Chapter 4
THE TWINS OF ENCHANTA
Eira Ysabelle's POV
"Kei? Jai?" I can definitely say that these two are my best friends from Earth. Their eye colors are the same as my best friends'. Hindi ito posible dahil maging ang kulay ng mata ng mga magulang ko sa Earth ay ibang-iba sa kulay ng mata ng magulang ko rito.
"Ano ang iyong sinasabi anak? Sila ang mga kaibigan mo, sina Jiro at Sandra," tila naguluhan si dad ngunit nagkatinginan lamang ang magkapatid at sinuklian siya ng ngiti.
"Pagpasensyahan na ninyo ang inyong kaibigan. Marahil ay dala lamang ng matagal niyang pagkakahimlay." Mabuti na lamang at pumasok sa isip niya ang nangyari sa anak niya.
Bahagyang yumuko ang kamukha ni Jaizen at tsaka ako nginitian nang matamis. How can his smile not change even a bit? Ganoon na lang din ang ginawa kong pagbati sa kanya pabalik. Ang kakambal naman niya ay tumakbo papunta sa akin at tsaka ako niyakap nang mahigpit, sobrang higpit sa puntong hindi na ako makahinga.
Posibleng tama ang aking hinuha na ang magkapatid na nasa harapan ko nga ay sina Jaizen at Keizen na lagi kong kasama sa totoo kong buhay. Makikita naman ito sa kanilang mga kilos at asal. Maging ang vanilla scent ni Sandra ay katulad ng babaeng nakayakap sa akin sa mga sandaling ito.
"Maiwan ko muna kayong tatlo, magpapahinga lamang ako sa aking silid," paalam ng hari bago lumisan. Nang makaalis siya nang tuluyan ay naisipan kong alamin kung tama ba ang hula ko. "Drop the act, Keizen and Jaizen," tsaka ako ngumiti sa kanila.
Nakita ko ang bahid ng gulat sa mukha ng kambal dahil sa sinabi ko ngunit nakabawi rin sila kaagad. "Ano ang iyong sinasabi, Khione?" seryosong tanong ni Jiro.
"Sino ba ang mga taong tinutukoy mo?" pag-arte pa ng kambal na tila hindi ko alam ang pagpapanggap nila. Bakit at paano nila ako nasundan sa lugar na ito? Na-comatose rin ba sila?
"Alam niyong hindi niyo ako maloloko kaya itigil niyo na 'yan. Nasayang lang ang kaba ko kanina. Kayo lang pala 'yan."
"Paano mo naman mapapatunayan na kami nga ang iyong tinutukoy?" paghamon ni Keizen. Seriously? Hinahamon ba talaga ako ng dalawang 'to?
"First, your eye color is the same as the color of your eyes in the world where I belong," nagkatinginan ang dalawa.
"Which is weird. Iba ang kulay ng mga mata ng hari at reyna sa kulay ng mga mata ng aking mga magulang. Paano nangyari na pareho ang eye color niyo nung mga kaibigan ko? This world is a counterpart of my world, so that's impossible." Nagkaroon ng pag-aalinlangan sa mga mata nila ngunit naibalik kaagad nila ang nanghahamong ekspresyon sa kanilang mukha.
"Iyon lang?" They're acting pretty tough, huh.
"Second, your mannerisms are telling me that you are Keizen. Look at your crossed fingers. His facial expressions were like Jaizen's," I'm certain about their mannerisms dahil sila lang naman ang lagi kong nakakasalamuha noon sa mundong 'yon. Kaunti na lang at malapit na silang bumigay.
"It should be different just like my mother and father's attitude," dagdag ko pa. Lumabas na ang kanilang mga ngiti na nagpapatunay na tama ang mga hulang sinabi ko.
"Third, you clearly understood what I am saying, even though I am speaking in English—"
"Oo na, talo na nga kami. Bakit ba kasi napakaadik mo sa mystery and detective stories e. Ayan tuloy at hindi kami makapagsinungaling o maka-segue man lang sa'yo." Aba, at talagang may balak pang magsinungaling ang gaga. They're too obvious.
"I've missed the two of you," sabi ko at tsaka sila niyakap nang mahigpit. "Tara na at baka nagugutom na kayo. Naghanda si ama ng pagkain para sa ating tatlo lamang." Nagkatinginan ang kambal at tila ba natatawa dahil sa sinabi ko. Baliw talaga ang dalawang ito.
Sinundan nila ako hanggang sa makarating kami sa dining room. Puno ang mesa ng maraming pagkain. Tatlo lang kaming kakain, paano namin uubusin ang lahat ng ito? Hindi dapat ito masayang dahil pinaghihirapan ng mga manggagawa ang mga ito.
"Belinda! Tawagin mo ang mga kasambahay pati na rin ang ibang manggagawa. Sama-sama na tayong mananghalian." Naguguluhan man ay tumango lamang ito at agad na sinunod ang utos ko.
Sumilip ako sa bintana upang hanapin si Clyde. Hindi nga ako nagkamali dahil naroon siya sa baba at nakaupo sa isang bench, nakatingin sa malayo. "Clyde! Pumunta ka rito para makakain ka na rin ng tanghalian!" pasigaw na sabi ko para marinig niya ang boses ko. Nakita ko ang pagtaas ng balikat niya. Nagulat ko ba siya?
"Susunod ako, Prinsesa!" sigaw rin niya pabalik nang makabawi sa pagkagulat.
Dahil naririto na sila ay nagsimula na kaming kumain. Kumuha lamang ang mga katulong at manggagawa ng kanilang kakainin at umalis na ulit. Nahihiya raw kasi silang sumalo sa amin lalo pa't naririto ang prinsesa at prinsipe ng Enchanta kaya apat na lamang kaming natira rito sa hapagkainan.
Masaya kaming nagkuwentuhan at nagtawanan habang kumakain. Para kaming hindi mga prinsesa at prinsipe. Nakikisabay rin sa pagtawa namin si Clyde. Nalaman ko na siya pala ay kaibigan rin nina Sandra at Jiro. Hindi naman nalalayo ang kanyang edad sa amin dahil nang tanungin ko siya ay magkasing tanda lang pala kami. Bata pa lamang siya ngunit isa na siya sa mga namumuno ng hukbo. Pinuno rin kasi ang kanyang ama rito sa Liondale kaya siya ay nahasa at nakapag-aral kaagad sa murang edad. Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit siya ang nahirang ng aking ama bilang aking tagabantay.
Matapos ang aming pagkain ay pumunta kami sa hardin ng palasyo para mag-bonding. Si Clyde naman ay nagpaalam na babalik na sa kanyang gawain. Hinahasa niya kasi ang ilang mga kalalakihan at kababaihan na parte ng hukbo.
"Sandali nga lang, bakit at paano kayo napunta rito? Don't tell me, nasagasaan din kayo."
"You'll believe us, right?" tila nagyayabang na sabi ni Keizen. Tumango lang ako bilang sign na magpatuloy lamang sila sa pagsasalita.
"As you can see, hindi talaga kami doon nakatira sa mundong pinagmulan mo, kung saan ka namin nakilala. Dito kami nabibilang sa mundong ang lahat ay kabaligtaran ng nasa mundo ninyo, at tama ka, kami nga sina Jaizen at Keizen na kaibigan mo, ngunit Sandra ang tunay kong pangalan, Sandra Amaya Azure. He's Claude Jiro Azure. We're the twin royalties of Enchanta."
"Pero bakit ganyan pa rin ang kulay ng inyong mga mata?"
"Ang tanging rason lamang kung bakit hindi nagbago ang kulay ng aming mga mata ay dahil dito talaga kami nanggaling sa mundo kung saan posible ang mahika," paliwanag nito. Tumango-tango ako dahil naiintindihan ko naman ang ipinaliwanag niya.
"Ganito ang natural na kulay ng aming mata dahil sinisimbolo nito ang kalangitan, mga ulap, at hangin," dugtong pa niya at ikinumpas ang kanang kamay niya.
Napasigaw ako nang balutin ng isang malamig na hangin ang paanan ko. "Keizen, no! Sinasabi ko sa'yo, u-umayos ka," kinakabahang banta ko rito. Nginisian lamang ako ng dalaga at tsaka iniangat ang kamay. Kasabay nito ay ang marahan kong pag-angat sa lupa.
Dahil sa pangamba na baka mahulog ako ay naipikit ko nang marahas ang mga mata ko. Dama ko pa rin ang pag-angat ko sa ulap. Hindi pa rin tinitigilan ni Sandra ang pagtaas sa akin sa kalangitan.
Nang tumigil ito ay napagpasyahan ko nang magmulat. Mabuti na lamang at hindi ako takot sa mga matataas na lugar. Ang ganda pala talaga ng palasyo—
"AAAAAAAH!" tila naisigaw ko ang buong lalamunan ko nang biglang nawala ang hangin na nakapalibot sa akin. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na 'to. Parang bumabaliktad na rin ang sikmura ko.
Habang nasa himpapawid ako ay isang pangyayari ang pumasok sa isipan ko. Panandaliang dumilim at nagkaroon ng pagbabago sa lugar na kinaroroonan ko. Isang tao ang naaninagan ko sa taas ng bangin ngunit dahil sa sobrang dilim ay hindi ko siya makita nang maayos. Hindi ko alam kung nasaan ako o kung ano man ang nangyayari ngunit mas tumindi ang pagkabog ng dibdib ko. Ilang segundo lamang ito ngunit sapat na ito para patindigin ang mga balahibo ko sa katawan.
Nang lumiwanag na ang paligid ay napansin kong malapit na akong bumagsak sa sahig, ngunit isang puting ulap ang sumalo sa akin.
"Mga bwisit kayo!" sigaw ko at tsaka tumingin nang masama sa kanilang dalawa. Napahinga na lamang ako nang maluwag at nakitawa sa kanila.
"Not all of the people living here can create elemental magic, only those who have royal blood running in the veins like us, and our guardians, of course. Some can control elements, but they cannot produce. Some have abilities and specialties. How about you? Do you know or do you have any hunch about your ability?" Hmm... let's see.
"Well, if I will use my name here as a basis, Khione, my power must be ice, for she is the Greek nymph of ice, water, and hail, but also pertained to as the goddess of snow. Water is possible, too, because of the color of my eyes. Look how your eye color resembles your power." Para sa iba siguro, hindi agad nila matatanggap kung may power nga sila. Samantalang ako, gustong-gusto kong magkaroon ng magic, simula pa noong bata ako. That was my very first dream, aside from being a detective.
"See it for yourself then," parang nanghahamon si Jaizen sa pagkakasabi niya nito.
"Ano nga palang ginagawa niyo sa Earth? Bakit kasama ko kayo roon? May ibig sabihin ba ang bagay na iyon?" Hindi naman sila magsasayang ng oras sa mundong iyon kung wala silang misyon.
"Oo, misyon namin ang bantayan ka. Ibinigay ito sa amin ng diyosa dahil sa kagustuhan naming mabuhay si Khione. Sa kabutihang-palad, naging kaibigan ka namin. Kaya mas napadali ang misyon namin na bantayan ka. But don't take it against us, I really enjoyed being your friend, we are considering you our friend," sagot ni Jaizen.
"Tatlong taon ka naming binantayan nang hindi mo alam, tatlong taon na rin magmula nang may nangyaring masama sa Prinsesa." Nagtuloy-tuloy ang aming pag-uusap ukol sa pagkapahamak ng prinsesa ng Liondale.
Wala raw talagang may alam sa tunay na nangyari, pero may nakakita raw ng nangyaring pagtatangka sa buhay ni Princess Khione, hindi rin kilala kung sino ito dahil ipinahayag ito sa pamamagitan ng isang sulat. Kung sino man ang taong iyon, alam kong makatutulong siya sa pag-iimbestiga ko. I just need to know who it was.
"May itatanong pa nga pala ako sa inyo. Paano kapag natapos ko na ang misyon ko rito? Babalik ba kayo roon kasama ko o mananatili na kayo rito?" I smiled bitterly because I asked that dumb question when I knew what the answer was. Sila lamang ang tanging mga kaibigang mayroon ako sa mundong 'yon. They're the only ones who made me see the worth of my life back then. Will my lonely life return once I finish everything here?
"Sa tingin ko ay alam mo na ang sagot sa tanong na iyan..." Nakita ko ang panandaliang lungkot sa kanilang mga mata na nawala rin agad dahil pinalitan nila ito ng isang ngiti.
"P-pero 'wag kang mag-alala dahil matagal pa naman tayong magkakasama. Remember, ngayon palang magsisimula ang misyon mo. Kaya 'wag mong kaisipin masyado ang mga ganoong bagay." Niyakap ako ni Keizen kaya't tila nawala kaagad ang lungkot na nagbabadyang bumalot sa katauhan ko.
Tama siya, matagal ko pa silang makakasama, at susulitin ko na ang mga panahong iyon.
Nakita ko si Belinda na papunta sa direksyon kung nasaan kami. Malamang sa malamang ay may balita na naman siyang dala. Yumuko siya at ngumiti. "Paumanhin po. Ngunit naririyan na po ang inyong sundo."
Hindi namin namalayan ang oras dahil sa aming kwentuhan. Hapon na pala at malapit nang kumagat ang dilim.
Inihatid ko sila hanggang sa gate ng palasyo matapos nilang magpaalam kina ama at ina.
"Hoy, babae! Maghanda ka na kung kaya mo nang pumasok sa isang araw." Niyakap niya ako bago bumulong sa akin.
"See you," bulong nito. Hindi niya ipinarinig ito sa iba dahil sabi niya ay hindi ginagamit rito ang wikang Ingles.
"Paalam!" sigaw ni Jaizen kaya kinawayan ko siya pabalik. Nang makaalis ang kanilang karwaheng hila ng ilang pegasus ay napaisip ako. Mag-aaral ako rito habang naghahanap ng clues? Hindi ba't parang mahirap pagsabayin ang dalawang bagay na iyon? Kabado ako pero mas nangibabaw ang excitement ko sa tipo ng school na papasukan ko rito. Katulad kaya ito ng Hogwarts? May wands? Witches and wizards?
"Anak, mabuti pa ay magpahinga ka na. Dadalawin ka ng Prinsipe ng Salem sa araw ng bukas kaya't nararapat lamang na maging handa ka. Narinig ko pa naman na may lihim na pagtingin ang prinsipe sa iyo," tila nang-aasar niyang sabi sa akin kaya sinimangutan ko siya.
Sino nga ba ang prinsipeng iyon?
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top