05
V: Hope
AIRISH
KAMING dalawa lang ni Darren ang nandito aa sasakyan niya dahil si lolo ay susunod na lang daw dahil mayroon siyang importanteng lakad. Sasakay na nga sana siya kanina dito sa kotse ngunit biglang lumabas ang mga gnomes na sinasabing may tumatawag sa telepono. Wala akong ideya kung anong gagawin ni lolo ngunit parang alam naman ni Darren.
Ngunit ayaw niyang sabihin.
"Wait, Darren, tinawag ka ni lolo na batang Synthus... galing ka sa pamilyang 'yon?" Tanong ko sa kaniya dahil biglang naalala ko ang pagtawag sa kaniya ni lolo kanina. Naalala ko rin kasi ang mga angkan-angkan sa nabas akong libro at nabanggit do'n ang Synthus!
"Yes..." tanging naging tugon niya habang diretsong nakatingin sa daan. Tinitigan ko siya habang nakakukot ang noo at mukhang hindi naman siya kumportable sa titig kong iyon. "H'wag mo akong titigan nang ganiyan, noong huling ma-distract ako habang nagmamaneho ay bumangga ako sa puno na nasa tapat ng bahay niyo."
"Ano namang nakaka-distract sa akin?! Tinitingnan lang naman kita kasi hindi ako sanay na ang seryoso ng mukha mo, pumapangit ka kaya!" Pagbibiro ko sa kaniya at natawa na lang naman ako nang makita ko ang pagkunot ng noo niya. "Bakit, hindi mo matanggap na pumapangit ka?"
"Hindi ko talaga matatanggap 'yon, palaging sinasabi sa akin ni mommy na ang pogi-pogi ko raw, e," saad niya na puno ng hinanakit.
"Siyempre, mama mo 'yon, e!" Natatawnag ani ko at lalo pang natawa nang makita ang paglukot ng mukha niya. Nakita ko siyang ngumuso at nanatili lamang ang tingin sa unahan. Pinanatili ko naman ang titig ko sa kaniya at napansin ko ang paglunok niya dahil doon. "Bakit bothered na bothered ka sa titig ko sa 'yo?"
"Pakiramdam ko gusto mo akong halikan, e," saad niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Yuck! Ang kapal ng mukha!" Inaamin kong naging crush kita pero hinding-hindi ko naman hihilingin na mahalikan ka! Napakakapal ng mukha! "Hindi naman ako gano'n kalandi para patulan ka pa 'no! Saka, ikakasal ka na sa pinsan ko, hindi ako ahas!"
"Too defensive."
"Siyempre! Parang napakasama ng tingin mo sa akin, e! Nakakainsulto 'yon, ha!" Pagkasabi ko ay tumingin na lang ako sa unahan at ini-krus ang dalawang braso sa dibdib saka nanahimik na lang. Nagpakawala ako ng buntonghininga saka pinili na lang na manahimik sa hindi ko malamang dahilan.
"Hey," tawag niya sa akin ngunit hindi na ako lumingon at nanatiling nakatingin lamang nang diretso sa daan. Hindi dahil naiinis ako sa kaniya, kundi dahil may kung anong liwanag ang nabubuo sa lugar na iyon. Napakalayo dahil kahit umaandar ang sasakyan ay nananatiling ganoon ang distansya niyon sa amin. "Galit ka ba?"
"Ha? Hindi, ah! Nakikita mo ba 'yon?" Pagtatanggi ko at itinuro na lang sa kaniya ang liwanag na nakikita ko sa dulo ng tuwid na daan. "Napakaliwanag, imposibleng araw iyon tapos tanghali pa lang naman, saka kung hapon naman na ay hindi diyan lumulubog ang araw."
"Ang alin? Anong liwanag ang sinasabi mo?" Tanong niya na naging dahilan upang muli akong lumingon sa kaniya. Hindi niya nakikita?
"May liwanag – wala, hayaan mo na." Bumuntonghininga na lang ako at muling tumingin nang diretso sa unahan. Hindi ko maintindihan, bakit may mga bagay na ako lang ang nakaririnig at nakakakita? Mayamaya ay naramdaman kong tumigil kami sa pag-andar at nakitang nasa tapat na kami ng isang malaking bahay. "Nandito na ba tayo?"
"Oo, kaya halika na, bumaba ka na riyan," sabi niya at sinunod ko na lang naman iyon. Nag-aalangang naglakad ako patungo sa harap ng pinto ngunit hindi ko magawang katukin iyon kaya hinintay ko na lamang si Darren. "Bakit hindi ka pa pumasok?" Tanong niya at tanging iling lang naman ang naitugon ko roon.
Binuksan niya ang pinto saka naunang humakbang papasok, hihilahin san aniya ako papunta sa loob ngunit hinawi ko ang kamay niya at humakbang papunta sa loob. Wala namang tao ang bumungad sa amin, lumiko si Darren sa kanan kaya sumunod ako sa kaniya at nakita ko roon ang kaniyang mga magulang habang kausap si lolo.
Wait, anong ginagawa ni lolo rito? Akala ko ba mah importante siyang lakad? Bakit naunapa siya sa aming makarating?!
"Lolo, ang bilis mo naman po!" Kaagad na sabi ko nang makalapit ako sa kanila. Naupo ako sa isang single sofa, hindi pa rin makapaniwala na nauna pa sa amin si lolo na makarating dito! Marunong ba siya ng teleportation? Kung oo, sana maturuan niya ako kung paano 'yon!
"Hindi ako mabilis, Solene, sadyang mabagal lang kayo," saad ni lolo na nagpakunot ng noo ko. Napatingin naman ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata nang makita na magaalas-dos na!
Hindi naman ako nakapagsalita at napaawang na lamang ang bibig dahil hindi ko namalayan na sobrang tagal pala naming nagba-byahe. Halos dalawang oras!
Nag-usap na lamang sila doon at hindi na ako gumawa pa ng kahit na na anong ingay. Habang nag-uusap sila ay nakatitig lamang ako sa relo ko, tila napakatagal ng oras nang panoorin kong umandar ang relo ko. Ang daya, kapag hinihintay na lumipas ang oras lalong tumatagal!
Nagulat ako nang niglang tumunog ang relo ko dahilan upang matigil sila sa kanilang pag-uusap. Ginawa ko ang lahat para mapatigil ang ingay no'n pero hindi talaga siya tumigil kaya nagpaalam akong aalis na muna at pumunta sa isang sulok ng bahay nila kung sana hindi na gaanong dinig ang ingay ng relo ko.
Makalipas nag halos limang minutong pagiingay, biglang may nagpop-up na bagay sa screen ng relo ko. Nawala ang orasan na may kamay at napaltan iyon ng parang isang notification ng isang cellphone ngunit hindi ko naman iyon mapindot. Hindi siya nako-control kagaya ng touch screen na cellphone.
Aksidente kong napindot ang buton sa gilid at nagulat nang magsalita iyon.
"Airish, anak, maligayang ika-labingwalong kaarawan. Patawad kung wala kami sa tabi mo ngayon, ngunit palagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal ka namin. Sana lumaki ka katulad ng pangarap namin sa iyo. At patawad kung may mga bagay kang malalaman na hindi namin sa iyo nasabi kaagad." Panimula ni mommy, at naramdaman ko naman ang unti-unting pagbagsak ng mga luha ko.
"Anak, lagi mong tatandaan na narito kami upang gabayan ka, upang protektahan ka. Patawad kung hindi natin maipagdiriwang ang iyong kaarawan ngunit inaasahan kong nabigyan ka ng selebrasyon ng iyong tiya kagaya ng kaniyang ipinangako." Hindi, papa, hindi, ni-hindi niya ako nagawang batiin ng maligayang kaarawan.
"Sa mga susunod na araw na ito, ipangako mo sa aking mag-iingat ka. May mga hindi pangkaraniwang bagay ang mangyayari at gusto kong ipangako mo sa amin na magiging ligtas ka. Gusto mo pang maging isang doktor, hindi ba?" Napalitan ulit ng boses ni mama si papa at lalo lamang tumulo ang luha ko nang maalala ang pangarap kong iyon.
Na hindi ko na matutupad pa.
"Ngunit labingwalo ka na ngayon anak, at maaari mo nang makuha ang perang iniwan namin sa iyo. Sapat ang mga iyon sa iyong mga gastusin at maging ang mga bayarin sa paaralan." Natigilan ako nang marinig ang sinabing iyon ni papa. Pera? Sa bangko? "Mamimiss ka namin anak, maligayang kaarawan, at sana tuparin mo ang pangarap mong iyon para sa iyo... at para sa amin."
"Mahal na mahal ka namin, Airish, palagi mong tatandaan iyan." Sa huling sinabi nilang iyon ay doon lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa sahig habang ang dalawang kamay ko ay nasa aking mukha.
Natigil naman ako dahil sa gulat nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. "Shush, h'wag ka nang umiyak," narinig ko ang boses ni Darren at napansandal naman ako sa kaniya saka doon umiyak sa kaniyang leeg. "Tahan na, sigurado akong hindi nila gustong makita na umiiyak ang prinsesa nila."
Naiintindihan ko na, kaya biglang naisipang umalis ng tiyahin ko ay dahil kukuhain niya ang yamang iniwan sa akin nila mama at papa. Ngunit, hindi nila makukuha iyon nang walang pahintulot ko, hindi ba? Kailangan do'n ang pirma ko, ang fingerprints ko, maraming proseso bago 'yon mapunta sa kamay nila!
"Maaari ba tayong pumunta sa bangko, Darren? Mabilis lang..." Tanong ko sa kaniya at walang atubiling tinulungan naman niya akong tumayo saka inalalayan akong maglakad. Nagpaalam siyang may pupuntahan lang kami at kaagad niya akong pinasakay sa sasakyan niya.
Nandoon pa 'yon, nandoon pa 'yon...
Pinaharurot ni Darren ang sasakyan niya at wala pang sampung minuto ay narating na namin ang bangko. Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Bumilis ang tibok ng puso ko, may namuong takot sa dibdib ko, takot na baka nakuha na nga nila ang bagay na dapat ay sa akin.
"Sorry ma'am, pero wala na pong laman ang account na sinasabi niyo," saad ng babae na nagpaguho ng mundo ko. "May nagbuksan na po kaninang umaga, nagngangalang Lucy Cortez. May mga papeles po silang ibinigay na nagpapatunay na pinahintulutan sila ni Airish Solene Salazar."
"Imposible 'yon, ako si Airish Solene!" May ipinakitang papeles sa akin ang babae at nagulat nang makita na naroon nga nag pirma ko, pati ang fingerprints! Madaling makuha ang fingerprints pero... pero paano nila napeke ang pirma ko?! "Hindi..."
Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na sinabi ng babae at lumuluhang lumabas na lamang ako sa lugar na iyon. Sinalubong ako ni Darren at walanaman akong nagawa kundi ang sumunggao sa dibdib niya at doon ibinuhos ang mga luha ko. Wala na, nakuha na nila.
"Darren, kinuha na nila... Kinuha nila 'yong dapat sa akin..." humigpit ang yakap ko sa kaniya at ramdam na ang unti-unting pamamasa ng damit niya dahil sa luha ko. "Paano ko matutupad ang pangako kong 'yon, paano ako makakapag-aral kung kinuha na nila lahat..."
"Shush, we'll find them. We'll find a way to find them. Shush," he caressed my back and it helped me calm myself a little. I could feel the public's eyes on us but I didn't mind. "Let's go home, I think you try to rest. We'll continue your practice tomorrow," he said softly and I nodded with still my head on his chest. "But before we go home, wanna have some ice cream?"
Tumango na lang ako at inalalayan na niya akong pumasok sa sasakyan niya. Gaya ng sbai niya, dumaan kami sa isang convenience store saka doon kami bumili ng sabi niyang ice cream. At kagaya ng napapanood ko sa tv o nababasa ko sa libro, nakakatulong ngang magpakalma ang sorbetes, hindi ko alam kung paano.
"Whenever I feel down and sad, I just go at the nearest store to buy myself an ice cream..." natatawang kwento niya sa akin at natawa na lang din ako ng bahagya. "So I have the thought that perhaps the ice cream can help you calm down too..." patuloy niya at tiningala ko naman siya.
"And somehow, it did," I smiled. Nagulat ako nang bahagya niya akong hinila palaput sa kaniya saka niyakap ako gamit ang kanang braso niya. "But, why are you doing this, Darren? This feels... illegal. You're about to be married... and I feel bad because –"
"Shush, I am willing to drop the wedding for you, I don't want to live with a criminal, a thief..." sabi niya at muli ko naman siyang tiningala at nakitang bahagya siyang nakatungo sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay napakababa ko kahit hindi naman. "At mas gugustuhin kong maging masama sa mata ng ibang tao, kaysa maging masama sa mga mata mo."
"K-kung ano-ano ka! T-tara na nga, umuwi na t-tayo!" Suway ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi dahil sa sinabi niyang iyon.
"Walang tayo," panggagaya niya sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin. Tinawanan niya ako saka hinila na ako palabas ng convenience store saka sabay na kaming pumasok sa kotse upang magdrive na pauwi.
Nang makauwi kami ay nadatnan naming naroon pa rin sa living room ang parents niya at si lolo ngunit may nadagdag na matandang babae na hindi ko kilala. Naglakad kami papasok at sabay kaming umupo sa tabi ni lolo at tahimik na nakinig sa kanilang pinaguusapan.
"Kanina lamang ay biglang umilaw muli ang brilyante ng Glaceviere..." sabi ng matanda na nagbigay ng kung anong gulat sa mukha naming lahat ng naririto. "Ibig sabihin ay may pag-asa pang nabubuhay ang tagapagmana, may pagasa pang maibalik ang kaharian ng Glaceviere. At kinakailangan nating mahanap ang tagapagmana bago pa man sumarang muli ang lagusan."
"Ngunit wala na tayong oras..." biglang sabi ni lolo na katabi ko ngayon. "Mamayang gabi na ang simula ng kabilugan ng buwan, mas napaaga kaysa sa ating inaasahan. Ibig sabihin ay mayroon na lamang tayong dalawang araw upang mahanap ang tagapagmana. At napaka-imposible no'n."
"Hindi dapat tayo mawalan ng pagasa, dahil hangga't hindi pa nagsasara ang lagusan, may oras pa tayo. Hindi dapat tayo nagsasalita ng tapos," matigas na ani ng matandang babae.
"Mayroon lamang tayong dalawang pursyentong pagasa na mahahanap natin ang tagapagmana..." sabi naman ng tatay ni Darren na lalong nagbigay ng pagasa sa akin.
"But two percent is not zero percent." Pagsabat ko sa kanila at napatingin sila sa akin saka napatango. Imposible ngunit maaaring gawing posible, ang mahalaga, may pagasa pa ring mabalik ang kaharian ng Glaceviere. May pagasa pa ring maibalik ang kapayapaan sa mundong kanilang sinasabi. Mundo kung saan ay nabibilang din ako.
———
princemattrionixx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top