Chapter 26
THE MERMAID OF EVANEA
Eira Ysabelle's POV
It's been a month since our mission has come to an end. It has also been a month since we left Clyde at their kingdom. Magaling na kaya siya? Maayos na ba ang kalagayan niya? It was hard to get by when I couldn't see how he was doing. Why am I like this?
Naririto ako sa rooftop kasama si Aedean simula noong lumubog ang araw. I think it's already seven in the evening. Simula noong nakarating kami rito ay nagsimula rin kaagad ang klase namin pati na rin ang mas matinding training. Mabuti na lamang at nasasanay na ang katawan ko sa pagod. My stamina is getting stronger.
"Oh my God! Clyde?" I heard Sandra's voice from below.
"Clyde, welcome back!"
"Bro, kumusta ka?"
Their voices were clear ngunit ang ipinagtataka ko ay walang sumasagot sa kanila. I think they're only messing with me. Isa pa, I cannot feel his presence from here.
Kahit ganoon, bumaba pa rin ako dahil nagugutom na ako. Nang makababa ako nang tuluyan ay binigyan ko sila ng isang bored look.
"Kapag ipa-prank niyo ako, 'yung kapani-paniwala naman sana. Anong ulam?"
"Sabi ko sa inyo hindi niyo madadala 'yan e," sabi ni Luna.
"We really can't make a fool out of this detective eh~" sabi ni Khiera at umakbay sa akin.
"You were too obvious. Ang lalakas ng boses niyo, and I cannot hear even a decibel of Clyde's annoying voice."
"Oo na, oo na. Kumain na tayo tara. Nagluto kami ni Luna ng steak," pag-aaya ni Giea.
Sama-sama naming tinungo ang kusina at sabay-sabay na kinain ang hapunang inihanda nila. Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako at dumeretso na ako kaagad sa kwarto ko dahil inaantok na ako.
Nagising ako nang maramdaman ang haplos ng sinag ng araw sa aking mukha. Bumangon ako at nagsimula nang gawin lahat ng kailangan kong gawin bago ako bumaba. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayong araw. I hope today will be a good day.
Dahil walang klase, magte-training ako.
Matapos kong kumain ng breakfast ay dumeretso na agad ako sa training room at sinimulan ang warm up. Mabuti na lamang at sanay nang mabanat ang katawan ko. Hindi na ito sumasakit kapag natatapos ang training o kaya naman ay ang mga exercises na kailangan naming kumpletuhin.
Umupo ako sa gitna ng training room at ipinikit ko ang aking mga mata. Simula noong magsimulang lumakas ang katawan ko ay nagsimula na rin ang paglakas ng koneksyon ko sa tubig. I can feel my eyes shining its beautiful color because I'm using my power to extremity. I can sense a few bodies of water in a seven hundred meter radius. Nararamdaman ko rin ang tubig na nasa ilalim ng lupa. Yeah, I discovered it not a long time ago. I don't know if I can call it an ability. Marahil ay isa lamang itong palatandaan ng paglakas ng kapangyarihan ko.
Aside from this, I found out something about myself. Something new. Sinubukan kong tanggalin ang koneksyon ko sa tubig kaya't naramdaman ko ang pagkawala ng liwanag mula sa mga mata ko. Sinubukan kong ibahin ang kulay nito at pinakiramdaman ang paligid. Lumalakas na ang pakiramdam ko sa mga taong nakapaligid sa akin. I can sense good and bad motives from where I am. It's like, I can sense someone's purity. Minsan, kapag pumipikit ako, I can still see black, white, and gray auras around me. I don't know how it was happening and where it was coming from, but it's great. Sinubukan kong itanong kay Goddess Nisieah kung bakit ko nakikita ang mga tila kaluluwang iyon pero sinabi niya sa akin na malalaman ko rin ito sa tamang panahon. Ang tanging nalalaman ko lamang sa ngayon ay nagsimula ito noong binasa ko ang mga katagang nakasulat sa fountain. That throb I've felt in my chest is the start of me manifesting my new ability. This life of mine is full of mystery. It's like a code I can't decipher. Napakaraming mga katanungan sa isip ko na hindi ko masagot. Binabagabag na rin ako ng mission ko rito. Paano kung balikan ako ng taong nagtangka sa buhay ng prinsesa?
Whatever. I know someone's gonna be there whenever I'm in trouble. Of course, I'm kidding. I still must not rely on anyone. It is only I, myself, who can help me when I'm in trouble. Hindi naman sa lahat ng hamon ng buhay ko ay kasama ko ang taong magpoprotekta sa akin.
Habang nakapikit, nakita ko ang isang kulay puting aura na papunta sa loob ng training room.
"Hoy, gaga!" It's Sandra.
Nagmulat ako at tumingin sa kanya. Nang magtama ang paningin namin, nakita ko ang panandaliang gulat sa mukha niya. Pagkatapos ay kinusot pa niya ang mga mata niya at parang hindi makapaniwala sa nakita.
"Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng multo r'yan," tanong ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nababawi ang postura.
"Is it just me or..." tumigil siya at tiningnan ako nang may pag-aalinlangan.
"Never mind. Baka namalik-mata lang ako. By the way, ipinapatawag tayo ng headmaster kaya tumayo ka na."
"Bakit daw? Mission ulit?"
"I don't know. Let's just go there and check," she shrugged. Ano ba 'yan. Nagsisimula palang ako sa training o.
Tumayo na ako at pinagpagan ang pwetan ko. I'll just continue my training later.
"Ang biglaan naman ng pagpapatawag ni headmaster," reklamo ko habang binabagtas namin ang daan patungo sa office.
"True lang. Matatalo ko na sana si Isaiah e."
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nginingitian ang mga nakakasalubong naming estudyante na yumuyuko sa tuwing nadaraanan namin.
Nang marating namin ang tapat ng office ay pumasok na kami. Naroroon silang lahat na nakaupo sa harap ng table ng headmaster. Katabi ni Drac ang isang lalaking kulay itim ang buhok at mata. He looks so cute and innocent. Who is he? A new royal?
I closed my eyes for three seconds and looked at their auras. Napahinga ako nang maluwag at nginitian silang lahat. He's kind-hearted.
"What was the meeting for, headmaster?" si Jiro ang nagtanong.
"Royals, guardians, I want to introduce this new B+ elemental student, Raven Mavro Sullivan. He's a dark manipulator," pakilala ni headmaster sa bagong estudyante. Raven Mavro is a pretty lad who has deep black irises and black locks that complements his fair complexion. He has this pair of almond-shaped eyes, those like Clyde's, under a rectangular prescription glasses with a gray metal frame. He has thin lips and a pointed nose. He's pretty and handsome, if you ask me. He's also tall and has a good build.
"I'm from Liondale's Piere Tribe. Nice to meet you, royals and guardians," matapos nito'y nginitian niya kami. Nakita ko kung paano lumiwanag ang mata ng tatlong babaeng kasama namin dito sa loob.
"Nice to meet you too, Raven," sabay-sabay na sabi nilang tatlo na abot-langit ang ngiti.
Giea seems to be too occupied by something. She's looking at Mavro with recognition and I think she unconsciously is gritting her teeth. Weird.
I think I'm the only one who can see Giea's reaction.
Napatingin naman ako sa tatlong lalaking seryoso ang ekspresyon ng mukha. Napangiti ako dahil sa kanila. They clearly were jealous. Si Lauren lamang ang ngumiti, palibhasa ay wala si Khione rito.
Nagulat ako nang tumingin si Raven sa akin at lumapit. Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinalikan ang likod na bahagi nito.
"Princess Khione, I'm very pleased to meet you," sabi nito at nginitian din ako nang matamis.
Nginitian ko rin siya katulad ng ngiting ibinigay niya. Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin at lahat ay tila halata ang gulat sa mukha.
"What?" naguguluhan kong tanong.
"You're doomed," sabay na sabi nina Sandra at Khiera.
Lalo akong nagtaka. Doomed for what? "Ano?"
Natigilan ako nang marinig ko ang pagtikhim ng isang lalaki.
Bakit hindi ko napansin ang presensya niya? Hindi pa ako nagsisimulang lumingon ay kumakabog na nang malakas ang puso ko. Pero sino ang kasama niya?
'Hi?' sabi ko at hindi pa rin siya nililingon. Gulat pa rin ang ibang taong kasama ko sa loob. Ano bang nangyayari?
'Don't you want to see me, princess? Masyado ka bang na-struck sa mukha ng bago nating kaklase?' seryosong tanong nito. His voice is now like music to my ear. It became even more mesmerizing.
'I'll see you anyway. And for your information, no, I was not.'
"I want you all to welcome back the prince of Lignus, Cyrus Ignei Alev," sabi ng headmaster.
"Wow, Clyde. You've changed a lot," sabi ni Luna na nabibigla pa rin.
"Instant glow up, nawa'y lahat." komento naman ni Giea.
"Bro, na-miss mo ba ang gwapo mong kaibigan?"
"Welcome back!"
Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko kaya't marahan ko siyang nilingon. Nang magtama ang mga mata namin, tila ba bumagal ang oras katulad ng nangyari noong nasa Enchanta kami. Everything else except for him came into blur. He has changed a lot. His black hair became ash gray and his blue eyes I always admired turned to fiery yellow-orange orbs, just like Khiera's. The usually messy hair was now fixed, and it suits him better. With his black royal suit, his shoulders and chest were defined. The calm blue seas in his eyes turned into a fierce bloom of fire.
Nginitian ko lamang siya. 'You looked different.'
"With him is his temporary guard, Celine. B- knight. The daughter of Liondale's commander in chief," dugtong pa ni headmaster habang ipinapakilala ang isang magandang babae na mayroong kulay pulang buhok at kulay itim na mga mata. Her white complexion compliments her beauty and she owns a nice body figure. Sana all sexy.
I scoffed. Kaya naman pala matagal bumalik si Clyde...I mean, Cyrus.
'You got a really pretty girlfriend there, Prince Cyrus,' sabi ko nang may diin sa 'Prince Cyrus'.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang tawa niya. 'Really?' hinawakan niya ang kamay ko.
'I guess I got a really pretty girlfriend, Princess,' he said, then kissed the back of my hand.
'Hindi ka nakakatuwa, Clyde. Babatukan kita r'yan,' nanggigigil na sabi ko. Kung wala siguro kami sa harap ng headmaster ay nahampas ko na ang isang 'to.
'Ganyan mo ba talaga ako babatiin? Hindi mo ba na-miss ang kagwapuhan ko?'
Inirapan ko siya. 'Bitaw.'
'Ayoko.'
'Clyde, isa.'
'Marunong akong magbilang, Prinsesa,' inosenteng sagot nito.
'Dalawa.'
'Oo na. Ang sungit-sungit mo pa rin.'
Tumikhim ang headmaster. "That's all. You can go back to your dorms. I think you have some catching up to do."
"Thank you po," sabay-sabay naming banggit bago nilisan ang silid. Kasabay ko si Sandra at Khiera sa paglalakad at naririto kami sa unahan.
"Mga prinsesa, sandali!" sigaw nina Luna at Giea na ilang sandali lamang ay nasa tabi ko na.
"The boys are being followed again by those girls," sabi ni Luna na makikitaan mo ng inis sa mukha. Hmm...
"Ano ka ba, 'di ka pa ba nasanay? Tsaka wala namang aagaw kay Jiro," pabirong sabi ko kaya't nakatanggap ako ng isang masamang tingin.
Naririnig ko sa likod si Clyde na kausap ang guard niya. I don't know why but I found myself irritated because of their conversation.
"Someone's pissed," sabi ni Giea nang mapansin ang ekspresyon sa mukha ko.
"Lapitan mo na kasi," pang-uulok ni Sandra.
"Manigas siya. Hindi ako ang mag-i-initiate."
"Pride, sis," natatawang sambit ni Luna. Binilisan ko ang lakad para mauna sa kanilang lahat.
"See you later!" sigaw ko bago ako tuluyang tumakbo. Binagtas ko ang daan papunta sa gubat at sa kabutihang palad ay nakasalubong ko si Esquivel.
"Matagal-tagal na rin nang huli mong bisitahin ang talon. Marahil ay abala ka sa maraming bagay," sabi nito na nakaupo sa balikat ko.
"Oo e. Masyado kaming maraming dapat habulin na lessons at activities," sagot ko naman sa kanya habang hinahawi ang mga baging na nakaharang sa daan.
Mabuti na lamang at wala pa ring ipinagbabago ang talon na ito. Maganda pa rin at malinis ang masaganang tubig nito. Just like what I'm always doing, I surrounded the falls with a huge water barrier so that no one would see me here.
Hinubad ko ang suot kong shirt at jeans bago ako lumusong sa tubig. The enchanting aura of this falls is still a mystery to me. Tuwing naririto ako, nakakaramdam ako ng isang mahiwagang pakiramdam.
"D'yan ka muna, Vel," paalam ko sa fairy bago sinisid ang pinakamalalim na bahagi ng talon.
Umupo ako sa ilalim ng tubig habang pinapakiramdaman ang paligid. Maraming isda ang lumalangoy paikot sa akin ngunit iisa lamang ang nakakuha ng aking pansin.
Iminulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang kagandahan ng isdang nasa harapan ko ngayon. Ito ang isdang ikinulong ko sa water ball noong unang beses na narating ko ang talon. I tried connecting my inner thoughts with it. I'm certain that this fish is different from the others. Its color is rare and so are its eyes.
'Fish, can you hear me?' I might sound insane but it's worth a try. Ako lamang din naman ang makakarinig.
Lumayo ito nang bahagya at lumangoy. Ang bawat dinaraanan nito ay nag-iiwan ng kulay gintong buhangin. What is this fish doing? Gumalaw pa ito nang ilang ulit bago ko naintindihan ang ginagawa nito.
I saw a gold cursive 'yes' before it came back to me. So it was writing all along.
'How?' tanong kong muli. Bigla itong naglabas ng isang nakakasilaw na liwanag kaya't marahas kong naipikit ang mga mata ko.
Pagmulat ko, wala na ang isda. Napalitan ito ng isang magandang sirena. Her scale is the same color as her fish scale. Her hair was deep blue in color and was decorated by small white pearls. She also has this pair of this perfect silver irises. Her chest was covered by a yellow cloth that imitates those of the seashells.
'Pleased to meet you, Eira Ysabelle,' malumanay na bigkas nito sa aking isipan. She mentioned my real name, right?
'I'm pleased to meet you too. Who are you and how do you know me?'
Ngumiti ito bago nagsalita muli sa aking isipan. 'I am aware of everything in this world, Eira, for I am Myrianne, the guardian of this falls. The Goddess informed us about you and your beautiful soul.'
Nagsimula nang lumangoy ang sirena kaya't sinundan ko siya. Her tail is changing colors whenever it moves in a wave-like manner.
Tumigil kami sa harap ng isang malaking talaba. Buong pag-aakala ko ay nasa ilalim kami ng talon. Paano nagkaroon ng malaking shell dito?
'We're in my home, Eira. The ocean,' sagot nito na ikinagulat ko.
'The ocean? How come?'
'Ever heard of a portal?' mataray na tugon nito.
'What are we doing here?'
Bumukas ang shell at inilabas nito ang isang magandang perlas na kulay puti.
'Dinala kita rito upang ibigay sa iyo ang bagay na ito,' sabi niya at iniabot sa akin ang perlas.
'Para saan?'
'Use it, Eira. It will help you. It'll give you hints,'
Umilaw ang kulay pilak na mata nito kaya't naipikit ko nang mariin ang aking mga mata.
'Beware of your surroundings. Do not let your guard down. The enemies are close. Goodbye,' huling sabi nito bago nawala sa harap ko.
Hindi ko maimulat ang mga mata ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko. I can't breathe. I need air. I might die here if I won't reach the water surface on time. Damn.
Paano nangyari ito? Malapit na ba kong mamatay nang hindi ko nalalaman? I was confident because I don't feel uncomfortable while talking to her. Bakit hindi sinabi sa akin ni Myrianne?
Naramdaman ko ang presensya ng isang tao na papalapit sa akin kaya't sinubukan kong gamitin ang natitirang lakas ko upang kausapin siya gamit ang isip ko.
'Help!'
As my consciousness slowly fades, I feel someone hug me and pull me towards the surface. With the remaining strength I have, I felt my body being laid down on a hard rock surface. Then, I felt something soft touch my lips, followed by air coming inside my body. I coughed and water started coming out of my mouth. Thank God, nakakahinga na ako.
Matapos noon ay nagkaroon ako ng kaunting lakas upang maimulat ang isang mata ko. Napangiti ako nang maaninagan kung sino ang tumulong sa akin. 'Thank you, Ignei.'
All along, I thought it was fine for me to stay underwater, but it turns out, I'm just a normal person capable of drowning. I'm lucky, he's always there to save me.
Nang buksan ko ang aking mata, isang puting kisame at ang matapang na amoy ng ethyl alcohol ang bumungad sa akin. I'm obviously inside a room in our infirmary. The wall clock above the doorway says it is already 9 o'clock in the evening.
Sinubukan kong tumayo ngunit napahiga akong muli dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko.
"Khione, maayos na ba ang iyong pakiramdam? Ayos ka lang ba? Nagugutom ka na ba?" magkakasunod na tanong ni Clyde na nasa gilid ko pala.
"Can you please calm yourself down?" mahinahong tanong ko.
"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at pumunta ka na naman sa talon nang mag-isa?" Napangiwi ako nang pitikin niya ang noo ko.
"I just want to relax. Masama ba 'yon?"
"You should at least tell me! Paano na lamang kung napahamak ka? Paano kung nangyari 'to nang wala pa ako rito? Khione naman. Stop putting yourself in trouble."
Then, it hit me. I almost died back there. That's why I can sense the frustration laced in his voice.
"Look, I'm so sorry, Clyde. I've caused you trouble again. I was so careless." I realized that it caused him anxiety because of what happened before. I know he doesn't want the past to repeat itself.
Niyakap niya lamang ako nang mahigpit at hinimas ang buhok ko. "You've never caused me trouble. I'm sorry I was frustrated a while ago. But please don't do that again." I've missed this comforting feeling that only his hug can give me so I returned it to him.
"Are you alright? Nagugutom ka na ba?" Tumango ako.
Kumalas siya mula sa pagkakayakap at kinuha ang maliit na table. Ipinatong niya ito sa harap ko at inilagay ang mga pagkaing dala niya.
"Where are they?"
"Dorm, watching," matipid na sagot nito.
"How about your guard? Where is she? Hindi ba dapat ay kasama mo siya?" tanong ko ulit.
"She's alright. girls' dorm, and no, I told her to enjoy her studies here. I can protect myself," sabi niya.
"Yabang," pabulong na sabi ko bago humigop ng sabaw.
"We will go back to the dorms after you finish your dinner," sabi niya na tinanguan ko na lamang.
Iniligpit niya ang kinainan ko at sabay na kaming lumabas ng infirmary.
Tahimik na ang mga daanan dahil nasa loob na ng kani-kanilang kwarto ang mga estudyante. Malalim na ang gabi kaya't makikita na ang malamlam na sinag ng buwan. Napakagandang pagmasdan ng pagkinang ng mga bituin na kasama nito sa kalangitan.
Habang nagmamasid sa paligid ay may pumasok sa isip ko na isang scenario—ang nangyari sa Evanea. Naramdaman ko ang agarang panginginit ng mga pisngi ko dahil doon. Mabuti na lamang at madilim ang paligid at hindi niya ako makikita.
"Clyde, oh my God! I remembered something," pinanlakihan ko siya ng mata.
"What?"
'You have seen me in my undies and you kissed me!' sigaw ko sa isip ko at tsaka ko siya sinuntok nang malakas sa braso.
"That was the only way to save you," sarkastikong sabi nito kaya't ginawaran ko siyang muli ng isang malakas na suntok.
"They were sweet, by the way," dugtong pa nito bago tumakbo papalayo sa akin.
"Clyde, you perverted guardian!"
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top