Chapter One

CHAPTER 1: Just because of a coffee

Mag-aalas nuebe na nang umaga nang mapagdesisyonan kong umalis at pumasok na sa aking klase, nasa isang bench na malapit sa gym dito sa loob nang aming school kasi ako ngayon. Madalas akong nandito pag-umaga, masarap kasing tumambay dito.

Ako nga pala si Eri Juvianne Arandilla, Eri nalang. 19 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral ng BS Accountancy dito sa Bravebills University.

Naipasok ko na ang aking mga gamit sa aking bag nang magring ang cellphone ko. Text yun na galing sa isang kaibigan ko, si DK. Hinahanap niya ako at sinabi ko namang papasok na ako sa klase ko at doon nalang niya ako puntahan.

Nang malapit na ako saaming room ay tinext ko agad si DK para sabihing malapit na ako. Sa aking pagtetext ay hindi ko namalayang may makakasalubong pala ako at sa kamalas-malasan ay natumba ako dahil nagkabangga kami.

"What the hell!" Sigaw nang babaeng nakabangga ko. Tumayo ako agad at humingi agad ng tawad pero nagulat ako nang makita ko ang t-shirt niyang basang-basa ng coffee.

"Miss, I'm so sorry! May isang t-shirt ako sa locker ko, ipapahiram ko sayo" pag-ooffer ko sakanya pero nanlaki ang mata niya na para bang gulat na gulat siya.

"What? What the hell are you talking about? At bat naman ako hihiram ng damit sayo?" mataray niyang sagot sakin.

"Ahm... because you need one?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong niya.

"Are you kidding me? I don't need your t-shirt, bitch. I need you to pay my ruined t-shirt. Akin na." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Ahm I don't have cash kasi eh. I can't pay you, pwede bukas nalang? Promise babayaran ko."

"What? Wag ka ngang magpalusot. Or, baka naman wala ka talagang pera at tatakasan mo lang ako?" Masakit nitong hinawakan ang kaliwang braso ko at sabay hablot ng bag ko at kusang binuksan iyon. Kinuha nito ang wallet ko na nasa loob.

"Excuse me, miss. Hindi ata tama yang ginagawa mo." Kinuha ko agad sakanya ang bag ko at nung kukunin ko rin ang aking wallet ay iniwas niya ito at saka binuksan.

"What the heck? 200 pesos lang ang laman ng wallet mo?" Sabay tawa niya sakin. Oo yun lang ang laman ng wallet ko dahil hindi naman ako gumagamit ng cash, I use cards.

"So tatakasan mo nga talaga ako huh?" Tinulak-tulak niya ako gamit ang hintuturo niya kaya napa-atras ako. Napansin kong marami na palang tao ang nanunuod saamin. Hinawakan niya ulit ang aking braso at akmang sasampalin kaya napapikit na lang ako. Lumipas ang sampung sigundo pero walang kamay ang dumampi sa pisnge ko kaya minulat ko ang aking mga mata at nakitang hawak ng isang lalaki ang nakataas na kamay ng babaeng ito.

"What do you think you're doing?" Sabi ng lalaki sa babae habang nakatingin ito sakanya. Binitawan naman ako ng babae at humarap siya dun sa lalaki.

"Max, it's her fault. Binangga niya ako and she ruined my shirt. Look" sabay niyang tinuro ang t-shirt nyang nabasa ng coffee.

Tumingin lang sakanya si Max at pagkatapos ay ako naman ang tiningnan niya. "Correction" pagkabanggit niya nun ay binalik naman niya ang tingin niya sa babae.

"Hindi ka niya binangga, ikaw ang bumangga sakanya. I heard you talking with your friends. Sinabi mo na pagmumukhain mong nabangga ka niya and you'll ask her for a payment. Kung itatanggi mo eh nakita mo naman siyang hindi magkandaugaga dapat umiwas ka." Sabi ni Max at nanlaki ang mga mata nung babae sa gulat. Ako rin ay nagulat sa sinabi niyang iyon.

"Wh..what are you talking about? Why would I do that?" Nauutal na sagot ng babae at tumingin tingin ito sa paligid niya dahil alam niyang pinag-bubulungan na siya ng mga taong nandito. Tinignan lang siya ni Max at hindi siya nito sinagot kaya sakin siya humarap at itinulak ako nang malakas. "Kasalanan mo 'to!" Sigaw niya.

Hindi ko naramdaman ang pagbagsak ng pwet ko sa sahig sa halip ay mga kamay na nakahawak sa aking magkabilang balikat na para bang sinalo ako. Napatingin naman ako sa may-ari nang kamay. "Sebi?"

"Hoy babae! Narinig ko rin kayo noh. Ikaw na nga tong nanadya jan at nag-iskandalo tas itutulak mo pa? Sisisihin mo pa siya?" Sabi ng lalaking nasa likod ni Max, si DK.

Napatakbo naman ang babae dahil siguro sa kahihiyan at sumunod naman ang mga kaibigan niyang kasama niya. Unti-unti ring naglaho ang mga taong kanina ay nanunuod sa amin.

"Okay kalang ba ha, Eri?" Tanung agad saakin ni Onyx nang makalapit ito. Tumango naman ako sabay ngiti sakanya. Nagpasalamat naman ako kay Max at Sebi dahil sa ginawa nila kanina.

"You should go to your class na, malapit na ang klase. And the incident a while ago, irereport nalang namin sa OSA (Office of the Student Affairs)." Saka binigay saakin ni Onyx ang mga nalaglag kong gamit.

"Hindi na. May kasalanan din naman ako, dapat tumitingin din ako sa dinaraan ko" sagot ko rito.

Max, Sebi, and Onyx are my friends. Kasama nila si DK na nagtext saakin kanina. Kung inaakala niyo na isa itong princess saved by her knight and shining armor, nagkakamali kayo.

"Okay, sabi mo eh. Kita nalang tayo mamaya" sabay kindat nito sakin. Loko talaga to. Nagpaalam naman ako sakanila at pumasok na sa klase ko. Gaya nga ng sabi kanina ni Onyx, magkikita kami mamaya. Kami at ang iba pa naming mga kaibigan.

Natapos na ako saaking dalawang klase kaya dumiretso agad ako sa canteen para kumain ng lunch. Pagkapasok ko'y marami naring tao ang nasa loob. Second time ko palang atang maglunch ng ganitong oras dito kaya hindi ako sanay na maraming tao. Madalas kasi'y alas dos na nang hapon ako nakakapagtanghalian dahil may klase ako at sa mga oras na iyon ay di gaanong karamihan ang mga kumakain dito. Ngayong araw kasi, wala akong klase sa 11:45-12-45 at 12:50-1:50 ko na schedule.

"Eri! Eri! Dito!" Hinanap ko naman ang taong sumisigaw ng pangalan ko. Nakapag-order na rin ako; isang adobo with rice, mini lecheflan, at isang can ng soft drink. Dumiretso agad ako dun sa taong tumatawag saakin.

"Huwaah! Eri, Diba sinabi ko naman sayo? Don't buy food kasi ako ang bibili para sayo. It's on me today, right? I've clearly told you." Nakabusangot na reklamo sakin ni Onyx pagkaupo ko.

"Sorry nakalimutan ko hehe" honestly, nakalimutan ko talaga. Wala naman akong ibang iniisip pero hindi talaga sumagi sa isip ko ang sinabi nitong si Onyx sakin kagabi.

"Hay naku! Kung ako sayo di ko kakalimutan yun noh. Minsan ka na nga lang sumabay saamin sa lunch eh ililibre ka parin niya. Kami nga tong lagi niyang kasama pero ni minsan hindi niya kami nilibre kahit tubig lang." Natawa naman ako sa sinabi ni Sebi habang nakarest-face siya at nakalagay ang baba niya sa dalawang kamay niya.

"Oo nga noh? Hoy Onyx! Bat di mo pa kami nililibre? Simula nung bata pa tayo hanggang ngayon wala akong naaalalang nalibre mo kami?" Sabay tayo at pamewang ni DK.

"Anu kaba? Umupo ka nga, para kang nanay jan eh. Tsaka bat ko kayo ililibre eh ang dami-dami niyong pera." Pagpapaliwanag naman ni Onyx sakanila.

"Bakit, marami rin namang pera si Eri, ah? Bat siya lagi mong nililibre? Ikaw din, Sebi? Nung nakaraan sabi mo bibilhan mo ko ng cake pero kay Eri mo binigay?" Pagrereklamo ulit ni DK. Nagkibit-balikat lang si Sebi sakanya.

Hindi ko napigilan ang aking tawa kaya napahalakhak ako ng lubos. Ito kasing si DK parang bata na nang-aaway ng kasama niya kasi siya lang di binigyan ng lollipop.

"Oh bat tumatawa ka jan? Ang saya mo, ah? Porket nililibre ka parati. Hmp!" Sabay irap niya sakin. Oh tingnan mo 'to hahaha akala mo kung babae kung makairap.

"Hahaha para kang sira jan, DK. Tsaka siguro kaya nila ako nililibre kasi ako lang ang babae satin? Diba?" Pagpapaliwanag ko. Nag-pokerface lang saakin si DK at tinawanan lang din siya ng mga kasama namin.

"Oo nga pala, nasan si Max? Hindi ko pa siya nakikita simula nung pagdating ko dito." Tanung ko sakanila. Dapat kasi ay lima kaming nandito ngayon pero merong isa na mia.

"Huh? Hindi mo ba nakita? Umorder din yun eh. Akala ko baka nagkasalubong man lang kayo sa ordering area." Sagot ni Onyx pero sinagot ko lang siya ng hindi dahil hindi naman talaga. Kahit anino niya ay hindi ko man lang nasilip sa ordering area.

"Oh! speaking of Maximo, andyan na pala siya oh" singit bigla ni Sebi. Nang tiningnan namin ang tinutukoy nito ay tumambad saamin ang mukha nitong haggard na haggard, meron pa siyang tig-iisang tray ng pagkain sa magkabilang kamay niya.

"Anu, titingnan niyo nalang ako jan? Di niyo ako tutulungang ilagay tong mga to dyan sa mesa?" Parang pikon na sabi nito. Tumayo naman agad si Onyx at Sebi para kunin ang mga tray sa kamay niya.

"Bat ang tagal mo? Kanina pa dumating si Eri dito." Napatingin naman siya sakin nang sabihin yun ni DK pero binalik niya lang ang tingin niya sakanya.

"Ikaw kaya ang umorder? Ang daming tao dun noh. Ang tagal ng pila tsaka ang dami ko kayang inorder. Tapos ikaw, Eri, bat may pagkain kana? Kailan pa nauna yung inorder ko para sayo dito? Pinabilhan ka ni Onyx eh." At tinignan ulit ako ni Max. Ngumiti lang ako at sinabi ko sakanyang nakalimutan ko ang tungkol doon.

Nagkwekwentuhan at nagtatawanan lang kami habang kumakain. Sobrang nag-eenjoy kami sa lunch namin together kaya hindi namin namalayan ang oras. Nang tignan ko nga iyon ay 10 minutes nalang magsisimula na ang mga klase namin kaya napatayo kami agad at napatakbo palabas ng canteen.

Nasa hallway ng third floor na ako ng first building at ang room ko ay sa second pa kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Nung malapit na ako sa entrance ng second building ay may nabangga ako. Anu ba ang meron sa araw na 'to at parati nalang akong may nababangga? Bago magsimula ang klase ko kanina ay may nabangga ako, ngayon namang magsisimula ang klase ko sa hapon may nabangga ulit ako.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top