hayaan mo na. Tara na, baka masapak pa kita."

Habang naglalakad kami ay inililibot ko ang tingin ko sa paligid, kakaiba ang mga puno dahil gumagalaw ang mga iyon. Yumuyuko ang mga punong nadaraanan namin, may mga kakaibang ibon, may mgakakaibang bulaklak. Ngunit ikinawindang ko talaga nang biglang may humarang sa aming oso, at biglang nagsalita!

"Magandang araw mga kaibigan!" Bati sa amin ng nakangiting oso at wala naman akong naging ibang reaksyon kundi panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat.

Umiwas din naman siya sa daan nang batiin siya pabalik ni Darren. May mga bulaklak din na nagsasalita at napayakap na lang naman ako sa braso ni Darren dahil kahit na inaasahan ko na ang napakaraming wirdong bagay dito ay hindi ko pa rin maiwasang magulat.

"Don't be afraid, Airish. This is home. This is where you are supposed to be – where we are supposed to be. And you should be used for weird things like those because you would see things like that when we stayed here for good," sabi niya na nagbigay ng kung anong kaba sa akin imbis na saya. "This is underworld, Airish. A world where your fantasies exist."

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top