Ch. 49

Laureen saw how her dad's eyes widened in shock when the nurses entered the room with baby bassinets. His mouth dropped open, and he immediately wrapped an arm around her mom's shoulders.

It was a sight to see; if only Laureen could take a video, she would. But she also wanted to cherish the moment without any distractions.

Aston was standing by her bed, waiting, too. They were both excited to see the baby. Nakita naman na nila kanina, pero sandali lang, lalo siya na nakatulog kaagad. Binuhat ng nurse ang isang sanggol na kaagad binuhat ni Aston.

"Baby boy." The pediatrician smiled at them. Sinabi nitong normal ang lahat ng test ng anak nila. Ipinaliwanag din sa kanila na kinuhanan na ito ng dugo para sa newborn screening at kung ano-ano pa.

Sunod na binuhat ng nurse ang isa pang baby na sigurado siyang babae. Maingat itong ibinigay sa kaniya at itinanong kung kaya na ba niya dahil sa tahi niya. Medyo masakit, pero kaya niya. Maliit lang din naman ang sanggol na buhat niya kaya hindi siya nahirapan.

Laureen and Aston were listening to the doctor saying the twins' health were perfect. Ibinaba na rin ng nurse ang papeles na pipirmahan nila para sa birth certificate. Nagsabi rin sila sa doctor na mag-stay pa sila ng isang linggo sa ospital kaya naman puwede pang maobserbahan ang kambal kung kailangan.

It was a safety measure both wanted to do. They had already hired caregivers slash nurses who would work for them for weeks or months; they didn't know.

Paglabas ng mga doctor at nurse, sabay silang humarap sa parents ni Laureen. Kaagad na lumapit ang mommy niya sa kaniya at kaagad na sumunod ang daddy niyang halata pa rin ang gulat sa mukha.

"Akala ko talaga, malaki ka lang magbuntis," sabi ng daddy niya pagkatapos ay nilingon ang mommy niya. "You don't look shocked. You knew about the twins?"

Her mom scrunched her nose and nodded. "I'm sorry, mahal, for keeping a secret. Surprise!"

"I'm not mad at all!" Her dad sniffled and looked at Laureen. "Ang importante naman, maayos kayong tatlo. I just . . . oh my God, I'm still processing this."

Natawa sina Laureen at Aston na nagkatinginan.

Sa unang pagkakataon, natitigan niya ang sanggol na hawak niya. She was carrying a baby girl with thick hair, fair skin, small face, and cute button nose. Bigla itong naghikab na naging dahilan ng pagluha niya na hindi naman din niya pinigilan.

A small sob escaped Laureen's mouth, and she kissed her daughter's cheek.

Aston, on the other hand, sat beside her. He showed her their little boy's small face. Their baby boy yawned, too! Mukha pa itong iiyak na ikinatawa nilang dalawa. Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak at hinalikan ang likod niyon.

"Do we have a name for them?" Aston asked. Hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa pangalan ng anak nila, pero alam niyang nag-isip na si Laureen tungkol doon. "We're using Alistair's initials, right?"

Laureen nodded and stared at their baby boy. "He's Ashton Emiliano. Do you like it?"

Aston gazed at her and smiled, eyes pooled with tears. "Oo naman. I . . . I like it. Palagi akong natatawag na Ashton ng iba kasi bihira naman daw ang Aston. Now, my little boy's having that name. I love it."

Ibinalik ni Laureen ang tingin sa sanggol na bitbit niya. "And this baby girl's name is Ariadna Emilie."

She heard a gasp from Aston who stared at her. She already expected the reaction. Wala kasing alam si Aston na nagtingin siya sa family tree ng mga Laurent at nakita ang isang pangalang tumatak sa kaniya.

Ariadna was Aston's paternal great-grandmother. For months, she had kept this a secret. She prayed for a baby girl to be able to use the name.

Walang naging sagot si Aston. Hinalikan nito ang gilid ng noo niya. Matagal na matagal kaya nagkatinginan sila ng mommy niya dahil naikuwento niya ang tungkol doon.

Nang maramdaman ni Laureen na sumasakit ang tahi niya ay gusto niyang humiga, kaagad na kinuha ng daddy niya sa kaniya si Aria. Daddy niya mismo ang nagbigay ng nickname para maikli lang. Kinuha naman muna ng mommy niya si Ashton bago naupo sa sofa, sa tabi ng daddy niya.

"You should sleep, love." Aston helped her lay down. "Masakit na masakit pa ba o nag-effect na ang pain reliever?"

"Still painful, but tolerable compared kanina. It's the most painful, love." Laureen bit her lower lip. "Umiyak na talaga ako kanina noong nag-wear off na 'yong anaesthesia. I begged the nurse to give me something already."

Nakikinig lang si Aston kay Laureen habang hinahaplos ang buhok nito, pero hindi niya alam kung ano ang isasagot sa pinagdaanan ng asawa niya. They agreed that the twins and Alistair would be their kids. Ayaw na rin niya itong makitang nahihirapan at nasasaktan tulad ngayon na halos hindi maipinta ang mukha nito habang iniinda ang sakit ng opera.

Nagsabi ang parents ni Laureen na pupunta muna sa living area kasama ang kambal para makatulog si Laureen. Naiwan naman si Aston na isinara ang blinds at sinigurong madilim ang buong kuwarto. Naupo siya sa tabi ng kama habang hinahaplos ang buhok ng asawa niya.

"I miss Alistair," ani Laureen sa mababang boses. "C-Can you bring him here tomorrow? We have spare room naman for him. Puwede ba?"

"I talked to my parents na dalhin si Alistair the day after tomorrow para mas makapagpahinga ka muna," sagot ni Aston. "They asked if they can visit here sa hospital or sa bahay na lang. I told them I'll ask you first. Kung saan ka comfortable."

Ngumiti si Laureen at kahit na inaantok na, sumagot pa rin. "You can ask them to visit anytime, pero I agree na let me rest until tomorrow and the day after, puwede na. I'll also call my siblings to visit me."

Tumango si Aston at inayos ang kumot ng asawa. Pinatay rin niya ang lampshade sa may bedside table para makatulog na ulit ito. It was a long day for his wife and he wanted her to rest for now.


But Aston let Laureen rest for two more days before allowing people to visit—except for their parents, of course. Kasama na rin nila si Alistair simula kahapon at hindi niya makalimutan ang reaksyon ng parents niya nang makita ang kambal.

His parents cried in front of him after seeing the twins. Everyone was expecting a girl because Laureen carried the pregnancy beautifully. Ni hindi sila aware na mayroon palang ganoon, pero hindi naman daw lahat.

Umiyak pa ang mommy niya dahil sa wakas, mayroon na raw babae sa pamilya nila. Oo nga naman, walang anak na babae ang mommy niya, si Alistair ang unang apo . . . ngayon mayroon nang babae.

Ipinaalala naman sa kaniya ng daddy niya ang sinabi ng lola niya tungkol sa unang kambal ng pamilya na ikinatawa nila ni Laureen. They weren't even thinking about it. They weren't interested. They weren't sure if it was true. But as per her dad, her grandmother was serious.

Nilingon ni Aston ang bathroom nang lumabas doon si Laureen kasama ang mommy nito at isang nurse dahil nagpatulong na maglinis ng katawan. Suot na nito ang satin pajama na dinala nila para komportableng makakilos.

It had been three days since Laureen gave birth, and she could already walk. She had to. Maingat din ang bawat pagkilos dahil masakit pa rin ang tahi niya.

Lumapit si Aston sa kaniya at inalalayan siyang maupo sa kama. Kahit na ilang beses niyang sinabing maayos lang siya, ayaw nitong pumayag na kumilos siya nang kumilos.

"Nasa living room ang kambal. Tulog naman si Alistair sa kuwarto kasama si Daddy," sabi ni Aston habang inaayos ang kumot niya. "Nagugutom ka ba? On the way na raw sila. Sure ka bang okay lang sa 'yo?"

"Oo naman." Ngumiti si Laureen. "Tumawag din si Yeza kanina. Nasa office pa raw siya, pero susuod siya. Sino-sino pala ang pupunta?"

Naupo si Aston sa tabi niya at hinaplos ang kamay niyang mayroong pasa dahil sa mga nakatusok sa kaniya noong nakaraan. Inalis naman na, pero nagkaroon pa rin ng marka.

"My grandparents. If I'm not mistaken, all Alonzo-Mathias will be here. They're all excited. Wala raw kasi sila noong ipinanganak si Alistair kaya hindi puwedeng hindi ka nila bisitahin ngayon," ani Aston na halos pabulong ang pagkakasabi. "They're all excited to meet our kid. Little did they know."

Inihiga ni Laureen ang ulo sa balikat ni Aston. "Hindi ba sila magagalit?"

"Nope." Hinalikan ni Aston ang gilid ng noo niya. "They'll understand."

Laureen nodded and talked to Aston about her plans to go back to stay in Baler. Yup, Baler.

Sa pagkakataong ito, gusto ni Laureen na makasama ang parents niya. Gusto rin kasi niya ang pakiramdam na nasa beach kaya naisipan niyang mag-stay roon kahit sa unang dalawang buwan bago sila uuwi sa Baler.

Pinagpaplanuhan pa nila ni Aston kung paano ang magiging setup, bahala na. Ang importante ay ang well-being ng mga anak nila. Pareho naman silang hindi magtatrabaho sa mga susunod na buwan.

Sandaling nagpaalam si Aston nang dumating ang mga pagkaing nabili nito para sa mga bisita kahit na sinabing huwag na mag-abala. Inurong na rin muna ang wall barrier ng kuwarto niya at ng living room para lumuwag ang buong kuwarto.

Laureen observed everyone and was thankful of their parents. Ang mga ito ang nag-aalaga sa kambal. Hindi umalis ang parents niya simula nang dumating ang mga ito. Umuwi naman sandali ang parents ni Aston bago bumalik para makipagsalitan sa pag-aalaga.

Napag-usapan nilang lahat na itago muna ang isang kambal. Nang makakuha sila ng go signal mula kay Audi na nasa ospital na ang mga bisita nila, itinago nila si Aria sa kuwarto kung saan natutulog si Alistair. Aware na ang lahat tungkol kay Ashton, pero itinago na muna nila si Aria para masaya.

Nang dumating ang pamilya ni Aston, umingay ang buong kuwarto. Kaagad na lumapit kay Laureen ang grandparents ni Aston para itanong kung kumusta ang pakiramdam niya. Hinalikan pa siya sa pisngi ng lola ni Aston at hinaplos ang buhok niya bago ibinigay ang isang bouquet na hawak ng asawa nito.

"I'm glad you're doing okay," Aston's grandmother said and a lone tear rolled down her cheek. "I'm relieved na nakaraos ka na rin. I know how hard it is to be pregnant. Giving birth pa is painful. I'm relieved."

"Thank you po." Laureen smiled and told Aston's grandmother about her experience. Naupo pa ito sa gilid ng kama habang nakikinig sa kaniya.

Isa-isa na ring lumapit sa kaniya ang mga tito at tita ni Aston para kumustahin pa siya. Ang mga pinsan naman nitong sina Vitto at Nyla ay busy na nakatingin kay Ashton.

Tuwang-tuwa ang mga ito at sinasabing malaki ang pagkakahawig kay Alistair. Iyon naman ang totoo. Iyon din ang napansin niya kay Ashton na kahawig ito ni Ali noong bagong bigay sa kaniya. Dilat na dilat din kasi ang mga mata nito at halatang nakuha sa kaniya.

Muling bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon sina Yeza at Kalev. Sumunod na pumasok sina Julien at Asia kasama sina Lucien at Luana na kaagad tumakbo papunta sa kaniya.

Wala si Vaughn dahil nasa ibang bansa ito kasama ang asawa ngunit sinabing bibisitahin kaagad siya pag-uwi. Nasa cruise ang mga ito kaya hindi makauwi kaagad.

The room was filled with different voices from their family members. Naupo ang lola ni Aston sa sofa dahil gusto nitong buhatin si Ashton, pero hindi na kayang nakatayo. Laureen watched how everyone admired their son and that signalled them to let everyone know about Ariadna, too.

Sandaling nagpaalam si Aston sa lahat at pagpasok niya sa kuwarto, naabutan niyang gising na si Alistair na kaagad tumakbo sa labas at nagpabuhat kay Audi. His brother already knew about the twins, too. Excited pa ito sa plano at panay ang kantyaw sa kaniya tungkol sa ibibigay ng lola nila na hindi naman niya iniisip.

Kinuha naman niya si Ariadna sa nurse na tumitingin sa mga anak nila.

Ariadna was wide awake, showing her chinky eyes. Nakuha ni Ashton ang mga mata ni Laureen ngunit nakuha ng prinsesa niya ang mga mata niya. May pagkachinita ito na bumagay sa maliit na mukha.

Maingat na lumabas si Aston buhat si Ariadna. Everyone was busy talking. Yeza gazed at him with eyes wide open. Nakikipag-usap ito kay Laureen, pero kaagad na tumigil magsalita.

Even Kalev, who was talking to Julien, stopped talking. Asia's eyes widened in shock; Luana squinted and uttered, "What the fuck."

"Oh my gosh!" Yeza and Kalev's mom exclaimed.

"Hala, wait?" Vitto and Nyla's mom uttered.

Nyla walked towards him. "Wait, what?"

Samantalang nakatingin lang si Laureen ngunit nangingilid na ang luha niya. Kita niya ang gulat sa mukha ng lahat. Nakita niya kung paanong pinunasan ni Nyla ang sariling luha nang makita ang isa pa sa kambal.

"Surprise!" Aston showed Ariadna to everyone but immediately walked towards his grandmother. "Ma, may twins ako. Paano ba 'yan?"

Kita ni Laureen ang gulat sa mukha nito habang nakatingin kay Aria. Buhat pa rin nito si Ashton na kinuha naman ng daddy ni Aston para mabuhat pa ang isa sa kambal.

"Bakit hindi mo sinabi?" Suminghot ang lola ni Aston.

"Surprise nga, e!" Natawa si Aston na tumingin kay Laureen. "Wala namang ibang nakakaalam, e. We kept it a secret."

Laureen saw how Aston's grandmother sobbed and carefully carried their daughter, making her sniff, too. Naramdaman na rin niya ang pamumuo ng luha sa magkabilang mga mata.

Julien and Luana walked towards her, asking why the twins had become a secret. Laureen laughed and told everyone it was a good surprise. It was worth it, and all the reactions were worth it.

Everyone teared up, even Yeza, who gazed at her and congratulated her.

"What's her name?" Aston's grandfather asked while holding little Aria's hand.

Aston looked at her grandmother. "Ariadna Emilie."

No words. His grandmother whimpered and kissed Ariadna's forehead without a word. He already expected the reaction upon hearing their daughter's name.

"She's singkit like you." Her lola sniffed. "Take a photo. I-post n'yo 'to dahil ipagmamayabang kong may kambal na ang lahi ko. 'Kala ng mga pinsan ko sila lang, ang kakapal ng mukha nila!"

Ang iyakan ay kaagad napalitan ng tawanan. Nilingon ni Aston si Laureen na natatawa. Katabi nito sina Luana at Yeza na nakangiting nakatingin sa grandparents nilang hawak ang kambal at nagpapa-picture pa. Isinama rin si Alistair na naupo sa gitna.

Laureen wiped her tears and smiled at her parents who happily talked to everyone.

"Congratulations." Yeza smiled at Laureen. "The twins are now 40% richer. Tutuparin ni Mama ang sinabi niya about her shares dahil sa kambal."

Mahinang tawa lang ang naging sagot ni Laureen dahil hindi naman siya interesado roon kahit na naging tampulan iyon ng tukso kay Aston ngayon. Nakikinig lang siya, pero nakatingin siya sa kambal niya at kay Alistair na tumakbo papunta sa kaniya.

"Up, up," ani Alistair na kaagad binuhat ni Luana.

"He's getting bigger." Hinaplos ni Yeza ang buhok ni Alistair.

Yumakap naman si Alistair sa kaniya. Ininda niya ang sakit ng tahi ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Hinayaan niya si Ali na maupong paharap sa kaniya at mukhang naglalambing kaya hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito. Panay rin ang halik nito sa kaniya.

Dahil busy naman ang lahat sa kambal, itinuon niya ang pansin kay Alistair. Ipinakuha niya kay Aston ang building blocks at nakipaglaro sa anak. Maaga nila itong tinuturuan sa kulay, sa pagsasalita, at sa pagbibilang kaya hindi sila nahirapan.

"Love, hindi ka ba nahihirapan?" tanong ni Aston na lumapit sa kanilang mag-ina.

"I'm fine." Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagbuo ng lego blocks para kay Ali. "How's the twins?"

Ibinalik nila ang tingin sa pamilya nilang nagkakatuwaan. Buhat na ng daddy ni Aston si Aria at kinakausap ito habang isinasayaw. Buhat naman ng daddy ni Laureen si Ashton. Magkaharap ang parehong daddy nila na nag-uusap tungkol sa dalawang sanggol.

"By the way, I'm serious about what I said," biglang sabi ng lola ni Aston. "Okay lang ba sa inyong lahat 'yon?" tanong nito sa lahat.

"A promise is a promise, Mama," sagot ni Nyla.

Vitto agreed. "Yup. Wala naman akong balak magkaanak, so go ahead."

"Dagdagan ko pa 'yan, e," sagot naman ni Kalev.

"I don't want to manage another shares." Tumaas ang dalawang balikat ni Yeza.

"Wala rin akong planong magkaanak. Kaya n'yo na 'yan," sagot naman ni Audi. "Kung kaya n'yo, isa pang kambal."

Kaagad na umiling si Laureen. "Nope. No, thanks."

"Okay." Aston's grandmother squinted. "I'll give 20% to Alistair din since siya naman ang first great-grandson."

Laureen gazed at Aston who just shook his head and laughed. That was when she knew everyone was serious. She wasn't a stranger to money, but this family was something, and wait . . . she immediately realized that she was already a part of it.


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys