Ch. 39

Ngumiti si Laureen nang makita ang reaksyon ng Tita Amira niya habang nakatingin kay Aston. Nakanganga ito, very animated pa nga ang reaksyon at naniningkit ang mga mata.

"Ano'ng ginawa mo riyan sa jowa mo, ba't ang tindi ng glow up?" tanong ng Tita Amira niya na ikinatawa ng mga kasama niya sa lamesa.

"Iniwan ba naman ni LJ, malamang magpapapogi lalo," sagot naman ni Job sabay tingin sa kaniya. "Ikaw rin, e. Ang ganda ng katawan mo ngayon. Ano'ng ginawa mo?"

Bumaba ang tingin ni Laureen sa tiyan. "Noong nasa Hawaii ako, nag-run ako everyday, pero parang three weeks na akong hindi nakakatakbo kasi late na 'ko nagigising. But I still workout 'pag may time. I'll maintain this body na siguro. I like it."

Her Tita Amira agreed, and they started talking about skincare. Wala itong sina-suggest na products sa kaniya. Ang palagi lang nitong sinasabi ay uminom ng tubig, magpalit ng pillowcase, at maghilamos sa umaga pagkagising at bago matulog.

Teenage Laureen was thankful that she had Amira. Hindi naman kasi conscious ang mommy niya noon at natural na maganda ang balat.

Hindi naging exempted si Laureen sa pimples noong teenager siya kaya si Amira ang tumulong sa kaniya. Tinuruan siya kung paano ang tamang paghihilamos. Sinasamahan pa siya nito sa derma para lang masigurong magiging maayos ang skin niya.

Ibinalik niya ang tingin sa dalampasigan. Nakatayo roon sina Koa na binabantayan si Gali habang bumubuo ng sand castles; at si Aston na buhat si Alistair. Naka-diaper lang ito at pinaaarawan ang likuran.

"Nakakatampo pa rin na I had no idea about the pregnancy," Amira uttered out of nowhere while staring at the beach and then looked at Laureen. "Na-hurt ako, pero naiintindihan ko rin naman. Even your parents had no idea about it, pero sana nasamahan ka namin."

Nilingon ni Laureen ang mommy niya na nakaupo sa tabi ng Tita Amira niya. Tumingin din sa kaniya ang daddy niya na tumigil sa pakikipag-usap kay Jude dahil sa narinig.

"I'm sorry, Tita." Laureen forced a smile, but she was hurting inside. "I really, really, really wanna tell people about it, but chose not to. The most important thing now is that Ali and I have survived. We're okay, and he's growing fast. That's all that matters."

Pasimpleng nilingon ni Laureen ang parents niya na siyang nakaaalam sa pamilya niya kung ano ang totoo. Her dad smiled, her mom nodded. What she said was the safest response. Binago na lang niya ulit ang usapan at kinumusta ang project na natanggap ni Amira para sa isang movie kasama ang mga sikat na batang artista.

Meanwhile, Aston gazed at Laureen who was laughing with her family. Kararating lang nila kung tutuusin kaya medyo inaantok sila, pero maganda ang sikat ng araw kaya pinaarawan na rin muna niya Alistair.

"Ang bilis talagang lumaki ng mga baby, 'no?" sabi ni Koa habang nakasalampak sa buhanginan. "Isang araw, hindi mo na mamamalayang tumatakbo na rin si Ali."

"I'm actually looking forward to it." Ngumiti si Aston at tinitigan si Alistair. "Ini-imagine ko na nga 'pag maghahabulan kami, e. I didn't even know I'd love to be a father."

Natawa si Koa at umiling. "Pareho kayo ng sinabi ni Laureen. Sa totoo lang, nagulat talaga akong nagkaanak 'yan si Reen, e. Imagine naman kasi, teens pa lang kami, vocal na 'yan na ayaw niyang magkaanak. 'Tapos noong birthday ni Lucien, nagulat kaming lahat na meron pala kayong Alistair. Grabe magtago, e."

Ngumiti si Aston at hinaplos ang likod ng anak. Nararamdmaan na niyang medyo naiirita na ito, pero hinahayaan lang niya dahil maganda pa rin ang saktong init ng araw sa balat nila.

"Ang laki ng pinagbago ni Laureen, Aston. Sa nakita ko, ang laking step ng pagkakaroon ng anak para sa kaniya. Sobrang laki. Hindi ko alam kung magiging masaya ako na nagbago ang pananaw niya o malulungkot dahil nagbago ang pananaw niya." Tumingin si Koa sa kaniya. "Basta kung ano man ang maging desisyon niya, suporta lang din kaming lahat sa kaniya."

Naging panatag ang pakiramdam ni Aston nang marinig ang mga sinabi ni Koa. Natutuwa siyang bukod sa kaniya, maraming nagmamahal kay Laureen lalo na ang pamilya nito. Masaya siya na may nasasandalan at mayroong puwedeng puntahan kung sakali mang mabigat na ang lahat.

Aston was aware that Laureen was the problem. She isolated herself from these people who only wanted what was best for her. Naiintindihan din naman niya kung bakit. His girlfriend tended to stay away from everyone, and they all understood, but sometimes, even if it were too heavy, Laureen would still shut them all out.

Pinagkuwentuhan nina Aston at Koa ang Baler. Pinag-usapan nila ang businesses at ang pagiging surfer nito. Minsan pa rin namang lumalaban, pero mas madalas nang nagtuturo na lang sa mga turista habang tumutulong sa family businesses dahil ayaw umalis nang hindi kasama sina Gali at Mariam.

Natigil ang kuwentuhan nila nang tawagin na sila ni Laureen. Nakita niya ang paghikab nito at inaya siyang pumasok muna sa bahay.

"Magpahinga muna kayong dalawa," sabi ng mommy ni Laureen. "Kami na muna ang bahala rito kay Ali. Nasa bag naman lahat ng kailangan niya, 'di ba? Gigisingin na lang namin kayo mamayang lunch?"

Tumango si Laureen at nagpasalamat sa mga magulang. Nagpaalam din muna sila sa lahat dahil totoo namang pareho silang inaantok. Spontaneous lang ang pagpunta nila sa Baler. It was a random decision and both agreed kaya madaling-araw pa lang kanina, nasa daan sila.

After taking a bath, both slept instantly and Aston was the first to wake up. Nagulat siyang alas-kwatro na. Hindi na sila nagising ni Laureen noong lunch at paglabas niya ng kuwarto, naabutan niya ang parents ni Laureen na nasa living room, nilalaro si Alistair na gising na gising.

"Hindi na namin kayo ginising kanina," sabi ng mommy ni Laureen na tumayo. "Nagugutom ka na ba, Aston? Maghahain na ba ako?"

Kaagad siyang umiling. "Hindi po, Tita. Hihintayin ko na po si Laureen. Hindi naman po kayo pinahirapan ni Ali?"

"Naku, hindi. Tama nga si LJ! Happy baby 'tong si Alistair, pero mukhang nagpa-practice na rin siyang mag-balance ng leeg, 'no? He's just four months, pero parang gusto na rin yatang dumapa, e," natutuwang sabi ng mommy ni Laureen. "Sa 'min muna siya. You guys should relax. We're aware that being first-time parents is hard."

"We're enjoying it po." Ngumiti si Aston at hinarap ang daddy ni Laureen. "Tito, s'an po kaya tayo makakabili ng hipon? Ganitong oras po ba maraming seafood sa palengke? Laureen mentioned seafood boil. Parang gusto raw po niya."

Tumayo ang daddy ni Laureen. "Sige, pupunta ako sa palengke. Iyon lang ba ang sinabi niya?"

"Parang 'yon lang naman po. Puwede po ba akong sumama?" tanong ni Aston. "Magbibihis lang po ako sandali. Sasama po ako."

"Oo naman." Nilingon nto ang asawa. "Mahal, okay ka lang ba rito? Gusto mo bang papuntahin ko sina Job at Patrick?"

Umiling ang mommy ni Laureen. "Hindi na, mahal. Kaya naman. Baka magising na rin mamaya si LJ. You can go. Bili kayo ng fruits like mango or watermelon. I-shake natin."

Bago umalis, hinalikan na muna ni Aston si Laureen sa pisngi. Mahimbing pa itong natutulog. Nakataas pa nga ang dalawang kamay at bahagyang nakanganga. Halatang pagod at antok na ikinangiti niya.

Isa pa, he knew that Laureen was comfortable. It was her childhood room!

Daddy ni Laureen ang nag-drive. Pinag-uusapan nila kung gaano ka-successful ang businesses sa Baler nitong summer dahil napakaraming turista. The hotel and resort were thriving. The convenience store franchise was also doing well.

"So, how's your relationship with LJ?" Laureen's dad randomly asked. "If you don't mind me asking. Nag-aalala lang ako na baka . . . mangyari na naman ang hindi dapat."

"We're okay, Tito. I think, mas naging maayos kaming dalawa after the breakup. We both thought that we needed that break from each other. We talk a lot now, Tito," aniya sa casual na boses kahit na medyo kinakabahan. "I'm sorry about everything that had happened."

Mahinang natawa ang daddy ni Laureen at bahagyang lumingon sa kaniya. "Bakit ka nagso-sorry? You had every right to be tired. Hindi ko ipagtatanggol si LJ dahil kilala ko ang anak ko kaya ako mismo ang hihingi ng sorry sa nangyari. Good that LJ's communicating now. Big step 'yan sa kaniya. She really need to step up para mag-work ang relationship n'yo."

"Tito, I wanna marry your daughter," he said casually. "I . . . casually asked her to come here so I can ask you before I talk to her about this. She has no idea. Niyaya ko siya rito para makausap kayo."

Bago pa man sumagot ang daddy ni Laureen, tumigil na ang sasakyan sa harapan ng palengke. Nauna itong bumaba kaya naiwan siya sa loob ng sasakyan, nag-iisip kung tama bang nagtanong siya dahil wala siyang nakuhang sagot.

May kinuha ito sa trunk ng sasakyan. Ice box para siguro sa bibilhin nila. Bumaba siya at sumabay sa paglakad papunta sa loob ng palengke.

Everyone greeted Laureen's dad and asked who he was. Ito rin kasi ang unang beses na sumama siya sa daddy ni Laureen. Actually, ito ang unang beses na silang dalawa lang dahil madalas na nagkakasama lang sila kainan o sa inuman sa mismong harapan ng bahay ng mga ito.

Pinanood niya kung paano ito bumili. Hindi tumatawad at nagki-keep the change pa, sinisiguro ding fresh ang mga nabibiling isda, hipon, seashells, at kung ano-ano pa.

Aston volunteered to hold the ice box while Laureen's dad bought vegetables, eggs, and fruits.

He observed how he would talk to people casually. Mukhang kilalang-kilala ito sa palengke dahil alam na rin ng mga tindera kung ano ang posibleng bilhin.

Ipinakilala rin siya nito sa mga nakakausap na tindera bilang boyfriend ni Laureen. Panay ang puri ng mga ito sa kaniya tulad ng mukha siyang mayaman, singkit, at napakabango. Natawa siya nang haplusin ng isang may-edad na babae ang tattoo niya at tinanong kung masakit daw ba.

"Ilagay na muna natin 'tong pinamili sa trunk. Kumakain ka ba ng halo-halo sa daan? May alam ako ritong masarap," pag-aya ng daddy ni Laureen.

Sumunod lang si Aston at nang makarating sila sa canteen na mayroong halo-halo, naupo siya at naghintay.

"Alam mo, hindi ako o si Laurel ang dapat na alalahanin mo sa pagtatanong mo, e," sabi nito na naupo sa harapan niya. "Kung kami lang, walang problema sa 'min kasi mabait ka. Napagtiisan mo nga siya, e."

Sabay silang natawa. Magsasalita pa sana ulit ang daddy ni Laureen, pero dumating ang order nilang halo-halo.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Prinsesa ko 'yon, e, pero nasa tamang edad na rin naman siya. Masaya naman kayong dalawa. Kung sa tingin mo, okay na kayo at ready na kayo, sige lang." Ngumiti ang daddy ni Laureen. "Wala naman kaming ibang gusto ni Laurel kung hindi ang maging masaya ang mga anak namin. Kaya nga kahit na naiwan kaming dalawa kasi mas pinili nilang lumayo, hinayaan na lang din namin sila."

Tahimik na nakatitig si Aston sa daddy ni Laureen. May pagbabago sa boses nito habang inaalala ang mga anak.

"Masyado na silang nakulong sa buhay namin, sa sitwasyon ng pamilya namin, sa tingin ng iba, sa sinasabi ng iba . . ." Malalim itong huminga. "Huwag mo na lang 'tong sasabihin kay Laureen, ha? Alam mo bang noong magpaalam siya sa 'min na mag-aaral siya sa Paris, nakangiti kaming nag-agree ni Laurel. Pareho kaming naging masaya para sa kaniya, sinamahan pa namin siyang mag-enroll, mag-ayos ng bahay niya roon, at siguruhing maayos ang lahat sa kaniya . . . pero ang sakit-sakit sa 'min."

"Sa tuwing naalala ko kung paano kaming magkatalikuran ni Laurel sa eroplano pabalik ng Pilipinas dahil hindi namin ginawang pigilan si LJ kahit na gusto namin. Hindi namin pinigilan kasi alam namin na susunod si LJ sa 'min, pero hindi siya magiging masaya," pagpapatuloy nito. "Alam naming gusto niyang lumayo sa shadow ng nakaraan namin, pero ang sakit sa 'min bilang magulang."

Yumuko si Aston at hinalo-halo ang yelo ng halo-halo habang pinoproseso ang mga sinasabi ng daddy ni Laureen.

"Pag-uwi niya, excited kami. Akala namin magtatagal siya rito sa Baler, pero kinausap niya kaming nag-decide na siyang sa Baesa na siya tutuloy. Sa Baesa na siya titira, na siya na ang mamamahala sa hacienda. Again, Laurel and I agreed and we we're happy for her. We are happy for her, but we're hurt for us. Then this time, after your breakup, she ran to us . . . but decided to leave again to be alone in Hawaii."

"Laurel asked herself . . . no, I did too. What have we done? Bakit gustong lumayo ng mga anak namin sa 'min? Hindi ba namin siya puwedeng samahan ngayon? Pero hinayaan ulit namin siya." Umiling ang daddy ni Laureen. "Walang problema sa 'min na magpakasal kayo. Mas gusto namin 'yan para may kasama na si Laureen. Para this time, hindi na siya mag-isa. Mas gusto niyang mag-isa, pero mas mapapanatag kami ni Laurel na may makakasama na siya."

Ngumiti si Aston. "I won't take her away from you, Tito."

"Alam naman namin 'yon. Siguro isa lang ang hiling ko?" nahihiyang sabi nito. "Puwede bang ayain mo si LJ dito kahit once or twice a month? Kahit 'yon lang?"

"Oo naman po." Tumango si Aston at nakipagkamay sa daddy ni Laureen. "I will, Tito. What if we'll stay here one week every month. Okay lang po ba 'yon sa inyo?"

Natawa ang daddy ni Atlas. "Basta ba okay sa inyo, e. We'd love to have you all here."

Aston nodded and smiled. He listened to Laureen's dad's stories about baby LJ, how she wouldn't even cry over a wound, or how she would be super thankful for small things such as a teddy bear or donuts with strawberry sprinkles.

Habang inoobserbahan ang daddy ni Laureen na nagkukuwento tungkol sa anak, kita niya ang longingness at pagiging proud sa lahat ng na-achieve ng anak. Bigla niyang naisip ang hiniling sa kaniya ng daddy ni Laureen dahil kung tutuusin, nakapasimple . . . at nakalulungkot na kailangan pang hilingin sa kaniya iyon.

Pagdating nila sa bahay, naabutan nila si Laureen na nasa labas ng bahay. Nasa reclining chair at nasa ibabaw nito si Alistair na mahimbing na natutulog. Binati niya ito at nagpaalam na maliligo lang muna sandali.

Meanwhile, Laureen shut her eyes while making sure Alistair was comfortable. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila ni Aston dito, pero nag-decide siya na kung sakali mang kailangan na nitong bumalik sa Manila, baka magpaiwan na muna silang mag-ina.

She missed Baler and everyone. She wanted to stay for a while and be with her parents. Pakiramdam niya, magiging busy siya sa mga susunod pa dahil kailangan niyang bumalik sa trabaho. She had beed saying no to meetings lately or Hannah would attend for her. Marami na siyang utang sa kaibigan niya.

"Hey, love." Hinalikan ni Aston ang tuktok ng ulo niya. "Kanina pa siya nakatulog?"

"Medyo. Pagkagising ko inaantok na rin siya, e. How's palengke with Dad?" Laureen asked. "I didn't ask for a seafood boil, love. What's going on?"

Aston chuckled and sat beside her. Hinalikan nito ang pisngi niya at saka ipinikit ang mga mata.

"Nothing. I wanna talk to your dad about marrying you," Aston casually said. "I asked for your hand in marriage."

Laureen squinted and stared at Aston's side profile. Masyado yata siyang mesmerized sa mukha ni Aston na parang hindi na siya nagulat. Nag-focus pa nga siya sa tangos ng ilong nito pati na rin sa kung gaano kasingkit kapag naka-sideview sa kaniya.

"Love, ang ganda pala ng stud earrings mo?" aniya habang nakatingin sa tainga ni Aston. Hinaplos niya pa iyon. "Ngayon ko lang siya natitigan."

Aston laughed but didn't say a word.

"Are you sure you wanna be stuck with me?" tanong ni Laureen bago isinubsob ang mukha sa braso ni Aston. "Kasi . . . ."

"I really don't know how I'd ask you. Ayaw kong tanungin ka sa harapan ng ibang tao. That's ambush. Ayaw kong may ibang makakaalam, but I respect your dad and wanna ask him first," Aston said in a low voice. "I don't even know what's the correct question. Will you marry me? Can I marry you? Would you marry me? Or just . . . please, marry me."

Both were whispering so Alistair wouldn't wake up.

Laureen chuckled silently and brushed Aston's hair using her fingertips. "Any question will do. The answer naman is yes."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys