Chapter 17

STOLEN

Luna's POV

Sabi ni Prince Lauren, Tribe Lym is located at the high mountain of Asci, and yes, nakikita ko na—nakikita ko nang wala rito ang sinasabi niyang tribo.

Haay...

Halos tatlong oras na kaming nagpapaikot-ikot dito sa paanan ng bundok na 'to. Naririto na dapat ang entrance ng tribo ngunit ni isang bakas ng entrance, wala kaming makita. Sumimangot ako. Kanina pa kasi ako nagugutom tapos masakit na rin ang paa ko. Ubos na 'yung pagkain ko kasi inubos ni Kuya. Ang walang awang nilalang na 'yon talaha. Hmp!

"They must be inside a barrier. I heard they were attacked last time. It must be for the safety of their residents," sabi ni Clyde na lumilinga-linga sa paligid.

Lumuhod si Prince Lauren at hinawakan ang lupa. Pumikit siya at nagsimulang bumulong. Hala...nabaliw na.

"Luna, kuhanin mo na 'to o, alam kong nagugutom ka na." Napanganga ako nang lingunin ko si Princess Khione. Paano niya nalaman 'yon? Masyado na bang halata sa mukha ko 'yung gutom? Oh my Goddess!

"A-ah. Ayos lang ako prinsesa, mas kailangan mong kumain," nahihiyang sagot ko.

Umiling siya at tsaka tumawa. "Alam kong gutom ka na. Kanina ka pa nakasimangot d'yan e. Tsaka hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom." Kinuha niya ang isa kong kamay at inilagay niya ang baon niyang tinapay rito.

"S-salamat po, prinsesa." Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nauutal kapag kausap siya.

"Sinabi ko naman sa'yong 'wag mo na akong tawaging prinsesa, Khione nalang," nakanguso niyang puna.

Tinanguan ko nalang siya at binigyan ng isang matamis na ngiti. Hindi lang siguro ako sanay na ganito na siya kabait ngayon. Simula noong bumalik siya sa academy ay marami akong napansing pagbabago sa kanya, except sa itsura syempre. Maganda pa rin siya, pero mas matalino siya ngayon at mas approachable kaysa dati. Honestly, natakot ako sa kanya noong nagalit siya. Bigla kasing lumamig nang sobra yung paligid tapos nakakakilabot pa yung aura niya. Mararamdaman mo talagang galit na galit siya. Kilabot to the bones!

Sa ngayon, alam kong nalulungkot pa rin siya at sinisisi pa rin niya ang sarili niya dahil sa nangyari kay ate Sandra at Khiera. Kahit nakangiti siya, kita pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"I think I know where the Tribe is." Pinagpag ng prinsipe ang kamay niya bago tumayo. Nakuha niya ang atensyon ng lahat ng naririto. May sense naman pala yung pagbulong-bulong niya kanina. Akala ko e nababaliw na siya.

Kumagat ako sa tinapay na ibinigay ni Ate Khione. Wala na akong magagawa e, gutom na talaga ako. Yum!

Sumunod ako sa kanila nang makita ko na naglakad sila papalapit sa bundok. Aaakyatin ba namin 'yan? Jusko naman, ang taas-taas ng bundok na 'yan e.

"It's inside this mountain."

Sinubukang umakyat ni Drac ngunit wala namang nangyari. Nakaapak lang siya sa mababang bahagi ng bundok.

"How can we get inside?" tanong naman ni Giea.

"Do you want me to shake the ground to get the tribe's attention?" suhestiyon ni Prince Lauren.

"Huwag. Maapektuhan ang mga mamamayan sa loob," sagot ni Clyde.

"That...is an unwise suggestion," dagdag naman ni Jiro na biglang lumingon sa direksyon ko. Oh bakit naman 'to lumingon sa akin pagkasabi ng 'unwise'? Muntik nang tumaas ang isang kilay ko dahil dito pero hindi ko na lang ito pinansin dahil gutom na ako. Bahala kayong magpaka-stress d'yan. Kakain lang ako nang kakain dito.

"W-wait. Guys, I think I can sense the tribe's people," nakapikit si Khione sa mga sandaling ito at nakakunot ang noo. How did she do that? I mean, how can she sense someone inside a barrier when their presence is masked?

"Three of them is coming our way," dugtong pa niya at nagmulat ng mata. Maya-maya pa, tatlong tao nga ang lumabas mula sa bundok. Para silang mga multong tumagos lamang dito.

Yumukod silang tatlo sa harap ng mga prinsipe at prinsesa.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong ng isa na nakasuot ng kulay bronze na armor. He must be one of the tribe's guards.

"Can we discuss this matter inside? It's not safe here," sabi ni Clyde na tumitingin pa rin sa paligid.

Lumapit ang isang guard sa bundok at hinawakan ito hanggang sa umilaw ang mga kamay niya. Nabuo ang isang lagusan sa parteng hinawakan niya. This barrier might react only with the touch of a member of the Tribe. Kaya siguro walang nangyari noong umakyat si Drac kanina. Speaking of Drac, sobrang tahimik ng lalaking 'yon simula noong hindi na namin kasama sina Khiera. Miss na ba ng isang 'yon ang prinsesa?

Alam kong may gusto 'to kay Khiera. I trust my instincts and observations. Halata naman sa kanya kapag magkakasama kami. Palagi nitong pinagmamasdan ang prinsesa at hindi niya namamalayan na napapangiti na siya kapag nagkataon. Hindi ito katagalan dahil composed ang isang 'yon palagi. Halos laging seryoso ang ekspresyon niya na para bang walang masayang bagay sa mundo. Isa pa, mabilis din itong mawala sa focus kapag ngumingiti si Khiera. Ngumingiti lamang din siya kapag kasama ang prinsesa.

Wala naman akong balak mangialam. Pero magiging masaya ako kapag nagkatuluyan silang dalawa. Ang kaso, si Khiera ang susunod na reyna ng Lignus, she must marry a prince from other kingdom. Kung hindi lang sana nawala ang susunod na tagapagmana ng kaharian ng Lignus...

Whatever. Destiny will surely find ways.

Nagulat ako nang maramdaman ang isang kamay na pumatong sa balikat ko. God! Muntik na akong masamid!

"You're spacing out. Malayo na sila," malamig na sabi ni Jiro. Patay...

Ngumiti ako nang pilit at tumingin sa kanya bago ako naglakad papunta sa daang tinahak ng iba.

Napakalaki ng lupain nila. Maraming mga nakapaligid na puno at mayroong isang malinis na batis sa loob. Kapansin-pansin din ang liwanag ng paligid. Nanggagaling rin ito sa araw kahit na natatakpan pa ng barrier ang kanilang tribo. Mga tent ang nagsisilbi nilang tirahan.

Maraming mga bata at matatandang nag-eensayo dito sa kanila, mayroong mga babae ngunit karamihan ay mga kalalakihan ang naglalaban.

Salem has the greatest knights. Marami silang alam pagdating sa pakikipaglaban gamit ang mga sandata. Nakita ko kung paano umiwas ang isang batang babae mula sa espadang inihilig papunta sa kanya ng isang batang lalaki. Yumuko siya at sinipa ang isang binti ng kalaban niya dahilan para matumba ito. Tsaka niya tinutukan ng espadang kahoy ang lalaki.

See? Nakakatakot ang mga bata rito. A note to myself: do not mess with them.

"Nakatulala ka na naman. Ano bang problema mo?" Hindi pa rin siya nakakaalis?

"Pinapanood ko lang 'yung mga bata. Nakakatuwa kasi silang pagmasdan habang naglalaban," sinagot ko siya ng isang makahulugang ngiti.

"Mas nakakatuwa kang pagmasdan."

"Huh?"

Hindi siya sumagot at nagdere-deretso lamang ng paglalakad. Sumimangot ako at sinundan na lamang siya.

Nang makapasok ako sa tent, nakita ko silang nakaupo sa paligid ng isang table. This is the largest tent so far. Baka ito ang tent ng pinuno nila.

"Our headmaster requests for the finest liquified gold in your tribe. Our school needs it for a new barrier," panimula ni Prince Lauren. Malamang, siya ang unang magsasalita. This tribe is one of his domains.

"A new barrier? A new recipe for the barrier, I suppose?" tanong ng pinunong mayroong mahabang itim na balbas. He has a bronze crown on his head.

"Yes. A traitor let an enemy inside the academy. A huge part of the barrier was broken," si Khione naman ang seryosong sumagot.

Tumango lamang ang pinuno at humawak sa baba. "Unfortunately, the liquified gold that we've been keeping as a reserve..." Tumigil siya at tumingin sa aming lahat. "was stolen."

"What?"

"Shoot."

"Oh my God..."

"Talaga?" Nakisali rin ako para malaman nilang may pake ako sa pinag-uusapan.

"It happened when the tribe was attacked."

"Is there another tribe who has that kind of gold?" tanong ni Clyde na ngayon ay seryoso na ang mukha at nakakuyom pa ang mga palad.

"Wala na. Unless..." Tumigil ulit siya sa pagsasalita. Pabitin si manong. "Mabawi niyo ito mula sa kanila. You see, once every five years lamang nagkakaroon ng supply ang tribo."

Coler naman talaga, oo. Nakakabwisit. Nakakakulo ng dugo. Ang layo-layo ng nilakad namin tapos ganito lang ang madadatnan namin.

Pumasok ang dalawang babae sa tent at nagbigay-galang. "Sumama muna kayo kina Agnes at Lisa. Sila ang magdadala sa inyo sa isang tent na ipinahanda ko. Magpahinga muna kayo."

This mission is really something. Malapit na akong maloka.


Eira Ysabelle's POV

'Di pa rin ako makapaniwala na ninakaw rin ng Coler ang reserved liquified gold ng Tribe Lym. Just how cruel are they? Kung dati, hindi ako masyadong naniniwala sa mga sinasabi nila sa tauhan ng Coler, ngayon ay naniniwala na ako.

Ngayon, halos lahat sila ay nakabagsak ang balikat at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Wala na kaming ibang maaaring mapagkuhanan ng gold na kailangan namin para sa barrier. Kakailanganin pa naman 'yon para sa purification at protection ng barrier mula sa mga masasamang-loob. The researchers of the academy must think of a material that has the same properties of liquified gold.

"Let's go. We don't want to waste our time crying over spilled milk here, do we?" nakataas ang kilay ko habang tinitingnan sila na ngayon ay ngumingiti na dahil sa pagtataray ko.

"Let's go," tumayo si Clyde at isinukbit ang bag niya sa kanyang braso. Tumigil siya sa harapan ko at kinuha ang bag ko. Pinigilan ko siya at hinigpitan ang hawak sa bag. "Kaya ko na 'to."

"Fine."

Sabay-sabay kaming lumabas mula sa tent. Sumalubong sa amin ang pinuno at sinabayan kami paglalakad palabas. Ihahatid na raw niya kami.

Makikita pa rin ang iilang bituin na nakapinta sa kalangitan. I think it is already 4 in the morning.

"Well, I'm wishing you all good luck. The academy will surely be working on that liquified gold," paalam niya matapos kaming ihatid sa labas ng tribo.

"Maraming salamat po," ako na ang nagpasalamat. Mukhang wala silang balak magsalita e.

Enchanta na ang sunod naming pupuntahan. Nag-request si Jiro na tumigil daw muna kami ng isang buong araw o dalawa sa palasyo nila dahil mahaba pa naman daw ang oras namin para sa misyon.

Nasa unahan sina Lauren, Giea, at Drac. Sina Clyde, Jiro, at Isaiah naman ay nasa likuran. Habang kami ni Luna, naririto sa gitna nila.

"Nakakagigil na talaga 'yang mga taga-Coler na 'yan. 'Di pa nakuntento sa mga ginawa nila," nakasimangot na reklamo ni Luna.

"Paano nga pala si Maureen Pat? Sinong magliligtas sa kanya? Hindi ba't na-kidnap siya?" nagtatakang tanong ko. Naalala ko 'yung mga narinig ko sa meeting na 'yon kahit nasa loob na ng katawan ko noon ang babaeng 'yon.

"I'm sure the academy will take charge of that case. Kung hindi man, wala silang kwenta." Halata ang galit sa mukha ni Jiro habang nagsasalita.

"Let's just focus on this one. Let them do what they want," sabat ni Clyde.

Kumusta na kaya si Sandra at Khiera? Hindi ko pa rin maiwasang mangamba at malungkot. Paano kung—

"Khione, you're stressing yourself again." Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kanang kamay ko. Nauna nang lumakad si Jiro, Luna, at Isaiah kaya kaming dalawa na lamang ang nasa likod.

'Magiging maayos rin sila, 'wag kang mag-alala,' he tried to console me.

'Paano kung magalit sa akin ang mga magulang ni Sandra?'

'They won't. Besides, I'm here. I won't let anyone hurt you.' Nginitian ko siya at tsaka tumango. Wala naman akong maitatago sa kanya e. Nababasa at naririnig niya ang iniisip ko.

Remind me to drink three cups of coffee pagdating sa palasyo namin. This mission is giving me a lot of stress.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa abutin kami ng tanghali. Tumigil muna kami at sama-samang nananghalian sa sanga ng isang malaking puno dito sa gubat.

"Sa tingin niyo may pwede tayong ipamalit sa gintong 'yon?" tanong ni Isaiah na katabi ni Clyde. Hinablot niya ang kinakain ng kapatid kaya't walang tigil na naman ang pagmamaktol ni Luna. Nag-aaway na naman sila.

Iniabot ni Jiro ang kalahati ng pagkain niya kay Luna. Kinuha naman ito ni Luna bago inirapan ang kapatid. This is one good of a sight. Makikita mong hindi lamang ang mga guardian namin ang nag-aalala para sa amin, nag-aalala rin kami para sa kanila. Well, deserved naman nila ang way ng pagtatrato namin sa kanila. They're always risking their lives for us.

Matapos kumain ay nagsimula na ulit kami sa paglalakbay. Aabutin pa raw kami ng madaling araw bago marating ang ibabang bahagi ng kaharian.

The kingdom is floating mid-air kaya kakailanganin pa naming sumakay sa mga pegasus ng kaharian. Nabasa ko sa library ng academy ang tungkol sa kaharian ng Enchanta. The book says that Enchanta is the most favored kingdom by the heavens. They made it float for the kingdom's safety, and that kingdom...they say it is like a small version of the heavens. Aside from the ability of the kingdom to float, the kingdom was granted two hundred of the heaven's pegasi. Hindi tuloy ako makapaghintay na marating namin ang palasyo. I'm really looking forward to see how beautiful the heavens is.

Hapon na noong naisipan naming tumigil muna sa gubat at maghanap ng malalapad na sanga ng puno kung saan kami pwedeng matulog. Delikado ang gubat, lalo na kapag gabi. Maraming mababangis na hayop sa paligid at maaring may mga kalaban din kaming kasama namin dito sa gubat. Kinakailangan pa naming itago ang presensya namin para hindi kami matunton ng kung sino man.

Pumunta ang mga lalaki sa pinakamalapit na ilog kung saan mayroong mga isdang maaaring kainin. Sila na raw ang bahala sa pagkain namin. Naiwan kaming tatlong babae dito sa isang malapad na sanga.

"Giea? Bakit parang ang tahimik mo?" tanong ko sa babaeng katabi ni Luna. Nakatingin siya sa malayo at halata sa mukha niya na malalim ang iniisip niya.

"Is there any problem?" tinapik siya ni Luna kaya't parang nabalik siya sa realidad.

"W-wala. May iniisip lang ako." Binigyan ng isang malambot na ngiti. Her eyes speak for her.

"Listen, Giea. I know something's bothering you. You can tell us. Wala pa naman yung boys," I tried to sound as sincere as possible.

"Oo nga naman. Ano pa at naging kaibigan mo kami 'di ba? Hmp," pabirong usal ni Luna.

"Ayos lang talaga ako. Hindi pa ba kayo nasasanay sa'kin? May naalala lang ako." If only I can read minds.

"Okay, I won't force you..." Lumipat ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "But please open up if you cannot handle it anymore. Handa naman kaming makinig." Naramdaman ko rin na sumali sa yakap si Luna.

"It's alright, guys. Hindi tayo sanay sa drama," natatawang sabi ni Luna kaya't nadala na rin kami.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga lalaki. May dala silang ilang piraso ng isda at mga prutas. Masaya pa rin kaming nagsalu-salo kahit na kulang kami ng dalawa. Malaki pa rin ang kaibahan kapag naririto si Sandra at Khiera. Their personalities always lift up our moods.

Maya-maya pa, natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang malapad na sanga, naghahanda na sa pagtulog. Kasama ko si Luna at si Geia. Ang boys naman ay humanap ng sari-sarili nilang pwesto.

"Clyde, are you serious? Are trying to get yourself killed?" sita ko sa lalaking nakasandal sa katawan ng punong pagtutulugan namin. Katabi niya ang bag niya at nakapatong sa mukha niya ang isang face towel. He must be really tired.

Tinanggal niya ang nakatakip sa mukha niya at tiningnan niya lang ako. 'Then join me here, para maging ligtas ako' He's now talking to me telepathically. I don't get him.

'Umakyat ka na nga sa isang sanga ng puno! Napakakulit mong guardian ka.'

Narinig ko ang mahinang tawa niya bago siya tumayo at binitbit ang bag niya. Pinili niya ang punong katapat lamang ng sa amin.

'Goodnight,' huli niyang sinabi bago ako nakatulog.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang isang presensya na gumagalaw papalayo sa kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung paano nangyayari na nararamdaman ko ang mga presensya ng mga tao sa paligid ko. I can sense the kindness and the darkness of their motives.

Dahan-dahan akong gumalaw upang hindi magising ang mga kasama ko.

I took a quick glance at my wristwatch and found out that it was only 2 in the morning yet this guardian is lurking alone in the forest. Alam ko namang kaya na niya ang sarili niya. Nakayanan niya ngang kalabanin ang limang 'yon, pero delikado pa rin.

Sinusundan ko lamang siya pero I'm making sure na malayo ang distansya namin sa isa't isa. Maya-maya pa, naramdaman ko ang isang pamilyar na sensasyon sa mga kamay ko. This tingling sensation, a body of water must be near.

Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti ko nang naririnig ang lagaslas ng tubig. What is he going to do?

Nagtago ako sa likod ng isang puno upang hindi niya ako makita. Itinatago ko rin ang presensya ko mula sa kanya.

Nakaharap siya sa ilog, pinagmamasdan ang pag-agos ng malinis na tubig. Ang kulay itim niyang buhok ay lumiliwanag dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagsisimula na siyang magtanggal ng pang-itaas niyang damit. Mula roon ay nakita ko ang malapad niyang likod na nasisinagan ng buwan. He really has a nice body. 

Nang tuluyan na niyang matanggal ang pang-itaas niya ay humarap siya nang bahagya sa kinaroroonan ko at inihagis papunta sa isang malaking bato ang damit niya. Dahil doon ay nasilayan ko ang malapad niyang dibdib at ang kanyang malalaking braso—oh my God, Ysabelle! What were you thinking?

Tumalikod na ako at dali-daling naglakad pabalik sa pinanggalingan namin, ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang boses niya sa aking isipan. 'Aren't you enjoying the view?'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top