Ch. 9

When she was younger, Laureen remembered hating the city not because of how crowded it was but because of the stares they got whenever they walked casually; the murmurs, everything. Growing up, she learned how to deal with how people looked at their family. It was awful.

Walang sinabi si Laureen sa parents niya tungkol sa nararamdaman niya sa siyudad. Sinabi niyang ayaw niyang manirahan doon o mag-aral dahil hindi siya komportable sa maraming tao, pero ang totoo, ayaw niyang may mga nakatingin sa kaniya. Maraming nakakikilala sa mga magulang niya dahil sa eskandalong nakasangkutan ilang taon na ang nakalipas.

Yes, it had been years. Decades, actually . . . pero mahirap kalimutan ang nangyari sa mga magulang niya. Mayroon pa ring articles na nagsusulat tungkol sa mga ito, showbiz insiders na napag-uusapan pa rin ang mga nangyari, at damay pati ang pangalan nilang magkakapatid.

Laureen remembered when Julien became well-known after winning his first surfing championship abroad. Naungkat kung sino ang pamilya nila, kung ano ang nangyari, at kung sino-sino silang magkakapatid. She remembered how hard it was for her to keep up again.

"Are you okay?" tanong ni Aston habang nakahawak sa kamay niya. "We're almost there."

Sumilip si Laureen sa bintana ng chopper. Nakita na niya ang building ng Zothas na pag-aari ng mga Mathias. Doon sila ibababa ni Neil bago sila pupunta sa isang condo na ipinaayos ni Keanna para sa kaniya.

"I'm not," pag-amin ni Laureen. "This place . . . holds bad memories. I'm sorry."

"I told you to think about it." Hinalikan ni Aston ang gilid ng noo niya. "Just let me know kung gusto mo nang bumalik sa Baesa. We can easily travel back."

Umiling si Laureen dahil alam niyang seryoso si Aston. "No, I have plans already."

"As long as hindi ka mahihirapan sa sitwasyon mo," sabi naman ni Aston. "Nandito ka para mag-rest, hindi para mag-work. I'm just reminding you."

Tumango siya ngunit nanatiling nakatingin sa bintana ng chopper. Matataas na building na ang nakikita niya, traffic sa ibaba, napakaraming sasakyan, at halos hindi iyon gumagalaw. Malalim kaagad siyang huminga at inisip na hindi siya lalabas ng unit kahit na anong mangyari dahil ayaw niya sa lahat, traffic. She would rather stay indoors.

"I'll meet Keanna, though. Pupunta siya sa unit ko and we'll talk about business. That's it. Ikaw, umuwi ka na rin muna." Hinalikan ni Laureen ang gilid ng labi ni Aston. "You know where to see me."

Aston agreed.

Pagbaba nila sa Zothas, dumiretso kaagad sila sa basement. Ginamit nila ang isang sasakyan ni Aston na nakaparada roon at inihatid siya sa condo kung saan siya mamamalagi . . . o sila dahil sa kaniya raw muna tutuloy si Aston sa mga susunod araw.

"Keanna." Laureen immediately hugged Keanna upon entering the unit. "Thank you and sorry sa short notice."

"Kea!" Aston nodded at Keanna. "Aalis na rin muna ako para makabalik ako kaagad. Okay lang kayong dalawa? Do I need to call someone para magpabili ng pagkain?"

Keanna shook her head. "Hindi na. Dumaan ako sa isang Chinese restaurant bago ako dumiretso rito. We have enough food."

Nilingon ni Laureen ang mga pagkaing nasa dining table. Medyo marami iyon, kumpleto pa dahil mayroong cake. Ibinalik niya ang tingin kay Aston na nakikipag-usap kay Keanna. Magkaibigan na ang dalawa bago pa man maging sila ni Aston kaya komportable siya sa mga ito. Isa pa, Keanna was already married to Cale Karev—one of the richest, too, dahil pag-aari ng pamilya nito ang isang malaking telecommunications company sa Pilipinas.

Habang nagkukuwentuhan ang dalawa, nagpaalam sandali si Laureen na magpupunta sa balcony ng condo unit. It was one of their most expensive units. Pinarerentahan nila ito. Puwedeng overnight, short term, o long term, depende sa kailangan at availability. Company nina Keanna ang nagha-handle nito dahil hindi na maasikaso ni Laureen.

The area was at the center of a city. Maraming mall, bars, schools, and establishments sa lugar kaya may kamahalan. Medyo malaki rin lalo na at dalawang kuwarto ito.

"Love." Tumabi si Aston sa kaniya habang pareho silang nakatingin sa siyudad. "Uuwi na muna ako sandali, pero babalik kaagad ako. Nagsabi naman ako kay Audi and sa secretary ko na babalik ako sa office bukas. Will it be okay for a few hours?"

"Yup." Laureen leaned and kissed Aston's lips. "See you later."

Nagmadaling umalis si Aston para daw makabalik agad. Lumabas naman si Keanna sa balcony at inabutan siya ng iced coffee na pina-deliver nito galing sa café na nasa ibaba. Naupo sila sa komportableng sofa na nasa balcony at nagkuwentuhan.

"Hindi naman kayo nahihirapan i-handle ang lahat?" tanong ni Laureen habang nakatingin kay Keanna. "Nakita ko rin na fully booked lahat ng units except for this one."

"Oo. Medyo mahirap din 'tong parentahan kasi medyo may kamahalan." Mahinang natawa si Keanna. "Baka sign na 'to, Ate, na mag-stay ka na raw dito sa Manila."

Umiling si Laureen at pareho silang natawa.

"Kung sabagay, ang laking adjustment din talaga sa 'kin ang pagtira dito. Hindi ko nga alam noon kung paano ako masasanay, e. Ang init talaga," naiiling na sabi ni Keanna. "Ang tagal ko bago nasanay sa weather. Nagkakasakit na nga ako kaya sinasabi rin ni Cale na kung gusto kong bumalik sa Baguio, puwede naman."

Seryosong nakikinig si Laureen sa kuwento ni Keanna dahil mayroon silang similarity sa parteng long distance relationships ang pinasok nila.

Bumalik ang kuwentuhan nila tungkol sa kailangang ma-improve at ayusin sa units. Ipinakita sa kaniya ni Keanna ang ilang issues at sinabihan niya ito na agad na ipagagawa. Kailangan niyang kausapin si Aston tungkol dito dahil mayroong construction company ang pamilya nito.

"If you need help, just let me know anytime. Lagi naman open ang messages ko," ani Laureen kay Keanna. "Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako here sa Manila, but one of these days, kapag pinayagan ako ni Aston, puwede ba nating puntahan ang ibang unit? I wanna see them."

"Oo, Ate. Iyan din ang masa-suggest ko para mas makita mo sila. Almost monthly ko rin naman napupuntahan, pero mas maganda kung ikaw mismo makakakita kasi baka may gusto kang ipabago," ani Keanna. "Meron din palang nagpapabenta ng units sa 'min, Ate. Baka magustuhan mo."

The entire morning, Keanna and Laureen talked about business. Isa-isa nilang pinagplanuhan ang gagawin sa ibang unit dahil gusto nilang sumabay sa trend lalo sa mga staycation na gusto ng mga kabataan. Laureen was open to possibilities. Mas maraming alam si Keanna tungkol sa city kaya gusto niya ang mga inilatag nitong suggestions sa kaniya.

"Uuwi rin muna ako ng Baguio next week, Ate. Aalis kasi si Cale kaya uuwi muna kami ng mga bata. Kailan ka huling nakauwi roon?" tanong ni Keanna habang inaayos ang mga papeles. "Nabanggit sa 'kin ni Kuya Sarki na sila pa rin pala ang naglilinis ng vacation house n'yo roon."

"Oo. Nagsabi nga rin sa 'kin si Sarki last time about sa mga kailangang ayusin. Wala pa rin talaga akong time na magpunta roon," sabi ni Laureen. "Maybe I can ask Aston one of these days 'pag hindi na siya busy."

Tumango si Keanna. "Sabihan mo 'ko, Ate! Sabay tayong umuwi!"

For some reason, Laureen nodded and she felt excited. Hindi kasi sila nagta-travel ni Aston. Parang sa Baler lang, pero out of the country, hindi pa nila nagagawa dahil hindi nagtatagpo ang schedule nilang dalawa.

Nagpaalam na rin si Keanna dahil susunduin pa nito ang mga anak sa school. Nagsimulang mag-ayos si Laureen ng mga gamit niya sa closet kahit na medyo nahihirapan dahil isang kamay lang niya ang kumikilos at medyo masakit pa rin talaga ang katawan niya.

"Ate?"

Nilingon niya ang pamilyar na boses. Halata ang boses sa mukha ng nakababatang kapatid na lumapit sa kaniya.

"Ate, what the heck happened?" Luana sounded worried. "Bakit?"

"Nahulog ako sa kabayo." Laureen smiled. "But I'm okay. Please, don't tell Mom and Dad."

"That's not possible!" Her sister shook her head. Matining pa ang boses nito sa pagkakasabi sa kaniya. "Ate, when?"

Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Luana habang nakatingin sa braso niyang mayroon pa ring brace na balak na niyang ipatanggal sa susunod na araw. Nag-explain siya sa nangyari, sinabing huwag munang sasabihin sa parents nila, at sinabi rin niya na magtatagal na muna siya rito sa Manila.

"That's good to hear." Luana volunteered to fix her closet. "Next time, call me! I'll go to you naman, e. Ikaw talaga, Ate! You could've told me! Hindi ko naman sasabihin kina Mommy."

Ngumiti siya at tumango. "Okay. I promise to tell you everything next time. So, how's Manila? How are you here? Hindi ka pa ba ulit umuuwi sa Baler?"

"I was there last week. I visited for five days kasi I was trying breathe. Medyo stressed ako lately," sabi ni Luana na naupo sa tabi niya, pareho silang nakaharap sa glass window ng kuwarto kung saan siya matutulog. "Maybe I should sleep here tonight?"

"Why not! Babalik naman daw kaagad si Aston dito. We can bond," suggestion ni Laureen.

Biglang naningkit ang mga mata ng nakababatang kapatid niya na parang nag-isip. "Maybe next time kaya, Ate? Hindi ako ready. You know naman, but I will stay here soon. Tingin mo?"

Laureen nodded and understood. Sabay nilang kinain ang cake na dala ni Keanna habang pinag-uusapan ang trabaho ni Luana dahil mas pinili nitong maging executive secretary kaysa magtrabaho sa businesses ng pamilya nila. Wala namang pilitan at nag-e-enjoy naman ang kapatid nila kaya hinayaan nila ito.

Malaki ang agwat nila ni Luana kaya nang lumalaki ito, wala na siya para masubaybayan ang paglaki nito, pero close pa rin naman sila kahit papaano. Hindi siya nagkulang sa kapatid niya, pero mas close ito kay Julien dahil sabay na lumaki ang dalawa.

She loved her siblings regardless, pero mas close siya kay Vaughn—ang nakatatandang kapatid nila. Sa Manila rin ito nakatira kaya balak niyang puntahan sa mga susunod na araw.

Unlike Julien though, Luana was close to Aston. Parang magkapatid ang turingan ng dalawa at madalas na magkabiruan. Mas nauna naman kasing maging magkakakilala ang mga ito dahil wala siya sa Pilipinas noong mga panahong iyon.

Hapon na nang dumating si Aston at naabutan pa nito si Luana. Hindi na bago sa dalawa ang maglokohan kaya natatawa na lang si Laureen. Bukod sa magkaibigan ang dalawa, nakakasama rin si Luana sa family gatherings ng mga ito pati si Julien kaya hindi naging mahirap sa mga kapatid niya ang maging kaibigan ng pamilya ni Aston.

"How's your day?" Aston turned his focus on her. "Naka-sleep ka?"

"Nope. Late na rin kasing umalis si Keanna and Luana came to visit, but it was okay. Babawi ako mamaya." She smiled. "What's for dinner?"

"I bought steak." Aston faced Luana. "Bansot, dito ka na mag-dinner?"

Luana shook her head. "Nope. My ride is on the way na rin and I'll come by na lang sa susunod na araw. I'll sleep here. Can I?"

"Of course!" Laureen nodded and smiled. "I'd love to."

Luana stayed for another hour while waiting for her ride and then left. Laureen was on the couch, reading Hannah's messages with all the reports while Aston prepared their dinner. Napag-usapan nilang manonood na lang muna ng movie dahil hindi pa naman sila inaantok.

"Love, while I was talking to Keanna, I realized na hindi pa pala tayo nakakapag-travel together aside sa Baesa and Baler," ani Laureen. "Maybe kapag hindi ka busy sa mga susunod, we can go to Baguio? Parang gusto kong mag-visit sa properties there 'tapos maybe stay a few days."

Ibinaba ni Aston ang pinggan sa lamesa at nakita ni Laureen na hiniwa na sa bite size ang steak. Pasimple niyang nilingon si Aston na nagkukuwento tungkol sa pagpunta sa opisina. Ibinaba rin nito ang inumin niya, ganoon din ang side dishes na kakainin nila.

"Thank you." Pinutol niya ang sinasabi ni Aston. "Are you sure na okay lang sa 'yong nandito ka? Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? We've been together for a week already."

"As if," Aston playfully said and chuckled. "Kung puwede lang hindi na pumasok sa office, e. But I have some work to do and a conference to attend. Nakakainis nga, e. I don't wanna go, but I had to."

Laureen smiled and nodded. Aston didn't tell her about everything he needed to do until today. Nalaman lang niya ang lahat kay Audi kaya nga siya nagsabing pupunta na lang siya sa Manila. If it weren't for Aston, she wouldn't. The air had been slightly suffocating her already, and it hadn't been a day yet.

"Also, love, my parents are asking kung puwede ba tayong mag-lunch sa house tomorrow?" Aston sounded worried. "Sinabi kong tatanungin muna kita. I know na baka hindi ka maging comfortable that's why I wanna ask you first."

"Okay lang, wala naman akong plans for tomorrow." Isinara ni Laureen ang laptop. "Sakto rin naman na aayain sana kitang magpunta sa bahay nila Julien bukas, we can meet your parents for lunch."

Nakita ni Laureen ang malapad na pagngiti ni Aston. Kaagad nitong kinuha ang phone at mukhang nag-message sa ina. Hindi siya nagkamali nang tanungin siya kung may gusto ba siyang kainin dahil lulutuin. Nagtanong din sa flavor ng cake na gusto niya at kung ano-ano pa.

She had met Aston's parents multiple times already. They were nice. They welcomed her without doubts and judgments. Wala siyang problema sa mga ito. Mababait kausap, marespeto sa kaniya, at binibigyan pa nga siya ng regalo sa tuwing nasa Manila siya.

Aston's mom was the sweetest. Noong una, akala niya masungit ito dahil mayroong resting bitch face na parang palaging galit, pero hindi pala dahil kalog. Medyo singkit kasi ito na nakuha ni Aston kaya sobrang ganda ng mga mata kapag nakangiti.

"Love, do you wanna go to hospital para ma-check ka nila roon at kung puwede nang alisin ang arm brace mo?" tanong ni Aston. "Our family doctor can help."

"I thought about that, too," sagot ni Laureen. "Magpapasama talaga ako for proper checkup and I want this out. I wanna move freely."

"Then we'll travel? May conference ako soon sa Malaysia. Gusto mo bang sumama sa 'kin? I will be out the entire day, pero puwede tayong lumabas pagkatapos. Like sa gabi? Ngayon ko lang din na-realize na wala tayong travel together. Baesa really became our place," sabi ni Aston.

Napaisip si Laureen. "Puwede naman, but are you sure okay lang sa 'yong sumama ako? Importante yata ang conference mo sa Malayisa. Sa susunod na lang kaya?"

Ginawang unan ni Laureen ang braso ni Aston. Naramdaman kaagad niya ang paghaplos nito sa buhok niya kasunod ang paghalik sa gilid ng noo niya.

"You know what? We should travel around the world soon. Pagkatapos ng training ko, kapag hindi ka na busy, and kapag nag-match na ang schedule natin, we should go anywhere. May free miles naman ako sa Solice." Ngumiti si Aston.

Solice Airlines was under Zothas—the company owned by Alonzo-Mathias.

"We should," Laureen murmured. "Punta tayo sa Hawaii? We have a house there."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys