Chapter 18

THE HEAVENS

Eira Ysabelle's POV

Sumikat na ang araw nang marating namin ang ibabang bahagi ng kaharian. Tumingala ako ngunit mga ulap lamang ang nakikita ko. I guess the kingdom's behind those clouds.

"Apat na pegasus lang daw ang maaari nating gamitin ngayon," pagbibigay-alam ni Isaiah na kadarating lamang galing sa pakikipag-usap sa mga guard.

"Let's pair up," sabi naman ni Jiro na halatang sabik nang makauwi sa palasyo nila.

"Khione, tara—"

"No," hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Clyde dahil alam ko na ang mangyayari. Aasarin na naman niya ako tungkol sa nangyari kaninang madaling araw. He kept teasing me since he arrived from his bath.

Tumawa siya habang umiiling. Nabasa siguro niya ang iniisip ko.

Lumingon ako sa direksyon ni Luna para ayain sana siya pero agad akong sumimangot nung makita ko sila ni Giea na nakangiti sa amin habang nakasakay sa isang pegasus. Traitors.

Damn. I have no choice. Lauren is paired with Jiro, and Isaiah is with Drac. Si Clyde na lang talaga ang walang kasama.

I heaved a sigh as a sign of defeat. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Kitang-kita ko ang malaking ngiti niya na mabilis makapagpakulo ng dugo ko. Humanda ka sa'kin mamaya.

'Sinasabi ko naman sa'yo. Kahit anong mangyari, sa akin pa rin ang bagsak mo,' sabi niya kaya nakatanggap siya ng isang kurot sa tagiliran mula sa akin.

Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ako sa likod ng kulay puting nilalang na ito. Napansin kong hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko kaya't tinaasan ko siya ng isang kilay. 'At sinong may sabi na pwede mong hawakan nang matagal ang kamay ko?' Halatang nagulat siya dahil sa sinabi ko kaya tinawanan ko siya.

Sumakay na si Clyde sa likod ng pegasus at nagsimula na itong paliparin. "Hold on tight."

Nagsimula na ring lumipad ang sinasakyan ng iba.

I was watching the whole forest below when something caught my attention. Two blue eyes were intently looking at me. Hindi ko naman ito makita nang mabuti dahil madilim ang parteng iyon ng gubat. Tanging mga mata lamang nito na nasisinagan ng araw ang maaaninagan. Inialis ko na ang tingin ko rito at tumingin sa puting ulap na nasa ibabaw. Alam ko namang walang masamang intensyon ang isang 'yon.

Nakataas ang mga kamay nina Luna at Giea habang lumilipad pataas ang sinasakyan nilang pegasus. You can hear their voices as they scream their lungs out. They're really enjoying the moment as if ngayon lamang sila nakapunta sa lugar na ito.

I'm so excited to see what is behind these clouds.

Nalampasan namin ang mga ulap na kung titingnan mo ay parang pinagsama-samang mga bulak. Isang gintong gate ang sumalubong sa amin. Isang gate na kumikinang, lalo na kapag natatamaan ng sinag ng araw. Sa pinakamataas na bahagi nito ay nakalagay ang 'Enchanta'. Behind the gold bars of the gate is a green field full of a variety of flowers. Is this what heaven looks like? They surely are favored by the heavens. Nasa entrance pa lamang kami ay ganito na agad ang bumungad sa amin. Ano pa kaya kapag narating na namin ang palasyo?

Dalawang guard na nakasuot ng silver armor ang nagbukas ng gate. Hawak nila ang kanilang sibat na mayroon kulay gintong parte sa gitnang bahagi. Maging ang mga armas ng guards ay magara. Lumuhod sila at yumuko habang hinihintay ang pagpasok namin sa gate.

Tumuloy sa paglipad ang mga sinasakyan namin hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kaharian. Napakasariwa ng hangin at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa bandang ito. Kung maganda na ang hardin sa unahang bahagi ng kaharian, mas maganda ang makikita kapag nakapasok ka na sa mismong kaharian.

"Clyde, fly higher." Katulad ng sinabi ko, pinalipad nang mas mataas ni Clyde ang sinasakyan namin. Gusto kong makita ang kabuuan ng kahariang ito.

Sa gitna ay nakatayo ang palasyo ng Enchanta. The palace is literally shining. It might be caused by some diamonds. Nakapalibot sa palasyo ang apat na tribo.

"Look at that tree," bulong ni Clyde sa akin. Pinagmasdan ko ang punong itinuro niya na mayroong kulay dilaw, pula, at kahel na mga dahon na nakatayo sa isang parte ng kagubatan. The leaves are like the wings of a butterfly—oh my Goddess! They are real butterflies.

"Seems like you are enjoying the ride," bulong ng taong nasa likod ko.

"Hmm..." tumango ako. "The kingdom's beautiful."

Bumaba ang mga sinasakyan namin sa harap ng gate ng palasyo. Even the palace's gate was made of gold. Bumukas ito at bumungad sa amin ang nakangiting mukha ng hari at reyna.

Naipikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang biglaang pagsakit ng ulo ko. Khione's memories are flashing again in my mind. Mukhang madalas ang pagbisita ni Khione sa kaharian. I even saw the young Sandra, Jiro, Khiera, and Khione playing in the garden of the palace. Nagmulat ako nang tumigil na ang mga alaala sa pagpasok sa isipan ko. Somehow, naalala ko ang itsura ng loob ng palasyo at ang ibang places dito.

"Khione, anak, don't you want to hug your tita?" para akong nagising nang marinig ang sinabi ni Queen Izabella. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "I've missed you, tita."

"I've missed you too," malambing na sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Niyakap ko rin si King Frederick na nakangiti sa akin. "Ah! Khione, mabuti naman at naisipan mong bumisita."

"It is for our mission, tito," natatawang sambit ko. First, I became a princess and now, I'm an actress, too. I'm living a great life, huh?

"Let's go inside." Nakakapit sa braso ko ang reyna habang naglalakad. There's no doubt, she's Sandra's mother. Bumaba ang tingin ko sa sahig nang maalala ang huli. Sandra... I really hope she's alright now.

"Are you thinking about my daughter?" narinig kong tanong ni Tita. Tumango lang ako at malungkot na ngumiti.

"I know you're feeling sorry, but don't worry about that lady. She's tough. Maayos na rin naman daw ang kalagayan nila. Nagpadala na ng sulat ang academy," mahinahong sambit ni Queen Izabella.

"Hindi po kayo galit sa akin?" 'di makapaniwalang tanong ko.

Tumawa siya nang mahina. "Of course not. I should be thanking you. You saved her. Besides, I know you're the last person who would want her to be in danger." Her words made my lips form a smile.

"Ah! I forgot to tell you. Someone's here to meet you." Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Who would want to meet me?

Nasagot ang tanong ko nang makita ang tumatakbong si Aedean. Paano siya napunta rito? Sa pagkakatanda ko ay pinabalik ko siya sa academy matapos ang ambush. Lumapit siya sa akin at isiniksik ang mukha sa aking binti. Isn't he adorable?

Napatingin ako sa mata niya at napagtanto ang isang bagay. He's the owner of those blue eyes I saw while we were flying. I almost forgot that he can teleport. Binuhat ko siya at hinimas ang kulay puting balahibo niya. My baby's so cute!

'Mas cute ako.' Lumingon ako kay Clyde para bigyan siya ng isang irap. I can't stop myself from sending sullen glances and death glares to him. He's always getting into my nerves.

Nakita ko ang isang golden statue ng eagle sa mataas na parte ng palasyo. Nakabuka ang mga pakpak nito at nakatingala. According to the book I've once read, the eagle is Enchanta's spirit animal. For them, the eagle symbolizes the pride and strength of the air element.

I've also learned that every tribe here has a golden statue of a bird symbolizing the four sacred birds of Enchanta. In Tribe Orion, a golden statue of a dove is placed at the central part of the tribe, and it signifies peace and freedom. Tribe Erra has an owl that means wisdom. A raven on Tribe Irin that implies protection stands on the center of their tribe. The hawk in Tribe Prim, on the other hand, symbolizes intuition and determination.

"Didn't you miss the palace?" tanong ng reyna.

"Of course, I did," sagot ko at tsaka inilibot ang paningin sa loob ng palasyo. Everything inside the palace beams elegance—red carpet, chandeliers, paintings, vases. Almost everything in this place is made up of gold.

"Maids, guide them to their rooms and prepare a comfortable bath for each of them," utos ng reyna. Agad na lumapit sa amin ang ilang katulong at sinamahan kami sa kanya-kanyang kwarto na inihanda ng hari at reyna para sa amin.

Inilapag ko ang bag ko at napagpasyahan munang lumabas sa balkonahe ng kwarto. Nasa pangalawang palapag ako kaya't mas magandang pagmasdan ang hardin. Naramdaman ko na sumunod sa akin si Aedean at lumitaw sa balikat ko. Mabuti na lamang at bata pa siya kaya't magaan pa ang kanyang katawan.

Sobrang liwanag ng paligid at napakagandang pagmasdan ng mga halaman dito. Masagana rin ang tubig na umaagos mula sa fountain sa gitna ng hardin. Mayroong mga batang tinuturuan kung paano magcast ng spells. If Salem has the greatest knights, Enchanta is famous in spell fights. Maraming mage ang nagmula sa Enchanta, lalo na sa Tribe Orion.

"Princess Khione, handa na po ang paliguan ninyo," magalang na sabi ng katulong bago nilisan ang silid.

Pumasok ako sa loob ng paliguan at naamoy ko agad ang halimuyak ng lavender.

Let me just relax myself in a fragrant tub. I've been stressed for days.


Isaiah's POV

"Kuya, 'wag mong isipin masyado si Ate Sandra. Sure akong maayos na 'yon ngayon." Isang masamang tingin ang natanggap ng kapatid ko mula sa akin. This brat. Naririto ako sa kwarto niya para yayain na siya papunta sa baba.

"Tumahimik ka nga. Kung ano-ano na namang sinasabi mo." Pero I really hope she's fine by now. Gustong-gusto ko nang makabalik sa academy. I want to check on her. I hope they take care of her well.

"Uy~ ayaw pang aminin. Crush mo naman talaga siya 'di ba? Yiee~"

"Isa pa, Luna, ilalaglag kita kay Jiro," seryosong banta ko. Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata niya bago siya tumungo. Si Jiro lamang pala ang makakapagpatahimik sa'yong bata ka.

"O, bakit ka namumula? May gusto ka kay Jiro?" inosenteng tanong ko.

Kahit natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha, alam kong namumula na parang kamatis ang kanyang mga pisngi.

"Jiro pala, hmm..." Itinuloy ko ang pang-aasar at sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.

"K-kuya, tama na!" sigaw niya habang nakatungo pa rin.

"Okay, sabi mo e. Lalabas na ako. Baka kasi naghihintay na si Jiro," idiniin ko ang pagkakabigkas ng huling salita.

"Tse!" sigaw niya at tsaka ibinato ang isang unan sa direksyon ko.

Lumabas na ako dala ang isang maliit na bag. Alam ko namang babalik pa kami dito. Hindi naman kasi gaanong malayo ang isla na pupuntahan namin. Siguro ay aabutin lamang ng kalahating oras ang byahe.

Nadatnan ko silang lahat na nakaupo sa couch. Kami nalang pala ni Luna ang wala. Oh, wala pa rin pala si Khione.

"Where's your sister?" kunot-noong tanong ni Jiro.

"Upstairs," sagot at tsaka umupo sa tabi ni Clyde.

"Pupuntahan ko na silang dalawa ni Khione. Their rooms are just next to each other, right?" tinanguan ko na lamang si Jiro.

Maya-maya pa ay dumating na si Khione na abot-langit ang ngiti. Noong mapunta sa amin ang tingin niya ay binigyan niya kami ng isang irap. Tumingin ako sa katabi ko. Siya lang pala ang inirapan, hindi ako kasali.

Kasunod ni Khione ay ang kapatid ko at si Jiro na magkausap. Aba. Parang kanina lang sobrang pula ng mukha nito ah. Nagtama ang mata namin ng kapatid ko kaya't binigyan ko siya ng isang mapang-asar na ngiti. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit kita pa rin ang pamumula ng pisngi niya. Akala mo ha.

"Let's not waste our time here," sambit ng nakasimangot na si Clyde na naunang lumabas. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Balak ko lang sana siyang asarin.

"Yo! Ano na namang dahilan at nakasimangot ka r'yan? Umagang-umaga, pre."

"Nothing,"

"Akala ko ba si Khione lang ang may kapangyarihan ng yelo? Bakit ang lamig mo?" Natatawang siniko ko siya.

Napaisip ako bigla. "Ah...Khione,"

"Anong 'Ah...Khione'? Masakit lang ang ulo ko dahil sa kaiisip sa mga nangyayari sa misyon na 'to. This mission is really great," sarkastikong pagkakasabi niya. Idiniin pa talaga ang salitang great.

Sumakay ulit kami sa pegasus dahil kakailanganin naming muli ng sasakyang panghimpapawid para makapunta sa isla ni Livo, ang tagapangalaga ng puno ng buhay.

Matatagpuan ang maliit na isla sa pinakadulong bahagi ng kaharian. Hindi ko alam kung matatawag ba itong parte ng Enchanta dahil nakahiwalay ito sa kaharian, pero nakalutang pa rin ito kasama ng Enchanta...teka ang gulo ko na ata. Bahala na nga. Ang mahalaga, nagpaliwanag ako.

Napatingin ako sa gawi nina Clyde nang marinig ang pagtawa niya. Inaasar na naman siguro nito ang prinsesa. It's been his hobby since Khione returned to the academy. Parang kanina lang ay hindi maipinta ang mukha ng isang 'yon. Anyway, I'm happy for my best friend.

Nakita ko kung paanong nagkasalubong ang kilay ng prinsesa kaya napangiti ako. Hindi ako makapaniwalang magiging ganito silang dalawa. Malayong-malayo sa inaasahan ko.

Noon, hindi mo sila makikitang nag-aasaran. They act formally with each other. Pero ngayon, you can see how they've gotten close to each other. It must be Khione, malaki ang naging pagbabago niya. I thought Lauren was a perfect match for Khione, pero hindi pala—mas bagay pala sila ng guardian niya. Sayang nga lang at hindi pinahihintulutan ang ganoong relasyon, lalo na at nag-iisang anak si Khione.

She also acts friendly with everyone now, 'di katulad dati na halos si Sandra, Jiro, at Khiera lamang ang kinakausap. Takot pa nga noon si Luna sa kanya. Siguro naman ay napansin ng lahat ng guardian ang mga pagbabagong 'yon ni Khione. Wala namang masama roon, It's actually a good thing.

Nakikita ko na ngayon ang puno ng buhay na nakatayo sa pinakagitnang bahagi ng maliit na isla ni Livo. Mula rito ay makikita ang pagliwanag ng mga kulay asul, luntian, dilaw, at puting mga dahon nito.

Nang makababa kami mula sa likod ng mga pegasus na sinakyan namin ay dumeretso na agad kami sa puno na nasa gitna.

To get a fruit from this tree, we need to summon its protector, Livo. Ayon sa mga libro, isang matandang mahilig sa palaisipan ang tagapangalaga at napakagahaman daw nito sa ginto. Inilagay ko ang isang bag ng gintong barya sa ilalim ng puno. Lumapit naman si Luna rito upang maglagay ng mga bulaklak na pinitas mula sa hardin ng palasyo.

"Sino ang gumambala sa aking mahimbing at payapang pagtulog?" Mula sa gitna ng puno ay lumabas ang isang matandang lalaki na mayroong mahabang kulay abong balbas. Kinukusot pa nito ang mga mata. Nakasuot siya ng isang mahabang kulay asul na roba at sa ulo niya ay nakapatong ang isang sumbrerong may patusok na dulo. Muntik ko nang makalimutan na isa siyang mage na itinalaga ng diwata na maging tagapangalaga ng puno na ito. He's a hundred thousand years older than us, by the way.

"Oh... I see," sabi niya at tiningnan kami isa-isa. "The future rulers and guardians of Kosmos."

"I believe two of the royalties are not here?" Tumango na lamang kami sa tanong niya.

"Gusto niyo ba talaga akong pagmukhaing tanga sa harapan niyo? Wala ba kayong mga boses?"

"Iactre!" he cast. The attack sent us flying to the other side of the island. Well, he caught us off-guard.

Mabilis kong ginamit ang hangin upang makababa kami nang maayos. What is he up to?

"Praemia!" Nagkaroon ng mga pagsabog sa iba't ibang parte ng isla dahil sa spell na binigkas niya. Dalawang simpleng spells lamang ang ginawa niya ngunit napakalaki ng impact ng mga ito. Aba, hinahamon kami ng matandang 'to.

Nakita ko ang iba't ibang barrier sa paligid ko at ang mga seryosong mukha nilang nakatingin kay Livo nang mawala ang usok sa paligid.

"Elementals, charge!" pagkasigaw ni Clyde ay nawala ang lahat sa paningin ko. We all charged an attack towards the old man at full speed. Sa isang iglap ay napapalibutan na namin siya.

Biglang lumamig ang paligid at umalulong ang hangin. Nagkaroon din ng malaking ahas na gawa sa tubig at isang agila na gawa sa apoy. Kinilabutan ako nang makita ang mga mukha nilang seryoso at ang mga elementong nakalagay sa kamay nilang lahat na tila ba naghihintay nang lumamon ng kalaban.

"Okay, okay. Talo na 'ko," natatawang sambit niya habang nakataas ang dalawang kamay.

"You all are indeed powerful..." sabi niya nang nakangiti.

"Good battle strategy, strong connection with your elements, nice teamwork..." pagpapatuloy niya.

"But it does not fully define who you are..." What does he mean by that?

"There's this thing which can show who you all are and what type of rulers you can be, and this thing can simply define every living human being in the universe." Pinipilit ba ako ng matandang 'to na gamitin ang utak ko? Pwes! Hindi niya ako mapipilit. Matalino na naman ang mga kasama ko. Nagtitiwala ako sa kakayahan ng mga isip nila.

"Sa katunayan, puno ang mundo natin ng bagay na ito." Hindi talaga ako mag-iisip. Bahala ka r'yan, tanda!

"Maaari ka nitong dalhin sa kaligtasan, ngunit maaari ka rin nitong dalhin sa kapahamakan," dagdag pa niya.

"Maaari ka nitong iwan na nagluluksa at nagsisisi, ngunit maaari ka rin nitong iwan nang may galak." Ang dami namang sinasabi. Ito bang bagay na 'to ang ipapahula niya sa'min?

"Bumalik kayo sa islang ito pagkalipas ng dalawang araw ng pag-iisip. Isipin ninyo ang bagay na aking tinutukoy at ibibigay ko sa inyo ang kailangan niyo. I will give you three chances, elementals. Three chances," sabi niya at ipinakita sa amin ang tatlong daliri.

"Find out what is this thing I was talking about..." Tiningnan niya kaming lahat sa mata.

"This thing called... the hinges of destiny."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top