Chapter 33

PERIL

Eira Ysabelle's POV

I looked at Gabriel as he slide his sword inside its casing. He surely is a beautiful man. Napakaganda ng hubog ng kanyang katawan. Matangos ang kanyang ilong, maganda rin ang hugis ng kanyang mga mata—

'One more compliment and you will regret it.'

'As if I'm scared.'

Naririto kami sa field ng academy at hinihintay ang iba pa naming kagrupo. Madaling araw pa lamang ngunit gising na gising na ang buong school. Almost all of the students are going on a mission so the academy will be left with all of the staff of the academy.

This fieldwork mission is usually only for three to five days. Community service ang karaniwang misyon ng mga estudyante. The students will go and help the tribes assigned to them.

Our group is assigned to the island of Livo, the island where the tree of life is standing. Hindi ko nga alam kung anong gagawin namin sa islang 'yon. Si Livo at ang puno lang naman ang naroroon. Pagbubunutin niya ba kami ng damo roon?

"Kuya! Ate Denisse!" pagtawag ni Celine na may dala-dalang bag sa kanyang likuran.

"Goodmorning, Cel."

"Why is the world so unfair? Nakasuot ka lang din naman ng jeans, shirt, at cloak katulad ko pero bakit ang ganda-ganda mo pa rin?" nakasimangot na sabi niya. Lumapit pa ito sa akin at inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "Kaya pala hulog na hulog si kuya," natatawang bulong niya. Nagpasalamat nalang ako dahil madilim ang paligid. Ramdam ko na nanginginit na ang pisngi ko.

"What are you girls talking about?"

"None," sabay naming sagot.

"Group D, let's go," pag-aya ni Clyde. Kumpleto na pala kami. Nandito na si Zoe, Hazel, Julian, Fred, ang kambal, si Gabriel, at si Aubrey. Maraming grupo na rin ang nakaalis dahil maaga silang nakumpleto.

Lumingon ako sa side nina Sandra at kumaway ako. I mouthed 'Take care, bye'. Nakasimangot ito at tila hindi maganda ang mood kaya't tumingin ako sa side ni Isaiah. He's smiling from ear to ear. He just loves teasing his royal. I won't deny it. Those two are a perfect match.

'We're also a perfect match.' Napairap ako sa kawalan nang marinig ang banat niya sa isip ko.

'Your cheeks are a perfect match with my fists.'

'Why do you have to be this violent?'

Ipinagpatuloy namin ang mahabang paglalakad hanggang sa marating namin ang stables. Inabot kami ng dapit-hapon sa paglalakbay. Mabuti na lamang at sanay na sanay na kami sa pagod.

Ngayon ay nakasakay kami sa tig-iisang pegasus. I'm so excited to see the heavenly kingdom again. My pet's also there. Hindi pa rin siya bumabalik mula nang maisipan niyang bumisita.

"Everyone, we're going to greet the king and queen before going to our destination!" sigaw ni Clyde upang marinig naming lahat.

Binuksan ng mga guard ang gintong gate nang makarating kami sa harap ng palasyo. Inilagay nila ang braso sa dibdib at tsaka yumuko bilang tanda ng paggalang. Pumasok kami sa loob ng gate at nakitang nasa tapat ng pinto ang hari at reyna. They're both wearing their usual attire, their crowns standing proudly above their heads. Nasa tabi rin nila si Aedean. He really grew taller and bigger in just a few months. Mabilis itong tumakbo papalapit sa kinaroroonan namin nang makita ako. Hindi ko napigilan ang pagbagsak nang dambahan niya ako. I ended up sitting on the grassland.

Niyakap ko ang kulay puting lobo at tsaka hinimas ang balahibo nito. He smells nice. Halatang naaalagaan nang maayos dito sa palasyo. Tumayo ako at tsaka lumapit sa hari at reyna.

"I'm sorry, tita, tito. Seems like my pet missed me so much kahit isang linggo palang siya rito," paghingi ko ng tawad bago yumakap sa kanila.

"Why don't you go inside first?" suhestiyon ng reyna.

"We would love to, tita. But we're on a mission."

"Alright. Oh, for the following days, I think Aedean should spend time with you. I think we cannot take care of him here. We're going to be busy," sabi niya pa.

Tumango lamang ako at masayang niyakap si Aedean. "I'll come back here after our mission and fetch Aedean," sabi ko at humalik sa pisngi nilang dalawa.

'Aedean, be a good boy.'

"Take care, child."

"Prince Cyrus," nakangiting tawag ng reyna kay Clyde.

"Yes, Queen Izabella?" magalang na tanong nito.

"Please call me tita and take care of Khione."

"Of course. It would be my pleasure."

"We're going now, king and queen," sabi ng mga kasama ko at tsaka yumuko.

Sumakay muli kami sa mga pegasus at lumipad papunta sa isla ni Livo na nasa dulong bahagi. Ganoon pa rin ang kaharian. Napakalinis at napakaganda pa rin. Hindi nawawala ang isang napakagaang pakiramdam na idinudulot nito sa akin.

Nang lumapag ang pegasus sa damuhan ay mabilis na bumaba sa sinasakyan niya si Clyde at inalalayang bumaba si Celine bago lumapit sa akin at inalalayan din ako pababa.

"Praemia!" sigaw ng matanda.

"Prasidium!" Mabilis naman na nailabas ng kambal ang wand nila at naprotektahan kami mula sa pagsabog.

"Venti!" isang malakas na ihip ng hangin ang nagpatalsik sa aming lahat. Damn this old man. He loves surprise attacks.

"Iactre!" I'm so tired of hearing that repulsion spell.

"Meauris!" Tumilapon ang matanda sa kinatatayuan niya at tumalsik sa malayo ang staff na hawak niya.

"Knights, charge!"

Bumilis ang pagtakbo nina Celine, Gabriel, at Julian nang magkaroon ng tila puting string na nakakonekta sa likod nila at sa kamay ni Fred. Sa isang iglap lamang, nakatutok na ang spear ni Julian at ang espada ni Gab at Celine sa matanda. Nang makalapit naman kaming mga attacker ay tinutukan din siya ng wand ng kambal. Nakalabas na ang apoy sa kamay ni Clyde at nag-uusok na rin ang mga kamay ko.

"One more attack and you will find yourself writhing in pain," pagbabanta ni Clyde.

Katulad ng nangyari noong unang beses naming pumunta rito ay nagtaas muli ng dalawang kamay si Livo at tsaka ngumiti.

"I really cannot do anything whenever you two are around," at tsaka niya kami itinuro ni Clyde. Tinulungan siyang tumayo ni Clyde at tsaka niya nginitian ang matanda. "Wala kaming magagawa, kayo ho ang unang umaatake."

"Sorry po," sabay na paghingi ng tawad ng kambal.

"Lolo Livo, huwag ka na kasing susugod nang basta-basta. Ikaw tuloy ang napapahamak," nag-aalalang sabi ko at tsaka iniabot sa kanya ang staff.

"Ayos lang ho ba kayo?" Tumango lamang ang matanda at tsaka pumitas ng isang prutas sa puno ng buhay. Kinagat niya ito at ninamnam. Lahat ng mga kasama ko bukod kay Clyde ay napanganga dahil ang casual ng pagkain niya ng prutas mula sa puno ng buhay. Hindi siguro nila nakita na nagbago ang puno ng ilang sandali lamang bago pumitas ang matanda ng bunga. It is clearly a fruit from another tree.

"Can I have one?" tanong ni Julian na tila nagniningning ang kulay kahel na mga mata.

"Hindi," sabi ni Livo sa gitna ng kanyang pagnguya. Sumimangot si Julian at sinubukang pumitas ngunit tumalsik lamang ito.

Sumandal si Clyde sa puno at tsaka seryosong tiningnan ang matanda. "Why are we here?"

"Because you came here?"

Nagulat ako nang sumiklab ang apoy mula sa kamay ni Clyde.

"Kalma, kalma," sabi nito at pinaglaho ang kinakain niya.

"I need you all to go back to the academy," seryosong sambit nito.

"Pinapunta mo kami rito para pabalikin lang din sa academy?" 'di makapaniwalang napanganga si Zoe.

"Stupid girl. Of course not. Kung hindi ko kayo papupuntahin dito, paano ko masasabi ang pangitain at ang mensahe ko sa inyo?" mataray na sagot ni Livo. Ilang sandali lamang ay nagliwanag ang mga mata nito. Para itong dalawang bukas na bumbilya sa gitna ng dilim dahil sa sobrang liwanag ng mga ito.

"Where students stroll,

vicious snakes crawl.Staying still,Waiting for a chance to bring peril.Listen to my story. Two days and nights passed when a venomous snake moved. It lurked around students' home, planting three flowers which could make a fatal bloom. One was placed where one can seek comfort. One can be seen under the green blankets. The remaining one can be found in a place where wounds heal.

But be careful of the fourth flower, for it can harm you and everyone around you...if you let it bloom."

"1-2-3...0...4-5," paulit-ulit na sambit ni Livo bago siya nawala sa aming paningin. This is a clue...and the academy is in danger.

As soon as Livo vanished from our sight, we immediately mounted our pegasi and hurried back to the palace.

'Let's borrow this mode of transportation. Kailangan nating makabalik nang mabilis sa academy,' suhestiyon ko kay Clyde.

Mabilis kaming pumasok ni Clyde sa kastilyo ng Enchanta upang humingi ng pahintulot sa hari at reyna. My heart is beating erratically while walking because of the intense feeling of excitement and worry. Tumigil kami sa harap nila at nagbigay-galang.

"Why are you two in such a hurry?" tanong ng hari na seryoso ang ekspresyon ng mukha.

"Tito, if you'll allow us. Can we borrow your horses?"

Nabahiran ng pagtataka ang mukha ng mag-asawa. "Yes, dear. But tell us please, why?"

Huminga muna ako nang malalim para makapagsalita nang maayos. "The academy's in danger and we need to get back there as soon as possible," paliwanag ko.

"We can't waste our time walking our way to the academy knowing that there are lives at stake," dagdag ni Clyde na halatang gusto na ring makabalik sa academy.

"Alright. Goodluck. Aedean will be on his way," pagpayag ng reyna.

Yumuko muli kami at nagpasalamat bago tumakbo papalabas ng palasyo.

Nang mabuksan ng guards ang gate ay dali-dali naming pinalipad ang mga pegasus. I can't praise the beauty of the sky this time because I'm too consumed by worry and fear for the staff and those other students inside the academy.

Tumingin ako sa ibaba nang marinig ang isang alulong. Aedean is running fast directly below us. Naibalik ko ang tingin sa harapan nang mapansin na dumilim ang mga ulap. It's weird, it is so sudden.

Tumibok ng isang malakas na beses ang puso ko. I'm not feeling good about this. Iniba ko ang kulay ng mga mata ko at nakita ang kulay itim na mga tila kaluluwa na lumilipad sa paligid namin.

'Aedean, go back to the academy as fast as you can.'

'Clyde. We're in trouble.'

'Huh?'

'A lot of black souls are flying around us.'

"Everyone, fly slower and be alert."

Alam kong naguguluhan sila dahil wala silang kaalam-alam na may kalaban sa paligid. I wonder why they cannot feel the movement around us.

"Fred, barriers. Celine, protect our left. Julian, to our right. Gabriel, at the back. Now!" utos ni Clyde na agad sinunod ng mga kasamahan namin sa grupo. We are in a defensive formation since we are not certain of our enemies' location.

"Rowe, Pete, be prepared for sudden attacks."

"Aubrey, prepare your daggers and throw at the direction I'm going to say," utos ko rito at tiningnan ang mga gumagalaw na kaluluwa sa paligid namin. Nasa gitna ako dahil hindi ko mapoprotektahan ang sarili ko sa mga atake. I will just give commands.

"At 3 o'clock, now!" Mabilis kumilos ang kamay ni Aubrey nang marinig ang utos ko. The swift movement of the dagger was followed by a scream. One down.

Apat na kaluluwa ang papunta sa harapan namin. Isa sa ilalim, dalawa sa kanan, at isa sa kaliwa. Napalingon ako sa gawi ni Celine nang marinig ang sigaw niya. Her arm is bleeding from a long cut.

Nakita ko ang kambal na kinontra ang mga arrow na papunta sa direksyon namin. Ibinalik ko sa dating kulay ang mga mata ko at gumawa ng pananggalang.

From the left, there are thorns coming our way. Sa kanan naman ay mga palaso. There are also lightning bolts, sand, and roots coming from the front. Sinalo namin ni Clyde ang mga atakeng nanggagaling sa harapan gamit ang isang pader ng tubig at yelo.

"Venti!" sabay na sigaw ng kambal na nakatutok ang wand sa magkabilang direksyon.

Ang mga tinik at palaso na papunta sana sa amin ay nilapad papalayo ng isang malakas na ihip ng hangin.

"Everyone, on the ground. NOW!" sigaw ko dahil hindi namin kakayanin na makipaglaban nang maayos sa hangin.

"Fred, surround the others with a barrier. We can't afford to have a rough landing."

Nakita ko sa baba ang isang babaeng nakalupasay sa lupa at wala nang buhay. Nakatusok sa kanyang tiyan ang dagger na inihagis kanina ni Aubrey. Sa paligid niya ay ang dugo na nanggaling mismo sa kanyang katawan.

Nang makababa kami ay agad na nilapitan ni Hazel si Celine at hinawakan ang sugat nito. Ang mga knight namin ay nakapwesto na at handa nang sumugod.

"This will be a bit painful," pagbibigay alam ng healer.

Napakagat sa labi niya si Celine nang dumampi ang palad ni Hazel sa kanyang sugat. Nang umilaw ang kamay niya ay naipikit nang marahas ng kapatid ni Clyde ang kanyang mga mata.

Nasa baba na rin ang mga kalaban namin, nararamdaman ko sila. Babaguhin ko na sanang muli ang kulay ng mga mata ko ngunit natigilan ako nang makita ko ang lahat na hindi makagalaw dahil sa mga patalim na nakatutok sa kanila.

Isang taong may hawak na patalim ang lumitaw sa harapan ko. This bastard. Yes, he is that smiling staff of the Inn. Nilalaro niya ang makinang na piraso ng metal sa kamay niya habang nakatingin sa akin. "Give us your locket or your friends here will be dead bodies in just a few seconds," nakangising banta nito at inilahad ang palad sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko nang maalala na siya ang kumuha nito mula sa akin. Bakit niya ito sa akin hinahanap?

"Are you stupid? You took it!" inis na sabi ko.

"You're accusing me of stealing something."

"If you did not take it, then someone must have stolen it," seryosong saad ko.

"Don't fool me. Alam kong ibinalik ito sa'yo ng kaibigan mong bumawi nito sa akin noong sinubukan kong kuhanin ang kwintas mo." Nagtaka ako sa sinabi niya. Friend? Sino sa royals at guardians?

"No one is giving anything back to me."

'Clyde. Tell them to take down their opponents silently. I'll try to divert his attention.'

"Then I think, that friend of yours is hiding something from you..."

Sa isang iglap lamang ay nakawala si Clyde at ang iba pa mula sa kamay ng mga kalaban. Bagsak na ang mga kalaban at wala nang malay na nakahiga sa sahig.

"Maybe, that friend is a traitor?" natatawang sambit nito.

"What do you really want?"

Inilapit nito nang dahan-dahan ang kamay niya papunta sa aking mukha. "I want your power—" Tumigil ang mga kamay nito na ilang agwat na lamang ang layo sa aking mukha dahil sa isang kamay na pumigil dito.

"Do not touch the princess," mariing sabi ni Clyde at marahas na binitiwan ang kalaban.

Halatang nagulat ang lalaking kaharap ko. Marahil ay hindi niya inaakalang makakawala si Clyde at ang iba pa sa mga kasamahan niya.

"Try to lay a finger on her, and I will not hesitate to burn you into ashes," madarama mo sa boses niya ang galit at ang pagkainis.

"I don't want to get in trouble. Since you don't have what I am looking for, I'm going now."

Nakatutok na sa kanya ang tatlong espada, isang spear, at ang dalawang wand kaya't wala na siyang iba pang magagawa kundi ang mag-backout. Binalot ito ng dilim bago nawala kasama ang mga kasamahan niyang nakahiga sa sahig.

Isang tanong pa rin ang bumabagabag sa isipan ko. Who the hell stole my charm? I need to be in full detective mode in the academy to find out who stole my necklace.

"Let's go back to the academy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top