01

I: Guest
AIRISH

"AIRISH!" Napabuntong hininga ako nang marinig ang matinis na boses na iyon. Labag s aloob na lumabas na lamang sa k'warto at walang buhay na hinarap si Kim, pinsan ko. "Bakit ba nasa k'warto ka na naman?! Marami ka pang gawain, may hugasin ka pa, may lalabhan! Ayusin mo na nag lahat ng iyan dahil may espesyal kaming bisita!"

Wala sa sariling napairap na lamang ako at sinunod na lamang kung ano ang gusto niya dahil wala rin naman akong magagawa. Pumunta na lamang ako sa kusina at sinimulan na ang paghuhugas ng mga pinggan kahit na mabigat ang loob.

Ngayon ang ika-labing walong kaarawan ko, ngunit narito ako ngayon at pinagsisilbihan ang walang hiya kong tiyahin at pinsan. Minsan, naiip ko, paano kung nabubuhay pa kaya ang mga magulang ko? Paano kung hindi na lang ako naiwan sa tiyahin ko? Magiging maayos ba ang buhay ko?

Makararanas ba ako ng engrandeng pagtitipon para sa kaarawan ko?

Pero ang lahat ng iyon ay mananatili na lang na katanungan. Lahat ng iyon ay imposibleng mangyari pa. Huli na ang lahat, wala na nag mga magulang ko. Napakaraming taon na ang lumipas, ngunit tandang-tanda ko pa rin kung paano sila paslangin ng isang nilalang na hindi ko pa rin maunawaan hanggang ngayon.

Ang ulo nila ay sa kalabaw, ngunit ang katawan nila ay sa tao. Nasa katawang tao man sila ngunit punong-puno ng makapal at itim na balahibo ang buong katawan nila. Wala silang pantaas na damit at tanging bahag lamang ang nagtatakip sa kanilang pagkatao. Nakakatakot sila, at nakakasuka ang amoy.

Pitong taong gulang ako nang mangyari ang trahedyang iyon, ngunit tila kahapon lang nangyari ang lahat. Matalas ang memorya ko, at iyon ay pinakaayaw ko sa sarili ko. Lahat ng nangyayari sa akin sa araw-araw ay naaalala ko na nagiging dahilan ng madalas na pagsakit ng ulo ko. Marami ang gusto ng ganito, ngunit hindi ko gusto. Napakahirap.

Dahil tila pinakamasasakit na alaala ay mananatili sa isip ko habangbuhay.

"Ano ba 'yan, Airish! Bilis-bilisan mo naman! May labahin ka pa!" Dinig kong saad ni Kim na halos umabot na sa kabilang bayan ang boses. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagbabanlaw ng mga pinggan. Nasanay na ako s amga sigaw nila kaya siguro hindi na ako tinatablan ng takot. Sanay na rin akong sinasaktan nila ako. "Pupunta kami ni nanay sa bayan, dapat pagbalik namin tapos ka na ng lahat!"

Tanging buntong hininga na lamang ang nagawa ko saka tinungo ang mga labada na nakatambak sa gilid. Tinitigan ko ang mga iyon saka pinaghiwa-hiwalay ang mga de-color at de-puti. Hinila ko ang dalawang laundry basket papunta sa likod bahay saka hirap na hirap na binasa ang mga iyon. Bakit ba ganito na kaagad karami ang labahan, samantalang kalalaba ko lamang noong nakaraang araw!

Alas-nueve ko na natapos ang lahat ng labahan at kailangan ko pang banlawan ang mga iyon. Nasira kasi ang washing machine dito kaya kailangan ko itong labhan nang mano-mano. Halos isang oras din ang itinagal nang pagbabanlaw ko nang mga iyon at kinakailangan ko pa silang isampay sa ilalim ng init.

Mahigit alas-diez na nang matapos ako at saka pumasok na ulit ako sa loob upang magsaing naman at magluto ng uulamin namin. Mamaya pang alas-tres darating ang bisita nila, mas'yado lang talaga silang atat. Pero bakit nga ba sila nagdadali-dali? Ni-wala pa ngang alas-siete nang umalis sila rito sa bahay!

Wala sa sariling napailing na lamang ako saka pinagpatuloy ang pagluluto ng mga ulam. Pinagsabay ko na ang pagluluto ng dalawang ulam dahil naiinitan na ako at kailangan ko nang maligo. Ayaw nila ng iisa lamang ang putahe sa lamesa kaya kailangan kong magluto ng ulam kada kakain kami. Nakakapagod pero anong magagawa ko? Saka hindi naman ako ang gumagastos kaya ayos lang 'yan.

Nang maluto ang mga pagkain ay tumaas na ako sa silid ko upang maligo. Binilisan ko lamang ang paliligo dahil baka biglang dumating sila Tiya Lucy at biglang bulyawan ako dahil naiwan ko yatang bukas ang pinto sa likod. Kaagad akong nagsuot ng damit saka tumakbo pababa habang sinusuklay ang buhok.

At bukas nga ang pinto.

Bumuntonghininga ako at nagpapasalamat na hindi pa dumarating ang demonyita kong tiyahin. Isinar ko ang pinto saka umupo sa sofa na nasa salas at binuhay ang telebisyon dahil oras na ng isang noontime show. Pinanonood din naman ito nila tiya kaya hindi naman 'yon magagalit saka kaliligo ko lang kaya hindi marurumihan ang sofa.

Nagulat ako nang biglang may kumalabog mula sa labas, tila may bumangga sa isang bagay. Kaagad akong lumabas at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang sasakyan na bumangga sa puno ng mangga na nasa kabila ng kalsada. Kaagad akong lumabas upang tingnan ang kalagayan ng nagmamaneho no'n.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala naman siyang kahit anong sugat at pinipilit na ilayo ang air bag mula sa mukha niya. Dahil basag na ang bintana ay isinuot ko ang kamay ko roon saka pinagbuksan siya ng pinto. Tinulungan ko siyang lumabas at tiningnan kung may iba pa bang tao sa loob.

"Thanks."

Nagulat ako nang biglang marinig ko ang boses na iyon, hindi malaki ang boses niya ngunit hindi rin maliit. Parang boses ng isang lalaki lang bago siya magbinata. Unti-unti akong humarap sa kaniya at tila naputulan ng hininga nang makita ang perpektong hugis ng mukha niya.

"W-wala 'yon, he-he."

Nahihiyang umiwas ako ng tingin saka napalunok nang marinig ang mahinang tawa niya. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko saka akmang maglalakad na palayo ngunit biglang naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko, at nagdala iyon ng kung anong kuryente sa buong pagkatao ko. Omayghad.

"What's your name?" Tanong niya at dahan-dahan ko siyang nilingon habang pinipigil ang pagngiti dahil baka kung naong isipin niya tungkol sa akin! First impression is important!

"U-uh..." Disney taught me not to talk to strangers... unless they're hot. Bigla akong napailing sa isipin na iyon at ngumiti sa kaniya. "Airish. Airish Solene."

"Nice to meet you, Airish. I'm Darren Ace." Itinaas niya ang kanan niyang kamay na tila gusto niyang makipagkamay sa akin, at nahihiya ko naman iyong tinanggap. "Mayroon ba kayong telepono riyan? Maaari ba akong makigamit? Kailangan ko lang tumawag ng susundo sa akin, may importante akong pupuntahan."

"S-sure, sure! He-he."

Pumasok kami sa bahay at naglakad papunta sa telepono, naroon lang naman iyon sa sala kaya hindi na siya lalayo. Nag-dial siya ng numero at ilang segundo na naghintay ng sasagot sa kaniyang. At dahil nga matalas ang memorya ko ay kaagad kong natandaan ang numero na tinawagan niya. At hindi maganda 'yon.

"Maaari ka namang umupo... kung gusto mo," saad ko saka alanganing ngumiti. Nginitian niya ako saka umupo sa isang single sofa na malapit sa telepono. Sa ibang lengwahe sila nag-uusap, at kinilabutan ako nang maintindihan ko kung anong sinasabi niya. Para hindi ko na marinig ay nagpaalam ako sa kaniyang ikukuha ko siya ng inumin.

Kahit na sa tingin ko ay wala siyang pakialam na naroon ako, tila nai-invade ko pa rin ang privacy niya. Saka, ano bang alam niya na naiintindihan ko ang sinasabi niya? Siyempre hindi niya alam 'yon kaya siguro kampante siya, at ayaw ko namang samantalahin iyon por que hindi niya alam. I was taught with good manners!

Ikinuha ko siya ng tig-isang pitsel ng juice at tubig upang makapili siya kung anong nais niyang inumin. Nang ma-sense kong matatapos na sila sa pinag-uusapan nila ay naglakad na ako papunta sa sala saka inilapag sa center table ang tray kung saan nakalagay nag dalawang pitsel at isang baso.

"Thank you," sabi niya nang mailapag ko ang tray na iyon. Ngumiti lamang ako sa kaniya at pasimpleng tumitingin sa labas dahil baka biglang dumating ang mag-ina at mapagalitan na namna ako dahil nagpapasaok na naman ako ng taong hindi ko kilala. Nagsalin siya ng tubig sa baso saka ininom iyon.

"Uh, gusto mo ng cookies? Kukuhaan kita." Akmang tatalikod na ako ngunit pinigilan na niya ako.

"Hindi na, mayamaya ay nariyan na rin ang sundo ko... and here he is!" Napalingon ako sa labas at bahagyang napanganga nang makita ang isang Limousine na nakatigil sa tapat ng bahay namin. Inaasahan kong mamahaling sasakyan din ang susundo sa kaniya dahil nagda-drive siya ng Audi pero, Limousine?! "So, it's nice meeting you, Airish! I hope we could meet again soon!"

"You too–" naputol ang sasabihin ko nang biglang yumakap siya sa akin na nagpabilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko sigurado kung nararamdaman niya iyon ngunit hindi niya alam na nagdulot siya ng kung anong epekto sa pagkatao ko! "Uhm... ba-bye! Ingat!"

Ngumiti siya sa akin saka nagulat ako nang magbow siya sa harapan ko. Kinindatan niya pa ako bago siya lumabas na nagpatunaw sa nagyeyelo kong puso. Tumakbo ako sa bintana saka sinilip siya roon, pinagbuksan siya ng pinto ng isang lalaki saka pumasok na siya roon. Mayamaya lang ay nagsimula na rin silang magdrive paalis.

May isang sasakyan naman na naghihila sa sasakyan niyang bumangga sa puno ng mangga. Ibinalik ko na kusina ang tubig at juice saka hinugasan ang basong ininuman niya. Bumalik ako s apagkakaupo sa sofa at pilit na kinalma ang sarili ngunit ayaw na nito. Paano niya nagawang mapatibok nang ganito kabilis ang puso ko?!

"I'm Darren Ace."

"I'm Darren Ace."

Mabilis kong iniiling ang ulo ko saka pilit na inaalis ang mukha niya sa isip ko, pero ayaw niya umalis! Inis na pinatay ko na lamang ang telebisyon at akmang aakyat papunta sa k'warto ko ngunit biglang bumukas ang pinto saka iniluwal no'n si Tiya Lucy at si Kim. Mukhang maganda ang araw nila.

"Maghain ka na, Airish. Nagugutom na kami," ma-awtoridad na utos ni Tiya Lucy at sinunod ko naman iyon. Susunod na ako habang hindi pa siya sumisigaw, mas magandang makarinig ng utos nang hindi malakas ang boses 'no. Inihanda ko na nag mga plato at kubyertos pati na ng kanin at ulam.

"Sige, umalis ka na," saad ni Kim nang matapos kong i-handa ang mga gamit nilang gagamitin. Inirapan ko siya saka naglakad na pataas ng k'warto ko.

Humiga ako sa higaan ko at habang nakatitig sa kisame ay biglang naalala ko ang mukha niya. Napapikit na lamang ako saka pilit na ikinipit ang mga mata saka itinaklob ang kumot sa buong katawan kasama na ang ulo. Mayamaya ay hindi ko namalayang inaantok na pala ako hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

-***-

Naglalakad ako ngayon sa isang hardin sa hindi ko naman kilalang lugar. Napakaraming rosas sa paligid, may mga nagliliparang paru-paro at may bahagharing nagbibigay kulay sa kalangitan.

"Napakaganda naman dito," saad ko sa sarili saka pinahapon sa hintuturo ang isang kulay puti at nagliliwanag na paru-paro.

"Oo, at napakaganda mo rin," biglang may narinig akong boses mula sa likuran ko kaya kaagad kong nilingon kung sino ang nagsalita. At nakita ko siya. Ngumiti ako saka nanatili sa kinatatayuan ko, unti-unti siyang naglakad sa kinaroroonan ko ngunit unti-unting nagbabago ang paligid.

Nag-iba ang kaniyang anyo, bigla siyang nagkasungay, pula ang mga mata, matatalim ang ngipin, punit punit at duguang damit. Nakakatakot. Ang makulay na paligid ay napalitan ng mga bato at naglalagablab na apoy. Napaatras na lamang ako at hindi na alam ang gagawin.

"Sa akin ka na, at hindi ko hahayaang makabalik ka pa. Magsasama na kayo ng mga magulang mo." Bumilis ang tibok ng puso ko saka umatras nang umatras, akmang kakagatin niya ako ngunit niglang nagliwanag ang lahat dahilan upang mapapikit ako sa sobrang pagkasilaw.

-**-

NAPABALIKWAS ako saka humihingal na tumingin sa paligid. Nandito pa rin ako sa k'warto ko, panaginip lang ang lahat ng iyon. Panaginip lang. Napakasamang panaginip. Bumangon ako sa kama saka narinig ang malalakas na katok sa aking pinto.

"AIRISH! Lumabas ka na riyan, parating na ang aming bisita!"

Sinuklay ko ang buhok ko saka lumabas na s akaing silid upang bumaba na dahil maghahanda pa ako ng mga meryenda. Habang inihahanda ang mga biskwit at mga inumin ay biglang may narinig akong sasakyan natumigil sa labas ngunit hindi ko iyon napagtuonan ng pansin dahil baka matapos ko ang juice.

Mayamaya ay biglang nagdilang anghel sila Tiya Lucy nang may bumukas ng pinto. Nagbatian sila at binilisan ko naman nag paghahain dahil mapapagalitan ako. Nang matapos ako ay umayos na ako ng tayo saka walang gana na humarap sa bisita upang batiin sila ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Darren.

Siya ang bisita nila?!

———
princemattrionixx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top