Ch. 50

Staying in Baler after giving birth was the best decision Laureen made. Her parents' help made everything bearable. Mabilis ding gumaling ang sugat niya dahil hindi siya masyadong kumikilos at hindi siya nahirapan sa pag-aalaga sa mga anak nila.

Everyone was willing to help. Two months and everything was going smoothly. Hindi rin umalis si Aston sa tabi niya sa loob ng dalawang buwan habang katulong nilang dalawa ang parents niya sa pag-aalaga.

Tuwing weekends naman ay bumibisita ang parents ni Aston para din tumulong sa kanila at sapat ang mga taong nasa paligid nila kaya hindi muna nila isinama ang nurses na mag-aalaga sana sa kambal habang nagpapagaling siya. They were still paid like the first plan and would be coming with them in Baesa soon.

Araw-araw gumigising si Laureen na wala sina Aston, Alistair, at kambal sa tabi niya. Sigurado siyang nasa tabing dagat ang mga ito, nagpapaaraw.

Hindi siya nagkamali dahil paglabas niya, kaagad niyang nakita si Luana na nagkakape sa labas ng bahay nila. Ngumiti ito at nagtanong kung gusto ba niya ng gatas. Tumango siya at nagpasalamat bago naupo sa reclined chair habang nakatingin kay Alistair na naglalakad sa dalampasigan hawak ang kamay ng mommy niya.

Buhat ni Aston si Aria na mukhang natutulog at nakahilig ang ulo sa balikat ng ama. Buhat naman ng daddy niya si Ashton na medyo nakadapa para mapaarawan ang likuran.

Ganito ang buhay nila sa Baler araw-araw at ni isang beses, hindi siya nagising na kasama ang mag-aama niya dahil nasa labas na ang mga ito.

"Ate." Ibinigay ni Luana sa kaniya ang mainit na gatas. "Si Alistair, tuwang-tuwa kay Mommy kanina. Buti na lang nakakatakbo pa 'tong lola na 'to, e."

Natawa si Laureen sa sinabi ni Luana at hindi inalisan ng tingin ang mommy niya na parang may ikinukuwento kay Alistair habang sabay na naglalakad sa dalampasigan. Iyon din ang ipinagpapasalamat niya, na hindi pa hirap ang parents nila sa pagtulong sa kanilang mag-alaga.

"Kailan n'yo pala balak umuwi sa Baesa? Baka umiyak 'yan si Mommy!" Natawa si Luana. "Sabi ko nga sa kanila ni Daddy, bakit 'di na lang sila tumira sa Baesa kasama mo, e. Like . . . silang dalawa na lang naman ang nandito. You're staying in Baesa. Julien and I are in Manila. Kuya V naman is in Manila rin."

Hindi sumagot si Laureen, pero pinakikinggan niya ang sinasabi ng kapatid.

"Pero ikaw ba, are you—"

"Ilang beses ko na ring kinausap sina Mommy and Daddy about that," sagot niya bago pa man ituloy ni Luana ang sasabihin. "I told them na I would love to live with them in Baesa. Actually, topic namin 'yan last week since we're planning to go back to Baesa in the next few weeks."

"Ano'ng sabi nila?"

Laureen faced Luana with a smile. "They're considering it. Sinabi ko naman kay Mommy na kung ayaw niyang tumira sa mansion, we can build a house for her and Dad. This place." She inhaled and gazed at their childhood home. "I know na mahihirapan silang iwanan 'to. We lived here for years. We were raised here . . . ."

"Yeah." Nilingon din ni Luana ang bahay nila. "But they're not getting any younger, too. Thank you for asking them about this, Ate. Ang tagal ko nang gustong sabihin kina Mommy, e. Buti na lang nagkaanak ka na."

Mahinang natawa si Laureen dahil alam niyang ang mga anak nila ni Aston ang magiging dahilan ng pagkunsidera ng mga magulang nilang tumira na sa Baesa. Hindi siya sigurado sa magiging desisyon, but to think that their mom was considering to say yes was big for everyone. It would be sad leaving their childhood home, but it would be for the best for everyone.

Isa pa, gusto niya rin talagang makasama ang mga magulang niya at napapaisip siya sa pag-alis sa Baler para iwanan ang mga ito. But Baesa also needed her.

Nagtama ang tingin nila ni Aston na kaagad ngumiti nang makita siya. Nag-excuse ito sa daddy niya na humarap naman sa dalampasigan at pinuntahan ang mommy niya na nakikipaglaro kay Alistair.

"Kanina pa ba kayo gising?" tanong niya kay Aston.

Hinalikan muna ni Aston ang tuktok ng ulo niya bago naupo sa tabi niya. "The twins actually woke up around four in the morning kaya ang daya nitong prinsesang 'to, nakatulog na."

"What? Bakit hindi mo 'ko ginising? I could've helped you!" aniya na kinuha si Ariadna. "Aww, this baby girl. Her hair's getting thicker each day."

"Narinig ng daddy mo na umiyak si Ashton kanina kaya kumatok kung kailangan ko ba ng tulong kaya nanood na lang kami ng movie kaninang umaga habang nag-aalaga sa kambal. Alistair naman woke up around 5:30 and the lola immediately took him."

Luana chuckled. "Yup. Ang aga nilang magbangayan 'cos your panganay wants ripe mango, pero wala namang wipe mango."

"Oh my gosh." Laureen laughed. "Alistair talaga. Ang galing na niyang magsalita. My firstborn."

It was almost seven in the morning, and the waves were a little stronger today. The sun's rays were warmer, too. Boats were already ashore, some tourists were walking around the resort area, and it was a new casual day for everyone.

Laureen looked at her parents who happily cared for Alistair and Ashton. Both were laughing because their firstborn decided to run around. Ang mommy na niya ngayon ang bumubuhat kay Ashton at daddy naman niya ang naghahabol. Kahit na may-edad na ay matikas pa rin ang katawan, ni hindi man lang kumukulubot ang tattoo sa likuran.

Madalas nilang nakalilimutang dating artista ang daddy nila. Hindi na ito aktibo, pero paminsan-minsang naiimbitahan para sa ilang scene ng pelikula, pero piling-pili na lang. Minsan itong gaganap na kaibigan lang ng bidang artista sa pelikula. Basta hindi mahabang shooting na malalayo sa mommy nila, pumapayag ito.

"Luana, ikaw . . . kailan ka magiging parte ng pamilya?" biglang tanong ni Aston na ikinagulat ni Laureen.

Her little sister rarely talked about her relationship.

"Wala! Makatanong parang ano!" Natawa si Luana. "Ang busy ko sa trabaho 'tapos tinatanong mo 'ko ng ganiyan. Basta magugulat na lang kayong lahat, kasal na 'ko."

Naiiling na natawa si Laureen habang pinakikinggan ang bunsong kapatid at asawang nagbabangayan. Hindi na ito bago sa kaniya dahil close naman talaga ang dalawa kaya hindi naging mahirap ang pakikisama. Mas nahirapan pa siya kay Julien.

Laureen focused on Ariadna who peacefully slept despite Aston and Luana's bantering. Hinaplos niya ang mabilog na pisngi ng anak niyang bahagyang gumalaw at akmang iiyak ngunit kaagad na bumalik sa pagtulog. Lumabas ang dimple nito sa ilalim ng kanang mata. Hindi niya alam kung kanino nakuha dahil ang dimple sa pamilya nina Aston ay sa magkabilang pisngi.

Aston didn't have dimples, but Audi had both on his cheeks. Yeza and Nyla both had dimples on the right cheeks, though.

Ariadna looked like Aston—a feminine version of her husband. Mas dominant ang pagiging Mathias ng anak nilang babae, hindi katulad ni Ashton na kahawig pa nga ng daddy niya.

True to everyone's terms, Ariadna was chinitang dilat.

Wala silang naging problema ni Aston sa kambal, medyo mabisyo lang sa buhat lalo si Ariadna dahil kaunting iyak, bubuhatin kaagad. Wala namang problema roon. If their child wanted cuddles, they would give cuddles.

It was almost lunch when the twins slept. Pati si Aston nakatulog kaya hinayaan na muna ni Laureen ang mag-aama niya na makatulog. Paglabas niya ang kuwarto, naabutan niya sina Alistair at Luana sa sofa na mahimbing ding natutulog.

Pumunta siya sa kusina. Bago pa man siya makapunta sa dirty kitchen para sana tumulong sa pagluto, narinig niyang nag-uusap ang mga magulang niya. Aalis sana siya dahil hindi naman niya ugaling makinig sa pinag-uusapan ng iba, pero narinig niya ang Baesa.

"I don't think I'll be okay after they leave," sabi ng mommy niya. "Tingin mo, mahal? I'm considering it, about us . . . living in Baesa with Laureen and the kids."

Laureen bit her lower lip. She didn't want her mom to feel uncomfortable.

"Okay lang ba sa 'yo 'yon? Ako naman kung saan ka komportable, roon ako. Personally, I'd be sad if they decided to leave. It won't be the same anymore," sagot naman ng daddy niya. "I'd love to be with LJ and the kids, pero ikaw pa rin ang iniisip ko."

Gusto niyang mag-intervene sa pag-uusap ng parents niya dahil ayaw niyang mapilitan ang mga ito sa suggestion niya, pero nagulat siya nang marinig ang pagsinghot ng mommy niya.

"Kagabi, hindi ako nakatulog. Pagkakita ko kay Alistair kanina, I hugged him immediately kasi I don't wanna be away from LJ anymore. I love our bonding. I love eating breakfast with them. I love taking care of our grandkids! Hindi na nga natin naaalagaan si Lucien 'cos he's away from us, but I can't do this again," mahinang pag-iyak ng mommy niya. "I've decided last night na we'll talk to Laureen about this. I don't wanna live sa mansion. I'd ask her if we could put a small house inside the hacienda and live there. What do you think?"

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng daddy niya. Sumilip siya sa gilid, sa lugar kung saan hindi siya makikita at nakitang magkayakap ang dalawa.

Her lips formed into a smile, but her tears were falling uncontrollably. This would be a huge step for everyone. Sigurado siyang magugulat ang mga kapatid niya tungkol sa magiging desisyon ng mga magulang niya, pero masaya siya.

Narinig din niya na walang balak ibenta ang bahay sa Baler tulad ng bahay nila sa Baguio na minsan pa rin nilang pinupuntahan.

Laureen then left without saying a word and let her parents thoroughly discuss the decision. She wasn't expecting anything, but maybe it was time for everyone to move forward fully. She wanted to be with her parents, too. She also wanted her kids to grow up with their parents around them. Isa iyon sa dahilan kung bakit hahatiin nila ni Aston ang lahat.

Lumabas siya ng bahay at saktong paparating si Koa bitbit ang bayong.

"Si Tito Atlas?"

"Nasa loob, e. Bakit? Ano 'yan?" tanong niya habang nakasilip sa hawak nitong bayong. "Fish?"

"Oo, nakisuyo siya kanina noong makita niyang papunta ako ng palengke. Nagpapabili raw ng manga si Alistair." Natawa 'to. "Kumusta ka na? Kararating lang din namin nina Mariam kahapon."

Tumango siya. "Oo, nabanggit nga sa 'kin ni Tita Ami na nagpunta kayong Manila. Okay na ba si Mariam?"

"Sana. Kinakabahan ako, e. Medyo maselan 'tong pinagbubuntis ngayon, e." Umiling si Koa. "Okay naman 'yong OB-GYNE mo, 'di ba? Inaaya ko muna kasi siyang tumira sa Manila habang nagbubuntis para mas maalagaan namin doon. Alam mo naman dito sa probinsya."

"Oo, magaling! Tawagan ko, gusto mo? Kung sakali mang maisipan n'yong tumira sa Manila, puwede mong gamitin 'yong isang condo namin na medyo malapit sa ospital para hindi kayo mahirapan. Medyo malapit din 'yon sa Easter U kung sakaling mag-aaral na si Gali."

Inabot sa kaniya ni Koa ang bayong habang natatawa. "Ang dami namang offer kaagad! OB-GYNE pa lang ang hinihingi ko, e!"

"E kasi!"

"Alam ko naman. Sanay na 'ko sa 'yo." Natawa si Koa. "Paki naman 'yong OB, Reena. Ang selan kasi nitong pangalawa, e. Natatakot ako."

Tumango siya at nagmadaling pumasok sa loob. Sinalubong siya ng daddy niya na nagpasalamat kaya sumunod siya sa kusina para tumulong. Siya na ang pinaghiwa ng mommy niya ng mga prutas. Ginataang tulingan, halabos na hipon, at mag-iihaw pa ng isda ang ulam nila dahil request daw iyon ni Aston. Magluluto rin ng sinigang na salmon para naman kay Luana.

While her mom was busy chopping some vegetables for the sinigang, Laureen took her chance to hug her mom sideways.

"What's wrong?" her mom asked.

"Nothing. Thank you for taking care of us," she whispered and sniffed. "Thank you for making parenting bearable. Thank you for all the lessons and—"

"I love caring for you and the babies." Her mom kissed her forehead. "We'll always be here. You're now a mom of three, but you'll always be our baby girl. Don't ever forget that."

To Laureen's shock, her mom told her about the plan—that they would permanently stay in Baesa with her.

It had been a week since the twin's first birthday. Everyone had a blast—as always. Ilang araw ring namalagi sa Baesa ang buong pamilya ni Aston para sa birthday party ng kambal na halos tumagal ng isang linggo.

Paglabas niya ng mansion, naabutan niya si Alistair na nakikipaglaro ng water gun kina Aston, Helsey, at Kalev. Takbo rin nang takbo si Lucien na binabasa ng tabo ni Julien. Tabo talaga, hindi basta water gun.

Nasa kiddie pool naman ang kambal kasama sina Luana at Asia.

Nanatili namang malayo si Laureen, pinanonood ang mga ito dahil sigurado siyang babasain siya. Hindi puwede dahil kararating lang niya. Galing siyang meeting kasama ang mga magsasaka na magsisimula na ring mag-ani ng mga mais. Kasama niya si Travis na bumisita rin sa mansion.

"Ang bilis lumaki ng kambal," ani Travis na tinanggal ang suot na blazer. "Puntahan ko muna sila. Makikigulo muna."

At hindi na siya nagulat nang basta na lang buhusan ni Vitto ng tubig si Travis. Hindi basta wisik o basang galing sa water gun, kung hindi binasa ng isang buong timba na ikinatawa nilang lahat.

Hinanap niya sa isang kasambahay ang parents niya. Nasa guest house raw ito kasama ang mga magulang ni Aston at mukhang nagpapahinga dahil napagod na sa mga bata kaya ang mga tito at tita naman ang nag-aalaga.

Her parents had been living with them since they all decided to stay here in Baesa. Nagpatayo si Laureen ng maliit na bahay para sa parents niya dahil ayaw nitong tumira sa mansion. It was just a simple bungalow type. Halos kapareho ng design sa bahay nila sa Baler minus the second floor. She made it as homey as possible. Nagpupunta pa rin naman ang parents niya roon, pero hindi na masyado dahil nami-miss ang mga apo.

Nagpasalamat din ang mga kapatid niyang nakumbinse niya ang mga magulang na sa Baesa na tumira para mayroong mga makasama.

They had a new arrangement. Four days in Baesa, three days in Manila. Kapag nasa Manila silang mag-anak, nasa Baler naman ang parents niya bago sila sabay-sabay na babalik sa Baesa. Hindi naman mahirap para sa kanila ang pagbiyahe dahil isinakripisyo nila ni Aston ang pakuha ng van na magbibigay sa kanila ng maayos na biyahe. Mayroong kama para sa gustong matulog at mayroon silang driver para hindi sila mahirapan.

It was still Gabriel, but with limitations now that Hannah was already pregnant kaya naman nag-hire sila ng bago na galing mismo sa kumpanya nina Aston.

Laureen crossed her arms, watching everyone run around the hacienda to play. The entire place was filled with laughters and voices from people she loved. Looking back, hacienda was nothing like this. Tahimik lang, puro manggagawang naglalakad, mga kabayong nagtatakbuhan, at siya na nagkakape habang nakaharap sa laptop para magtrabaho.

No one thought this would even happen, especially her.

Nag-focus siya kay Aston na nakikipaghabulan ngayon kay Alistair papunta sa kambal. She knew she made the right choice—to try. It was hard at first, but Aston made everything easier for her. Aston made marriage and parenthood enjoyable and became her life's best decision.

She inhaled and decided to change clothes before bonding with everyone. Nagpaluto siya sa mga kasambahay ng turon at bananacue para sa meryenda nila. Gusto rin niyang mahiga sandali, siguro iidlip dahil maaga siyang nagising kanina.

Laureen showered and while putting on some lotion, the door opened. Si Aston iyon na mukhang kaliligo lang dahil tumutulo pa ang butil ng tubig mula sa buhok nito habang nagtutuyo ng towel. Naligo na raw sa shower room ng pool na ipinagawa nila noong nakaraang buwan.

"I missed you." Aston encircled his arm around Laureen's waist and kissed her shoulders. "The twins were looking for you kanina."

"Busy naman sila kaya hindi ko muna nilapitan." She faced Aston. "Who's taking care of the kids?"

Instead of answering her question, Aston leaned forward and planted kisses on her lips before hugging her tightly. They remained in that position for one good minute and decided to rest on the sofa inside the room.

Patagilid siyang naupo sa legs ni Aston habang nakahiga ang ulo niya sa balikat nito. Pinag-uusapan nila ang mga bata. Kung ano ang kinain ni Alistair noong almusal at tanghalian.

Laureen shut her eyes when she felt Aston's fingers running through her hair down to her back and waist, while holding her hand and playing with her engagement ring and wedding ring. It was her favorite position when things were challenging.

The businesses were thriving, as always, but setbacks were inevitable. Ikinuwento niya kay Aston na mayroon na namang peste na kailangang makontrol. Kung sa financial, walang problema, pero nakita niya ang lungkot sa mukha ng mga magsasaka dahil sa effort na ibinuhos, pagkatapos ay mawawala lang nang ganoon.

She would definitely compensate, but the farmers were downhearted because of the loss.

Aston remained quiet and actively listened while brushing Laureen's hair. He knew it was one thing his wife loved. He would sometimes give comments and suggestions. He knew nothing about farming, but they would still help the farmers regardless.

Mas isinisiksik ni Laureen ang sarili kay Aston na kaagad siyang hinalikan sa pisngi nang biglang may maalala.

"What?" Aston looked confused. "Why are you smiling like that? Ano na naman ang nabasa mo sa social media? Simula noong gumawa ka ng account, napapadalas 'yang ganiyang smile mo sa 'kin."

Laureen laughed and traced her fingers on Aston's jaw.

"Love, what?" He frowned.

"I read this post na . . . nagpapa-baby sa mas bata." Malakas na natawa si Laureen at hinampas pa ang dibdib ni Aston. "I've been doing this for years na and I laughed kanina sa car."

Aston smugged and tsked. "What's wrong?" He hugged Laureen tighter this time. "You're everything to me! Mommy, when you know—too hot. A mother—not the mother of our kids—but a mother as in slaying. But you're also my baby."

Laureen burst into laughter when Aston tickled her armpit. "Stop!"

"I like babying you." Aston stared at her. "So, like what the internet said . . . I'm the daddy."

"Ew." Laureen frowned and buried her face into Aston's neck. "That's cringe!"

Aston chuckled and his voice vibrated. "As long as you're happy with me, thank you for always communicating with me and for having us back years ago. Won't change this for anything."

Laureen cupped Aston's face and did the nose to nose. Even Ariadna loved to do this to Aston. Madalas kasing nakikita sa kaniya. Pinagpatong niya ang noo nilang dalawa. Naramdaman niya rin ang pag-iinit ng mga mata niya habang iniisip ang mga panahong hiwalay silang dalawa.

She didn't like it. She didn't want that to happen again. It was hard for her to change things, to do things she didn't like. She was used to the idea of leaving things behind if they weren't aligned with what she wanted. But never again.

Even society tells people not to adjust to someone else. It was also Laureen's mindset; her life, her rules—not until she realized she was the problem. She unknowingly hurt people around her, including the person who loved her.

Healing herself was her life's best decision. It made her see that light. She thought she didn't want things, but it wasn't like she didn't want them . . . rather, she was scared she wasn't the best fit for them.

Her life changed. Some would say no, she didn't have to. She should've stuck to her likes, to her plans, to be herself . . . but the painful reality made her realize she couldn't be an island—alone. She didn't even know herself! She was busy trying to prove she wasn't just an heiress by doing more.

Until she realized less is more. She gave less fuck to what others might think about her, and it gave her more things she didn't expect—the life she didn't realize she longed and wanted.

She wasn't just an heiress now.



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys