Chapter 23

MISSION CONCLUSION

Eira Ysabelle's POV

I looked upon the green grasses of the Castle's garden. Na-miss ko ang ganda ng palasyo, gayundin ang komportableng aura nito. Naririto na kami sa Liondale magmula kahapon ng tanghali. When Durula gave a vial full of his silver blood from his palm, we have decided to come here the day after. Agaran na kaming pumunta dito dahil kaunti na lamang ang natitira naming oras para sa misyon. There's only a week left.

Nagpupumilit pa nga na sumama si Clyde ngunit pinigilan ko siya. Masyado pa siyang nanghihina dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan niya.

Hindi ako nakatulog noong gabing nakabalik kami sa palasyo dahil sa pag-aalala. Naririnig ko noon ang mga pagsigaw niya kahit natutulog siya. Isa pa, sobrang taas ng temperatura ng kanyang katawan na kahit ang hinihigaan niya ay nakakapaso na kapag hinawakan. Well, I can't just relax and let him suffer, so I stayed up all night to take care of him. I know he did that to me a couple of times before.

I heaved a sigh before looking at the sky. I really hope he is okay by now. I was wondering if my inner voice could reach him from afar. I don't know why but I can feel his presence kahit na magkalayo kami. I think I should give it a try.

'Clyde... Clyde, hear me. Survive, okay? We'll meet at the academy soon. Siguraduhin mong babalik ka.'

"I can see that you're so worried. Was it because of Clyde again?" Sinamaan ko ng tingin ang taong tumabi sa akin sa kinauupuan ko.

"Alam mo, mas maayos kung tatahimik ka nalang," sabi ko at binigyan siya ng isang irap.

He ended up laughing. "What's the catch? Kayo na ba?" Magmula noong kinausap niya ako ay naging makulit na siya at mapang-asar. He is so annoying.

"Really, Lauren? Iwanan mo nga muna ako."

"I'm so stupid for getting jealous back then. Hindi ko napansing ibang tao ka pala," natatawang sabi niya.

"Bulag na bulag ka kasi sa pag-ibig mo."

"You think we'll be okay when she comes back?"

"Of course. I'm seeing her memories with you. I know how deep her love for you is. Don't worry. You'll settle everything soon..." napatigil ako sa pagsasalita.

"Soon, when my mission here is done," malungkot kong saad ngunit ngumiti pa rin ako.

"But we're not sure if she loves me that much. I guess you still didn't see everything."

Pareho kaming napatingin kay Belinda na papalapit sa kinaroroonan namin. "Prinsesa, ipinapatawag na po kayo ng hari," pagbibigay-alam nito bago umalis.

Sumeryoso ang mukha ni Lauren at tila pinapakiramdaman ang paligid. Yumuko siya at hinawakan ang lupa bago pumikit. Katulad ng ginawa niya noong nasa Salem kami ay bumulong-bulong siya.

"Ysa, I must tell you something..." seryosong saad ni Lauren na nagdulot ng libo-libong boltahe ng kaba sa aking sistema.

"W-what is it?" I can sense it, alam kong hindi magandang balita ng maririnig ko mula sa kanya.

"The earth is telling me that something bad is going to happen," kinakabahang sabi niya.

Napayakap ako sa sarili ko nang humampas sa balat ko ang malamig na ihip ng hangin, dumagdag pa ito sa kabang idinulot ng mga sinabi ni Lauren.

"We must be careful."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang pinto ng palasyo. Naroroon silang lahat na nakabilog.

"There you are," sabi ni ama nang makita ako.

"Take this incrementum seed with you and do not lose it. This is the only one left for the year." It was Goddess Nisieah who gave the incrementum plant to the kingdom. It was given as a gift after the Great War.

"Khione, is there a problem?" mahinahong tanong ng aking ina, si Queen Louise. Her eyes were looking at me with care, as always.

"Wala po. I'm just carried away by my thoughts," nakangiti kong sagot.

"Clyde will be fine. Don't worry too much," nang-aasar na sabi nito na ipinagtaka ko.

What the—

"Mom!" mahinang sigaw ko na ikinatawa niya. Napansin kong wala na pala kaming kasama dito sa labas, lahat sila ay nasa loob na ng palasyo.

"Mom, can you tell me about my past self? I just can't remember it. What was I like?" Napatigil siya sandali bago napangiti.

"You were a sweet daughter and a great friend, but you show it only to me, your father, Sandra, Jiro, and Khiera..." panimula niya.

Naglalakad kami papunta sa loob ng aking kwarto habang nag-uusap.

"Kapag kaharap mo ang ibang tao, you're cold and somewhat... mean," natatawang sambit niya.

"Nagtataka nga ako kung bakit naging malapit ka na sa ibang tao ngayon. You seem to be happy with the people around you, lalong-lalo na sa guardian mo." Her last words made my cheeks blush, I can feel it.

"Mom! He's not...my guardian anymore," malungkot na sabi ko.

Naupo kaming pareho sa kama. Kinuha niya ang suklay na nasa ibabaw ng bedside table at sinimulang gamitin ito sa aking kulay tsokolateng buhok.

"Are you surprised?" I answered her question with a nod.

"Don't worry. He's destined to be your guardian forever. The goddess of the kindheart herself stated it."

Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. "You mean, he's still my guardian even though he is a prince now? An heir to be exact?"

"Yes. His title won't change what the goddess has prepared," nakangiting sabi niya na nagpagaan sa nararamdaman ko.

"Anyway, child. I'm going to take a bath now. Your father is waiting for me," tila excited na sabi nito bago ako nilisan.

I think I should start investigating now. Wala pa akong nakukuhang kahit isang clue. I'm still at my zero percent. Tumayo ako upang maghanap ng kahit ano dito sa kwarto. Binuksan ko ang isang drawer na nakalagay sa cabinet. There are letters and and such from Lauren, Khiera, and Sandra.

Binuksan ko ang isang letter na nagmula kay Lauren.

Denisse,
Hello, love. Are you doing well? Vacation's too long. I've been missing you for a whole month now.

Do not forget to eat your meals and of course, do not forget your prince. I love you.

-Lauren

Napangiti ako dahil sa nabasa. Marunong naman palang maging sweet si Lauren.

Binuksan ko rin ang isang sobre na mula kay Khiera. Mukhang matatagal na ang mga sulat na ito at iisa lamang ang ibig sabihin ng mga nakalahad sa mga sulat. Ibinalik ko ang mga ito sa loob ng drawer dahil wala namang mahalagang letter na makatutulong sa akin.

Pumunta naman ako sa mini-library ng kwarto upang tingnan ang mga librong naririto. Novels, princess's etiquettes, study books. Wala na akong makitang ibang makakatulong sa akin kaya't kumuha na lamang ako ng history book at inilagay ito sa bag ko. Matapos nito ay lumabas na ako dala ang mga gamit ko.

"Anak, mag-iingat ka," malungkot ang mukha ni ina habang sinasabi ang mga ito.

"Of course, mom. We will be safe at the academy." Niyakap ko silang dalawa ng hari. "See you after the sem!"

Matapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa karwahe na gagamitin namin pabalik sa academy. Kagabi pa kasi kami kinukulit ni Isaiah at Drac na bumalik na sa academy. Naaawa na raw kasi sila sa mga teachers na nagbabantay at nagsisilbing barrier ng school. Pero kahit ano pang sabihin nila, nakikita kong iba ang sinasabi ng kanilang mga mata. Gusto lamang nilang makita ang dalawang prinsesa.

"Kuya, mas excited ka pa ata kaysa kay Jiro na makita si ate Sandra ah," pang-aasar ni Luna dahil hindi nga mapakali sa kanyang kinauupuan si Isaiah.

"Manahimik ka nga! Jiro, patahimikin mo nga 'yang guardian mo." Nginitian lamang siya ng huli bago sumandal sa balikat ni Luna.

Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata ni Giea dahil sa ginawa ng prinsipe. Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong ngunit sinagot ko lamang siya ng isang kibit-balikat. Wala rin akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

Tumingin ako sa labas ng karwahe at pinagmasdan ang mga nadaraanan namin. I remember my first day coming to the academy, my first time riding the chariot, and when I slept on Clyde's shoulders. Napangiti ako. Matagal-tagal na rin pala simula noong nakapasok ako sa academy.

Isinandal ko ang ulo ko sa kabilang balikat ni Luna dahil nakakaramdam na naman ako ng antok. Hindi ko na naman masisilayan ang ganda ng Kosmos.

Nagising ako sa pagtapik na naramdaman ko sa balikat ko. "Ate Khione naman oh, nangangalay na ang balikat ko. Naririto na tayo."

Iniangat ko ang ulo ko mula sa balikat ni Luna. "Oh, sorry. Ilang oras akong nakatulog?"

Napairap si Luna kaya natawa ako. "Anim na oras lang naman."

"Oh my God, Luna. I'm so sorry."

"It's okay. Hindi naman natulog sa balikat ko si Jiro." Tiningnan ko siya na parang sinusuri ang buong pagkatao niya.

"Anong mayroon sa inyong dalawa?"

Natawa ako nang biglang namula ang mapuputing pisngi niya. "W-wala," nahihiyang sambit nito.

Hindi ko naramdaman na nadaanan namin ang barrier. Oh right, wala nga palang barrier ang academy.

"Nagbalik na ang Royals at Guardians?" nagsimula na namang mag-ingay ang mga bubuyog.

"Ang ganda pa rin ni Princess Khione ano?"

"OMG! Ang gwapo ni Prince Jiro! Kyah!"

"True, sis. Pero ang hot talaga ni Prince Lauren 'no?"

"Puro kayo gwapo. Hindi niyo napansin na wala ang pinaka-hot na estudyante ng Magos?" komento ng isang babae.

"OMG! Nasaan si Clyde?"

Napailing nalang ako dahil sa kwentuhan ng mga estudyanteng nadaraanan namin.

Dumeretso kami sa main building at pinuntahan ang office ni Headmaster Abraham. We must first submit the ingredients we've gathered. Kumatok si Isaiah na halatang gusto nang bisitahin si Sandra. Napapatingin na rin sa kulay itim niyang wristwatch si Drac. Tinamaan na talaga ang dalawang 'to.

Ilang sandali pa ay binuksan na ng headmaster ang pinto ng office. He's wearing a dark brown-colored cloak and he's holding a cup of tea.

Inilapag namin ang incrementum seed, ang vial na naglalaman ng dugo ni Durula, at ang prutas na mula sa puno ng buhay.

"We're sorry, headmaster. Hindi namin nakumpleto ang mga kailangan sa paggagawa ng barrier ng school. Masyadong maagap ang tauhan ng Coler," si Jiro ang unang nagsalita.

"I've heard about it. Alam ko rin lahat ng nangyari sa mission ninyo..." panimula niya.

"You do not need to worry about the liquified gold. Someone brought it to the academy," dahil sa huling sinabi ng headmaster ay bumakas ang gulat sa mukha naming lahat.

"Who?" magkakasabay naming tanong.

"Maureen Pat. Nakaligtas siya mula sa kamay ng mga kalaban. It's good that she can cast a teleportation spell and act accordingly. Luckily, alam niyang kailangan ng academy ang gold."

Great. I became worried because of nothing. But how did she know that the gold was needed? Isn't it weird?

"Anyway, I know everyone needs rest. You all need to get rid of your injuries. Leave all your things here and spend the rest of the day at the infirmary. We will continue the meeting tomorrow. The academy owes you these," sabi niya at iniangat ang ingredients.

"Thank you for your hard work. Dismissed."

Lumabas kami nang may ngiti sa labi. Kahit papaano ay mabubuo nang muli ang barrier.

Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin kami magiging ligtas kung mayroon nang ahas sa loob ng academy. Pero hindi muna dapat namin isipin pa ang bagay na iyon sa ngayon. We're stressed enough.

Katulad ng sinabi ng headmaster, nagmamadali kaming pumunta sa infirmary. We are dying to check on them. Nang marating namin ang front desk ay tinanong agad ni Drac kung nasaan ang dalawang Prinsesa. Itinuro naman ito sa amin ng nurse kaya't dali-dali namin silang pinuntahan.

Nadatnan namin sa loob si Dr. Robert Friar na kinakausap ang dalawa. Pinigilan ko ang luhang muntik nang pumatak mula sa nga mata ko nang makitang nakaupo silang dalawa sa kama. They're alive.

Gusto ko nang mapaluhod dahil nanghihina ako.

"G-guys?" nauutal at tila hindi makapaniwalang saad ni Sandra. Patakbong lumapit si Isaiah rito at hinawakan ang mga kamay ng prinsesa.

"Are you alright? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong niya.

"Baliw ka ba? Malamang masakit pa rin," pagtataray ni Sandra.

Tahimik naman na lumapit si Drac papunta kay Khiera. Hindi sila nag-uusap, magkasalubong lamang ang mga titig nila. Nang ngumiti si Khiera ay nginitian din siya nang matipid ng guardian niya. I guess only Khiera can make Drac's lips curve. Ngumingiti lamang ito kapag kasama si Khiera. Mas bagay sa kanya ang nakangiti, lumalabas lalo ang taglay niyang kagwapuhan.

"Khione? Hindi mo ba kami na-miss?" Natauhan ako dahil sa sinabi ni Sandra kaya't mabilis ko siyang nilapitan at binigyan ng isang marahang yakap.

"I've missed you. S-sorry. I've caused you harm," my voice broke. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Shh. Ayos lang ako oh. Na-miss din kita." Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"I'm sorry," I said between my sobs.

"No. Thank you. Iniligtas mo kaya kami. Gaga ka talaga," naiiyak na rin na sabi niya.

Kumalas ako sa yakap at si Khiera naman ang niyakap ko. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. I thought I killed them.

"Nasaan na ang guardian mo?" tanong ni Sandra na may nakakalokong ngiti.

"Oo nga, nasaan si ku-Clyde?"

"Your brother? He's at Lignus. Nagpapagaling." Tila nagulat si Khiera at napatakip ang kamay niya sa kanyang bibig.

"A-alam niyo na?" Tumango naman kaming lahat.

"Oh my goddess!"

"Rest, Khiera. Huwag mong pagurin ang sarili mo," matipid ngunit seryosong sabi ni Drac. Napatawa ako dahil sa naging reaksyon ni Khiera. Nakairap nitong pinisil ang pisngi ni Drac na may namumulang mga tainga.

I smiled as I saw everyone smiling as well. I guess the mission ends here.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top