Chapter 38
EARLY TRAINING
Luna's POV
Humikab ako at nagkukusot ng matang bumaba papunta sa kusina. Gutom na ako. Kailangan ko nang kumain. Ngayon ang unang araw ng month-long training namin kasama ang headmaster.
Thirty minutes na lamang ang natitira para makapaghanda kami. It is only 3:30 in the morning. Why does our training have to be this early? Wala nga kaming klase pero ganito naman kaaga palagi ang gising namin. Headmaster naman, oo. Walang awa sa mga estudyante.
Nadatnan ko sa kusina si Khiera at ang guardian niya. Oh, my OTP. Remember when I said "destiny will surely find ways"? Ito ang sinasabi ko. Destiny has prepared Cyrus so Khiera can be with Drac. In other words, the heir of Lignus is the way for Khiera and Drac's relationship to be possible. Wala nang trono ang nakaabang para kay Khiera kaya hindi na niya kailangan pang magpakasal sa isang prinsipe. It depends on them, though, kung gusto talaga nila ang isa't isa.
Gustuhin ko man na bigyan sila ng mas maraming oras para sa isa't isa, kumakalam na talaga ang sikmura ko. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan at hindi pa bukas ang cafeteria.
"Good morning, mga ibong nagmamahalan," bati ko sa dalawa.
"Huh?" Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Khiera ngunit ang katabi niya ay wala pa ring ekspresyon.
"Ewan ko sa'yo, Era."
Natigilan ako sa pagbubukas ng fridge nang maramdaman ang isang kamay sa balikat ko. "Sit down," utos nito. Ipinaghigit niya ako ng upuan at tsaka binuksan ang fridge para kumuha ng leftover na pasta. Inilagay niya ito sa microwave para painitin.
"Eat now," nakangiting sabi ni Jiro matapos niyang ilapag ang isang plato ng pasta sa harap ko.
"Thanks." Inilagay niya ang isang baso sa tapat ko at sinalinan ng malamig na gatas.
Sumimangot ako nang maalala ang isang bagay. Ako dapat ang nag-aasikaso sa kanya dahil ako ang guardian niya. Yes, I admit, masarap sa pakiramdam kapag inaalagaan niya ako. Pero kahit anong mangyari, hindi ako maaaring malunod sa ganitong pakiramdam. Hindi ako maaaring mahulog dahil alam kong sa huli, ako lamang ang masasaktan.
Nginitian ko siya ng isang malungkot na ngiti. "Salamat, Jiro."
"What happened? You're sad," puna niya.
"Ano ka ba? Hindi ako malungkot 'no." I laughed.
"Your eyes never lie to me."
"It's just—I'm missing Ate Khione," pagpapalusot ko pa.
"Alright. Just eat," nakangiting sabi nito. His smile is captivating as always. It always
easily melts the wall I am building. You can't fall, Luna. You must not. A prince must be with a princess or a tribe leader's daughter, not his guardian.
"Guys, ready na ba kayo?" Sabi ng kadarating lang na kakambal ni Jiro.
"Yo, anyare?" Umakbay sa akin ang kuya ko. I'm very thankful dahil siya ang naging kuya ko. He's sweet and too caring. No wonder why the princess of Enchanta likes him.
"Wala. Tinatamad lang akong mag-train," sagot ko bago magpakawala ng buntong hininga.
"Ikaw ba 'yan, Luna? Nasaan ang kapatid ko? Ilabas mo siya!" sabi nito at inalog-alog pa ang balikat ko at tila gulat na gulat.
I beamed a smile. "Para kang timang, kuya," natatawang sambit ko matapos ko siyang batukan.
"You ungrateful child. Pinapangiti ka na nga," inis na sabi nito ngunit nakangiti. Parang baliw ah.
Napapikit ako nang pitikin nito ang noo ko.
"Cute," dinig kong bulong ng kambal.
"Sinong cute?" sabay na tanong namin ni kuya.
Nag-iwas lamang ng tingin ang kambal at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ang lalandi ng mga lahi niyo," puna ni Khiera matapos humigop ng mainit na tsokolate kaya napairap ako sa kawalan.
"Kaya pala naabutan ko kayong dalawa ni Drac dito sa table na ang sweet kahit alas tres pa lamang ng madaling araw." Namula naman ang mga pisngi nito at tsaka ipinagpatuloy ang paghigop ng tsokolate.
"Kawawa naman 'yong isa r'yan walang kaharutan," pang-aasar ni Jiro kay Clyde na simaan siya ng tingin.
"Nakakahiya naman sa mga pakipot na naghaharutan dito sa harap ng hapag. Mga torpe," nakairap na sagot nito.
"Oops. That's kind of rude, Clyde," sabat ni Giea.
"Shit, guys. Three minutes nalang, late na tayo!" gulat na hayag ni kuya kaya't sabay-sabay kaming napalingon sa orasan.
3:57
"Mamaya na natin 'to linisin. Run!" sigaw ni Clyde at naunang tumakbo papalabas ng dorm. He's surprisingly calm now. Marahil ay napagaan ng sinabi ng headmaster noong isang araw ang loob niya.
Nang marating namin ang training room ay sandamakmak na lobo kaagad ang sumalubong sa amin.
"Wow, headmaster. Walang pakundangan ah," pabalang na saad ni Sandra.
"One of you can finish those 4 packs in less than half a minute. 'Wag niyo akong lokohin," nakangiting sabi ng headmaster
"I'll handle these," tumakbo si Drac papunta sa harapan namin at sunod-sunod na naghagis ng mga bolang apoy papunta sa mga lobo.
"Flame wave," bigkas nito. Isang tila tsunami ng apoy ang lumabas mula sa kamay nito na nakatapat sa mga lobo. In an instant, ang mga lobo na papasugod pa lamang kanina ay naging abo na.
"See? 20 seconds."
"Correction, headmaster. It's 17.37 seconds," singit ni Clyde.
"Whatever. For the first training, let's go to the field."
"What's the point of meeting here early kung sa field naman pala tayo magte-train?" reklamo ni Khiera.
"Para pagpawisan kaagad kayo," sagot niya.
"Now, to the field, run!"
Tanging tunog lamang ng aming pagtakbo ang maririnig dito sa hallway. Malamang sa malamang ay natutulog pa ang iba.
Nagugutom na naman ako, oh my gee.
"Guardians, show me your elemental dragons!" sigaw ng headmaster nang marating namin ang field.
Napairap ako dahil sa sinabi ng headmaster. This technique is so tiring. Itinapat ko sa harapan ang mga kamay ko at inilagay sa isipan ang itsura ng air dragon na lagi kong ginagawa. I think I must upgrade this dragon.
Unti-unting lumabas ang hangin mula sa mga kamay ko. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na ang dragon na kanina ay ini-imagine ko. Ang kulay asul na mata lamang nito ang makikita nang sobrang linaw. Kapag nasa malayo ka ay tila isang pares lamang ito ng kulay asul na ilaw na nakalutang.
"You made it different," puna ni Jiro na nakatayo sa tabi ko.
"Napansin mo?"
"Of course. You're my guardian, I know every technique that you are using," paliwanag nito.
Napalayo ako nang bahagya noong maramdamaan ang mainit at nagliliyab na fire dragon ni Drac. My dragon can complement Drac's. The air dragon when merged with the fire dragon can make a blazing larger fire dragon.
A water dragon is in front of mine. Beside it is a dragon made of soil with a pair of shining brown eyes. Nasa isang gilid naman ang dragon ni kuya na kahawig ng sa akin.
"Good. Now, keep it alive for two hours straight. While doing so, create new techniques," saad ng headmaster nang makita na nakalabas na ang lahat ng dragon namin.
"Royals, on the other side of the field, now!" sigaw niya.
"Including you, Cyrus. Leave your water dragon here," dugtong pa ng headmaster.
"Hang in there," natatawang saad ni Jiro at tsaka tinapik ang balikat ko.
Umupo ako sa damuhan at tsaka nagpalutang ng maliliit na air balls sa paligid ko. Unti-unti ko itong pinagsama-sama hanggang sa maging isa itong airball na may katamtamang laki. Pinalutang ko lamang ito sa harapan ko at gumawa ng air blades, air thorns, air bullets, at air needles. Gumawa ako ng isang maliit na butas sa air ball at pinalutang papasok ang iba pang technique na nagawa ko.
Nakita ko na nakalutang lamang sa loob ng air ball ang iba pang technique. Napasimangot ako. Paano 'to magiging malakas na atake? E kapag inihagis ko 'to, siguradong ang air ball lang ang magkakaroon ng epekto. Babagsak lang ang iba pang techniques na nasa loob nito.
Nagulat ako sa isang maliit na whirlwind na biglang napunta sa harapan ko. Tumingin ako sa kuya ko ngunit nakatuon ang atensyon nito sa isang air bow na hawak niya. Hindi sa kanya galing ang maliit na whirlwind. Hinigit niya ang string at kusang nabuo rito ang isang air arrow. Nang bitawan niya ang string ay gumalaw ang arrow papunta sa direksyon ni Sandra na nakasimangot. That was quite impressive.
Lumampas lamang sa harapan ng prinsesa ang arrow ngunit halata ang gulat sa mukha niya. Maya-maya pa ay napalitan ng isang inis ang ekspresyon niya. Lumingon siya sa direksyon ni kuya at muntik na akong matawa nang mapalunok ang huli. Patay ka...
Ngumiti si Jiro nang magtama ang mga mata namin. Marahil ay sa kanya nanggaling ang whirlwind.
Natigilan ako nang mapagtanto ang isang bagay. This will work. Inilagay ko rin papasok ang maliit na ipu-ipo sa loob ng air ball. Nilakasan ko rin ang pwersa na naghahawak sa air ball dahil sigurado akong magwawala ang mga nasa loob ng bola sa sandaling maipasok ko ang whirlwind dito.
Tumingin ako sa isang puno at ibinato roon ang ang bola. Napalingon ang lahat sa direksyon ng puno na ngayon ay sira na dahil sa pagsabog na idinulot ng atake. Nilapitan ko ito at pinagmasdan.
Maraming butas at hiwa ang natamo nito. Napangiti ako sa sarili ko. There you go. A compressed air ball technique. I might teach them this technique later.
"Nice one, Luna! But please keep those explosions for later! Students are still sleeping!" puri ng headmaster. Alam niya palang maingay ang training, bakit niya ginawang mas maaga ang schedule?
It was nearly nine o'clock when we came back to our dorm, exhausted. We've trained for almost five hours. Walang awa ang headmaster kahit unang araw pa lamang.
Dumeretso ako kaagad sa room namin ni Giea at naligo. Mahirap kayang matulog nang malagkit.
Nang makalabas ako ng paliguan ay pumasok naman dito ang roommate ko. Umupo ako sa kama ko at inilibot ang paningin sa buong kwarto habang tinutuyo nang maigi ang buhok ko.
Ang ganda talaga ng group picture namin na nakasabit sa isang sulok. Precious memories. There's also one in the living room and one in each of their rooms.
Nakuha ng isang malamlam na ilaw na nagmumula sa bag ni Giea ang atensyon ko. If I remember it correct, that's the bag she used on our mission at Salem—that robbery case. Out of curiosity, nilapitan ko ito at tiningnan. Nagtaka ako nang makita kung ano ang umiilaw rito.
Oh my gee! This is...
Bakit nasa kanya ito?
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top