Chapter 12

A WHOLE DAY OF TRAINING

Eira Ysabelle's POV

It's been a week since I was discharged from the infirmary. It has been a week also since I started my training sessions. Ngayon nga ay nasa field ako at tinatapos ang fifteen laps na pinapagawa ni Clyde. Ito raw kasi ang nakalagay sa schedule ko ngayon na ibinigay ng anak ng legendary healer.

Tumigil muna ako sa pagtakbo upang punasan ang mga butil ng pawis sa aking mukha. Basang-basa na ang likod ko dahil sa pawis dahil kanina pa ako tumatakbo. This is my 11th lap running from the oval. Take note, alas kwatro pa lamang ng umaga.

I don't know why Clyde is making this so hard for me. Masyado siyang mahigpit. Sir Robert assigning him to be my mentor was not easy. Hindi siya pumapayag na tumigil ako sa pagtakbo sa 'di ko malamang dahilan. But I think it's fine since this is connected with my stamina.

Every day, at 3:00 am, nagsisimula na akong tumakbo papaikot dito sa oval, at araw-araw rin ay nadadagdagan ng tatlong laps ang iikutin ko. What's worse is, hindi niya ako pinapansin masyado simula noong unang araw. He's avoiding me, my eyes, and my greetings.

"Continue. You have to run four more laps," he said coldly. See? What happened to him?

'This girl is so clueless' isa pa ito sa mga problema ko. Simula nang magising ako mula sa masamang panaginip na iyon ay tila ba nababasa ko na ang nilalaman ng isipan ni Clyde o maaari ring naririnig ko ang mga sinasabi niya sa isip niya.

"Teka nga, Clyde. Sagutin mo nga ako." Hindi na ako makatiis. Hindi rin kasi ako sanay sa mga ikinikilos niya. I'm bothered.

"Sinasagot na kita," sabi niya tsaka tumingin sa malayo. Nakuha pa talaga ng isang 'to ang magbiro ha?

"Seryoso ako."

"Seryoso rin naman ako. Sa'yo." sagot niya atsaka tumingin nang seryoso sa mga mata ko. Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil sobrang hina ng pagkakasabi niya rito na tila ba ay ibinulong lamang niya ito sa hangin.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Anong nangyari? May nagawa ba ako o ano? O may problema ka bang dinadala?"

"Wala lang ito, prinsesa. Ituloy mo na ang pagtakbo," sabi niya. Alam kong hindi siya maayos at hindi 'wala lang' ang lahat ng ito. Bumalik na naman ang noo'y tawag niya sa akin. Anu't ano pa man, hindi ko siya pipiliting sabihin sa akin dahil nirerespeto ko naman ang desisyon niya kaya nilapitan ko na lamang siya at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Whatever it is that bothers you, don't forget that I'm always here," sabi ko sa kanya bago tumakbo muli papaikot sa oval. Dahil nakapagpahinga na ako nang kaunti ay madali ko nang natapos ang labing anim na ikot ko sa oval. Nakakamangha na sa loob ng isang linggo ay hindi ko na masyadong nararamdaman ang pagod mula sa pagtakbo.

Sabay na kaming bumalik ni Clyde papunta sa dorm. He's smiling, fortunately. Halata na sa mukha niya na nawala na ang dinadala niya. Sinalubong pa nga niya ako ng isang towel at isang bote ng tubig. Kaya pala nawala ang isang 'to kanina doon sa bleachers.

"What's gotten into you? You're smiling like a monkey." Nawala ang ngiti niya nang marinig ang komento ko at napalitan ng isang simangot.

'Monkey pala ah...kailan ka naman nakakita ng ganito kagwapong monkey?' Can I not hear his thoughts? It's so loud!

"Kung ano-ano na namang sinasabi mo. Magpahinga ka na at natitiyak kong mauubos na naman ang energy mo mamaya sa training mo ng elemental magic." Kung hindi ako nakakaramdam ng pagod sa pagtakbo, nauubos naman ang lakas ko dahil sa paggamit ng magic.

Even an ice ball or a water ball can deplete the energy in your body if you cannot sustain it properly. Elemental magic has the tendency to go berserk if not properly trained. It can even use your life force once your energy is completely used. When you use magic even when your body is void of magi, your body will use your life force as an alternative source of power. If your life force emptied, you will die. This is why concentration is necessary. Hindi lamang stamina at physical strength ang kinakailangang i-train dahil kailangan ding aralin ang proper magi exertion. This is also for attack strengthening—you can cause huge amount of damage with only a small amount of magi used if you can master this.

"Sleep for now. We'll have a one-on-one training later," sabi niya at saka ako pinitik sa noo. I hate that hobby of his. Baka magkabukol ako nang wala sa oras.

Tumingala lang ako at pinagmasdan ang puting ceiling ng kwarto ko. Everything is peaceful. Pero hindi ako makatulog at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Parang may pumipigil sa akin upang matulog.

Sa huli ay napagpasyahan ko nalang na kumuha ng biscuit at isang baso ng fresh milk sa kusina upang dalhin sa rooftop. Tahimik lamang akong umakyat papunta rito para walang magising sa kanila. Madilim pa. The stars were visibly blinking with the moon that was shining bright. A soft wind passed by me. It was so gentle that I felt someone caressing my hair.

I looked at the moon when I heard a tiny howl inside my head. Where did that possibly come from? From the moon, something sparked. The spark slowly became a small portal. Inside it was a glowing place that I cannot see whole. Nagulat ako nang biglang sumilip ang isang nilalang mula sa maliit na butas ng portal at tumalon papunta sa aking mga braso.

Nang mapagmasdan ko ang nilalang ay napangiti ako. It is a baby wolf with thick gray and white fur. It's so fluffy! Heaven is in its eyes. It sparkles like stars are in it, and it pulls me like a black hole. It was like looking at his eyes...the man I saw that day. It is a cute wolf, larger than the size of a normal puppy, but it's smaller compared to the size of a normal wolf. Anong mayroon dito sa lobong ito? Saan ito nanggaling? Sino ang mamay-ari nito?

'Listen, lovely. This is Aedean, the mystic wolf from heaven. Who, from now on, will be your responsibility, your aid, and your guide. Raise him with a good heart and teach him not a work of evil, and you shall be rewarded.' sabi ng isang malumanay na boses ng babae bago ito naglaho. I'm certain that it is the goddess who has spoken, Nisseiah.

Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmula sa mga mata ng lobo bago ito ngumiti sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. I've read about its kind. No one can find or take care of a mystic beast. Unless, it was given as a gift by the heavens. In other words, I'm too lucky to receive one. Pero bakit? Anong dahilan?

He's now sleeping peacefully within my arms. Umupo ako sa isang upuan at hinimas ang malambot na balahibo ng maliit na lobong ito.

"Looks like you've got a present." Nagulat ako dahil hindi ko man lang naramdaman ang presensya ni Lauren. Am I that occupied with Aedean?

"It's kind of overwhelming, but yes, the heavens gave me a gift," sagot ko rito habang nakangiti. Inilatag ko ang blanket na dala ko sa isang table at tsaka inilapag doon ang lobo. Pumunta ako sa railing ng rooftop atsaka pinagmasdang muli ang mga tala. Unti-unti itong nawawala dahil oras na ng pagsibol ng araw. Nakakamangha na sa bawat pagtatapos ng kadiliman ay sumisibol ang napakagandang liwanag na sumisimbolo sa bagong umaga.

Naramdaman ko ang presensya ni Lauren na tumabi sa akin. "Hey..." Lumingon ako sa kanya upang marinig ang kung ano man ang sasabihin niya. Ang ganda ng mga mata niya, bagay na bagay sa kanya.

He held my cheeks and looked into my eyes. "I've missed you, Denisse, really." To my surprise, he kissed me. I was not able to react because of how fast everything has happened.

What the—is he insane?

Itinulak ko siya nang malakas dahil sa ginawa niya. Kusang nagsalubong ang mga kilay ko at sumama ang tingin ko sa kanya. Kumakabog nang malakas ang puso ko. Hindi, hindi ako kinikilig—naiinis ako. Is he out of his mind? He can't just kiss someone without permission.

I saw how his smile turned into a frown. Pain was evident in his eyes as I looked at him sharply. I know it's wrong because I'm still inside Khione's body, and knowing that they have a past relationship, I must not act this way. But you can't blame me, I was not Khione, after all.

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. "Don't ever talk to me again," mahinang sabi ko sa kanya at tumalikod. Kinuha ko si Aedean at tsaka nilisan ang rooftop, hindi alintana ang paghingi niya ng paumanhin at ang pagtawag niya sa aking pangalan. Hindi ko muna siya kakausapin.

My heart's not feeling right. Yes, it was just a kiss. But it was my first kiss. I know that everyone dreams to share it with the person they want to marry someday, and I'm certain that he is not the one I dream to share it with. Kahit pa gwapo siya at maginoo.

Idinaan ko muna ang bago kong alaga sa kwarto ko at tsaka ako bumaba para uminom ng isang baso ng tubig. I need this to calm my mind and to wipe my anger away. Unfortunately, it didn't work. Damn! I need something distracting and relaxing.

Lumabas ako at pumunta sa likod ng dorm kung saan nakatayo ang mga mayayabong na punong-gubat. Ngayon lamang ako nakapunta sa bahagi ng academy na ito. There are different kinds of trees here. Some bear fruits, some have big trunks, some are covered with rich and gleaming leaves, and some have roots beaming golden yellow lights. Fairies are flying everywhere, leaving dusts of gold. It is indeed magical, this forest.

May isang ideya na pumasok sa aking isipan na maaaring makatulong upang maibsan ang anumang aking nararamdaman. I heaved a sigh. I hope this will work. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. I'm finding a connection between me and a body of water around me. Since I'm inside a forest, I think there's absolutely one here.

Oh, there. Around a hundred meters away from me. I can hear the peaceful and relaxing sound of a waterfall. Great!

Iminulat ko na ang aking mga mata ngunit ramdam ko pa rin ang paglagaslas ng masaganang tubig sa talon na nahanap ko kaya't hindi ako mawawalan ng koneksyon dito.

Para itong isang magnet na hinihila ako papalapit kaya't nagpatuloy lamang ako sa paglalakad papasok sa gubat.

A cute little fairy approached me. She is approximately three to four inches tall—or short. She's wearing a white dress made up of dried leaves and a pair of boots made up of leather. Her wings are like those of the butterflies while her hair is surprisingly gold. Beautiful.

'Hi, princess!' masiglang bati nito. She's talking to me through my mind.

"Hello! What's your name?" I asked.

'Can't you remember me? I'm Esquivel, your friend.' Her voice is very soft. 'Are you going to the Falls of Evanea?' Falls of Evanea?

"Yes, Princess Denisse. That's your favorite place here in the academy!" Oh, I see.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko na ang tunog ng pagbagsak ng tubig. Nakikipagkwentuhan pa rin ako kay Vel tungkol sa mga ginagawa ko dati sa lugar na ito. She's sharing everything that she knew about me.

'We're here,' sabi ni Esquivel habang hinahawi ko ang tila kurtinang mga baging.

"Are you sure—" Napatulala na lamang ako sa bumungad sa akin sa likod ng mga baging. I've never seen anything like this before, never in my entire life. Isang maganda at payapang paraiso lamang naman ang nakatayo sa harap ko. Water is gently flowing from a height which I think is thirty-five to forty feet above the ground. The sound of the water hitting the flat ground is calming.

Fishes of different colors were swimming gracefully on the rich water of the falls, and the fairies' wings were emitting lights that made the scene look more magical and enchanted. The flowers around the place are dancing with the help of the cold morning breeze. The morning sun is rising slowly from the East, giving light to every creature in the forest. For a minute there, I've forgotten my bad mood. I badly want to soak myself in the cold water.

"Can I swim there?" Baka kasi mamaya ay mayroong tagabantay ang talon na ito, ayokong mapahamak.

Tumango naman ang maliit na nilalang na kasama ko kaya itutuloy ko na ang balak ko. Wala nang atrasan 'to.

Pero wala kayang makakakita sa'kin dito? Paano kung biglang may pumunta rito at makitang naliligo ako? I can't swim here with my clothes on, hindi ako makakapag-enjoy dahil bibigat ito kapag nabasa at baka magtaka pa ang mga taong makakakita sa akin mamaya.

I've decided to create a water barrier that will surround me and the place para maitago ako sa sinumang magtatangkang pumasok dito sa napakagandang lugar na ito. Unti-unti kong hinubad lahat ng suot ko sa katawan at tsaka lumusong sa malamig na tubig. Hindi naman ako naaapektuhan ng lamig kaya tuloy-tuloy akong lumusong dito. Sakto lamang ang lalim ng tubig upang matakpan ang aking katawan dahil umaabot lamang ito sa aking leeg.

I closed my eyes to feel the water surrounding me and I've found myself connected with it. It is piercing through my body and it's giving me the relaxation and peace of mind that I want to have. Also, my heart and my mind is calm like how the water in this waterfall is. Can you believe it? My power is increasing together with my ability! It's like the water is giving me its power and strength.

Nag-iba ang kulay ng aking mga mata at nagliliwanag ang mga ito. Hindi ko man ito nakita ay naramdaman ko ang pagbabago rito. My senses became sensitive like how the water is. My eyes are in its full vision so I can see everything clearly. I can also hear everything from a great distance. Is it really how it is kapag nakakonekta ako sa tubig?

I've seen a light blue fish with a long tail and fins. Its scale is like the waves of the ocean, and it's beautiful. It is also glowing like every other fish here. I've enclosed the blue fish inside a water ball and made it float. Natutuwa ako dahil ang ganda nitong tingnan habang nasa ere. It's so cute!

"Don't play with it. Baka magalit sayo ang tagabantay ng Evanea." Wait—Someone's here?

"S-sino ka?" nauutal na tanong ko kasabay ng pagtatakip ko sa aking katawan. Nagpalabas din ako ng isang water ball sa isa kong kamay. Kinakabahan ako dahil baka kung sinong manyak ang nakamasid sa akin at pinapanood ang aking paliligo. Anu't ano pa man, sinikap kong magmukhang confident, wala naman akong dapat ikahiya. I cannot deny the fact that Khione is blessed with a good body.

"You don't need to worry, I'm not a pervert," sabi niya. Not a pervert daw pero pinapanood ako sa paliligo ko. Sino ang niloko ng nilalang na ito?

Kilala ko na siya. I'm sensing his pure heart and I recognized his voice. Wala naman palang dapat ipag-alala. To check if my hunch is right, mabagal akong naglakad papaahon sa tubig habang inaayos ang aking magandang buhok. Now, I can hear his messy thoughts.

'What was she thinking?'

'Is she out of her mind?'

'What the—'

"S-sandali!" Huli ka. Tumalon siya pababa sa punong pinagtataguan niya. Tumigil ako nang bahagya ngunit nagpatuloy akong muli sa pag-ahon. Nakita ko ang paglunok niya at ang panlalaki ng kanyang mga mata. Umiwas ito ng tingin at ibinaling ang atensyon sa punong nasa tabi niya.

'Anong ginagawa ng isang ito? Is she seducing me?' Seriously, I want to laugh at his reactions.

"Your thoughts are too loud. Minimize please," sabi ko nang makaahon ako sa tubig. Mula sa gulat na mukha ay kumunot ang noo niya at tsaka lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo man lang ba naisip na maaari kang mapahamak?" Napapikit ako dahil sa pitik na natanggap ko. Kapag ako talaga ay nagkaroon ng bukol sa noo, maghahalo ang balat sa tinalupan. Why is he treating me this way? I thought I'm the princess here.

"Mabuti nalang at nasundan ko agad ang traces ng scent mo." So all this time ay nariito siya?

"Your voice is too loud. 'Wag kang mag-alala, wala akong nakita at wala akong balak na silipan ka," sabi pa niya at tsaka ako hinila papaalis sa lugar na iyon.

Nang makarating kami sa dorm ay pinaupo niya ako sa harap ng lamesa at tsaka nagluto ng agahan para sa aming dalawa.

The bittersweet aroma of coffee and the smell of whatever he is cooking is so tempting. Kaya nagugutom na ako. He's boosting up my mood, thank God! Ang himbing ng tulog nilang lahat dahil ni isa ay wala pang bumababa upang kumain. Siguro ay napagod sila sa mga ginawa kahapon.

"You should be careful everytime, lalo na kapag wala ako sa tabi mo. Now, eat." Inirapan ko nalang siya dahil sa mga sinabi niya. He surely is bossy.

"Magpapalit lang ako ng damit. Maghanda ka na para sa training natin. Nice dress, by the way,"puri niya at saka nilisan ang kusina. Napatingin ako sa suot kong damit na gawa sa tubig at yelo. I can't believe I can make such thing.

Matapos kong kainin ang niluto niya ay nagpalit muna ako ng pants at ng isang shirt para makakilos ako nang maayos mamaya.

"Where's the pressure in your attacks? I can't feel any power here. Put on more pressure, again!" He's like this since the start of our training, bossy. Pero tama naman siya, wala akong nagagawa nang maayos dahil naaalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga. Bumalik lamang ang inis ko noong kinausap ako ni Lauren kanina na parang walang nangyari. Damn you, Lauren! I won't forgive you!

"Anong nangyari sa'yo at bakit hindi maipinta ang mukha mo? Wala ka rin sa focus! Ibuhos mo nalang sa akin ang galit mo." LAUREN! Binato ko siya ng maraming water ball, water spikes, at water blades na may iba't ibang concentration ng pressure at magi. Kahit na sunod-sunod ang mga atakeng ginawa ko, walang kagana-gana niyang iniiwasan ang mga ito. Nakapamulsa pa siya habang umiiwas.

"More!" Damn. I released a huge water tornado. Well, I don't care, this training room is built with magic damage resistance. Wala akong dapat na ipag-alala.

Mukhang tama nga na nakadepende sa stamina ang lahat. Hindi ako nakakaramdam ng pagod kahit kanina pa ako gumagamit ng kapangyarihan.

"Good! Now, try to sustain that tornado. Dodge my attacks by controlling it with accuracy and strength." Nagsimula na siyang magbato ng mga atake. Nagpadala siya ng mga water blades na lumampas lamang sa tornado ko. Napangiwi ako dahil sa pagdaplis sa akin ng mga atake niya. He's too powerful. My tornado can't take it.

I've added a little more amount of pressure on my tornado. Ice particles are now circulating inside and outside the tornado. This allows my tornado to deflect his attacks. Nang hindi na ito naaapektuhan ng mga atake ni Clyde ay unti-unti ko itong pinalapit sa kanya. I'm planning to hit the wall. Isang malakas na pagsabog ang naganap nang magtama ang aking tornado at ang pader ng training room. Oh, God. Clyde!

"I'm here," narinig kong sabi niya. Wait. Narinig niya ang inner thought ko?

Sa isang iglap ay nakasandal na ako sa pader. Nakatuon ang mga kamay niya sa gilid ko kaya't nakakulong ako ngayon sa pagitan ng mga braso niya. His intense cerulean blue eyes are intently looking at me. Then, a smirk ghosted his lips.

Itinulak ko siya nang mahina dahil nakakaramdam na ako ng hiya. "A-alis," sabi ko sa kanya.

"Why are you blushing?" Sumimangot na lamang ako dahil sa sinabi niya at isang irap na naman ang natanggap niya mula sa akin.

'Don't pout like that. I might end up kissing you.'

"Pervert!" I tried pushing him away but he wouldn't budge.

"One more push and I will kiss you." Sinusubukan ba ako ng isang 'to?

"Why don't you try it then?" Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang mukha gamit ang kaliwa kong kamay. His cheeks are so soft and smooth. Iginalaw ko nang bahagya ang aking mukha papalapit sa kanya. Tila nabato siya sa kinatatayuan at tumingin lamang sa akin.

Palapit...

Nang palapit...

Nang palapit...

"Damn you!" Sigaw niya at nagsimula akong habulin.

I froze his cheeks. Namumula ang kanyang tainga at masama ang tingin sa akin. Uh-oh someone's pissed. Tinulingan ko lamang ang pagtakbo hanggang makarating ako sa dorm.

Hingal na hingal kami nang tumigil kami sa pagtakbo. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kaming tumawa dahil sa mga nangyari. Akala ko ay galit pa rin siya ngunit kapansin-pansin ang ngiti sa mga labi niya.

"I'm not mad. Alam ko namang makakabawi ako," sabi niya at nag-smirk. Talaga lang ah—

Sandali, paano niya nababasa ang iniisip ko?

"Where have you been?" Nakataas ang kilay ni Sandra sa aming dalawa. Hindi lang pala siya ang tao rito dahil ang lahat din ay naririto at inaabangan ang pagdating namin.

"Training," maikling sagot ni Clyde.

"Training eh~? Bakit parang hindi naman kayo napagod?" Oh, Khiera. Ang ganda ng suot niyang dress ngayon.

"Nonsense," sagot ko at tsaka umakyat sa kwarto ko. I'm planning to change clothes before eating. Pagpasok ko rito ay sarado lahat ng bintana at nakakalat ang mga libro rito. What the hell has happened here?

"Oh. There you are, dear. Kanina ka pa namin hinihintay," isang hindi pamilyar na boses ng babae ang nagsalita mula sa likuran ko. Who is she?

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa wall clock ng aking kwarto. What is happening? It's like, it's not me who's controlling my body. I'm watching the hand of the clock that pertains to the seconds as it goes around the numbers of the clock. My vision became unclear.

"3, 2, 1, sleep." In an instant, everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top