Chapter 29
FAMILIAR
Eira Ysabelle's POV
Naririto kami sa loob ng headmaster's office at kaharap namin ang matandang nakasuot ng kulay blue na cloak. Napapadalas na ang pagpunta namin dito sa office simula noong nagkaroon ng biglaang pag-atake.
"Royals and guardians, you're on a mission," panimula niya.
"Headmaster, our fieldwork mission is about two weeks from now," pagtanggi ni Lauren.
"Of course, I'm aware. That's why I'm only giving you a week to solve the robbery cases and catch the criminals in Tribe Une of Salem," nakangiting sabi ng headmaster na nagpanganga sa amin.
"We're accepting the mission. Goodbye, headmaster. We're going now," paalam ni Jiro.
"Goodluck!"
"A mission after another, huh?" nakamuskong na sabi ni Luna.
"Aaah! I'm tired. I want to rest for three days straight," Sandra whined.
"Same, but tomorrow's the first day of our mission," sabi naman ng kambal nito.
"Come on, lazy heads, we have the rest of the day free. You can rest for 12 hours if that's what you want," natatawang sambit ni Lauren bago nagpatuloy sa paglalakad.
"You guys should go first. May gagawin lang ako," paalam ni Clyde na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. That's great!
Alam kong makikipagkita lamang ulit siya kay Celine...which is absolutely not my business. Lately, he's been hanging out with her guard and of course, they grew closer. What to expect? They need the bond. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako dahil sa mga naiisip ko. He's just changed.
Inis na tumakbo ako papalapit kay Lauren na seryosong naglalakad habang nakasuot ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya.
"I see. You're being jealous?" Muntik na akong masamid ng sarili kong laway dahil sa biglaang pagsasalita nito.
"Jealous of what?"
He smirked. "Oh please, Ysabelle. You know what I was talking about. Clyde and Celine, right?"
"I'm not jealous. I'm just irritated by something. And please do not call me Ysabelle, baka marinig ng iba," napairap ako habang nagsasalita.
"Hindi ba't isang palatandaan ng pagseselos ang pagkairita?" natatawang sabi pa nito. Am I jealous? Absolutely and surely...not. Why would I be?
"Whatever. You're not making anything better."
Nang marating ko ang dorm ay nagkulong muli ako sa kwarto at pinagyelo ang buong paligid. I'm sure that this layer of ice will give me a proper and comfortable sleep.
After a few minutes, I found myself drifting to sleep.
"Tumakbo ka na hanggang sa makakaya mo, malapit na ang katapusan mo!" Siya na naman? Ito na naman? Wala na bang maisip ang diyos ng mga panaginip para ipakita sa'kin nang paulit-ulit ang pangyayaring ito?
"Takbo!" sigaw muli nito. Kahit na nakakailang ulit na ang panaginip na 'to ay hindi pa rin nawawala ang kaba na idinudulot nito sa aking sistema.
There's no point in being a coward here. This is just a stupid dream, after all. Pinakiramdaman ko ang kamay ko at tiningnan kung makakapaglabas ito ng tubig o yelo. Napangiti ako nang maramdaman ang malamig at nakakakiliting sensasyon sa aking palad. Unti-unti akong bumuo ng plano sa aking isipan. Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon.
This dream might have a purpose. Come to think of it. This dream shows up frequently. Does this mean that this dream has meaning?
Nang makita ko siya sa likod ng puno ay kaagad kong inalerto ang sarili ko. I can use my ability here in my dream. Ecstatic.
Mabilis na kumilos ang kamay ko nang ihagis niya ang patalim papunta sa akin. Nabuo ang isang pabilog na yelo sa harapan ko at naging pananggalang ko ito. Umatake ako gamit ang mga ice spikes at ice blades na ginawa ko at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. I need to decrease the gap between us para mas madali ko siyang maikulong sa yelo.
Mabilis ang naging pagkilos nito at tila alam niya ang mga galaw ko at ang mga atake ko.
Lahat ng atakeng ipinadala ko ay bumagsak lamang sa lupa.
"Ito lamang ba ang kaya mong gawin?" nangungutyang sabi nito. Hindi pa rin ako maliwanagan sa kanyang boses dahil sa maskarang suot niya.
"Dear, we're just starting," nakangising sabi ko at inilagan ang mga dagger na papunta sa direksyon ko.
"Hit your target accurately," panghahamon ko pa.
Sa isang iglap, maraming dagger na ang bumubulusok papunta sa kinaroroonan ko. Mabilis akong nagpalabas ng tubig mula sa kamay ko at pinagyelo ito. Nakarinig ako ng pagkabiyak ng yelo at ng matitinis na tunog ng pagtama rito ng mga dagger.
Nang masiguro kong wala nang dagger ang nagbabadya sa paligid ay binasag ko ang yelo at pinabulusok ito papunta sa direksyon ng kalaban. Nakailag din siya sa atake ko at mabilis na nagbato ng mga bolang gawa sa itim na liwanag. Sumabog ito nang tumama sa isang puno na nasa likuran ko. That black light ball was powerful. It's like a black force field compressed inside a small black ball.
I remember someone who can control the dark—Damon.
"Damon? Is that you?" tanong ko rito ngunit wala akong natanggap na sagot.
Nawala siya ngunit patuloy pa rin ang pagdating ng mga kulay itim na bola sa direksyon ko. The enemy is blending in with the dark surrounding. Iniiwasan ko lamang ang mga pag-atake niya kaya't maraming pagsabog na ang nagaganap sa paligid. Maraming mga puno at halaman na ang nasira.
Gumawa ako ng isang water barrier sa paligid ko at tsaka pumikit. Pagmulat ng aking mga mata, wala na ang water barrier ngunit nakikita ko na ang kulay puti at itim na tila kaluluwang gumagalaw papaikot sa akin. How come? Paanong may dalawang magkaibang kaluluwa sa paligid ko gayong isa lamang ang kalaban ko?
Hindi ko alam kung paano ako aatake dahil hindi ko pa alam kung paano ko magagamit ang bagong abilidad na ito. Naging okupado ako sa pag-iwas sa mga itim na bola kaya't hindi ko napansin ang ilang dagger na papunta sa akin. Napahiyaw ako nang tumusok ang isa sa aking binti. Tila pinupunit ang kalamnan ko dahil sa sakit na idinulot nito.
Pumikit ulit ako at ibinalik sa dating kulay ang mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mabilis na hinugot ang patalim. Hinawakan ko ang sugat at ibinalot ito sa yelo upang mamanhid ito nang panandalian.
Nagbato ako ng mga bolang gawa sa yelo at sinalubong ang mga itim na bolang ipinapadala niya sa akin. Ang bawat pagtatama ng dalawang atake ay nagbubunga ng malalakas na pagsabog.
Ipinagpatuloy ko lamang ang pagpigil sa mga atake niya hanggang sa makarinig ako ng isang sigaw. Got you! Alam kong matatamaan at matatamaan siya ng mga pagsabog dahil sa ere ito nangyayari—sa ere kung saan siya nagpapaikot-ikot.
Tumayo ako at pinagmasdan ang kalagayan niya. Patuloy na lumalabas mula sa kanyang hita ang masaganang dugo. Malaki ang sugat na natamo niya mula sa mga pagsabog. Hinawakan ko ang paa niya at pinagyelo ito hanggang sa maabot ang leeg niya para masiguradong hindi siya makakatakas.
"You made it hard for the both of us. Tingnan mo nga naman at nasugatan ka pa."
Isang pares ng kulay kayumangging mata ang makikita sa butas ng maskara. This pair of brown eyes are familiar.
Hinawakan ko ang suot nitong maskara at unti-unti itong tinanggal. Nakatakip rin ang ilong at bibig niya gamit ang isang kulay itim na tela. Isa lamang ang nasisigurado ko—babae ang nakalaban ko. I can easily tell because of her brown hair that is tied in a bun, and her chest is basically not like a man's. Kahit tahimik ito ay masama naman ang tingin na ipinupukol nito sa akin at tila isa itong mabangis na hayop na gustong lapain ang kanyang target.
Tatanggalin ko na sana ang tela na nakatakip sa kanyang bibig at ilong ngunit nagbago ang pangyayari at ngayon ay tila nahuhulog na ako mula sa isang mataas na gusali.
"Aaah!" Napabalikwas ako ng bangon at humihingal na napahawak sa dibdib ko.
Nagsalin ako ng tubig sa isang baso at ininom ito kaagad. Ilang sandali pa ay kumalma na ang sistema ko at tila nakabawi na mula sa aking panaginip.
Naalala ko ang kulay kayumangging buhok at mata ng babaeng nakalaban ko. They're familiar but I cannot figure out who she was.
Tumingin ako sa wall clock at nalamang alas tres na pala ng umaga. Labindalawang oras nga akong nakatulog. Napakahaba.
Inilagay ko na ang mga damit na kakailanganin ko sa isang knapsack at tsaka tinungo ang paliguan upang makapaghanda na para sa misyon.
Isinuot ko ang isang pair ng jeans at isang komportableng shirt at tsaka lumabas sa kwarto, bitbit ang cloak sa isang braso.
Nang makababa ako ay ang nakasimangot na si Sandra ang nadatnan ko.
"Agang-aga ay nakasimangot ka. Anong nangyari?" tanong ko bago umupo sa tabi niya.
"That damn guardian!" frustrated na sabi niya.
"Oh."
"Want me to make you a sandwich?" suhestyon ko na naging sanhi ng pagliwanag ng kanyang mga mata.
Pumunta ako sa kusina at tsaka gumawa ng sampung grilled cheese sandwich para sa aming lahat.
"Thanks!" masiglang sabi ni Isaiah matapos kumuha ng isang sandwich.
"Give this to her. Naiinis na naman siya sa'yo." Inabutan ko siya ng sandwich na para kay Sandra.
"Alright. I owe you one for this."
Ang bagal naman nilang kumilos. 4:30 AM ang call time sa gate ng academy kaya't kailangan na naming umalis sa dorm.
"Where's Clyde?" Hindi ko siya makita sa paligid at hindi ko rin maramdaman ang presensya niya.
"He's at the gates for a while now," sagot ni Isaiah.
Inilagay ko na lamang sa isang paperbag ang dalawang sandwich na para sa kanya at sa akin bago sumunod sa kanila papalabas. Nang malapit na kami sa gate ng academy ay naaninagan ko si Clyde at ang isang babae na hindi ko makita ang mukha dahil sobrang layo pa nila sa amin.
"Bro! Ang aga niyan ha."
I see. Maaga siyang umalis sa dorm para makipagkita kay Celine. Iniabot ko ang supot na may lamang dalawang sandwich sa kanya at tsaka bumalik sa tabi nina Sandra at Khiera. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya't ibinigay ko na kay Celine ang sandwich na para sa'kin.
'What's wrong?'
'Wala.'
'That's good.' Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at humarap kay Khiera.
'Have you eaten?'
'You care?' natatawang sambit ko at tinalikuran siya.
Matapos nito ay tumahimik lamang siya at hindi na ulit nagsalita. Narinig ko na lamang ang boses niya nang magtawanan sila ni Celine.
"Jelly, eh?" nakataas ang kilay na puna ni Khiera kaya't inirapan ko siya.
"Nonsense."
Inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko at napatigil nang makita na papalapit na ang headmaster sa kinaroroonan namin.
"Ms. Celine, naihanda mo ba ang mga gamit mo?" tanong niya nang makalapit sa amin.
"Yes, headmaster," nakangiting sagot ng dalaga.
She's coming with us?
'Yes.'
'I'm not talking to you.'
'Rude.'
'Wow, Clyde. Wow,' sarcastic na sabi ko sa isip ko
"One week, students. One week. Good luck!"
Sabay-sabay kaming tumungo at nagpaalam sa headmaster bago lumabas ng academy. I hope this second mission will be smooth-sailing.
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top