Chapter 3

GUARDIAN

Eira Ysabelle's POV

Nakaupo ako sa isang bench sa hardin ng palasyo upang lumanghap ng sariwang hangin at mag-isip ukol sa mga bagay-bagay, katulad na lamang ng misyon ko rito sa Liondale.

I've researched about this place through the books on Princess Khione's mini-library. There are numerous knowledgeable books on her shelf, so I got a geography and history book. I am in a world called Kosmos. I found out that this world is an alternate universe, a counterpart of the Earth. Now, it all made sense. It is not questionable that I've found someone who looks just like my parents, and it is possible that I will meet some who look like the people I know on Earth sooner.

In this world, magic exists. It is the biggest difference between my home world and this place. One step, and you can feel how the aura of this world differs from the other. Everything here seems to run through magic. Even the touch of the wind feels different. I don't know if it is because I'm used to the polluted air on Earth or if this is really different.

Kosmos consists of five kingdoms—Liondale, Lignus, Enchanta, Salem, and Coler. Every kingdom contains numerous tribes where different magical resources can be found. The kingdoms are ruled over by the royal families of Kosmos: the Cankaras, Azures, Brynmors, Alevs, and the Darcels.

Tumingala ako upang pagmasdan ang kulay asul na kalangitan at ang mga puting ulap na tila pinagsama-samang malalambot na bulak. Bakit halos lahat ng bagay rito sa mundong ito ay nakakagaan ng pakiramdam?

Huminga ako nang malalim nang sumagi sa isip ko ang mga magiging responsibilidad ko sa mundong ito. Simula ngayon, kinakailangan ko nang maalis ang pagiging mahiyain ko sa ibang tao dahil sa posisyon ko. Hindi na ako isang normal na estudyanteng invisible sa paningin ng iba, isa na akong prinsesa at kailangan kong kumilos tulad ng isang prinsesa.

Masyado man akong nalulunod sa aking mga iniisip, isang kawal ang nakaagaw ng aking pansin. Nakasuot siya ng isang pares ng uniform na kulay puti, iba ito kumpara roon sa mga normal na kawal. Isa siguro siya sa mga namumuno sa hukbo. Makikita mo naman ito sa kanyang tikas at tindig.

The man stood tall, his white uniform accentuating his toned body. It also complements his complexion and his black hair. His pointed nose and sharp jaw added to his god-like features. His pair of blue eyes are sparkling like diamonds are in it, glimmering like water touched by the sunlight. Those orbs were deep and enchanting, it was pulling me into an endless chasm. Can you imagine how handsome he is? He does not look like a guard nor a knight, honestly. He looks more like a prince.

However, out of all his beautiful features, his lips curled into a charming smile captivated my attention the most. His eyes were now smiling, too.

Teka—sandali! Pamilyar ang mukha ng lalaking ito. Saan ko nga ba siya nakita—

Hindi ko na naituloy ang pag-iisip kung saan ko siya nakita nang sinalubong ako nito ng isang mahigpit na yakap. A familiar warmth is the first thing I felt, followed by the sense of genuineness within his arms. The hug lasted for only a few seconds, but I can still feel his embrace. His fresh smell still lingers in my nostrils.

"Kumusta, Denisse? Maayos ka na ba? Nagagalak akong may malay ka na ngayon," may halong tuwang sambit niya. Kaano-ano kaya siya ni Princess Khione? Close ba sila? Anong koneksyon nila?

"Salamat sa iyong pag-aalala. Maayos naman ako. Iyon nga lang, wala akong maalala mula sa nakaraan ko." Hindi ko lubos maisip kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya kilala. Isa pa, hindi ko rin alam kung kakayanin ng bokabularyo ko ang pagsasalita ng straight na tagalog.

Hindi nakawala sa mata ko ang pagpipigil nito ng ngiti. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Huwag kang mag-alala, Prinsesa. Tutulungan kita." Kumindat ito at tsaka ngumiti.

"Salamat..." Natigilan ako nang maalala kong hindi ko alam ang pangalan niya. Nawala nang bahagya ang aliwalas sa kanyang mukha dahil dito. I can see a hint of disappointment in his eyes. The smile on his lips became a curve of bitterness for a few seconds. It happened really fast, like it did not happen at all. His face is bright again, the sweet smile plastered on his face and the sparkle in his eyes was back. Looking at him smiling is refreshing and fluttering at the same time.

"Tawagin mo na lamang akong Clyde, Prinsesa." Napatango na lamang ako. Maganda ang pangalan niya, Clyde. Parang katunog ng pangalan ng magiging asawa ko.

"Ako ang personal mong tagabantay." Marahang bumagsak ang tingin nito sa sahig ngunit nagpatuloy pa rin sa pagsasalita. "Ako rin ang responsable sa nangyari sa iyo noon dahil hindi ko nagampanan nang maayos ang aking tungkulin. Patawad, Denisse."

Tagabantay? Hindi ba't parang napakabata pa niya para sa posisyon niya? Bigla na lamang akong napaisip. Kung siya ang tagabantay ng Prinsesa, ibig sabihin ba nito ay maaari ko siyang mapagkatiwalaan at makatulong sa misyon? "Maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang iyong tinutukoy—"

Isang katulong ang lumapit sa akin at yumukod. "Paumanhin po sa pagsira ko sa inyong munting pag-uusap, ngunit ipinapatawag po kayo ng hari," magalang na sambit nito.

"Sa susunod na lamang muli, Clyde. Gawin mo na ang dapat mong gawin. Kakausapin ko lamang si ama. Maraming salamat sa oras na iyong inilaan." Nginitian ko muna siya at tinapik nang mahina sa balikat bago ako umalis.

May bago na akong nakilala. Maaaring makatulong siya sa pag-iimbestiga ko dahil halata naman sa mukha niya ang pagiging malapit nila ng prinsesa. Ngunit hindi ko pa rin alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya o hindi.

Sa mga ganitong panahon kasi, hindi ka dapat magtiwala nang basta-basta lang. Wala kang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang sarili mo at ang sarili mo lamang. Everyone's a suspect, lalo na at ngayon pa lamang ako nakakapag-adapt sa mundong ito.

Tumigil kami ng katulong sa harap ng isang malaking double door na gawa sa kahoy at may magandang inukit na disenyo. Ito na siguro ang Master's bedroom sa palasyo, ang kwarto ng hari at ng reyna.

"Ano ang iyong pangalan? Maaari ko ba itong malaman?" pabulong kong tanong sa katulong na kasama ko. Gusto ko itong malaman dahil siya ang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto noong magising ako.

"A-ako po si Belinda, Prinsesa. Mauna na po ako." Nag-bow lang siya at saka umalis.

Nang humarap ako sa pinto ay bukas na ito at nasa harap ko na ngayon ang hari, si daddy. Nakangiti siya at mahahalata mo sa mga mata niya ang sobrang kagalakan. Siguro ay matagal na nakahimlay ang katawan ni Princess Khione para magkaroon sila ng ganitong reaksyon.

Yumuko ako tanda ng respeto, "Ano po ang dahilan ng pagpapatawag ninyo sa akin, ama?"

"Darating ngayon ang mga kaibigan mong kambal mula sa Enchanta. Maghanda ka na at magbihis. Magpapahanda ako ng pagsasalu-saluhan ninyong magkakaibigan mamaya."

"Ngayon na po?" I never knew that she has friends from other kingdoms. We are truly different.

"Oo. Maghanda ka, dahil bukas naman ay darating ang anak ni Ronald, ang Hari ng Salem. Nang malaman nila na ikaw ay nagising na ay agaran silang nagpadala ng sulat na humihingi ng pahintulot ng kanyang pagdating." Mahahalata mo ang pagkamangha sa kanyang mukha dahil sa mga reaksyon ng mga 'siguro' ay malalapit na kaibigan ko.

Makakikilala muli ako ng mga taong naging malapit sa Prinsesa. Parami na nang parami ang mga taong makakasalamuha ko na maaaring mga salarin at mayroong kinalaman sa pagkapahamak ni Princess Khione.

Inihatid ako ni ama sa kwarto at tinawag niya ang mga katulong na mag-aayos sa akin. Sa totoo lang, ang awkward ng mga nangyayari. Hindi kasi ako sanay na may nag-aasikaso sa akin sa paliligo.

"Ayusan niyo nalang po ako mamaya. Kaya ko na po ang sarili ko. Salamat." Pinatigil ko sila nang sinisimulan na nila akong tanggalan ng suot kong gown. Hindi ko kasi talaga maatim na may nag-aasikaso pa sa akin hanggang sa paliligo ko. Hindi na naman ako bata, ano? Magpapaayos na lang ako sa kanila mamaya dahil hindi ko maaasahan ang sarili ko sa bagay na 'yon.

Sinunod nila ako kahit na halata sa mukha nila na naguguluhan sila sa desisyon ko. Marahil ay hindi sila sanay na ganito ako.

Hinayaan ko munang nakababad ang katawan ko sa tub na puno ng tubig at may mga nakahalong rose petals. Amoy na amoy ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak na nakalutang sa tubig kaya't nare-relax ang aking pakiramdam at nagiging kalmado ang aking isipan.

Kung iisipin mo ang mga nangyari sa akin simula nang mabangga ako ay hindi ito kapani-paniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala kung makikita mo ang sarili mo sa ibang katawan, at sa ibang mundo? Ngunit dahil sa diwatang nagpakita, nawala na ang pangamba sa aking hindi totoo ang lahat ng ito.

Sobrang daming bagay at mga tanong na ang pumapasok sa aking isipan na alam ko namang hindi masasagot dahil walang makapagpapaliwanag nito sa akin. Hinayaan ko lamang na mababad ang aking katawan sa loob ng dalawampung minuto at tumayo na ako para tapusin ang aking paliligo.

Naglilinis ang mga katulong sa aking kwarto nang lumabas ako mula sa banyo ng aking kwarto, ngunit tumigil rin sila sa ginagawa at nagsimula na silang ayusan ako. Pinaupo nila ako sa harap ng salamin na katulad nung mga makikita mo sa studio.

Si Belinda at ang isa pang katulong ang nag-aayos ng aking buhok at may isa pang katulong na nag-aayos ng aking mukha. Honestly, I'm not fond of these things, ang hassle kaya. Face powder, pabango, at suklay lamang ang palagi kong ginagamit dahil bukod sa wala akong oras ay mas gusto kong magmukhang simple lamang at malayo sa atensyon ng karamihan. Ang mahalaga naman ay malinis at maayos akong tingnan. Isa pa, hindi ko naman kinakailangang pagandahin pa ang sarili ko dahil wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. I'm just living my life the way I want it to be.

Lumabas ang dalawang katulong mula sa walk-in closet dito sa kwarto at may dala silang dalawang klase ng gown, isang kulay violet at isang pastel blue. Ang violet na gown ay may intricate design ng gold and white patterns. Ang pastel blue na gown naman ay may violet, white, and gold intricate patterns together with a large purple ribbon on the lower back, just like the violet one, but in a different color. Basically, magkapareho lang ang dalawa, magkaiba lang ang mga patterns at kulay.

Of course, I chose the violet one because this color really suits my taste. Then I paired it with high heels. Mukhang bagay naman silang dalawa. Hindi ako fashionista pero marunong naman akong tumingin kung bagay ba sa akin ang suot ko o hindi.

Nagsimula na silang isuot sa akin ang inner layers ng gown . Ang hassle talaga nito sa buhay ng isang babae dahil mabigat ito at mainit pa sa katawan.

"Tingnan niyo po ang inyong sarili, Prinsesa. Napakaganda niyo po." Iniharap nila ako sa salamin matapos nila akong bihisan. Napaka-elegante ko kung ako ay titingnan dahil sa suot ko. Light makeup, a simple but elegant hairstyle, and add the jewelries. I totally looked different from my older self.

Ganito kaya siya manamit? Baka hindi ganito ang style ni Princess Khione at magtaka sila kung bakit ganito ang aking porma.

"Salamat," isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila.

Kinakabahan ako pero nae-excite na rin at the same time. Makakasalamuha ko lang naman ang bestfriends ni Princess Khione. Hindi sana sila manibago kung may mga bagay akong magawa o masabi na hindi naman ginagawa at sinasabi ni Princess Khione. Whatever, maaari ko namang gawing excuse 'yung coma para kunwari ay may amnesia ako.

Maya-maya pa ay may kumakatok na sa pinto, "Prinsesa Khione, dumating na po ang mga anak ng hari ng Enchanta. Ipinapatawag na po kayo ng Hari." Oh my God, kinakabahan ako!

Nagsimula na akong lumabas sa aking kwarto at bumaba sa hagdan. Dahan-dahan lang ang bawat yapak na aking ginagawa dahil maaari akong mahulog, panigurado namang walang sasalo sa akin. Nasaan ba kasi si Clyde? Akala ko ba ay siya ang personal body guard ko? Bakit wala siya ngayon sa tabi ko?

Ramdam ko ang kaba sa bawat pagyapak ko sa baitang ng hagdan dahil sa heels na suot ko at sa mga taong naghihintay sa akin sa baba nito.

"Oh, narito na pala siya." Nginitian ko ang ama ni Khione. Kusang kumunot ang noo ko nang dumapo ang tingin sa lalaki at babaeng kausap ng hari. Bakit sila narito? Anong ginagawa nila sa lugar na ito?

"Kei? Jai?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top