Chapter 31
THIEVES
Eira Ysabelle's POV
Habang naglalakad pabalik ng Inn ay bukas ang isipan naming dalawa ni Clyde. We're letting information flow. Pinag-uusapan namin ang mga narinig namin kanina mula sa limang tao. There's still a problem, though. I'm not sure about that one person who's far from us. Guess I have to be aware of that other presence.
Ayon sa mga narinig ni Clyde, may pinaplano rin ang tatlong taong iyon. They're planning to rob an establishment at the exact same time when the two persons on the bench plans to meet—10:00PM.
'Wala akong narinig na sagot mula sa babae nang magtanong ang kasama niya kung saan sila aatake,'
'Maybe through whispers?'
'I'm sure that they're not. But I saw the man nodding after I heard some tapping and scratching on their table.'
I know that he knew what those tapping and scratching sounds mean—Morse code. I can't believe they're using that code here in Kosmos.
'What's the location?'
'The Inn at 4th street,' sagot niya.
Isn't it too much of a coincidence? The two people I was eavesdropping on will be meeting at the waiting shed of 4th street also.
'We don't know if those five were allies or not.'
Tumango ako. 'We're not even sure if those two are going to attack someone or rob, but one of them mentioned a boss.'
'The three did not. Maybe they're not.'
'So we need to split the group into two later?'
Tumango lamang siya at tsaka humawak sa baba niya. There he is again, making that gesture.
'Wait. The only inn on the fourth street is the inn that we are staying at,' sabi ko nang maalala ito.
'I thought you knew it from the start.' Nasapo ni Clyde ang kanyang noo at umiling-iling pa sa akin.
Natigil kami sa pag-uusap nang huminto ang sinasakyan namin.
"Naririto na po tayo."
Iniabot ni Clyde ang isang gintong barya sa kutsero at nagpasalamat. Dahil sa kaso ay hindi na namin namalayan na narating na pala namin ang Innday.
As usual, sinalubong kami ng masiglang binata na nakatayo sa harap ng pintuan. I don't want to be rude so I smiled back. Nang makapasok kami sa loob at binati rin kami ng mga staff na nakakasalubong namin. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maramdamang muli ang isang malakas na tibok ng puso ko. There's a dark soul here. I can feel it.
'You alright?'
'Yeah.'
Nagpatuloy kami sa pag-akyat sa hagdanan hanggang marating namin ang silid nila.
"Isaiah, call the others," mabilis na utos ni Clyde.
"Yes, sir."
Makalipas lamang ang ilang sandali ay bumalik si Isaiah kasama ang iba.
Since I cannot trust anyone aside from this group, I've decided to make this room soundproof. Gumawa ako ng isang dome-shaped water barrier para ma-trap ang anumang sound na manggagaling sa loob nito.
"What is this for?" tanong ni Giea na hinahawakan ang dome.
"For privacy," si Clyde na ang sumagot.
"Report," kaagad kong sabi dahil wala na kaming oras para magpaliguy-ligoy pa. We only have an hour to discuss, half an hour to eat, and one and a half hour to prepare.
"The manager of this Inn has a book about black sorcery in his possession. It is hidden somewhere here," sabi ni Celine na tinanguan lamang namin.
Tumingin ako sa grupo nina Jiro. "As what you've ordered us, we notified the houses and shops on this street," pagbibigay-alam ng prinsipe.
"How many shops and households have the target items of the thieves?"
Umiling silang lahat.
"Surprisingly, none of them," 'di makapaniwalang sambit ni Lauren.
Nagkatinginan kami ni Clyde. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
'There are only two possibilities here: those two are allied with the three or...'
'They are planning to rob someone and blame the crime to those who are recently stealing,' si Clyde na ang nagtapos ng gusto kong sabihin.
Kung hindi man sila kakampi ng tatlong nagbabalak na magnakaw rito sa Innday, siguradong isasabay lamang nila ang krimen na gagawin nila sa mga krimeng nagaganap ngayon dito upang pagmukhain at linlangin ang mga tao na ito'y gawa rin ng mga magnanakaw.
Ibinahagi namin sa kanila ang lahat ng mga narinig namin kanina at ang mga pinag-usapan namin ni Clyde. Tahimik lamang sila at matamang nakikinig sa amin.
"Wait. Isn't it too risky for them to talk about their plan outside?" nagtatakang tanong ni Khiera.
"Maybe they're too confident that they will succeed. Their conversation is a bit secretive. They're using codes," sambit ni Clyde.
"For now, here's what we're doing to do."
We're split into two groups—Clyde leading the team inside the inn and me leading the team for the 4th street's waiting shed. Hindi kami maaaring magsama sa iisang team dahil kami lamang dalawa ang may alam ng mukha ng mga taong huhulihin namin.
It is about 9:45PM in the evening. The whole street is now filled with silence. Only the sound of nature can be heard.
My team includes Sandra, Isaiah, and Lauren. We only have two people to catch, and my three teammates are so good at combat fighting. On the other hand, Clyde needs a lot from his team. Their opponents are surely powerful. I also warned him about a possible ally of those three inside the inn.
Nakaakyat kami sa dalawang puno na malapit lamang sa waiting shed. Hinihintay namin ang pagdating ng dalawang lalaki. I'm sure they're going to be here in a few minutes.
'Clyde, can you hear me?'
'Yes, boss.'
'What's going on in there?'
'Luna's back. The black-haired woman and the brown-haired guy checked in.'
'Keep an eye on them. Hang on, the red-haired is here already.'
'Be safe. We'll talk after.'
"Guys, he's one of the two," pabulong na sabi ko sa kanila. Pare-parehong pagtango lamang ang natanggap ko mula sa kanilang tatlo.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang lalaking mayroong kulay asul na buhok. We do not plan on attacking them directly. We will only follow those two and watch their acts.
"Oras na," malalim na sabi ng lalaking kulay pula ang buhok. Tumango lamang ang kasama niya bago sila nagsuot ng kulay itim na cloak.
Tumango ako sa kanila at dahan-dahang bumaba sa puno. Sinisigurado kong walang kahit anong tunog ang magagawa. This became a lesson on our fieldwork subject kaya mabilis na lamang ito para sa amin. Palihim naming sinusundan ang dalawa hanggang sa tumigil sila sa harap ng isang bahay.
Nang hawakan ng lalaking may kulay asul na buhok ang pader na nasa harapan niya, naglaho ang isang malaking bahagi nito. Dali-daling pumasok ang kasamahan niya sa loob ng bahay at nang makasunod siya rito ay nawala na ang butas sa pader.
Hinawakan ako ni Sandra at gamit ang kapangyarihan niya ay sabay kaming lumutang sa ere. We are fortunate dahil binigyan kami ng academy ng ganitong klase ng cloak. Nobody will see us with this cloak on, as it becomes invisible mid-air. Isaiah and Lauren are now heading to the backyard of the house.
Pinigilan ko ang pagsasarado ng butas na ginawa ng lalaki gamit ang yelo.
"Go," utos ko na sinunod agad ni Sandra.
Patuloy na nagsara ang butas nang tanggalin ko ang yelong pumipigil dito.
Malaki ang bahay at maganda ang pagkakadisenyo nito. Kahit na patay ang mga ilaw ay makikita mo ang mga mamahaling gamit sa loob.
Pumikit sandali si Sandra at tila pinapakiramdaman ang paligid. Inginuso niya ang daan sa kaliwang bahagi ng bahay. Siya ang nanguna at naririto lamang ako sa likod niya upang sundan ang daang binabagtas niya.
Ilang sandali pa ay tumigil siya sa harap ng isang pintong bahagyang nakabukas.
Sinenyasan ko siya na pumanhik sa kwarto ng may-ari at sabihan ang mga ito sa nagaganap. I can take these two on my own.
Nang makaalis si Sandra ay unti-unti kong binuksan ang pinto. Mabuti na lamang at mukhang hindi luma ang ginamit dito dahil walang ni katiting na tunog ang narinig ko nang itulak ko ito.
Busy ang isa sa pagbubukas ng pader na magdadala sa kanila sa likod na bahagi ng bahay. Ang isa naman ay nakasuot ng stethoscope at para bang may pinapakinggan sa loob ng safe. Napangiti ako nang bahagya. Classic. This method is also used in Earth.
Sumandal ako sa pader at tahimik na pinagmamasdan ang ginagawa ng dalawa. They are taking a lot of time here. They must be new to this kind of thing.
Lalong lumaki ang ngiti ko nang marinig ang pagbukas ng safe.
"Jackpot. May bonus tayo kay boss nito," masayang sabi ng lalaking nagbukas ng safe.
Naglakad ako nang marahan at nakisilip sa laman ng safe. A lot of expensive-looking jewelries and gold coins are inside the box. Hindi nga sila kakampi ng tatlong iyon.
"Good work," singit ko sa usapan nila.
"Yeah~" sagot ng lalaking mayroong mahabang buhok. Nabato sa kinatatayuan ang dalawa nang tila mayroon silang naalala.
"Pre..."
"Pre..."
"Pre..." sali kong muli sa usapan nila.
Nang makabawi ang dalawa ay nahawakan nilang pareho ang magkabilang braso ko. Oh, damn. Umatras ako at iniikot ang mga braso ko. Nang makabitaw sila ay pinatalsik ko sila gamit ang malakas na pwersa ng tubig sa mga kamay ko. Nahawakan ko ang mga braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa akin kanina.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Isang pwersa ang tumama sa akin, dahilan para tumalsik ako sa pader. That's the red-haired's ability?
Mabilis nilang kinuha ang box sa loob ng safe at tsaka lumabas sa butas. Pinigilan ko ulit ang pagsasara nito gamit ang yelo bago ako lumabas.
Nang magsarado na ang butas ay humarap ako sa kanila at nakita ang dalawang magnanakaw na na-trap ang katawan sa lupa.
Maya-maya pa ay dumating na rin dito sa backyard si Sandra at ang may-ari ng bahay. Gulat ang makikita sa mukha ng ginang habang nakatingin sa mga laman ng safe na nakakalat sa lupa.
"You, guys, take it from here. Sandra, let's fly back to the inn."
Iniwan naming dalawa si Isaiah at Lauren sa bahay ng ginang. Mabilis ang ihip ng hangin na nagdala sa amin sa tapat ng panuluyan.
'Clyde, where are you? We're here.'
'Back part. Quick!'
"Sandra, go upstairs. Check everyone."
Tumakbo ako papunta sa likod ng inn at nadatnan ang dalawang taong nakakulong sa water snake ni Clyde—ang babae at lalaki na parehong may itim na buhok.
"Where's the other one?"
There's something wrong with Clyde. He's stiff.
'He's around. I cannot move. He's controlling my body.'
'Don't let go of the snake.'
Pumikit ako at iniba ang kulay ng aking mga mata. Inilibot ko ang paningin at mula sa isang puno ay nakita ko ang itim na kaluluwa ng isang lalaki.
Sa isang kisap ng mata, natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa harap ng lalaki. Pumikit ako at mabilis pa sa isang segundo na pinalitan ang kulay ng mga mata ko. Hinawakan ko siya sa leeg at pinagyelo ang katawan niya. Tanging ang ulo na lamang niya ang malayang nakakagalaw.
Sa loob ng inn ay narinig ko ang isang sigaw mula sa tila nasasaktan na si Sandra. 'Keep restraining these three. Knock their consciousness off.'
Tumakbo ako papunta sa loob ng inn. Gising ang lahat ng mga taong naririto at ang lahat ay nakapantulog pa. Kitang-kita ko sa mukha ng iba ang takot at pangamba.
Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa marating ang kwarto namin. Nakalupasay sa sahig si Sandra habang hawak ang kanyang mga mata. Sina Khiera, Giea, at Luna naman ay walang malay na nakasandal sa sahig. Where's Jiro and Celine?
"Ang dalawa niyo pang kasamahan ay mahimbing rin na natutulog sa magkabilang kwarto."
Nagtangis ang bagang ko nang marinig ang boses ng lalaking akala ko ay tunay ang pakikisama sa amin. Siya pala ang dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko noong naroon kami sa paradahan ng mga kalesa. Siya rin pala ang dahilan noong pumasok kaming dalawa ni Clyde sa inn pagbalik namin galing sa Central Plaza. I'm too dumb to trust his smiles.
"Easily fooled, heiress?" nakangising sabi nito na lumabas mula sa likod ng pinto.
"Yes," nakangiting sagot ko rito.
"Such a sweet smile. Can I marry you?"
Napaingit ako dahil sa sinabi niya. "Not a chance."
"Ouch."
Nawala na ang paghiyaw ni Sandra at nakita ko siyang walang malay sa sahig.
Ibinukas nito ang palad niya kaya't nakita ko ang itim na makikinang na buhangin na lumulutang rito. Sleeping pixies? Once you inhale those pixies, it will eventually cause you pain, then loss of consciousness will follow.
"Say thanks to those stupid guardians and royalties who asked the manager about the book for me."
"My work's done here, princess," sabi nito at pinaulanan ang buong kwarto ng black pixies. Gumawa ako ng water barrier upang saluhin ang mga ito.
Damn it. I've lost him.
Naramdaman ko ang presensya ni Clyde sa labas ng kwarto kaya't binalaan ko siya. 'Do not enter. It's raining black pixies inside.'
'Alright.'
Nang masigurado kong wala nang bumabagsak na itim na buhangin ay maingat kong tinaggal ang tubig na nakapaligid sa akin.
Lumabas ako at tinagpo si Clyde.
Mayroong mga pumasok na medical team sa loob at may dalang mga healing equipments.
"Damn it," naiiritang sigaw ko.
"Shh. It's fine. Ang mahalaga, nahuli natin ang tatlo pa niyang kasama."
"It's not, Clyde. They've stolen the book and who knows? Our friends might be in danger."
"Shit, right. I failed."
"No, Clyde, WE failed."
Napahawak ako sa dibdib ko ngunit hindi ko makapa ang kwintas ko.
Oh my God!
Dali-dali akong pumunta sa bag ko na nasa kabilang gilid at hinanap ang charm ko. Nakapagtatakang bukas ang lahat ng zipper nito. What the absolute hell? Natanggal ko na lahat ng gamit ko ngunit wala akong makitang kahit ano.
'Clyde, my charm's also stolen!'
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top