Chapter 25

THE COLD FIRE GUARDIAN

Ember Khiera's POV

"3 more laps," malamig at seryosong sabi ni Drac. He's always like this. Akala mo naman ipinaglihi sa yelo. Simula noong naging guardian ko siya, madalang ko lang na naririnig ang boses niya. He always reply with a nod and a shrug. Magsasalita lang siya kung kailangan. Pero may napapansin akong kakaiba simula noong makabalik siya mula sa mission, his eyes were always on me.

Am I that pretty?

"What are you staring at? Does my look stun you?" seryoso pa rin ngunit may tonong pang-aasar na tanong niya.

"Dream on!"

This is my seventeenth lap now and I'm so tired. Pangalawang araw palang ito ng training ko para maibalik ang stamina ko pero sobrang hirap na ng ipinaparanas niya sa akin. If this is what I will get, magiging mas maingat na ako sa susunod.

I wonder why he is this cold and such. Kaya hindi nagkakajowa e. Maraming babae ang lumalapit sa kanya at nagpapadala ng letters at chocolates. What he is doing after receiving such things is either give the chocolates to me or burn it with all the letters. He's such a jerk, a good-looking one. Pero sino nga ba namang hindi mahuhulog sa gwapong nilalang na 'to?

He has these beautiful facial features and a body that resembles that of a god. He has these red eyes and jet black hair that makes everything about his look fierce. His nose was pointed and his thin lips were always closed. His beautiful eyebrows were almost always furrowed like nothing in this world deserves his smile. Did I mention how good his body build was? He has these broad shoulders and good chest which are noticeable since he's wearing his workout clothes.

Napabalik ang tingin ko sa labi niyang naka-smirk na ngayon. Oh my God!

"Stare at me longer, and I'll kiss you till you fall." Napalunok ako dahil sa sinabi niya at dali-daling tumakbo upang mawala sa isip ko ang sinabi niya. My cheeks feel hot. Bakit naman kasi ang init ng panahon? Whew!

"Khiera? What happened to your face? Nilalagnat ka ba?" Tumigil ako sa pagtakbo at hinarap si Sandra na nagte-training din pala.

"H-ha? Wala 'to."

Lumapit siya sa akin at hinipo ang noo ko. "You're right. Baka naiinitan ka lang o baka dahil sa pagod," sabi niya.

"Baka nga."

"O baka naman kinikilig ka?" makahulugang sabi niya, dahilan para mapailing ako nang mabilis.

"Chill. Narito ba 'yung crush mo? Ano nga ang name no'n? Vince?" Napairap ako dahil sa sinabi niya.

"Si Vince? Hindi ko na siya gusto 'no. Mukha lang naman ang panlaban no'n. I heard he got failing grades. He also has too many flings. Yuck! Red flag!"

"Oh, okay. How about Drac?" Inginuso niya ang direksyon ng guardian ko.

"Ikaw ha...hindi ka nagkukwento sa amin ni Ysa," sabi niya nang may nakakalokong ngiti.

I remembered something. "Parang ikaw ata ang may dapat sabihin sa amin? 'Alam mong mas mahalaga ang kalagayan mo para sa akin'," sabi ko at ginaya ko ang tono ni Isaiah.

Yes, I heard everything that night.

"Gaga! Ano naman 'yon?"

Tiningnan ko si Isaiah na nakaupo sa bench kasama si Drac. They're looking at us.

Sandra's blushing. Got ya. Tatawanan ko sana siya nang may maramdaman ako sa likuran ko. Napalunok ako dahil alam ko kung sino ang taong 'yon. This presence...

Unti-unti kaming lumingon sa likuran namin. An awkward smile crept through my lips.

"H-hi?" awkward na sabi ko. Paanong nasa likuran namin kaagad ang dalawang ito? The bench is too far from us. It took only seconds for them to reach us? Baka naman nag-teleport sila?

"Bye—" Tatakbo na sana ako nang may humila sa braso ko.

"You can rest now," sabi niya at hinila ako nang marahan. He's surprisingly gentle with me.

"Salamat naman, Isaias. Mabuti at binigyan ka ng diyosa ng kabutihang loob," narinig kong sabi ni Sandra na kasama ang guardian niya.

"We'll have an intense training later. Huwag mo muna akong pasalamatan," iyon ang huli kong narinig dahil hinila na ako ni Drac papunta sa canteen.

"Sit." Ipinaghila niya ako ng upuan, as always. Umalis siya at naglakad papunta sa buffet na nasa unahan. I wonder what the menu for today is. I want ice cream and a slice of chocolate cake.

"Eat," he said while placing a plate of vegetable salad and a glass of lemonade in front of me.

"Can't I have chocolate cake and ice cream?" nakangusong sabi ko. Sana makatulong ang cuteness ko. I know it's his weakness—

"No." How can he talk one word at a time?

"Can't you speak more than one word? Napakatipid mo, wala namang bayad ang pagsasalita." He only gave me a bored look.

"Would you eat what's on the table or do you want me to make you eat it?" Ang taray naman nito.

"Ang sungit mo ha. Hindi naman kita inaano," malungkot na sabi ko.

I heard him sigh before getting up. He's just going to leave me here?

Nakasimangot kong kinain ang gulay na nakalagay sa pinggan. Madapa ka sana.

"Are you silently cursing me in your mind?" The jerk's back.

Nagulat ako nang agawin niya sa akin ang pinggan ng gulay bago ilapag ang isang slice ng chocolate cake at isang cup ng ice cream sa harapan ko. Ha! I got him with my cuteness. Sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis nito. Masungit man siya sa akin, cute naman ako.

"Thank you, Drac. You're the best!" Sabi ko at tsaka siya nginitian.

Siya na ngayon ang kumakain ng gulay na kinuha niya kanina.

"Drac?"

"Hmm?" Tumingin siya sa akin at tumigil sa pagkain.

"Don't you want to find a girlfriend? Wala ka bang nagugustuhan dito sa academy? Ang daming magagandang babae dito oh." I'm curious. Gusto kong makita kung paano siya ma-inlove. Magiging cold pa rin kaya siya?

"Why bother if I have you?" The spoonful of ice cream I was about to eat stopped midway.

What did he say?

"Yeah. I know I'm a big responsibility, pero sabihin mo sa akin kapag may special someone ka na ha? Nae-excite ako!" excited na sabi ko.

"Stop saying nonsense. Eat. We still have training after."

Tahimik lamang kami hanggang matapos kaming kumain.

Ngayon ay papunta na kami sa training room para mag-practice ng magic at ng bagong techniques. Simula noong naging guardian ko siya, palagi kaming nagtutulungan para makagawa ng bagong technique o kaya naman ay isang combo attack.

"Can you summon the fire dragon now?"

Umiling ako. "Not yet."

This technique is on a whole new level. Napakahirap mag-summon ng isang dragon dahil bukod sa dami ng magi na kakailanganin ko ay kailangan ko rin ng proper concentration. I don't actually know kung paano nakakapag-summon ng dalawang creature si Clyde simultaneously.

"Remember the technique when summoning a phoenix?" Tumango ako.

"It has the same process, same mechanism. The only difference is the structure and the amount of magi. You can create a fire dragon of your own design. For now, I'll let you make a small fire dragon," he said.

Huminga ako nang malalim at tsaka tumingin sa harapan ko. Itinapat ko ang aking dalawang palad sa unahan at pumikit. Just like making a phoenix, kailangan lamang itanim sa isip ang design ng dragon, kung anong itsura at kung gaano kalaki.

Nang magmulat ako ng mata, nakita ko ang apoy na lumalabas sa palad ko. Papunta ito sa unahan. Isang dragon na kasintangkad lamang ng isang tao ang balak kong gawin. Unti-unting nabubuo ang ulo nito. It looks like I'm filling a dragon-shaped container with fire.

Natuwa ako nang makitang nabubuo na nang paunti-unti ang katawan nito. I'm so—

"Faster, princess. You'll be dead in battle if you're this slow." Nagulat ako kaya't biglang naglaho ang dragon. Napakalapit ng bibig niya sa tainga ko kaya't naramdaman ko ang mainit niyang hininga rito. My heart is bursting. OH MY GOD!

"Ano ka ba naman, Drac? Hindi mo muna ako hinintay na makagawa ng isa. Pwede ko namang paulit-ulitin e. Bakit kailangang manggulat?" stressed na sabi ko nang makabawi ako.

"Just make another one. Do it fast and accurate," walang ganang sabi nito.

"Hmp!"

He chuckled. Wait...what?

Napalingon ako sa kanya na nasa likuran ko. Nanlalaki ang mga mata ko at tila hindi makapaniwala. He really did that?

"What?" I like his low and cold voice, but his chuckle stirred something in my stomach. I felt butterflies with a stupid but very fine chuckle.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top