Chapter 6

MAGOS ACADEMY

Eira Ysabelle's POV

Alas tres na ng madaling araw at nakalubog pa rin ang aking katawan sa maligamgam na tubig ng bathtub. Maaga akong ginising upang makapaghanda agad para sa pagpasok at para na rin maaga kaming makaalis dito sa Liondale.

Sabi ng katulong ay nasa gitna raw ng apat na kaharian ang paaralan. Ibig sabihin, bukas ito sa lahat ng mga gustong mag-aral mula sa kaharian ng Salem, Liondale, Lignus, at Enchanta.

Mayroong isang bukod tanging paaralan na nakatayo sa loob ng kaharian ng Coler, ang natatanging katipunan ng mga taong gumagamit ng itim na mahika at ang natatanging kaharian na kumakalaban sa iba pang mga kaharian. Ang mga ito ay base sa aking ama at pati na rin sa ibang tauhan ng palasyo.

Dahil hindi ako rito nanggaling, hindi ako maaaring maniwala agad sa kanila sapagkat hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito. Hindi ko sila ituturing na kaaway hangga't wala silang ginagawang masama sa akin at sa mga taong mahal ko. Marahil ay mapapatunayan ko na lamang kung mabuti ba sila o masama kung makakaharap ko ang ilan sa kanilang pangkat.

Tumayo na ako para tapusin ang paliligo dahil maaaring anumang minuto ay dumating na si Clyde. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya nang matagal.

Binihisan ko na ang sarili ko, at hindi ko na hinayaan pang ang mga katulong ang mag-ayos sa akin. Uniform lang naman kasi ng school ang aking susuotin at hindi gown. Isa pa, sanay na akong gawin ang mga ganitong bagay na walang hinihinging tulong mula sa iba. Lumaki ako nang hindi masyadong naaalagaan ng mga magulang at kahit mayroon kaming mga katulong sa bahay, mas pinipili kong gawin nang solo ang mga ganitong bagay.

Pumunta ako sa harap ng salamin upang alamin at makita ang itsura ko kapag suot ko ang uniform ng school na papasukan ko. A white polo and a light green tie is under an open dark green blazer. The skirt is about an inch or so above the knee, and it was the same color as the top. There is also a gold lining on the pockets of the blazer, and the gold pin carved like the logo of the academy was pinned on the upper left of the chest. It is a round logo of a winged scepter with a diamond atop. Below, I'm wearing a pair of black shoes and white knee socks. This uniform is a lot better than my old uniform. It looks like a uniform from a prestigious school.

Tumigil ako sa pag-usisa sa itsura ko nang mapansin ang kulang sa ayos ko. Kumuha ako ng isang pearl hairpin sa drawer at inilagay ito sa aking buhok. Perfect! I'm satisfied just by this look. Matapos kong pagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin ay binitbit ko ang shoulder bag. Naglakad ako papalapit sa pinto ngunit napatigil ako nang mahagip ng paningin ko ang pagkahulog ng isang papel mula sa likod ng portrait ni Khione.

Dali-dali ko itong nilapitan at pinulot. This might be a clue. Isinilid ko ang papel sa loob ng bag at tsaka tuluyang lumabas ng kwarto. Tsaka ko na lamang titingnan kung ano ang laman ng papel na ito. Maaari kasing naririto na si Clyde at hinihintay lamang ang aking pagdating.

Nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko siyang nakaupo sa isang bangko. Nakapangalumbaba siya at tila mapungay pa ang mata. Marahil ay dahil sa antok at kakulangan sa tulog. Napatayo siya at halatang nagising ang diwa niya nang makita niya ako.

Like me, he is wearing an open dark green blazer with the gold logo pin on the chest. His pants are of the same color. The major difference between our uniforms is the dark gray vest covering his yellow green tie and white polo. His hair is a bit messy but it just made him look more handsome.

"Magandang umaga sa iyo, Prinsesa," pagbati niya na may kasama pang paghikab kaya natawa ako nang bahagya. Unti-unting namang kumunot ang noo niya kasabay ng pagsimangot.

"Ano ang nakakatawa, Denisse?"

"Wala naman. Magandang umaga rin sa iyo, Clyde. Nakatulog ka ba nang maayos?" Umiling lamang naman ito bilang tugon

"Kung gayon, tayo na at simulan ang paglalakbay para maaga tayong makarating sa akademya."

Inihatid kami ng aking ama't ina sa matataas na gate ng palasyo hanggang sa makasakay kami sa karwahe na aming sasakyan papunta sa paaralan.

"Paalam, ama, ina! Mauuna na kami ni Clyde! " sigaw ko habang papalayo na ang karwaheng sinasakyan namin. Nakita ko ang pagkaway mula sa kanilang dalawa na lubhang ikinatuwa ng aking puso.

"Kung ako sa iyo ay matutulog muna ako sapagkat malayo pa ang ating paroroonan. Ikaw ay magpahinga muna 'pagkat nababatid kong hindi sapat ang pahinga mo." Nagulat ako dahil nawala ang pagkapormal niya sa akin ngunit hindi ko na rin ito binigyan pa ng pansin at ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang nakasandal sa karwahe.

Hindi pa ako nawawalan ng ulirat nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking ulo at ipinatong ito sa isang matigas na bagay. And I'm a hundred percent sure that this is his shoulder.

Mukhang tama nga siya, kulang pa ako sa tulog.

"Prinsesa, gising na. Sa loob lamang ng ilang minuto ay mararating na natin ang akademya," isang boses ang aking narinig kasabay ng pag-alog ng balikat ko kung kaya't iminulat ko na ang aking mga mata.

Pumasok ang kaba sa buong sistema ko nang mapagtanto ang sinabi ni Clyde. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa lubos alam kung paano kumilos ang prinsesa. Akala ko noon ay kaya ko nang humarap sa maraming tao dahil marami na akong nakasalamuha sa palasyo, ngunit hindi pa pala. Hindi ko rin alam kung paano gumamit ng mahika gayong alam kong malakas na sa ganitong edad ang lahat ng may dugong bughaw.

Mom, help me!

Maya-maya pa ay bumaba ang karwahe sa harap ng isang napakataas na gate. Sa pinakamataas na bahagi nito ay nakalagay ang gintong initials ng Magos Academy.

Naunang bumaba si Clyde para alalayan ako. Napatingin ako nang ilagay niya sa harapan ko ang kanyang kamay. A weird thing that I've found out was that I can sense his purity and kindness, literally or...magically? I don't know how and why. Basta sigurado ako na wala siyang masamang balak at alam ko rin na mapagkakatiwalaan ko siya.

"Prinsesa, kailangan mo nang bumaba para makapasok na tayo sa loob ng akademya. Isa pa, baka matunaw ang kamay ko sa pagtitig mo," puna nito at tsaka ngumiti. Napatigil ako sa aking malalim na pag-iisip dahil sa kanyang sinabi kaya't tinanggap ko ang malambot niyang kamay bago bumaba ng karwahe.

Bumukas ang malalaking gate ng academy kaya't nakita ko ang magandang hardin nito. Nagpatuloy kami sa pagpasok ni Clyde patungo sa mga magagandang tanawin sa loob ng paaralan. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang pagtagos ko sa isang para bang manipis na pader. Huh?

Isinawalang bahala ko na lamang ito at sinundan ang guardian ko sa loob. Bakit pa nga ba ako magtataka e umiikot ang mundong ito sa mahika?

The first step inside the magical garden felt surreal. I felt light and tingly. The pathway that leads to a huge castle was surrounded by flowers of different species glistening with the morning dew and the touch of the sun's soft rays. It was a cemented way in between two grass fields. In the center of one of the fields, a water fountain is running. There are also students that have just arrived at school, wearing the same uniform as mine, but they all have either a silver or a bronze pin of the school's logo.

I continued walking my way towards the castle in front, beside Clyde who was walking cool with one of his hands stuck in his pocket. As I continued, I walked with confidence. I must act absolutely natural, dahil maraming mga estudyante ang nadaraanan namin. Hindi ko ipinapahalata na naninibago ako sa paligid kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko nang sumigaw dahil sa kaba at saya.

"Huh? Ang prinsesa ba 'yon?" pabulong na tanong ng isang babae na may kalayuan sa akin. Bumulong pa, rinig na rinig ko naman.

"Oo, mars. Hindi mo ba nabalitaan na nagising na siya kamakailan lang?" Mabilis din palang kumalat ang balita rito.

"Pre, tingnan mo oh. Parang hindi nakatulog nang matagal. Maganda pa rin," puri ng isang lalaki na nadaanan namin na sinang-ayunan naman ng kasama niya.

Lahat ng nadaraanan naming estudyante ay yumuyuko para magbigay-galang. Napansin kong ang iba ay yumuyuko pero sa tuwing malalampasan namin ay ipinagpapatuloy pa rin ang usap-usapan nila. Nakakaramdam naman ako ng discomfort dahil hindi ako sanay sa mga ganitong bagay. Sanay ako na walang taong pumapansin sa akin sa tuwing naglalakad ako sa corridors ng school. Ngunit nawala rin ito kaagad nang hawakan ng katabi ko ang kamay ko. Nang tapunan ko siya ng tingin ay nginitian niya lamang ako. He might have sensed my uneasiness. I gave him a reassuring smile before entering the main castle.

Napakalawak ng school na ito pero tumuloy lang kami sa aming paglalakad hanggang sa makalabas kami sa main building. Sa castle na ito raw nakalagay ang lahat ng classrooms ng bawat estudyante sa paaralang ito. Naririto rin ang lahat ng office at faculty rooms. Maganda ang interior design nito. Isang tingin lamang ay malalaman mo kaagad na ikaw ay nasa isang prestihiyosong gusali. The marbled floor glistened as it reflected the light of the fancy chandelier hanging above the curved ceiling. There is a reception desk in the lobby where students are lined up. Some are just sitting on the available furniture inside. There are portraits and paintings of people and creatures I don't know the existence of. There are also growing plants inside the lobby of the main castle. It is very beautiful.

Pagkalampas namin doon ay tig-isang building sa kaliwa at kanan ang nakita ko. Ang katapat naman nito ay dalawang building na magkahiwalay. Isang malawak na field ang nasa gitna. Isang field na tama lang para makapaglaban at makapag-ensayo ang mga estudyante.

"Ang nasa kaliwa ay ang dormitoryo ng mga babae at sa mga lalaki naman ang nasa kabila. Samantalang ang nasa iyong harapan naman ay ang lugar kung saan tayo magtitipon-tipon upang kumain," sabi ni Clyde. Kanina pa niya ine-explain sa akin ang mga lugar at iba pang mga bagay rito sa Magos.

"Anumang oras mula alas singko ng umaga hanggang alas otso ng gabi ay maaari kang pumunta sa kantina upang kumain. Ngunit mayroong nagluluto ng pagkain sa ating dormitoryo kaya't madalang kaming bumisita roon," nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita at pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay habang naglalakad kami nang diretso. Puro tango lang naman ang aking isinasagot sa kung ano mang sinasabi niya.

"Ang isa naman ay ang ating pamamalagian sa loob ng isang semester." Itinuro niya ang building na katabi ng canteen. Hindi ba't parang masyado namang malaki ang isang building para sa amin? At ano? Siya? Kasama ko sa dorm? Pwede ba 'yon?

"Maaari ito dahil pinahintulutan ako ng hari upang mabantayan kita nang mas maayos. Huwag kang mag-alala dahil naroroon din naman ang mga prinsesa at prinsipe mula sa ibang kaharian, pati na rin ang kanilang mga personal na tagabantay." Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sa tingin ko ay hindi ko kayang mabuhay nang lalaki lamang ang aking kasama sa dorm.

Nang marating namin ang tapat ng building ay pinagbuksan ako ni Clyde ng pinto kaya't pumasok na ako rito. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay tila nakuha namin ang atensyon ng lahat ng tao rito dahil napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at gulat na tumingin sa akin.

"Khione!" sabay-sabay na sigaw ng walong tao na nakaupo sa sala. Naroon sina Jiro, Sandra, Lauren, at ang limang taong hindi ko pa kilala. Kaibigan din siguro ni Khione ang mga 'yon.

Agad akong sinalubong ng yakap ni Sandra. "Kanina ka pa namin hinihintay. What took you so long?" bulong niya habang nakayakap.

"Malay ko ba. Wala akong alam dito 'no," pabulong ko ring sagot.

Lumapit na rin ang iba sa akin. Niyakap ako ni Jiro at kinumusta ako. I missed the twins. Sunod na lumapit sa akin si Lauren, at katulad ng ginawa ni Jiro at Sandra ay niyakap niya rin ako.

A beautiful girl with glistening eyes walked up to me, looking like she was about to shed tears. Her hair is light gray in color like the ashes a burning wood leaves. It complements her white complexion and the color of her eyes. Her irises were burning hot, literally. They were yellow-orange in color like a pair of balls of fire. Her nose was perfectly shaped and her lashes were long. She also has these pink lips and rosy cheeks. Just like Sandra, she looks like a goddess even with only her uniform on. "Totoo bang hindi mo ako naaalala?" paiyak na tanong niya.

"Ako si Khiera, ang prinsesa ng Lignus. Sobrang na-miss kita." Nagtaka ako nang marinig ang sinabi niya. Paano niya nalaman ang salitang 'miss'?

Tumingin ako kina Sandra at Jiro na mayroong pagtataka sa mukha. Nagkibit-balikat naman ang kambal tsaka tumingin sa ibang direksyon. Kapag nalaman ko talagang pinagti-tripan lang ako ng dalawang ito, kakaltukan ko 'to pareho.

"Patawad dahil wala talaga akong maalala, ngunit huwag kang mag-alala. Hindi naman magtatagal at maaalala rin kita," malumanay na sagot ko.

Humanay ang dalawang lalaki at dalawang babae at sabay-sabay na nagbigay-galang sa akin. Sa tingin ko ay kaibigan din sila ni Khione dati. Pero bakit parang takot ang dalawang babae sa akin? At bakit hindi makatingin nang deretso sa akin ang apat na 'to?

"M-magandang umaga, prinsesa. Ako si Giea, ang tagapangalaga at tagabantay ng prinsipe ng Salem," pakilala ng isang babaeng maganda na mayroong kayumangging buhok at mga mata.

"Drac, mahal na prinsesa. Ang tagapagbantay ni Prinsesa Khiera. Nagagalak akong nagbalik ka na." Yumuko ito at hinalikan ang aking kamay. Ganito ba talaga ang lahat ng mga lalaki sa mundong ito? Kulay pula ang mga mata nito na bumagay sa kulay itim nitong buhok. Matangos din ang ilong niya at maganda ang hugis ng mukha. His eye color defined his sharp features better.

Halata ang kaba sa mukha ng isang babaeng mas maliit sa akin. Kung titingnan, malalaman mo agad na siya ang pinakabata sa lahat ng mga tao rito sa loob ng dorm. Taglay niya ang kulay asul na mga mata at ang blonde na buhok, katulad ng isa pang lalaki. "K-kung iyong nakalimutan ang aking pangalan ay magpapakilala akong muli. Ako po si Luna, ang tagapangalaga ni Prinsipe Jiro. I-ituring mo rin po akong kaibigan katulad ng iba." Ngumiti ito nang pilit bago yumuko. Bakit ganito ang reaksyon niya? Natatakot ba siya sa akin?

I reached for her shoulders and hugged her. "Hindi mo kailangang matakot sa akin, Luna." Naramdaman ko naman ang pagiging stiff nito nang mayakap ko, ngunit unti-unti itong nawala makalipas ang ilang sandali.

"Ako si Isaiah, ang tagapagbantay ni Prinsesa Sandra at ang nakatatandang kapatid ni Luna. Isa rin akong kaibigan, kung ako man ay iyong nakalimutan, at hindi ito magbabago," saad niya at saka ako kinindatan. Hindi na nakapagtataka kung magkapareho ang kulay ng mga mata nila ni Luna. Maging ang kanilang mga ngiti ay makikitaan mo ng pagkakatulad.

"Ako naman si Clyde, ang iyong tagapangalaga at tagapagbantay. Nagagalak akong muli kang makita," sabat naman ng katabi ko. Napatingin ako rito nang may pagtataka.

"Ikinagagalak kitang makilala ngunit maaari mo na ba akong samahan at ihatid sa aking silid? Kailangan ko nang ayusin ang aking mga gamit," ganti ko na lamang dito na may kasama pang pag-irap.

"Ako na lamang ang mag-aayos ng mga gamit mo, umupo ka na lamang at kilalaning muli ang iyong mga kaibigan." He really dropped the formality. Kung sabagay, mas maayos ito dahil isa naman siya sa mga kaibigan ko.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit humihingi ako ng paumanhin." Medyo uneasy pa rin ang pakiramdam ko dito kay Lauren dahil sa mga nalaman ko sa nakaraan nila ni Khione. Ang awkward.

"Huwag kang mag-alala, hindi mo naman ito kasalanan. Ngayon ay maayos nang muli ang aking pakiramdam," tsaka ako ngumiti. Tila namula naman ang mga pisngi nito sa maikling sandali.

"Hindi ka pa rin nagbabago, maganda ka pa rin," sambit niya. Ako naman ang namula dahil sa sinabi niya. Hindi ko malaman kung anong mayroon sa lalaking ito at bakit ganito siya kagwapo. Bumagay talaga sa kanyang mukha ang kulay ng kanyang mga mata at buhok. At katulad din ng iba ay maginoo siya. Siguro ay dahil ito sa pagiging prinsipe niya. Marahil ay ito ang nagustuhan ni Khione kay Lauren, but I think that this would be too much for me.

Hinawakan niyang muli ang aking kamay ngunit binawi ko ito kaagad dahil sa takot na maulit muli ang mga nangyari sa akin noong nakaraan.

"Paumanhin ngunit tila ako'y nadala na dahil sa nangyari," paghingi ko ng tawad dahil alam ko at kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya. I gave him an apologetic look and it seems that he understood because he answered with a small smile.

"Dahil wala ka pang matandaan dito sa akademya, ililibot ka muna namin. Tara!" pag-aaya ni Khiera na halatang excited na mailibot ako sa academy.

"Diyan na muna kayo, mga pashnea!" sigaw ni Sandra at iniangkla sa braso ko ang braso niya. Naiwan naman silang lahat nang may pagtataka sa mukha, bukod kay Jiro. Malamang ay alam niya ito dahil magkasama sila sa mundo ng mga tao. Hanggang dito ay nadala niya ang mga salitang galing sa fantasy series na kinagigiliwan niya.

"Paano ka nga pala nakakapagsalita ng Ingles? Sinong nagturo sa iyo?" tanong ko kay Khiera.

"Dahil nakasama nila ako nang mahigit pitong buwan sa paghahanap sa iyo."

"Talaga?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Oo. Pinabalik lamang ako ng aking mga magulang matapos naming malaman kung saan ka nakatira dahil sa isang emergency sa palasyo." Kaya pala hindi ko siya nakita na kasama nila.

Nagpatuloy kami sa paglilibot sa school at itinuro nila sa akin kung nasaan ang library, training rooms, ang mga magiging classrooms namin, at ang offices ng mahahalagang tauhan ng school. Hindi ko pa kilala ang headmaster at ang mga professor dito pero makikilala ko naman siguro sila sa paglipas ng panahon.

Nagustuhan ko ang amoy ng library. Na-miss ko ang amoy ng mga aklat. Tila gusto ko itong bisitahin araw-araw para marami akong malaman. Baka nga may makatulong pa sa akin para sa aking misyon. Siguro naman ay mayroong history book itong academy dahil katulad ng mga nababasa kong fantasy stories ay kailangang nakatala ang mga nangyari at nangyayari sa school. Simula sa pagtatayo ng academy, hanggang sa kasalukuyan.

Katulad ng iba pang mga crime scene, kailangang imbestigahan muna ang lugar na pinangyarihan ng krimen. You must familiarize yourself first with the nature of where it happened. Ayon kay Clyde, sa Magos napahamak ang prinsesa, kaya dapat ay malaman ko ang lahat ng kailangan kong malaman tungkol dito sa paaralang ito, lahat ng mga sikreto at mga mahikal na nangyayari rito sa academy. Namuo ang takot sa loob ko nang malaman ko ang impormasyong 'yon. The school's premises are protected, yet the danger still managed to make its way.

Matapos naming libutin ang buong academy ay bumalik na kami sa dorm. Dumeretso lamang ako sa kwarto ko para magpalit ng komportableng damit. Wala pa naman daw kasing klase ngayong araw.

Umupo ako sa gilid ng kama at binuksan ang bag na dala ko. Tinanggal ko ang lahat ng laman nito kaya't nakita ko ang isang papel. Ito siguro ang piraso ng papel na napulot ko kanina. I thought it was just a simple piece of paper, but now that I can examine it carefully, I realized that it is a scented type of paper.

Tinanggal ko ang pagkakatiklop nito at binasa ang nakasulat.

Love, come meet me at the falls at seven. I have something for you.
Take care. I love you♡

-D

Who the hell is D? I thought Khione's with Lauren that time? And what falls is he referring to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top