03

III: Book
AIRISH

NAGISING ako nang mabigat ang katawan, ngunit pinilit kong bumangon dahil naririnig ko ang malakas na boses ni Tiya Lucy mula sa labas ng k'warto ko. Hindi ko man maunawaan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ngunit naglakad na lamang ako palapit sa pinto upang lumabas.

Ngunit hindi ko iyon mabuksan.

Kahit anong pilit kong pagtulak ay hindi ko magawa, at doon ko lamang napagtanto na ang pagsisigaw ni Tiya Lucy ay hindi dahil inuutusan niya ako. Ini-lock na nila ako at si Kim ang sinisigawan niya kanina, magkatabi ang k'warto namin ni Kim kaya akala ko ay ako ang sinisigawan niya.

"Tiya Lucy, anong nangyayari! Palabasin niyo ako rito!" Pakiusap ko ngunit hindi nila ako pinakinggan, hindi ako makasigaw ng mas malakas pa dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Wala akong nagaw akundi ang umupo na lang sa sahig at sumandal sa pinto habang umiiyak.

Masakit ang katawan ko, at nanghihina pa ako dahil hindi rin ako kumain ng hapunan. Nagpapasalamat nga ako at nagising pa ako. Mayamaya ay biglang mag nakita akong ibon na humapon sa bintana ko, mayroong nakasipit na papel sa tuka niya.

Nanghihina man ay pinilit kong tumayo saka naglakad palapit sa ibon, akala ko ay lilipad siya palayo ngunit nanatili siyang nakahapon sa grills ng bintana ko. Pagkakuha ko ng papel ay imbis na lumipas siya palayo ay lumipad siya papasok ng k'warto ko saka humapon sa lamo shade.

Nagtataka man sa ginawa ng ibon ay binuksan ko na lamang ang papel saka binasa kung ano ang nakasulat doon.

Aking nararamdaman na kailangan mo ng tulong, bata. Mamarapatin mo ba kung ika'y aking tutulungan?

Iyon lamang ang nakalagay sa papel at humanap kaagad ako ng ballpen upang ipansulat, ngunit wala akong makita. Nanghihina kong hinalughog ang mga lagayan ko ngunit wala pa rin akong nakita. Ang ginawa ko ay nagsulat lamang ako ng 'opo' gamit ang mahaba kong kuko kaya bahagya naman iyong tumala.

Ibinigay ko sa ibon ang papel saka lumipad naman na siya palayo. Napaupo ako sa kama ko at napayuko na lamang dahil sa sobrang panghihina. Mayamaya ay biglang may nakita akong liwanag at usok na nanggagaling sa kabila ng pinto ko. Agad akong napatayo at napatili nang biglang lumipad ang pinto papunta sa bintana dahilan upang mabasag iyon.

Ngunit hindi naman iyon nalaglag kasi nga may mga bakal doon.

"Ano pang hinihintay mo, hija? Tara na!" Nagulat ako nang makita ko ulit 'yong lolo ngunit ngayon ay maayos ang kaniyang damit at may hawak pa siyang isang patpat na mayroong mga bagay na nakaukit. "H'wag ka nang matakot! Akala ko ba kailangan mo ng tulong? Tara, magpapaliwanag ako sa 'yo!"

Sumunod na lang ako kay lolo kahit na nanghihina. Ngunit nang makababa ako ay nagulat ako nang makitang wala ng mga gamit doon. Umalis sila, ng hindi ako kasama. Masama man ang loob ay sumunod na lamang ako kay lolo, ngayon ko lang napagtanto na wala akong dala na kahit ano.

Ngunit, ano naman ang dadalhin ko? Wala naman ang mga bagay na importante! Tanging ang pwerselas at relo na lang naman na ito ang tanging yaman ko. Tapos na rin naman ako ng pag-aaral at hindi ko nga alam kung paano ako makakatapak ng college. Wala akong pera.

"Dito tayo, hija."

Lumiko kami sa may puno ng santol na pinagtambayan namin kahapon at tinuloy-tuloy namin ang daan doon. Mayamaya ay may bagay na ibinulong si lolo habang iwinawagayway ang kaniyang patpat. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong may lumitaw na malaking bahay sa harapan namin.

Naka-invisible yata ito kaya hindi ko nakikita kahit na madalas naman akong dumadaan sa lugar na ito.

"Whoa, lolo, bahay mo 'to?!" Gulat na gulat na tanong ko, hindi makapaniwala. Humakbang ako papasok at mas lalong namangha nang makita ang napakaraming mamahaling bagay ang nasa loob. "Napakaganda naman! Biglang nawala ang sama ng pakiramdam ko dahil sa ganda!"

"Hindi ang ganda ng paligid ang nagpawala ng sakit ng iyong katawan, ang bahay mismo ang nagpagaling sa 'yo. Espesyal ito ay itinayo pa ito ng aking lolo sa aking lolo, maraming henerasyon na ng aming pamilya ang tumira dito. At ito rin ang dahilan upang bakit madalas na humahaba ang aming buhay. Ngunit hindi ka na nito mapagagaling kapag oras n ang iyong kamatayan," pagpapaliwanag niya sa akin na lalong nagpamangha sa akin.

"Ikaw lang po ba ang nakatira dito?" Tanong ko sa kaniya habang inililibot ang tingin sa paligid. Ibang klase ang kisame, tila kita ko ang kalangitan kahit nasa loob ako. May mga lumulutang na kandila, at gumagalaw ang mga painting! Wait, gumagalaw ang mga painting?!

Tila nawindang ako nang makitang nagbo-bow sa akin ang mga painting na nadaraanan ko. Nagmadali ako at sumabay kay lolo sa paglalakad dahil hindi makapaniwala sa mga nasasaksihan. Narinig kong tinawanan ako ni lolo at napanguso naman ako dahil tawang-tawa pa siya kahit medyo natatakot na ako.

"Sige na, bahala ka kung anong gagawin mo. Iiwan muna kita riyan dahil nais kong magpahinga. Kung inaantok ka rin ay maraming k'warto na maaari mong tulugan, ikaw na ang bahalang pumili kung saan mo nais magpahinga," sabi sa akin ni lolo at napatango naman ako kahit medyo natatakot ako dito.

Pumasok na si lolo sa k'warto niya sa itaas at sumunod naman ako sa second floor, naglakad ako papunta sa kaliwa at habang naglalakad ay nakita ko ang isang silid-aklatan. Nanlaki ang mga mata ko sak amalaki ang ngiti na pumasok doon, ngunit ang lahat ng saya ko ay nawala nang makakita ako ng mga dwende, nagsasalitang mga libro, gumagalaw at nagsasalitang hagdan pati na ang lamesa.

"Aah!" Napatili ako at akmang lalabas sa lugar na iyon ngunit kusang sumara ang pinto. Lalo pa akong nawindang nang biglang magsalita ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito, magandang binibini?" Tanong ng pinto, boses babae siya kaya medyo nabawasan naman ang takot ko. Napalunok na lang naman ako at umaatras dahil nakakatakot talaga ang lugar na ito. Ngunit sa kakaatras ko ay biglang tumama ang likod ko sa isng matigas na bagay.

"Hey, watch it!"

Humarap ako roon at nakita ang isang bookshelf na nasa harapan ko, siya yata ang nabundol ko. Napalunok na lang ako at napalipat naman ang tingin sa mga dwente na sa tingin ko ay kanina pa nakatitig sa akin. Ang iba ay babae habang mas marami pa rin ang lalaking dwende. Umupo ako sa sahig upang mas makita sila nang maayos.

Nagtipon sila sa harapan ko at nakipagtitigan lang naman sa akin. Pinindot ko ang ilong ng isa at napahawak naman siya doon at nakita ko ang pamumula ng napakaputi niyang balat. Bahagya naman akong natawa dahil napaka-cute nila, bahagya na ring nawawala ng takot ko dahil siguro bahagyang nasanay na.

"Binibini, ano ang iyong ngalan?" Tanong sa akin ng isang babaeng dwende na naka-twin braids ang buhok. Nag-indian sit ako sa harap nila upang maging kumportable saka tinitigan sila.

"Ako si Airish. Kayo, anong mga pangalan niyo?" Nakangiti kong tanong sa kanila, pilit kong ginawang malumanay ang boses ko dahil baka matakot ko sila at biglang magtago kung saan-saan.

"Kami ay mga Earth Gnomes. Kami ang tagapagbantay ng nitong tirahan ni Master Julian," sabay-sabay nilang sagot. At natawa na lang naman ako dahil literal na sabay-sabay iyon dahilan upang magsama-sama ang maliliit nilang mga boses. "Ikaw, bininini, anong ginagawa mo rito?"

"Hindi ko rin alam, basta sumama lang ako kay lolo. Tinulungan niya akong makalabas sa k'warto ko dahil kinulong ako roon ng aking tiyahin. Iniwan din nila ako at hindi ko na alam kung saan sila pumunta ngayon," pagke-kwento ko sa kanila at ang kanilang mga ngiti ay napalitan ng lungkot.

"Sino sila? Dapat silang maparusahan!" Sigaw ng isa na sinangayonan naman nilang lahat. Natawa na lamang ako at inilibot ang tingin sa paligid, at dumapo naman ang mata ko sa isang libro. Nakuha no'n ang atensyon ko hindi lang dahil nagliliwanag 'yon, kundi dahil na rin sa nakasulat sa pabalat no'n.

Four clans of the underworld.

Tumayo ako saka kinuha ang libro na iyon, pinagmasdan ko ang panlabas na anyo no'n at napansing kakaiba ang pabalat ng librong ito. Makapal din ang librong hindi, hindi dahil marami ang kaniyang pahina, kundi dahil makapal ang bawat pahina. Ang texture niya ay hindi basta papel, magaspang siya ngunit tila waterproof.

"Kung iyong tinatanong kung bakit kakaiba ang librong iyan, gawa 'yan sa balat ng isang taksil sa aming mundo. Hindi 'yan napupunit, hindi nasusunog, at hindi nababasa. Iyan ang pinakamatibay na librong nagawa sa aming mundo, at tanging si Master Julian lamang ang mayroong kopya niyan." Paliwanag sa akin ng isang dwende at napalunok naman ako.

Gawa sa balat?

Umupo ako sa isang sofa saka ipinatong ang paa sa lamesa at nagsimulang basahin ang nakatala sa librong hawak ko. Bumalik naman sa kaniya-kaniyang gawain ang ibang dwende habang ang iba ay tumabi sa akin. Ang iba ay inaayos ang buhok ko. Habang ang iba ay minamasahe ang paa at balikat ko.

Sinubukan ko silang pigilan ngunit hindi sila nagpasaway kaya hinayaan ko na lang sila at nagbasa na lamang.

"Flairewell Clan, the fifth family and the irrelevant one... such a mean word to say. They are filled with dark magic and are known for breaking the rules. And just one day, the clan made something that caused their own family to break. And soon, Flairewells are no longer can be called a kingdom and is kicked out of the underworld," nalungkot ako dahil sa nabas ako at bumuklat na lamang upang hanapin ang sunod na pamilya.

Nahanap ko na ang iba ngunit tinamad na akong basahin pa silang lahat. Inalala ko na lamang ay ang pangalan nila at kung anong kapangyarihan ang kanilang pinanghahawakan. Tungkenstein Clan, power of air. Franksean Clan, power of water. Synthus Clan, power of soil. And Glaceviere, the powerful among all.

Dahil sa pagkawala ng tagapagmana ng Glaceviere ay kasunod no'n ang pagkawala ng kaharian na naging sanhi ng pagkawatak-watak ng lahat. Napuno ng gulo, away, at pagpatay ang underworld dahil sa pangyayari. At inaasahan ng nakararami na kapag naibalik ang tagapagmana ay baka maaari pang maibalik ang kaharian, ngunit iyon ay kung nabubuhay pa ang tagapagmana. Dahil noong sampung taon na ang nakaraan ay biglang nawalan ng liwanag ang brilyante ng Glaceviere na ikinawalan ng pagasa ng lahat. Dahil sa oras na mawalan ng ilaw ang brilyanteng iyon, ay senyales na rin iyon ng pagkawala ng tagapagmana. At kapag nawala ang tagapagmana, ibig sabihin ay mawawala ang liwanag sa daan, mawawala ang pagasa, mawawala ang hinaharap para sa nasabing kaharian.

Dahil sa nabas akong iyon ay nakaramdam ako ng kung anong lungkot, napakasama pala ng nangyari. At paano kaya ang mangyayari sa susunod pang mga araw? Mas magiging masama ba ang mga pangyayari?

Hindi man ako kabilang sa kanila ay nakaramdam ako ng kung anong pagkalumbay. Napakraming pinagdaanan at pinagdaraanan ng kanilang mundo, at sa susunod na araw ay may bagong problema silang haharapin. Bumuntonghininga ako at tumingin sa mga Gnomes.

"Sa tingin niyo, ano kayang mangyayari pagdating ng kabilugan ng buwan?"

"Siguradong marami ang masasawi, marami ang mapapasama sa aming mundo, at muling mabubuhay ang dugo ng mga bampira. Maraming mga babae ang masasalinan ng dugo ng kung sino mang immortal, katulad nang palaging nangyayari," bakas sa kanilang boses ang lungkot.

"Sa tingin niyo, may pagasa bang maibalik ang kaharian ng Glaceviere? Hindi man ako katulad niyo pero siguradong napakahirap ng pinagdaanan niyo simula nang mawala ang kahariang iyon," sambit ko na sinangayonan nila.

"Totoo iyan, napakahirap, dahil ang Gkaceviere lamang ang may kakayahing kontrolin ang kapayapaan sa aming mundo. Ang mga dugong Glaceviere lamang ang sinusunod ng lahat. Tanging Gkaceviere lamang ang nagbibigay protekta sa mga kaharian laban sa mga masasamang underworlders," paliwanag nila.

"Kung tinatanong mo naman kung makababalik pa ba nag kahariang iyon, hindi na namin sigurado. Wala na ang liwanag ng Glaceviere at kamakailan lamang ay nabasag ang kanilang brilyante dahil na rin sa tagal no'ng walang liwanag at walang kapangyarihan na pumapasok. At hindi na din kami sigurado kung may mga dugong Glaceviere pa ba ang nabubuhay sa ngayon," k'wento naman ng isang lalaki.

Napatingin na lamang ako sa libro at binuklat iyon hanggang sa makarating sa huling pahina. May nakasulat doon na mga kung ano-anong letra ngunit ang iba ay naiintindihan ko, ngunit ang iba lang. Hindi lahat. Dahil tanging dalawang salita lamang ang nababasa ko.

Glaceviere Clan.

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top