Chapter 20
THE KINGDOM OF FIRE
Eira Ysabelle's POV
We're on our way to Lignus, the fire kingdom. Sabi ni Clyde, Lignus is famous for the production of charcoal and fire proof materials here in Kosmos. The fabric used for our cloaks are from this kingdom. Also, the greatest blacksmiths were from Lignus. Dito nanggagaling ang mga weapon na ginagamit ng iba't ibang kingdom.
"Malayo pa ba, Drac?" tanong ko. Nararamdaman ko na kasi ang sakit at pangangalay ng paa at binti ko.
"Malayo pa." We're walking for almost four and a half hours now, without rest.
'You okay?'
'Hmm...'
"Guys, let's take a break. I know everyone's tired already." Umakyat si Lauren sa isang sanga ng puno matapos niya itong sabihin at isinandal ang kanyang katawan dito. Umupo naman ako sa ilalim ng isang puno dahil hindi ko na kayang umakyat pa. Tinabihan ako ni Clyde at naghalungkat sa bag niya.
"Drink this." Iniabot ni Clyde ang isang bote ng tubig sa akin.
Umiling naman ako at ibinalik sa kanya ang tubig. "You drink that. Kailangan mo rin 'yan. May natitira pa naman akong tubig dito." He's too caring. Alam kong guardian ko siya pero kinakalimutan na niya ang sarili niya. Iniabot ko sa kanya ang isang mansanas na inilagay ko sa bag ko kanina bago kami umalis sa palasyo. Tinanggap niya ito kaagad at nagsimula nang kumain.
'Hey,' I called through my mind. Alam ko namang maririnig niya ako.
'Hmm?'
'You must learn to take care of yourself also. Lagi mo nalang akong inaalala.'
'Well...that's my duty.'
'I know that it is. Pero kaya ko naman ang sarili ko. As your royal, I order you to take care of yourself. You can do your duty naman kapag kailangang-kailangan ko ng tulong mo.'
'Alam ko rin naman... pero pinili ko 'to. It's my choice. You know that you can't force me to do your request.'
I sighed as a sign of defeat. 'Ang kulit mo talaga.' Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya nakatanggap na naman siya ng isang kurot sa tagiliran mula sa'kin.
"Hoy! Bakit ang tahimik niyong dalawa r'yan?" sigaw ni Luna na nakaupo sa isang sanga.
"We're eating. We don't want to waste our remaining energy kaya hindi kami nagsasalita."
"He's right. Nakakadagdag ng pagod ang pagsasalita," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Clyde.
"Okay, okay. Pinagtutulungan niyo na ako e." Natatawang nagtaas ng dalawang kamay si Luna. This cute girl.
"Actions speak louder than words. Baka nagkakaintindihan sila sa pagtititigan." Tiningnan ko nang masama si Isaiah at binato ng maliit na bola ng yelo.
"Ang daldal niyong magkapatid. Kumain na nga lang kayo," puna ng katabi ko. Ang magkapatid na ito talaga oo.
Hindi ko alam kung bakit pero bumaba si Lauren mula sa kinauupuan niya kanina, seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"I'll just take a walk," he said, coldly.
"What's his problem? He seems a bit cold lately," sabi ko at tumingin kay Giea. Maybe she knew something. She's his guardian anyway.
"I don't know...but I think he's jealous of something. He's like that when he's jealous," sabi niya kaya't kumunot ang noo ko. Jealous of what?
Nakita kong tumingin silang tatlo sa amin. Oh, I remember. Khione, Lauren, and their past. Well, I'm sorry. I'm not Khione. I want to talk to him though. Napatawad ko na naman siya. I've realized that he must have done it dahil inakala niyang ako talaga si Khione.
'Goddess Nisseiah, can you hear me?'
'Yes, child.' Her voice was mesmerizing as always. It was calm and soft yet laced with authority.
'Can I tell them who I really am?' Gusto ko itong malaman nila dahil deserve naman nilang marinig ang katotohanan.
'In time, child. Wait for the right time. Do not speak about it for now.'
'Thank you.' I felt a soft hand on my hair when a wind passed by me pero nawala rin ito kaagad.
Maya-maya pa ay bumalik na si Lauren. Mayroong isang ibon na nakapatong sa kanyang balikat, isang sparrow.
If you're wondering where my wolf is, iniwan ko na muna siya sa palasyo ng Enchanta. Tita Iza wants him to spend a week on their kingdom. Mukhang masaya naman siya ro'n dahil mukha namang langit ang kahariang iyon.
"Break's over. Simulan na nating muli ang paglalakbay," saad niya.
"If we will go now, we will reach the kingdom by sun down," halata mo sa boses ni Drac ang kawalan ng gana. Naaalala na naman niya siguro si Khiera.
Hindi ko pa rin makalimutan na nagmula sa mga kamay ko ang mga yelong muntik nang pumatay sa kanilang dalawa. I don't know if I can still use my ice if they're with me. I might feel bothered. Maaari ring magkaroon sila ng trauma mula rito. I'm just hoping na hindi nila ako layuan...because that would really be heartbreaking.
Gabi na nang marating namin ang palasyo ng Lignus. Sinalubong kami ng limang kawal na nakasuot ng kulay itim na armor. Nakasabit ang kanilang mga silver na weapon sa tagiliran at mayroon silang dalang kulay itim na shield. Kinuha nilang lahat ang mga dala naming gamit dahil inutusan daw sila ng hari at reyna na bitbitin ito papunta sa mga kwartong inihanda para sa amin.
The palace was made with shiny black stone. Sa mataas na bahagi nito ay nakalagay ang isang gintong ulo ng lion na nakanganga at tila handa nang mangagat. Its eyes were made of ruby stones.
Sa harap ng palasyo ay nakatayo si Queen Jewelle at si King Travis. They are both wearing crimson-colored cloaks, and I noticed the resemblance between their eyes and Khiera's.
"Welcome to our humble abode, royals and guardians," magkasabay nilang bati sa amin.
Yumuko kaming lahat upang magbigay-pugay. I can see the eyes of the king and queen were on me. Nang magsalubong ang mata namin ay nginitian nila ako.
"Khione, my dear angel. I've missed you." Lumapit sa akin ang reyna at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Naramdaman ko rin ang isa pang pares ng kamay na sumali sa aming yakapan.
"Ah, Clyde, Hijo. Come hug your tito and tita also," pagtawag na hari kay Clyde. Nakita ko ang pagtataka sa mata ng binata ngunit unti-unti rin naman itong lumapit sa kinaroroonan namin.
Weird. Really weird. I can feel such a strong connection between them. Nagulat ako nang magkasalubong ang tingin namin ni Clyde. Am I just hallucinating or I saw his eyes in a different color for a split second? Holy cow.
"Let's go inside. Lumalalim na ang gabi," malalim at buo ang boses na sabi ng hari.
Nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob ng palasyo. Napakalinis at napakaaliwalas sa mata ng kulay ng loob nito. Kung kulay itim ang kulay ng labas ng palasyo, kulay puti naman ang loob nito. There are golden vases, red carpet, and a golden chandelier. The portraits of the royal family can be observed in the white walls of the palace. Sa gitna ay nakalagay ang apat na gintong trono. Sa likod ng mga ito ay nakasabit ang kulay pulang bandera ng Lignus na makikitaan ng isang matikas na leon sa gitnang bahagi nito.
Nilampasan namin ang tatlong trono at dumeretso papunta sa kusina.
"So...what do you need?" tanong ng hari nang makaupo na ang lahat.
"We need Durula's blood for our new school barrier," deretsuhang sagot ni Jiro.
"What happened?" Nakatingin sa amin ang reyna at halatang nakuha namin ang interes niya.
"A traitor helped an enemy to invade the academy. Nasira ang barrier at mayroong nadakip na isang estudyante," si Lauren naman ang sumagot.
"Really? What a shame," disgust is visible on the Queen's face as she mumble those words.
"Well, Durula's quite elusive. Hindi rin siya friendly. So goodluck on your mission," sabi ng hari.
"Unfortunately, we can't help you, guys. We need to visit our daughter tomorrow," malungkot na ngumiti ang reyna.
"Ang pagpapatuloy niyo po sa inyong palasyo ay isa nang malaking tulong para sa amin. Maraming salamat po." Sinuklian ako ng isang magalang at matamis na ngiti ng reyna.
"There's no need for that, dear. You know you're all welcome in the palace."
Naging masaya ang hapunan namin dahil sa pagiging masigla ng hari at reyna. Ipinasalaysay nila sa amin ang mga nangyari sa mission namin kaya't natagalan kami sa harap ng hapag. Kahit nakikinig ako sa kwentuhan ay pinagmamasdan ko ang mag-asawa. Nakikita ko ang panaka-nakang pagtingin nila sa gawi ni Clyde na katabi ko.
Ngayon ay nakatitig na ako sa puting kisame ng kwarto. Inaantay ko na lamang na bumigay ang talukap ng mata ko. Hindi rin naman nagtagal ang pagpapaantok ko dahil ilang sandali lamang ay tuluyan nang bumigay ang talukap ng mga mata ko. Marahil ay dala ito ng pagod sa paglalakbay.
Nagising ako nang makarinig ako ng mahihinang pagkatok sa pinto. Tumingin ako sa wall clock at napag-alamang alas tres na ng madaling araw. Tumayo ako at naramdaman ang pagsakit ng binti ko. Ayoko nang maglakad, nakakasawa. Nakatayo sa harap ng kwarto ang dalawang maid na mayroong dalang towel at bath robe.
"Ihahanda na po namin ang inyong pampaligo," magalang na sambit ng isa. Napansin kong pareho silang nakayuko at hindi tumitingin sa aking mga mata.
"Look at me. You do not need to do that. You're talking to me, not to the floor. Come inside." Nakangiting binuksan ko nang malawak ang pinto para makapasok sila sa loob. I think they're twins. Makikita mo naman ito sa kanilang itsura. Ang pinagkaiba lamang nila ay ang kulay ng mga mata. Ang isa ay mayroong kulay itim at ang isa naman ay mayroong kulay tsokolateng mga mata. Nginitian nila ako at nagpasalamat bago pumasok sa paliguan.
Matapos nilang ihanda ang pampaligo ko ay tinawag nila ako sa loob ngunit inutusan ko sila na lumabas nalang muna dahil kaya ko namang maligo nang mag-isa. I told them to rest since I will only wear casual clothes. Wearing a dress is not appropriate. Mas madaling makipaglaban kung jeans at shirt lamang ang aming isusuot. Though I'm not sure if we will get into fights.
Binilisan ko lamang ang pagpaligo dahil kinakailangan naming makaalis ng alas kwatro para makarating kami bago magtanghalian sa kweba na pinaninirahan ni Durula.
Nadatnan ko silang lahat na naroon na at kaharap ang hari at reyna.
"I guess you are all here now. Mag-iingat kayong lahat." Sumipol ang hari at tumingin sa gilid ng palasyo kaya't napatingin rin ako sa bahaging iyon.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang apat na centaur na naghihila ng dalawang kulay itim na karwahe sa likuran nila. I can't believe I can see them in real life. I thought I can only imagine what they look like based on the books I read. Tumigil ang mga ito sa harap namin kaya't nagpaalam na kami sa hari at reyna.
"Do not show even the slightest fear in front of Durula, for the dragon hates fearful men."
♛
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top