Chapter 27
DEFEND
Eira Ysabelle's POV
Inilibot ko ang paningin sa paligid ko at wala sa sariling napangiti nang makita ang maaamo nilang mukha habang natutulog. We decided to spend the night here at the rooftop of our dormitory. Pinagmasdan ko ang kalangitan kung saan nag-aagaw na ang dilim at ang liwanag. Unti-unti nang nawawala ang pagkakapinta ng mga bituin sa ulap at napapalitan na ito ng maliwanag at malamlam na sikat ng araw. It's the start of a new day.
Today, I hope I can find even just a little clue about the incident three years ago.
Tumayo ako at nilapitan si Luna. Kinuha ko ang kumot ko at ipinatong ito sa kanya. Alam kong nilalamig na siya dahil nakabaluktot na ito na parang fetus.
I sighed. Seeing them like this makes me really happy. Last night will be one of those memories I will keep, so that, when the time comes, I will have some good moments to reminisce.
Napabuntong-hininga ako. Nagdadalawang-isip na naman ako kung ilalapit ko bang lalo ang sarili ko sa kanila o kung sisimulan ko na ang umiwas. Kapag mas inilapit ko pa ang sarili sa kanila, mas mahihirapan akong umalis, mas masakit ang magiging epekto nito. Kung iiwas naman ako, sa tingin ko rin ay mahihirapan pa rin ako.
Sa pangalawang pagkakataon, nagpakawala akong muli ng isang buntonghininga. Kahit anong mangyari, alam ko namang mawawala rin ang lahat ng ito. Alam kong darating ang araw na babalik ang buhay ko sa dati, ang buhay ko kung saan walang mahika at kung saan walang royals and guardians. Kaya mas maganda siguro kung ie-enjoy ko na lamang ang lahat ng ito.
Bubuksan ko na sana ang pinto para makababa na nang may dalawang brasong pumulupot sa aking baywang. Ipinikit ko nang mariin ang mata ko upang pakalmahin ang puso kong nagwawala. Ysa, umagang-umaga ka.
I'm sure I know who this person is. Siya lamang naman ang nakapagbibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at dinama ang mainit niyang yakap. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng pagbabalik niya.
'Clyde?'
'Hmm' he hummed in a sleepy tone. I can't help but blush whenever I hear his morning voice as it was husky and...sexy.
'Let's cook breakfast?'
"Can we just stay like this for a minute?" inaantok pa rin na sabi niya. Nagulat ako nang iharap niya ako sa kanya at tsaka ako ikinulong sa isang mas mahigpit na yakap. 'I've missed you.'
'Me too. I missed myself,' natatawang sambit ko sa aking isipan. Kumalas siya sa yakap at padabog na bumaba. He's like a seven-year old kid having tantrums this early in the morning.
Tumawa ako at tsaka binagtas ang daan papunta sa kusina. 'Alright, alright. I've missed you too, Ignei.'
Tumigil siya sa pagbaba ng hagdan at tumingin sa akin na tila nang-aasar.
"What are you staring at?"
"I knew it!" masiglang sabi nito. Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako na kahit nagbago ang halos lahat sa kanya ay ganoon pa rin ang ugali niya.
Tahimik lamang kami hanggang sa marating namin ang kusina.
"Anong lulutuin natin?" tanong nito habang humihikab na umupo sa lamesa.
"Clyde! Baka masira 'yang lamesa! May upuan naman."
"Ang sungit mo. Para kang nanay na nagsesermon kahit sobrang aga pa," reklamo nito.
"Whatever. We're cooking pancakes, bacon, hotdogs, eggs, and whatever you want to cook."
Binuksan nito ang fridge at inilabas ang bacon, hotdogs, at ang ilang piraso ng itlog.
Pumunta ako sa sabitan ng aprons at kumuha ng dalawa. Isinuot ko ang isa sa sarili ko at iniabot ko ang isa kay Clyde ngunit tinitigan lamang niya ang apron.
"I can't. Marumi ang mga kamay ko," sagot nito at itinaas ang dalawang kamay. Pinangunutan ko naman ito ng noo. Anong sinasabi nitong marumi ang mga kamay niya e naglabas lang naman siya ng ingredients?
"Napakaharot mo, Clyde," puna ko at isinuot ang apron sa kanya. There's no point arguing.
"I'll start frying these. You go with the pancakes."
Sinimulan na niyang tanggalin ang plastic sa hotdogs at nilagyan ang mga ito ng hiwa. Ako naman ay nagsimula nang paghaluin ang mga ingredients sa isang bowl. Inihanda ko na rin ang pan na gagamitin ko para rito. Mabuti na lamang at madali lamang itong lutuin.
Busy ako sa paglalagay ng mixture sa kawali nang marinig ko siyang magsalita. "Ikaw ba talaga ang tumawag sa akin noong naiwan ako sa palasyo?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat. "Wait...You've heard my voice? You heard it?"
Tumango naman ito. "I guess so..." natatawang sambit nito.
"I was happy you called me." Then, he flashed a genuine smile that has reached my heart. Ngayon ko na lamang nasilayan muli ang ganoong klase ng ngiti mula sa kanya.
"Hey, look at the pancake you're cooking. 'Wag mo akong titigan masyado, baka matunaw ako." Dahil sa sinabi niya, napalitan ng irap ang masayang tingin ko sa kanya.
"Bakit ka matutunaw? Ice cream ka ba? Ang sama mo namang ice cream kung ganoon," pambabara ko rito. Siya naman ang umirap sa akin kaya't tinaasan ko siya ng kilay.
"Is it true that you've missed me? Huh? Huh?" Anong mayroon sa lalaking ito at sinaniban ata ng kakulitan? Makulit si Clyde, pero ngayon, may kakaiba sa kakulitan niya.
"Hindi na ngayon," sabi ko at ipinatong ang pinggan na may lamang pancake sa lamesa.
"Coffee, milk, or chocolate?" tanong ko sa lalaking malapit na ring matapos sa pagluluto.
"Anything will do. Basta ikaw ang gumawa." What a flirt.
Nagtimpla ako ng tig-isang baso ng kape at chocolate at ibinigay ang isa sa kanya. Alam kong mas gusto niya ang chocolate kaysa sa dalawa pang pagpipilian.
Magkaharap kami sa isa't isa habang kumakain ng umagahan na inihanda namin. Tahimik lamang kami kaya't mabilis kong narinig ang mga bulungang nanggagaling sa likuran namin.
"Guys, let's eat breakfast. 'Wag na kayong magtago r'yan."
Hindi nga ako nagkamali dahil lumabas sila mula sa pader na nakaharang sa kusina at sa living room.
"Ang ingay-ingay niyo kasi," paninisi ni Isaiah.
"Nasira tuloy 'yung moment nung dalawa," dagdag pa ni Luna na nakangiti sa amin.
"Sabi ko naman sa inyo doon nalang tayo sa canteen kumain," sabi ni Sandra. Aba at ang gaga...
"Kapag nakarinig pa ako ng isang salita mula sa inyo, hindi kayo makakadampot sa mga niluto namin," pagbabanta ko na nagpatahimik sa pagsisisihan nila.
"Huwag ninyong galitin ang prinsesa. Masama ang gising."
Pinukulan ko naman ng masamang tingin ang lalaking kaharap ko. "Ikaw naman, tumahimik ka na at kumain. Dami mong satsat."
Binilisan ko na lamang ang pagkain at naligo na. Mayroon pa kaming klase ng 10:00 am, particularum magicae.
Umupo ako sa sofa matapos kong mag-ayos ng sarili at hinihintay ang pagbaba nilang lahat. Ilang segundo lamang ang lumipas ngunit naging okupado na naman ang aking isipan, okupado ng mga salitang binanggit kahapon ng sirena. Wala sa isip na napahawak ako sa perlas na ginawa kong pendant kasama noong aking charm. Anong gagawin ko sa'yo?
"Let's go!" Lumingon ako kay Sandra na nasa tabi ko na pala. Narito na pala silang lahat. Tumango lang ako at sinundan sila papalabas ng dorm.
I put on my sweet smile as we walk past other students who are bowing to show respect. Hindi namin pinansin ang nga uspan at tahimik na naglakad hanggang sa marating namin ang room.
Nang makaupo kami sa mga upuan namin ay saktong dumating naman si Ms. Ivy.
"Good morning, elementals!" masiglang bati nito.
"Good morning, ma'am," sabay-sabay naming bati pabalik.
"Today, we will have a class in one of the academy's training rooms. You and your partners are going to have a battle against other pairs," panimula nito.
Nagtaas ng kamay si Tina na nasa tabi ko. "Ma'am, which pair po?"
"Your pairing in fieldwork," nakangiting sagot ni Ma'am Ivy.
"If there are no other concerns, stand up and follow me to Training Room 1."
Malapit lamang ang training room 1 mula sa room namin kaya mabilis namin itong narating.
"Today, we will be playing a game of offense and defense. Each pair will be playing with another pair. One team will be defending themselves from the attacks of the opposing team. It's quite simple," panimula ng guro.
"Princess Khione and Prince Cyrus, please come here in front." Wow, kami kaagad ang una?
"You will fight against..." Sumilip ito sa papel na hawak niya at napangiti nang makita ito.
"Prince Lauren and Luna."
"Goodluck!" sigaw ni Sandra.
"Oh, Princess Sandra and Jerome, you're both with Prince Lauren and Luna," napanganga ako. We're fighting two pairs?
"For the next 30 minutes, the four of you should try to catch the princess and her guardian. You need to hold them for at least 15 seconds to consider your victory. However, midway, the defenders can already play offense," pagbibigay-alam ni Ma'am Ivy na nasa gilid, kasama ang iba pa naming mga kaklase.
Nakalinya sa kabilang dulo ng silid ang pangkat nina Sandra. Seryoso silang nakatingin sa amin ni Clyde. Until now, hindi pa rin ako nasasanay sa Prince Cyrus na 'yan. I prefer to call him Clyde or Ignei. I want mine to be a little different from theirs.
'You ready?' tanong niya.
'I was born ready.'
'Show me.'
'Kidding, I'm a little nervous,' narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
Nakitaan ko ng pagtataka ang mga mukha ng ibang tao sa silid. 'Clyde, you look stupid. Huwag ka ngang tumawa.'
"We can do this, princess. We just need to defend ourselves and fight if only needed."
"Yeah, right."
'Your stamina's great right?' Tumango ako.
'Nice. Be ready. They're tough, especially Sandra and Lauren.'
"Start!" Immediately after the gun was fired, huge roots appeared on our feet. Jerome's real fast huh?
Kaagad kong tinanggalan ng water content ang ugat upang mabawasan ang lakas nito at tsaka ito ibinalot sa yelo. Easy way out. Nakita ko namang nagliyab ang paanan ni Clyde kaya't nawala bigla ang mga ugat na pumupulupot sa kanya.
I sensed air blades and some air balls approaching us while the ground was shaking and spikes were forming rapidly towards us. I made a water barrier to deflect the water blades but I didn't expect the pressure of the attack so some blades passed through the barrier and caused cuts to my body.
"Damn careless," sabi ng katabi ko na nakaiwas sa mga blades.
"I'm sorry!"
'Get behind me,' utos nito na agad kong sinunod.
Patuloy lamang sila sa pag-atake kaya't napapaatras kami ni Clyde.
I know that they are planning to drive us into a corner by force. Wala naman kaming magawa dahil mas kailangan naming protektahan ang sarili namin. Sinakyan lamang namin ang plano nila dahil mayroon kaming mas magandang plano para matalo sila. Tinatantsa namin ang lawak ng kakailanganin namin upang maisagawa ang isang matinding defense wall.
I think it's time.
'Clyde, water dome!' kaagad niyang sinunod ang utos ko at gumawa siya ng isang malaking dome na gawa sa tubig.
I raised my hands and froze it as fast as possible. I stomped my feet to the ground and sealed it with a layer of ice to prevent the spikes coming under the ground. 'Nice. Now, we can rest while our barrier is still up.'
Ilang minuto pa lamang ng labanan ngunit ramdam ko na kaagad ang lakas ng apat naming kalaban. I think this wall will last for only a minute or two.
'What do we do next? Alam kong mas malapit na sila sa atin ngayon. They might succeed on their plan—driving us into a corner.'
'My fire's not that useful at this time. Sandra might already know how to remove the oxygen content of fire.'
'We'll never know, unless we try,' I shrugged.
'Fine. Sandra and Luna's air are invisible. Can you make it snow in the whole training room?'
'For what?'
Nakikita ko sila na pilit sinisira ang depensa namin. Hindi nila alam na pagkatapos ng isang layer ng yelo ay isa namang layer ng tubig ang kailangan nilang tanggalin.
'Snow ball fight!' parang batang sagot nito.
'What a kid you are. Clyde, we're in a fight!'
'I'm only kidding. The disturbance of its fall might tell us if there are air techniques coming our way.' I did not think about it. I almost forgot I was with the strategist of the group.
Tumango na lamang ako dahil isa iyong magandang idea. I knew what he meant by that. I would feel it immediately if there are air attacks coming our way with the use of the snow that will be in my control.
'I can do that.' Kinindatan ko siya.
Tila nabato naman siya habang nakaawang nang bahagya ang bibig. Nakatitig lamang ito sa akin at tila hindi makapaniwala, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
'What?'
'Do that again.'
Umiling ako.
'Do that again and I promise, we will win.' He will do everything just to make me repeat what I just did?
'Focus, Clyde!'
Nasira na nila ang first layer ng defense namin. There is a hurricane outside and I can see Sandra and Luna manipulating it.
Isang malakas na pagyanig ng lupa ang naramdaman namin na naging dahilan rin ng pagkakaroon ng cracks sa yelong inaapakan namin. Nagsisimula nang makapasok mula sa cracks ang mga ugat na kanina ay hanggang sa barrier lamang. Sinusunog lamang ito ni Clyde kaya't natutunaw na rin ang yelong nasa paanan namin. He's doing it while holding the water barrier in front.
Last five seconds and we're on the halfway mark.
'Clyde, let me control the barrier. Focus on the roots.'
'Why?'
'I have a faster plan.'
Three. Tumingin siya sa akin nang seryoso. Ano na namang kasalanan ko isang 'to? Two.
Sa isang iglap lang ay nakasalalay na sa aking mga kamay ang kontrol sa tubig. One. Iginalaw ko ito papalapit sa kanila kaya't napipilitan silang umatras. I'm using their strategy against them, but I have a better plan. Sinisigurado ko na bawat daang tinatahak ko ay nagkakaroon ng yelo. I need to lower down the temperature inside this training room. It can slow them down since it's uncomfortable to move in cold surroundings.
I walked with pride as I see how the hurricane vanished from our sight. Nakayakap na rin sa sarili si Jerome at tila hindi na makagamit ng kapangyarihan.
'Clyde, regulate your body temperature. You might catch colds,' utos ko sa kanya.
'What exactly are you planning to do?'
'Just trust me.'
Nang malapit na sila pader ay binitawan ko ang kontrol sa tubig. When it reached their bodies, I immediately froze it. I don't think they could fight with such cold surrounding and their bodies engulfed in ice.
My concentration now is beyond ordinary. Naka-focus ang atensyon ko sa yelo na nakabalot sa katawan nila. Sinisigurado kong matatag ito at hindi sila hahayaang makagalaw.
Ilang sandali pa, nakita ko ang ngiti mula sa kanilang mga labi, mga ngiting nanghihina na.
"We accept defeat," sabay-sabay nilang sabi.
"Clyde, Oh my God! Unfreeze them! Baka magkasakit sila!" natatarantang sabi ko. Nakatanggap lamang ako ng isang walang ganang tingin mula sa kanya. What the hell is the problem of this dude?
'What's wrong?' Sinimangutan lamang ako nito.
'I can't believe you did it all by yourself. Naging pabuhat ako!' Oops! Hindi ko mapigilang matawa nang marinig ang tono ng pananalita niya. Para na naman kasi siyang isang bata na hindi napagbigyan sa gusto niya kaya tinawag ko siya. "Ignei..." Hinintay kong ibigay niya sa akin ang atensyon niya. I know this will be effective.
When my eyes met his fiery ones, I smiled sweetly and stared intently at him. And when I was sure I got his attention, I winked at him. I saw how his yellow-orange eyes widened as he saw what I did. A smile slowly formed in his lips as he walked towards the huge ice covering our opponents. Hindi ko nakitang gumapang ang apoy dito ngunit natunaw ito kaagad.
'You're very very cunning. That was so smooth,' komento niya habang nakatalikod sa akin.
'It's just a wink, Clyde.'
'Whatever.'
"That double-layered dome barrier and ice floor were insane!" natutuwang sabi ni Ma'am Ivy.
"The offense of the other team is a hundred percent great, but they lack communication and teamwork. You can work with that the next time. I'm sure you'll be unstoppable," komento ni Ma'am habang nakangiti sa apat.
"But Prince Lauren's last ground shake was really awesome."
Tumingin ang prinsipe kay ma'am at mahahalata ang pagtataka sa nakakunot nitong noo. "Ma'am, it was not me," sagot niya na ikinakunot din ng noo ng mga tao sa training room.
A sudden throb occurred in my chest. Something's not right...
Pumikit ako at pinakaramdaman ang paligid. I knew it! There are dark auras outside the academy.
"This is the headmaster speaking," anunsyo ng headmaster gamit ang speaker sa loob ng training room.
"Royals and guardians, the academy is under attack!" With that, everyone did not wait for any order from the professor and ran outside the training room.
"Excuse us, Ma'am Ivy!"
We stopped going down the stairs as a ground shake suddenly occurred. It might be caused by some class S giants.
Nang marating namin ang gate ng academy ay nasa loob pa rin ng barrier ang mga mage at iba pang long range weapon users na nagpapadala ng magkakasabay na atake sa mga kalaban. Only the royals and guardians are permitted to fight outside the academy.
Hindi lamang giants ang nakapaligid sa academy dahil napakarami rin ng mga halimaw na nasa mababang class.
"Royals and guardians..." seryosong sambit ni Clyde at tiningnan kaming lahat.
"Charge!" pagkasigaw niya ay nagpunta kami sa iba't ibang direksyon kung saan may giants na nakapaligid. We're going one on one with the giants around the academy.
'Princess, be careful,' narinig kong sabi niya.
'I will. You too.'
Lumabas ako sa gate ng academy at mabilis na pinagyelo ang bawat halimaw na nakakasalubong ko at tsaka sila binabasag. Tumigil lamang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ang kinaroonan ng isang pangit na giant na walang habas na hinahampas ng isang malaking club ang barrier. He's I think 30—or I don't know—times larger than me.
"Hey, foot face!" sabi ko at tsaka siya binato ng isang malaking tipak ng yelo sa mukha para makuha ang atensyon niya.
Tumakbo ako upang mailayo siya sa academy. We can't waste our effort finding those ingredients. Hindi na namin afford na masiraan pa ng barrier.
Habang sinusundan niya ako ay hinahampas niya ang mga punong nadaraanan ko. I must not be hit, dahil siguradong mamamatay ako sa oras na dampian ako ng armas niya.
Nang masigurado kong malayo na kami sa iba ay humarap ako sa kanya. Mabuti na lamang at hindi gaanong mabilis ang pagkilos niya.
Napahawak ako sa katawan ng isang puno nang maramdaman ang anim na sunod-sunod na pagyanig ng lupa. Six giants down. They surely are fast. Hindi ako magpapatalo.
Sa isang iglap lamang ay hawak ko na ang paa ng higante at gumagapang mula rito ang umuusok na yelo mula sa kamay ko. Pinatigas ko ang buong binti nito hanggang sa maging kasintigas ito ng bato. Binalot ko ng yelo ang kamao ko at isinuntok ito sa binti ng pangit na higante.
The giant immediately fell on one knee, and it was shrieking in pain.
"Ready to die, foot face?" Sinagot ako nito ng isang ungol bago inihampas sa akin ang kahoy na hawak nito sa direksyon ko, pero hindi ko ito hinayaan na tumama sa akin. Tumalon ako papunta sa kamay niya at hindi siya binigyan ng pagkakataong makagalaw pa. Tumakbo ako papunta sa ulo niya at ibinalot ito sa yelo.
Yuck! His breath smells like rotten eggs!
I jumped on to the ground, the giant's frozen head crumbling into pieces behind me. One down.
Tumakbo ako sa ibang bahagi ng gubat habang pinapatay ang mga sagabal na halimaw sa dinaraanan ko. I'm still not using my water. It will quite help me reserve magi. I can reuse it to drown monsters. It's quite brutal but it is easier.
Nakita ko si Luna na pinalilipad ang mga halimaw bago ito marahas na ibinabagsak sa lupa.
"Nice one, Luna!" I praised her before drowning a flying three-eyed monster. Makikita ang paghihirap sa mukha nito habang unti-unti itong nawawalan ng kulay. Ilang sandali pa ay hindi na nito nakayanan at bumagsak na sa sahig.
Puno ang paligid ng mga pagsabog at sigaw ng paghihirap ng mga halimaw. Patuloy pa rin ang pagyanig ng lupa. It might either be Lauren's power or giants' downfall.
Inilipat ko ang tubig sa ulo ng isang class B na higante. Humawak ito sa kanyang leeg habang unti-unting nawawalan ng kulay ang mukha. Got you!
Tumakbo kami ni Luna hanggang sa makita namin si Sandra na tumalon sa gitna ng maraming halimaw. I see...that's her favorite technique eh~
The monsters' bodies ended up on the floor, sliced. That girl is really dangerous.
"See that? I'm so happy that I've finally used my favorite attack!" proud na sabi nito.
"Luna, make me fly!" parang batang sabi ko.
"Alright!" halata rin ang excitement sa boses niya.
"Hoy, gaga! Hintayin mo ako!" Kung titingnan mo, para lamang kaming mga batang naglalaro sa kabila ng panganib na dala ng mga halimaw.
From this spot, I can easily assassinate any monster I want. Pinuntirya ko ang isang halimaw na malapit lamang sa barrier. I sent ice spikes at the back of its head. Bumagsak ito kasabay ng pagtulo ng kulay pulang dugo mula sa likod ng ulo nito.
Si Sandra naman ay walang habas na kinikitilan ng buhay ang mga halimaw na nakikita niya. Sa kabilang banda, Nakakapagpadala pa ng atake si Luna kahit na kinokontrol niya ang hangin sa paligid ko.
Nang maubos namin ang lahat ng halimaw sa parteng ito ay sinabihan namin ang mga mage at ibang knight na magpahinga na. Tumakbo kami papunta sa ibang side ngunit wala na kaming nadatnan kundi ang mga katawan ng mga halimaw na kung hindi basang-basa ay sunog.
That was one tiring but easy fight. I think it only took us about 15-20 minutes to finish the monsters. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Hingal na hingal sila at ang iba ay nakaupo pa sa damuhan. Sa kabutihang palad ay walang sinuman ang nakatamo ng galos sa kanila. Ganito na ba talaga sila kalakas?
"Guardians and royalties, the headmaster summons you," pormal na anunsyo ng isang babae mula sa speaker.
"As for the knights, you will be helping the other staff in disposing the bodies of the monsters," dagdag pa nito. Nakarinig ako ng mga pagrereklamo at ng mga buntonghininga mula sa iba.
Sabay-sabay kaming pumasok sa gate ng academy habang nagtatawanan. Para lamang kaming nanggaling sa isang training sa fieldwork. Ang kaibahan lang, totoong halimaw na ang kalaban namin.
Isang grupo ng healers ang tumawag sa amin kaya't nilapitan namin ang mga ito.
"We want to do something for all of you," saad ni Hazel, ang groupmate ko sa fieldwork.
Isa-isa silang lumapit sa amin at hinawakan ang aming mga palad. Umilaw ang mga kamay nila at naramadaman kong may mga enerhiyang pumupunta sa katawan ko. They are replenishing our energies. Namangha ako dahil kaya rin pala nila itong gawin. I thought only supports can.
"Thanks," sabi ko at kinindatan si Hazel at sinuklian naman niya ako ng isnag ngiti.
"Thank you, royals and guardians," sabay-sabay na sabi nila.
"Don't sweat it. Mas maganda na rin na na-train kami," nakangiting sagot ni Sandra sa kanila.
"We're going in first. The headmaster wants us in his office. Thank you," paalam naman ni Lauren. The girls' cheeks blushed when he smiled. Napailing ako. The boys were quite popular.
Umupo kami sa mga upuan sa office ni Headmaster habang hinihintay siyang magpakita.
"Once again, thank you," panimula ng headmaster nang lumitaw ito sa harap namin.
As usual, si Jiro ang unang nagsalita. "It's for the academy and the students' safety. It is our priority aside from studying, headmaster. There's really no need for that."
"Who's investigating the root of the attack?" tanong naman ni Clyde.
"I've assigned it to the seniors and two of the professors," nakangiting sabi ng matanda.
"This must be solved as soon as possible. An attack might happen again, anytime from now," singit ko sa usapan. Every student of this academy must be alert at all times. Our enemies were like lions who attack when their prey is at ease.
"Of course, Princess Khione. Before you go, I have a few things I want to say." We paid attention to what our headmaster would say.
"Your individual strengths have improved. I commend all of you for that. But as I always say, there's still room for improvement. So for the following weeks, you will have more training with your fieldwork groupmates. You must all build strong bonds and teamwork," litanya nito.
"What for?" tanong naman ni Lauren.
"It is...a requirement?" nag-aalangang sagot ni headmaster.
"Was it just me or there's something more with your words, headmaster?" ani Lauren.
The headmaster sighed and looked at everyone. "Alright. Listen carefully. Enchanta's oracle, Livo, told his vision..." Based on his serious expression, I know that whatever it was that Livo stated was concerning.
"A war is approaching," seryosong sambit nito na nakapagdulot ng kilabot sa sistema ko.
I thought I was only here for my mission. Sa buong pag-aakala ko rin, kailangan ko lamang umakto bilang si Princess Khione at maghanap ng clues. Bakit may digmaan nang kasama? Ano 'to?
"What's worse is, the academy will be the battlefield." With what the headmaster said, my heart beats even faster. Beads of sweat are now forming on my forehead.
I blew off a loud sigh. The Goddess knew I was not prepared for this.
'Hey, chill,' naramdaman ko na siniko niya ako nang mahina sa braso.
'We will be fine,' dagdag pa niya.
Somehow, my worry has lessened.
"When will it be?" nag-aalangang tanong ni Sandra na naalis na ang ngiti sa labi.
"A few months from now," sagot ng headmaster.
"So for the following months, all students must take their training seriously. Your special subjects and physical training will be enhanced. Everyone will be busy for the following months, preparing, requesting for aid, and forming allies. Royals and guardians, you are the hope of our academy. We put all our trust in you."
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top