Ch. 45
Years ago, Laureen thought marriage and kids were two of the most terrifying things a woman could have, but Aston and Alistair proved her wrong. It became the best decision she had.
It wasn't for everyone, but for her . . . she didn't know she would love being a wife and a mother. Malaki rin ang tulong ni Aston sa kaniya nitong mga nakaraang anim na buwan simula nang ikasal sila.
It had been six months and they were still adjusting. It wasn't overnight and definitely not easy. Aston just made it tolerable for them.
Habang pinanonood ni Laureen si Aston na makipaglaro kay Alistair, alam niyang tama ang naging desisyon niyang pakasalan ito. A good father, good husband, and a good provider. Halos wala na siyang ginagastos simula nang mapangasawa niya si Aston kaya bumabawi siya minsan sa travels nila at intentional niyang iniiwan ang cards at pera nito para hindi makagastos.
"Love, mamaya ko na aayusin 'yong luggages, ha? Ang fussy ni Ali," sabi ni Aston habang nakaupo sa unang baitang ng hagdan at nakaharap sa beach. "This place is a paradise. Ang ganda pala talaga ng location ng house n'yo rito."
Komportableng nahiga si Laureen sa reclining chair na nasa balcony at malalim na huminga. "I missed this place."
"Thank you for this trip." Ngumiti si Aston. "Tulog tayo mamaya, love. Inaantok ako. Libangin ko lang muna 'tong si Ali sandali para makatulog na rin siya. Sabayan na lang natin."
Laureen nodded and watched Aston play with Ali. Medyo fussy nga ito dahil hindi nakatulog sa eroplano. Halos twelve hours silang nasa biyahe at kahit na nasa first class sila, hindi naging komportable si Ali at hindi rin nila alam kung bakit.
Hindi naman ito ang first time ng anak nilang sumakay ng eroplano. Mukhang hindi lang talaga umayon ang lahat.
Muling nagpasalamat si Aston sa papunta nila sa Hawaii. Ngayon lang din talaga sila nagkaroon ng pagkakataong muling makapag-travel dahil pareho silang naging busy sa trabaho.
Aston had to meet a lot of people. Nagsisimula na rin kasi ang transition sa Zothas dahil sila na ni Audi ang mamamahala ng kumpanya. Nandoon pa rin naman ang daddy nila, pero mas gusto nitong mag-focus sa ibang bagay na naintindihan naman nila.
Laureen also had to fix a lot of things in Baesa. Nagkaroon kasi ng sunog sa isang parte ng taniman ng palay at halos maubos iyon kaya kinailangang asikasuhin. Nagkaroon din ng peste sa babuyan kaya sunod-sunod ang naging problema.
Nagbago rin ang pamumuhay nilang dalawa dahil sa adjustment kung saan sila titira. Tatlong araw sa Baesa, apat na araw sa Manila. Ganito ang naging routine nila dahil ayaw ni Laureen na magkahiwalay sila ni Aston. Minsan naman naiiwan sila ni Alistair sa Baesa kapag marami silang trabaho.
Maayos nilang nadatnan ang bahay dahil sa caretaker na pinagkakatiwalaan ni Laureen. Marami na ring groceries para sa kanilang tatlo. Wala silang return ticket at uuwi lang sila kung kailan nila gusto.
Gusto nilang medyo magtagal dito sa Hawaii para na rin mag-relax. Anim na buwan na silang kasal, pero wala pa rin silang nabubuo. They were trying, but Laureen was getting frustrated. The tests were always negative. Dahil nga siguro busy silang dalawa.
Nang lumalim ang iniisip ni Laureen, kaagad siyang bumangon para tumabi kay Aston sa unang baitang ng hagdan. Pareho na silang nakaharap sa beach. Hinalikan niya ang pisngi ni Alistair na kaagad sumama sa kaniya.
"Ano'ng gusto mong dinner mamaya?" tanong niya kay Aston.
"We can just order for tonight, or we can eat out," sagot nito.
Umiling siya. "Nope. I'll cook. Nagpa-grocery naman ako sa kanila. We can just stay here."
Meanwhile, Aston observed Laureen standing up and walking towards the hammock under the tree. Siya mismo ay nagulat sa malaking pagbabago kay Laureen simula nang ikasal sila dahil bukod sa hindi na ito naka-focus sa pagtatrabaho, nag-aral itong magluto.
Laureen enrolled in a culinary school to learn how to cook for them. Hindi na ito nag-uutos sa mga kasambahay na magluto para sa kanila. Nakaayos na ang planong lulutuin nito sa loob ng isang linggo at kasama pa nga madalas si Alistair sa kusina na kunwaring itinuturo kung ano ang ginagawa.
Tulad nga ng sinabi niya noon, he never imagined Laureen as a mother or even doing houseworks. Mas nabilib lang siya na pinagsasabay nito ang pagiging nanay, asawa, at pangangasiwa sa businesses na pagmamay-ari nito.
Mayamaya, si Laureen na rin mismo ang nag-ayang pumasok na muna sila sa loob at magpahinga. Ilang beses na rin itong humikab dahil pareho silang pagod dahil sa pagiging fussy ni Alistair sa eroplano.
Naunang makatulog si Ali na ipinagpasalamat nilang dalawa. Nauna na ring nahiga si Aston sa kama habang nakatingin kay Laureen na nagsusuklay dahil katatapos lang nitong maligo. Ang akala niya, hihiga ito sa tabi niya, pero nagkamali siya nang bigla itong dumapa mismo sa kaniya at inihilig ang ulo sa dibdib niya.
Aston automatically brushed his wife's hair using his fingertips.
"Love, gising ka pa?"
"Yup," Laureen responded in a sleepy voice. She adjusted and lay beside him, still using his arm as a pillow. "Why?"
Aston smiled and kissed the top of Laureen's forehead. "Are you happy?"
Laureen frowned and slightly got up. "Of course, I am. Why are you asking me that? A-Aren't you h-happy?" She stuttered.
"Love, no!" Aston panicked a little. "I was just asking because you've been staying at home often these days and iniisip kong nabo-bore ka na. Baka Manila's too much for you. Napansin ko rin na . . . medyo mainit ang ulo mo nitong mga nakaraan."
"I'm sorry." Laureen sat down and stared at him. "I'm not bored. I love being at home, and Manila's becoming bearable because of you and Alistair. Plus, I see my siblings regularly, unlike before na halos three months bago kami magkita."
Nanatiling tahimik si Aston na nakatitig kay Laureen.
"I'm sorry if I'm making you think about this, love, but I am really okay. I love the sunset and the sunrise kaya sa condo! Kaya nga maaga akong nagigising kapag nasa Manila tayo, e." Ngumiti si Laureen.
Nagsalubong naman ang kilay ni Aston. "Akala ko kaya ka nagigising nang maaga kasi . . . kasi namamahay ka at ayaw mong mag-stay sa Manila. I'm sorry I didn't ask and I assumed."
Mahinang natawa si Laureen at bumalik sa pagkakahiga. "I'm really okay. Sinasabi ko naman sa 'yo 'pag hindi ako okay, e. Also, okay naman na rin akong magpunta sa family lunch. I'm thankful that I don't really have to deal with your cousins kasi. Glad everyone understood."
"Oo naman. Madalas din namang wala si Suri lately. Since her breakup with that asshole actor." Umiling si Aston. "I really hope she learns her lessons."
"I talked to Dad about that actor pala," ani Laureen. "Nagulat siya kasi that actor's well-known for being a nice gentleman. When I searched kasi hindi ko siya kilala, he's a boy-next-door pala. I was shocked when you told me na binubugbog niya si Suri."
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Laureen dahil sa sinabi ni Aston. Minsan na nilang napag-usapan ang tungkol kay Suri nang maospital ito dahil sa isang car accident. Sumunod ang news na lumabas tungkol sa ex-boyfriend nitong artista na kasama sa nasabing aksidente.
Everyone blamed Suri, and it was all over the news. The hate she got from the boyfriend's fans, from people . . . all because her character was assassinated to protect that man.
"She can handle herself. She's one tough girl," ani Aston dahilan para mapabangon si Laureen. Nagsalubong ang tingin nila. "Why?"
Laureen shook her head. "I . . . didn't like what you just said. She can handle herself but also needs support from people around her after this. I was tough, but I never knew I needed backup until someone . . . which is you . . . broke the wall. We shouldn't say someone can handle herself. We can at some point, but we also need that tap on our shoulder. We're not always okay, love."
Bumalik sa pagkakahiga si Laureen at inalala ang mga panahong mag-isa lang siya at buong akala ng ibang tao, okay lang siya. Of course, people would assume she was okay even when it was getting heavy. Wala siyang mapagsabihan kaya itinutulog na lang niya para paggising niya, maayos na ulit ang lahat.
Laureen sighed the moment she felt Aston caress her arm and kiss the top of her head. Mas isiniksik pa nga niya ang katawan sa asawa niya dahil gusto niya ang pakiramdam na magkatabi sila. Gusto rin niyang palagi niya itong nakikita at hindi na siya makatulog kapag hindi niya ito kasama.
One of many sacrifices was living in Manila. Even though she hated the city, she loved being with Aston.
"Love, gising ka pa?" pabulong na sambit ni Laureen.
"Hindi pa. I'm trying, but I can't sleep yet. My mind's active," sagot naman ni Aston. "Why?"
"I don't miss the old me," she randomly said. "Hindi ko nami-miss matulog mag-isa sa bed na wala ka. I don't miss that Laureen who doesn't even answer her phone just because. I don't miss the feeling of being unable to talk to you. I don't miss not being Ali's mommy . . . and I don't miss being single. I like being married! I love being married to you."
Aston smiled. "I love the old Laureen, but I don't miss her. I don't like the miscommunication and the random breakup texts from her. I don't miss my phone without her messages, and I don't miss that workaholic woman who barely sleeps."
They both laughed upon realizing the changes.
"Gusto ko 'yong ngayon, love. You sleep whenever you feel like it. You always call and text me. Minsan nagugulat pa rin nga ako, e," pag-amin ni Aston. "I love you, but you do you. You don't have to lose yourself after this marriage or after being a mom. I still want you to do the things that make you happy. Basta promise na you'll still sleep."
Tumango si Laureen at hinarap si Aston. "What if I just wanna be a homemaker na lang?"
"I doubt that. You love working!" Aston pinched Laureen's nose. "But if that's what you want, why not? I can provide."
Laureen hugged Aston and shut her eyes. "I know . . ."
—
Isang linggo na sila sa Hawaii at walang ginawa si Laureen kung hindi ang matulog. Palagi siyang inaantok kaya mas madalas si Aston ang nag-aalaga kay Alistair. Wala naman siyang naririnig na reklamo. Nag-e-enjoy pa nga dahil naglalakad na ang anak nila.
After celebrating Alistair's first birthday, their son became more playful and clingy. Lalo na kay Aston kaya minsan ay isinasama ito sa opisina na nasa baba lang naman ng condo unit nila.
Naikuwento na rin sa kaniya ni Aston na hindi na bago ang mga bata sa opisina dahil mismong si Aston noon ay dinadala sa office at mayroon pang play area sa mismong office ng daddy nito.
It was already ten in the morning, and she had recently awakened. Her head was throbbing, and she was so hungry. Naramdaman din niya ang panunuyo ng lalamunan at ang pakiramdam na para siyang magkakasakit.
Hinanap na muna niya sina Aston at Alistair na nasa balcony na nasa likod ng bahay at nakaharap sa beach habang nagbabasa ng libro. Nakaupo ito sa sofa kalong ang anak nila. Hindi siya lumabas at sumandal lang sa may bintana kung saan naririnig niya ang dalawa.
Aston was telling Alistair a story with a comic. She wasn't sure what story, but her husband even made silly noises that made their son laugh. Bigla niyang naalala ang sinabi ng mommy niya tungkol sa pagkakaroon ng asawa.
She was barely sixteen when they had a conversation about it.
Sinabi ng mommy niya na mahirap makahanap ng lalaking magiging ama at asawa. Minsan, asawa lang . . . madalas na ama lang. Some weren't even a good provider, but a good father. Some were a good provider, but not a good father.
Finding a man who would still become a husband even after becoming a father was also rare. Madalas kasing naka-focus na sa pag-provide para sa mga anak, para sa pamilya na nakakalimutan na ang asawa . . . na hindi naman dapat.
Growing up, Laureen saw how her dad took care of the family, pero hindi nito kinalilimutan ang mommy nila. The two would even have random dates without the kids. They would travel without them at times to spend time together.
And now, she has the same relationship, too.
"Good morning," Laureen greeted Aston and Alistair.
Aston frowned. "Are you okay?"
Laureen shook her head. "I'm not. I think magkakasakit ako. I'm not feeling well."
"Gusto mo bang magpunta sa clinic? We can go now para maagapan natin." Tumayo si Aston at hinaplos ang noo niya. "Hindi ka naman mainit, but to be sure."
Hinawakan naman ni Laureen ang pisngi Alistair at hahalikan sana ito nang maalalang baka mayroon siyang sakit kaya pinigilan niya ang sarili. Pumayag siyang magpunta sila sa isang clinic na medyo malapit sa lugar nila para makasigurado. Ayaw niyang mahawa sa kaniya ang anak niya kaya uunahan na niya.
It took them almost thirty minutes to prepare and Aston was worried about Laureen. Napansin na rin niya kagabi na medyo nanginginig ito habang natutulog kaya hindi rin siya nakatulog nang maayos.
Tinanong naman niya kung okay lang, oo raw at giniginaw lang kaya hininaan niya ang aircon.
Habang nasa lobby at naghihintay, binabasahan niya si Alistair ng magazine para lang malibang. Panay naman ang tingin niya sa hallway kung saan lalabas si Laureen, pero halos fifteen minutes na ay wala pa ito. Gusto na niyang magtanong sa secretary, pero busy ito dahil medyo maraming naghihintay sa lobby tulad niya.
Aston checked his wristwatch. Sampung minuto pa ang lumipas at saktong makikipag-usap na sana siya sa secretary ng doctor tungkol kay Laureen at kung bakit tumatagal ang checkup nang lumabas ang asawa niya.
Salubong ang kilay nito at saka siya inaya palabas ng clinic. Mahigpit ang hawak nito sa jacket na hawak. Hinawakan din nito ang kamay niya at pagdating sa parking area, humawak ito sa puno na nasa harapan ng sasakyan nila.
"Love, what's wrong? Ano'ng sabi ng doktor?" nag-aalalang tanong ni Aston habang hawak si Alistair. Hindi niya alam kung sino ang uunahin. Si Alistair na biglang umiyak o si Laureen na biglang nagsuka.
Nakayuko si Laureen, nakahawak sa tuhod, at nang tumingin sa kaniya, mas naalarma siya nang makita niyang namumuo ang luha sa mga mata nito. Humigpit pa ang pagkakahawak sa damit niya.
Laureen exhaled, and her chin vibrated. "Love, I think we need to go back home. I am scared. I am pregnant and . . . and . . ."
"A-And?" Aston already thought of the worst possible news based on how Laureen held onto him.
"I'm scared and overwhelmed, twins. Two months already and . . . I'm scared, love. I wanna go home."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top