02

II: First Love
AIRISH

NANDITO lamang ako sa kusina dahil bukod sa sinabi ni Tiya Lucy ay nahihiya akong humarap sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Pero may parte sa akin na nagsasabing hindi ako nararapat doon. Tahimik ko silang nilingon at napabuntonghininga nang makita si Kim at Darren na magkatabi.

It delivered a different kind of pain in my heart, a kind of pain that I never felt before.

Siguro, ang buhay ko ay parang kay Cinderella, ngunit hanggang sa unang buhay niya lang ako. Kasi wala namang fairy god mother na magbibihis sa akin at tutulungan akong makapunta sa ball. Isa pa, wala namang gaganaping ball at higit sa lahat, hindi totoo ang fairy god mothers.

Pinanood ko silang magtawanan at masakit isipin na habang buhay kong maaalala ang pagakbay ni Darren kay Kim. Pero, ano bang magagawa ako? Ako lang naman ito, si Airish. Nakatakda silang ikasal, habang ako ay nakikilala pa lang ni Darren kanina.

Hindi naman na siguro nila ako kailangan, 'di ba? Siguro, mas mabuting maggala muna ako sa labas at bumalik na lamang bago magdilim. Napatango ako dahil sa ideyang iyon ay kinuha ang isa pang plato ng cookies at isang plato ng sandwich upang palitan ang platong naroon na wala ng laman.

"Tiya Lucy, lalabas lang po ako. Babalik na lang ako mamaya," pagpapaalam ko sa kaniya at tumango na lang naman siya. Siguradong sumangayon lang siya dahil may bisita, dahil kahit kailan naman ay hindi niya ako pinayagang gumala sa bayan.

Ngunit bago ako umalis ay nakita ko ang mga bagay na nakatataksa pulso nilang dalawa. Sa kanang pulso ni Darren ay mayroong buwan, habang sa kaliwang pulso naman ni Kim ay mayroong araw. Nang magtagpo ang mata namin ni Darren ay binigyan ko lamang siya ng maliit na ngiti saka tinalikuran na sila.

Lumabas ako ng bahay at nang makalayo-layo ay biglang bumuhos ang mga luha ko.

Ito na ba 'yon? Ito ba 'yong sinasabi nilang love at first sight? Ito na ba ang sinasabi nilang pagibig? Ngunit, bakit sa mga nababasa at napapanood ay hindi naman ganito ang nararamdaman nila? Kapag umiibig sila ay nakararamdam sila ng saya, ngunit, bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko?

Kasama ba ito sa pagibig? Ang masaktan?

Napayuko ako at hinayaang bumuhos ang mga luha ko. Halos gabi-gabi naman akong umiiyak, pero, naiiba ang iyak na ito sa mga iyon. Ang iyak na iyon ay para sa pangungulila ko sa mga magulang ko, ang iba ay dahil sa pangaalila nila sa akin. Mababaw man ang dahilan ng pag-iyak ko ngayon, pero nasasaktan pa rin ako.

Kapag umiibig ka ba, masasaktan ka rin?

"May iba't ibang klase ng pagibig." Nagulat ako dahil sa boses na iyon. Lumingon ako kung saan nanggagaling iyon saka nakita ko ang isang matandang lalaki na nasa lilim ng puno ng santol. "May pagibig sa magulang, may pagibig sa pamilya, may pagibig sa kaibigan, may pagibig sa kalikasan, may pagibig sa kapwa, at ang pagibig na nararamdaman mo ngayon."

Hindi ko alam kung anong iniisip ko dahil biglang naglakad na lang ako papunta sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka sinenyasan akong maupo sa harapan niya, at sinunod ko naman iyon.

"Ikaw si Airish, hindi ba?" Tanong niya sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. "H'wag ka nang magtaka kung alam ko ang iyong ngalan, alam ko ang pangalan ng bawat tao sa subdivision na ito. Kumusta ka naman? Balita ko ay hindi naging maganda ang iyong unang pagibig?"

"Stalker ka po ba?"

"Naku, hija. Hindi. Napakapangit namang pakinggan ng salitang stalker! Malalaman mo rin sa tamang panahon kung sino ako, ngunit mayroon lang sana akong nais sabihin sa iyo," sabi niya na nagpabuhay sa kuryosidad ko. Kapag talaga hindi niya itinuloy kung ano man ang sasabihin niya, ewan ko na lang!

"Ano po 'yon?"

"Alin ba ang gusto kong unahin? Ang maganda? O ang masama?" Bigla naman akong kinabahan dahil sa tanong niyang iyon. Tumatawa siya at siya na lang din ang sumagot sa kaniyang tanong. "O'sige. Uunahin ko na ang maganda. Nais ko lang sabihin na maligayang kaarawan, at sana ay humaba pa ang iyong buhay. Hiling ko rin na mamuhay ka ng masaya at may malusog na pangangatawan."

"Salamat po," tanging tugon ko kahit na naguguluhan kung paano niya nalaman pati ang kaarawan ko.

"Ang isa naman ay, mag-iingat ka. Ang paparating na kabilugan ng buwan sa katapusan ay hindi pangkaraniwan. Magdudulot iyon ng delubyo dahil magbubukas ang lagusan sa dalawang magkaibang mundo. Kaya mag-iingat ka, tatlong araw ang itatagal no'n," sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Ano pong dalawang magkaibang mundo? Ano pong lagusan ang tinutukoy niyo? Saka, wala namang ganitong nangyari noong mga nagdaang taon!" Hindi makapaniwalang saad ko. Napaka-imposible naman yata ng sinasabi ni lolo? Dalawang magkaibang mundo? Nasa isang pelikula ba ako?

"Malalaman mo rin kung ano ang tinutukoy ko, hija. At kung iyo namang tinatanong kung bakit wala nito noong mga nagdaang taon, ay dahil nangyayari lamang ito tuwing labing-walong taon," pagpapaliwanag sa akin ni lolo na nagbigay ng kung anong kaba at takot sa akin. Kaba at takot sa posibleng mangyari kung totoo man ang sinasabi ni lolo.

Napalunok ako, "Noong... huling nangyari po iyon. Ano ang nangyari? Gaano kasama ang nangyari?"

"Noong huling nangyari iyon? Delubyo pa sa delubyo. Iyon ang napakasamang nangyari mula sa dalawang mundo. Dahil ang nangyari labingwalong taon na ang nakararaan, ay nagdahilan upang magkawatak-watak ang aming mga angkan. Iyon ang dahilan kung bakit narito ako sa iyong harapan. At ang pinakamalaking problemang naidulot niyon ay... nawala ang tagapagmana ng trono ng Glaceviere." Malungkot na k'wento ni lolo.

"Kung nangyari na po ito noon, ibig sabihin, informed na po ang mga tao na nage-exist ang mundong sinasabi niyo?" Tanong ko sa kaniya at napatingin naman siya sa kalangitan na unti-unting natatabunan ng makakapal na ulap.

"Oo, ngunit mas pinili nilang manahimik at gawing biro ang lahat kaya hindi ito nailabas upang malaman ng lahat. Halos lahat ng nakaranas niyon ay kung hindi namatay ay nawalan ng memorya, nabulag, napipi o nabaliw. Kaya wala nang naniniwala." K'wento ni lolo na nagdulot ng kung anong bigat sa dibdib ko.

"Ngunit, bakit niyo po sa akin sinasabi ito? Bakit, bakit parang ako lang ang iyong binabalaan?" Tanong ko ulit dahil kung gusto niyang maligtas ang mga tao ay sasabihin niya ito sa lahat.

"Gaya ng sabi ko, wala ng naniniwala. Sinubukan kong sabihin ang mga tao rito ngunit walang naniwala sa akin, kaya hindi ako magtataka kung hindi ka rin maniniwala sa akin." Ngumiti si lolo at hindi naman ako nakapagsalita. "Nasa iyo kung maniniwala ka o hindi, basta ang gusto ko lamang ang mag-iingat ka."

May ingay na nanggaling sa likuran ko kaya bigla akong napalingon doon ngunit nang ibinalik ko ang tingin sa harapan ko ay wala na roon ang matanda. Hinahanap ko siya sa likod ng puno, sa itaas at inilibot ko rin ang mata ko sa paligid ngunit hindi na siya nahagip pa ng mga mata ko. Napakaimposible naman yatang makapagtago agad siya ng ganoon kabilis?

Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata nang makitang alas-sinco na! Agad akong tumayo saka naglakad na ulit pabalik ng bahay, ngayon ay naramdaman kong bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang sakit na nararamdaman ko kanina. At mas mabuti na iyon.

Ngunit napaltan naman ng pangamba at takot dahil sa sinabi sa akin ni lolo. Kung totoo man iyon, ganoon ba talaga kasama ang mangyayari?

Wait, ilang araw na lang at kabilugan na ng buwan!

Nang makauwi ako ay napasimangot ako nang makitang may nakagarahe pa ring Limousine sa tapat ng bahay namin. Bumuntonghininga na lamang ako saka pumasok nang hindi kumakatok. Ngunit sa tingin ko ay maling ideya ang pagpasok ng hindi kumakatok dahil tumambad kaagad sa akin si Kim at Darren na naglalamoungan sa sofa.

Kadiri!

Imbis na masaktan ako sa nangyayari ay halos masuka na ako dahil ang sagwa nilang tingnan! Ang mga magulang naman nila ay hindi ko mahanap kahit saan, pero imbis na pagtuonan ko sila ng pansin ay naglakad na lang ako papunta sa kusina saka nagluto na ng hapunan. Dinamihan ko na rin dahil sa tingin ko ay dito sila maghahapunan.

Nagluto ako ng paborito ni Tiya Lucy na menudo, adobo at chapsuey na umaalingasaw ang bango sa buong bahay. Nagluto rin ako ng carbonara dahil iyon ang madalas nilang inihahanda kapag may bisita.

Habang nagluluto ay saka ko lang napagtanto na hindi pa ako kumakain ng tanghalian kaya bahagyang nanghihina na ang tuhod ko. Tiniis ko na lamang iyon saka pinagpatuloy na lang nag pagluluto, wala namn akong problema sa kanina dahil nas arice cooker naman iyon.

Mabuti na lamang at medyo maluho sila Tiya Lucy kaya apat ang salangan ng lutin dito kaya napagsasabay-sabay ko ang mga lulutuin. Mayamaya ay pumasok na ang mga matatanda galing sa likod bahay, natigil na rin naman sila sa harutan nila kaya natahimik na ang buhay ko.

Nang maluto ang mga pagkain ay inihain ko na rin iyon dahil alas-sais na ako natapos. Sinabi ko kay Tiya na luto na nag mga pagkain kaya tinawag na niya ang pamilyang iyon. Akmang tataas akong muli sa aking silid ngunit tinawag ano no'ng isang babae na sa tingin ko ay ina ni Darren.

Tatanggi san aako ngunit nakita ko ang titig sa akin ni Tiya Lucy kaya sumunod na lamang ako kahit labag sa loob ko. Umupo ako sa tabi ni Tiya Lucy sa tapat ni Darren dahil iyon na lamang naman ang bakanteng upuan. Biglang may inihain silang dalawa pang putahe ng pagkain na hindi naman pamilyar sa akin.

"Go on, eat. I've noticed that you're avoiding yourself, while you should not," sabi niya sa mababang tono ng boses at maliit na lamang naman akong ngumiti. Hindi ako sanay, hindi ako sanay nang may umaasikaso sa akin, hindi ako sanay na mabait sila sa akin. "Here, try this."

"I apologize about Daniela, Darren is our only child and she always wanted a girl," sabi ng lalaki na sa tingin ko ay ama naman ni Darren. Obviously. Tumango na lamang ako at napansin kong ganoon din naman siya kay Kim kaya ayos lang sa akin. "Go on, don't be shy, eat."

Tiningnan ko ang pagkain na inilagay niya sa plato ko saka tinikman iyon ngunit kaagad na binitawan ang kubyertos nang mapagtanto ko ang lasa ngunit huli na nag lahat, nalunok ko na. Tinanong nila ako kung anong problema ngunit ngumiti na lang ako at hindi na ulit pinansin ang pagkain na iyon sak marahan na lang na kumain.

Ngunit pagkalipas ng ilang minuto at biglang naramdaman ko ang pangangati ng katawan ko, bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo, I feel nauseated. Kaagad akong tumayo at tumakbo papunta sa sink dahil ramdam ko ang bagay na papalabas sa bibig ko. And, I puked.

"I'm sorry, I'm allergic to s-shrimp. E-excuse me." Nakahawak sa dibdib na umalis ako sa hapagkainan at tumaas sa k'warto ko dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi pa ako nakakarating sa hagdan ay ramdam ko na ang paghigpit ng paghinga ko hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang katawan ko dahil sa pinagsamang gutom at allergy.

-**-

NAGISING ako nang may malamig na tela na nasa noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Darren. Napapikit ako ulit dahil sa panghihina ngunit biglang napamulat muli nang mapagtanto ang nakita. Si Darren?!

"Hey, are you okay? Here, have some water." Inabutan niya ang ng isang baso ng tubig at nanginginig ang kamay na tinanggap ko iyon. Pero hindi niya binitawan. Tinulungan niya akong uminom ng tubig saka ibinalik sa side table nang makainom na ako. "I'm sorry for what happened."

"It's fine, it's not your fault, though. None of you. Hindi rin naman nila alam na allergic ako sa hipon e, ako lang ang nakakaalam no'n," pilit akong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. Tinulungan niya akong sumandal at inayos pa niya ang kumot ko. "Ayos na ako rito, kaya ko na ang sarili ko..."

"Are you sure?"

"Hmm..." Tumango ako at narinig ko siyang bumuntonghininga. Hinawi niya ang mga buhok ko saka iniharap ako sa kaniya. "Sige na, bumaba ka na roon. Ayos lang ako rito. Baka hinahanap ka na sa ibaba..."

"We're really sorry about it. I'll visit you again later before we go home," sabi niya at tumango na lamang ako saka tinitigan ang likod niya hanggang sa makalabas na siya ng silid ko. Napahinga ako ng malalim saka tumitig sa bracelet na ibinigay sa akin ni mama noong bata pa ako.

"Mom, Dad, I think I just got my first love..."

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top