Chapter 7

RULES AND CLASSES

Eira Ysabelle's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad nina Sandra papunta sa room. I learned a lot yesterday since we had free time because of the staff meeting. Clyde taught me the different classes and rules here at the academy.

The sections here are classified into five. First is for KNIGHTS. Knights refer to those students who possess the courage and strength in battles. These so-called knights are composed of swordsmen, archers, and those who are blessed to have the ability to master long range and short range weapons. Aside from their weapons, they can also fight with their given abilities.

Next are the HEALERS. From their title, you can basically get what they are capable of. They are the students who are blessed to have healing abilities. Some can create medicines, potions, and ointments, some can heal through their bare hands, while some can manipulate someone's health.

The third set of students are classified as MAGES. Mages are those students who can create and manipulate magic by using wands or their bare hands. In short, they are sorcerers, witches, and wizards. Expending magic through bare hands can only be done if they reached the last level or the highest possible level of wizardry.

The next class is for SUPPORTS. This set of students are those students that must not be seen during a war. They make barriers for the knights and other classifications, and they increase students' powers and abilities. It's more likely to win a war if the supports are professionals and blessed with great power.

The last class is for the ELEMENTALS. This includes the students who can produce, manipulate, control, and harness the power of the world's elements. This includes us. Air, water, earth, and fire are the main elements. The royal bloods can produce and control these elements with their bare hands, like Sandra and Jiro who can manipulate and control the air. Our guardians, on the other hand, are blessed to have the ability to control and also create the element that we can control. There are also sub-elements like lightning, but the students who possess them also fall to the elementals.

Dumaraan ang lahat ng students ng Magos Academy sa matinding trainings at pag-aaral dahil kailangan ay hasang-hasa na ang kanilang mga kapangyarihan at kakayahan kapag sasabak na sa giyera. Hindi rin sinusukat kung ilang taon ka nang nag-aaral at nagte-training dito sa paaralang ito. Ang tangi nilang pinagbabasehan ay ang level na naaabot nila at ng kanilang kapangyarihan, ang level of mastery.

The rules here are common. First, a battle without permission is not allowed. Ang battle na tinutukoy dito ay ang training o labanan sa pagitan ng dalawang estudyante na kabilang sa iisa o magkaibang class. Second, using any magic, skill, or weapon against schoolmates are prohibited. Pwede lang gamitin ang mga ito sa training o kung mayroon mang life and death situation. Ang ikatlo ay katulad lamang ng rules sa ibang school. Walang estudyante ang makikita sa labas ng kanilang dorm kapag sumapit na ang ika-siyam ng gabi. Ikaapat, hindi maaaring lumabas sa gate ng academy kung walang pahintulot ng may pinakamataas na katungkulan.

Bukod sa mga ito, mayroon ding isang mahalagang bagay na hindi maaaring mawala sa mga estudyante ng magos, ang kanilang charm. Ang charms ay tumutukoy sa mga bagay kung saan nakasalalay ang balanse sa pagdaloy ng magi sa katawan ng isang mamamayan ng Kosmos. Kapag nasira ito, malaki ang magiging epekto nito sa may-ari. Maaari itong magdulot ng kamatayan kung hindi maaagapan ang pagwawala ng magi sa loob ng katawan. Magkakaiba ang charms ng bawat estudyante. It can be anything the parents of the owner chooses. Halimbawa, ang sa akin ay ang pendant ng pinakapaborito kong kwintas, tapos ang kay Khiera ay ang kanyang singsing. Sabi pa ni Clyde, habang tumataas daw ang level of mastery ng isang estudyante ay nag-i-improve din ang kanyang charm. Maaaring magbago ito ng anyo, kulay, o ng laki.

I've searched for books in the library and I even bothered Clyde just to teach me and tell me anything I need to know. He's too smart and intelligent for his age. Napakarami niyang alam tungkol sa mga bagay dito sa mundong ito. He's well-educated about the different systems of this world.

Narating namin ang aming room na nasa ikatlong palapag pa ng main building. Napakahaba ng hagdan na inakyat namin bago ito marating. Kahit medyo advance na rin ang technology dito, wala namang available na elevator at escalator sa mga buildings dito kaya kinakailangan mo talaga itong akyatin bago makarating sa silid.

Natigil ang pagbabatuhan ng papel sa loob ng room nang kami ay pumasok. Nakarinig kaming muli ng mga bulungang ako na naman ang laman. Ang iba ay binati ako at sinabing miss na nila ako, ang iba ay nginitian ako, samantala ang iba naman ay walang pakialam sa aming pagdating. Ano pa man ang kanilang reaksyon, binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti.

Hindi karamihan ang tao sa loob ng silid. Siguro ay humigit-kumulang dalawampu lamang ang mga tao rito. Bawat isa ay mayroong magkakaibang kulay ng mata at buhok. It's so not normal na pumasok ka sa isang klase na may iba't ibang kulay ng buhok, lalo na at sa Earth ako nagmula.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid upang hanapin ang aking pangalan. Wala nang upuan sa unahan dahil lahat ng ito ay mayroon nang nagmamay-ari.

"Khione, dito!" sigaw ni Clyde na nasa may bandang likod. Nakaupo na pala 'to, 'di man lang sinabi. May isang upuan na bakante sa tabi niya at ng isang babaeng hindi ko kilala. Tinanguan ko nalang siya at tsaka pumunta sa upuang itinuro niya.

"Magandang umaga," nakangiting bati ko sa babaeng katabi ko. Bumati naman ito pabalik habang mamula-mula ang pisngi.

Maya-maya pa ay dumating na ang isa sa mga guro namin. Isang matandang guro na makikitaan mo ng kakaunting hibla ng puting buhok. A maroon polo is under his black cloak and is tucked inside his black oversized pants. On the left part of his chest is the academy's logo sewn in gold. He also wears a pair of thick glasses. I wonder what his classification is.

Ikinumpas nito ang kanyang kamay at sa ibabaw ng table ko ay mayroong lumabas na kulay itim na libro. So, he's one of the strongest and high-level mages.

Ang mga katagang 'Historia Universi Mundi ' ay nakaukit sa unang parte ng libro. Bubuklatin ko na sana ito ngunit mabilis itong napunta sa ikaapat na pahina.

Sinamaan ko ng tingin ko sa kambal nang mabasa ko ang mga english words na nakatatak sa pahina ng libro. Nang magpunta ako sa library ay nalaman kong nakapagsasalita at nakaiintindi rin pala sila ng ingles. Hindi lang silang dalawa, lahat ng tao sa Kosmos, dahil halos lahat ng librong nakalimbag dito ay nakasulat sa ingles. Kinuntsaba pa nilang dalawa ang lahat ng kasama namin sa dorm para lang lokohin ako. A+ for their effort.

I'm so dumb to forget and not to realize that I've read an English geography book in Khione's bedroom.

"I am William Ranad, a S-class mage from the Orion Tribe of Enchanta. I don't want anyone to ruin my discussion. I want you to talk only when I asked you a question and when I allowed you to. Now, eyes on the book!" lahat ay tumungo at itinuon ang pansin sa librong nasa mesa dahil na lamang sa takot kay Sir William.

"For those who do not understand, the book title means the History of Kosmos. As you all know, our world, Kosmos, is divided into five kingdoms, namely, Liondale, Lignus, Enchanta, Salem, and Coler," panimula niya.

Sa tingin ko ay hindi magiging boring ang klase dahil bago ang history ng Kosmos para sa akin. Isa pa, walang mangangahas na magpaturay-turay dahil sa teacher namin sa history. I know I'm going to love my stay here in Kosmos.

"Year 1986, the kingdom of Coler initiated a war against the kingdom of Lignus. It was a catastrophe that no one ever expected Kosmos could recover from. The other three kingdoms were attacked by Coler also. Thus, it was named the Great War of Kosmos." It has been two hours and we're now tackling the great war.

According to the books, the great war of Kosmos was the greatest catastrophic event that almost wiped more than half of Kosmos. It was when almost half of the population were killed. There was also one major event that happened that year—the prince of Lignus, who was supposed to be the next ruler of the kingdom, disappeared from the sight of everyone. Up to this date, not a single soul knows if he is still alive or he died during the war.

"Maraming buhay ang nasawi, at maraming mamamayan ang nawalan ng tirahan at mahal sa buhay. Maraming tao ang naghinagpis at nagluksa dahil sa mga kamag-anak nilang namatay," kasabay ng huling salitang binigkas ng aming guro ay ang pagtunog ng bell, senyales na tapos na ang unang klase.

"That's all for today's class. See you next meeting. Don't forget to write a summary of the topic that we have discussed. Minimum of 750 words, maximum of 1000. Fail to pass and you'll run 25 laps at the oval," napuno ang silid ng mga reklamo at kaartehan ng mga kaklase kong pumapasok lang ata para makipagdaldalan sa katabi o kaya naman ay matulog sa isang sulok. Kesyo unang araw palang daw may pa-assignment agad. Sana ay nagreklamo sila kay Sir.

Natigil sa aking pag-iisip nang tila may humampas sa lamesa ng guro. Lahat ng mga tao sa room ay natigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa unahan kung saan may lumagabog. Nagtaka ako dahil sa pagkakatanda ko ay umalis na si Sir William at wala naman ni isa sa mga kaklase ko ang malapit sa mesa.

May isang tanong ang pumasok sa aking isipan. 'M-may mult-to ba rito?'

Napakapit ako sa braso ni Clyde at lalong nag-iba ang timpla ng mukha ko nang makitang lumulutang ang chalk at lumapit sa blackboard. This is creepy.

Mas lalo pa akong natakot at kinabahan nang magsimulang sumulat mag-isa ang chalk. Tumingin ako sa paligid kung may posibleng nagko-control ba rito. Sa kasamaang-palad, lahat ay nakatutok lamang ang atensiyon sa blackboard.

"Mukhang takot na takot ka ah," nakangising sabi ni Clyde. Inirapan ko siya bago binitawan ang braso niya at umayos ng upo.Nagsisimula na akong manawagan sa aking isipan at nananalangin na rin ako sa lahat ng diyos na makakarinig sa akin.

Anu't ano pa man ay tiningnan ko ang sulat sa board habang humihigpit ang kapit ko sa palda ko.

'OH, I FORGOT TO TELL YOU' Lahat ng atensyon ay nakatutok lamang sa unahan at sa chalk na nagsusulat sa board.

'OH, I FORGOT TO TELL YOU, BE READY FOR YOUR' Tila nasa bukana na ng aking utak kung ano man ang salitang susunod sa 'for your' na nakasulat.

'OH, I FORGOT TO TELL YOU. BE READY FOR YOUR QUIZ.' - SIR WILL

Bumagsak ang chalk na parang walang nangyari. My God! Mages and their magic! Akala ko pa naman ay kung ano na. Pero infairness, kaya pala iyong gawin ng isang S class mage.

Ang katahimikan ay napalitan ng ingay dahil marami sa aking mga kaklase ang nagpatuloy sa pagrereklamo. Mabuti na lang at nakinig ako, hindi ko na kakailanganin pang mag-aral ulit para sa exam. Hindi ko rin alam kung bakit napakabilis kong magsaulo ng kung ano-anong impormasyon. Ito ang dahilan kung bakit lagi akong pumapasa sa mga exam ko noong nasa Earth pa ako.

Break time na pala namin ngayon at dalawang braso na naman ang nakasukbit sa magkabila kong braso habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Mabuti na lamang at hindi gaanong clingy si Luna. Ugh, these two are so clingy.

Apat lamang kami ngayon dahil may pupuntahan daw si Giea kaya hindi siya makakasabay sa amin. Ang boys naman ay maglalaro pa raw. Kung ano man ang lalaruin nila, wala akong idea.

The cafeteria here is great. Napakaganda ng interior design at ang bango ng amoy sa loob dahil hindi naghahalo ang amoy ng mga pagkaing nakahain dito. Nakakagaan din ng pakiramdam ang malamlam na ilaw sa loob nito, pati na rin ang mga larawang nakasabit sa malalapad na pader. Mayroong lamesa para sa bawat class na mayroon ang academy at bawat lamesa ay punong-puno ng pagkain. Sa itaas na bahagi ng mga dingding ay nakasabit ang bandera ng mga classes.

Dilaw ang kulay ng bandera ng Healers at sa gitnang bahagi nito ay nakatatak ang isang krus na nakalutang sa isang pares ng kamay. Pula naman ang para sa Knights. Ang sumisimbolo sa kanila ay isang kalasag na mayroong dalawang espadang magkakrus sa gitna. Luntian ang kulay ng bandera ng Supports at sa gitna nito ay isang staff na mayroong pares ng pakpak. Makikita rito ang pagkakapareho nito sa logo ng academy. Kulay asul naman ang para sa mga Mage at isang wand na nakapaloob sa isang bilog ang logong nakalagay rito. Ang para sa aming Elementals naman ay kulay puti at ang logo nito ay tanging apat na mga bilog lamang na kulay pula, asul, luntian, at dilaw. Ang mga ito ay nakaayos at tila pinagbubuklod ng isang krus na mayroong tila kulay gintong bato sa gitna. I think these symbolizes the four major elements of the universe. Well, I don't know what the gold one is for.

— ♔ —

SOMEONE'S POV

Asul at luntian...wala nang iba pang mas nakapanggagalaiti bukod sa dalawang kulay na ito—ang simbolo ng kahariang 'yon at ang kulay ng mata ng kaisa-isa nilang tagapagmana. Hindi ko makakalimutan ang galak na nadama ko nang makita ang pighati sa kanilang mga mukha nang makita ang nangyari sa kanilang prinsesa. Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ko nang maalala ang katagumpayan ko, ilang taon na ang nakalipas. Ngunit alam kong hindi na ako maaaring makampante. Ngayong gising na siya, wala na akong oras na dapat sayangin pa. Alam kong ako ang pupuntiryahin niya at ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Naririto ako sa pathway at pinagmamasdan ang babaeng mayroong magaganda at payapang mga mata na kakulay ng tubig sa mga ilog at batis. Perpekto pa rin ang hulma ng mukha niya, maging ang kulay ng kanyang balat. Walang kupas ang kagandahan ng prinsesa.

Hindi ko lubos akalain na mapapadali nang ganito kaaga ang paggising niya. I was not yet ready for this. I was yet to recover my strength and my powers. This body is weak, and I need to train this for it to be an efficient vessel for my soul and my powers. My plans were also not yet concrete and my people were not ready. Marami pang butas na kailangang punan sa mga plano ko at mabilis malalaman ng prinsesa ang katauhan ko kung hindi ko kaagad magagawan ng paraan ang mga ito. Kinakailangan ko na ring kumilos sa lalong madaling panahon. Mahirap na...

Ngunit anumang mangyari, sisiguraduhin ko nang hindi ka maliligtas sa pagkakataong ito. Perfect alibis, a concrete plan, flawless execution, and perfect timing...these things will surely give me success. Kaya't ihanda mo na ang sarili mo, Khione, paparating na ang delubyo mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top