Ch. 38
Laureen woke up from an afternoon nap and saw Aston playing with Alistair. Nakahiga ang dalawa sa carpeted floor na mayroong duvet. Naririnig niya ang pagkuwento ni Aston hawak ang elephant stuffed toy na regalo ni Audi.
Nasa bahay pa rin sila ng parents ni Aston. It had been three days and everyone was treating her well.
"Hello," bati niya sa mag-ama.
"Hello!" Malapad na ngumiti si Aston ngunit nanatili sa posisyon. "Love, inaantok na si Alistair. Siya naman daw ang matutulog."
Natawa si Laureen at bumangon. Tumabi siya kay Alistair at hinalikan ito sa pisngi. Hindi nga nagbibiro si Aston dahil bigla na lang din humikab ang anak nila. Hinalikan din niya ang noo ni Aston.
"Sabayan mo na lang matulog. Gigisingin na lang kita 'pag dinner niya," sabi niya habang hinahaplos ang noo nito.
Tumango si Aston at nagpatuloy sa pagkuwento kay Alistair. Sandali niyang pinakinggan ang made up story ni Aston tungkol sa baby elephant na nahiwalay sa mommy at umiiyak dahil hungry. Gusto niyang humalakhak dahil sa rhyming ni Aston, pero hindi niya ginawa para hindi mawala ang concentration.
"Love, baba lang ako sandali. Nagugutom ako." Bumangon siya at inayos ang buhok.
"Sige, love. Nagpaluto si Mommy ng pancit kanina para sa meryenda," sagot ni Aston. "Sa baba ka na ba kakain or aakyat ka?"
Napaisip si Laureen. "Puwede naman akong umakyat na lang dito. Okay lang ba sa 'yong kumain tayo rito sa room mo?"
"Gusto mo ako na lang ang kukuha?"
Akmang tatayo si Aston nang pigilan ito ni Laureen. "Ako na, love. Ituloy mo 'yang kwento mo kay Ali then let's try na mag-sleep siya so you can eat peacefully."
Tumango si Aston at ibinalik ang atensyon kay Alistair. Bumaba naman si Laureen para kumuha ng pagkain nila at naabutan si Audi na nasa kusina, umiinom ng juice. Nagtama ang tingin nila at pareho silang ngumiti.
Simula nang makabalik siya galing sa Hawaii, wala pa silang maayos na pag-uusap ni Audi dahil naiilang siya rito. Naalala niya rin kasi ang picture nito sa group chat ng magpipinsan kasama si Nicka, ang ex-girlfriend ni Aston.
"The microwave's there if kakain ka ng pansit. Medyo malamig na kasi siya." Itinuro nito ang microwave sa gilid ng ref. "Tulog ba si Ali?"
"Hindi pa, pero susubukang patulugin ni Aston." Nginitian niya si Audi at saka nilagpasan ito. Kumuha siya ng isang pinggan at nagsandok ng kabundok na pansit para pagsaluhan nila ni Aston. "Audi, can you kindly show me where the breads are?"
Si Audi na mismo ang kumuha at ito na rin mismo ang nag-init sa toaster. Itinanong pa kung gusto niya ng butter, tumango siya. Tinanong din siya kung coffee or juice, she chose juice.
"Ate?"
Nilingon niya si Audi na nakasandal sa kitchen counter habang nakatingin sa kaniya. Alam niyang nagsalubong ang kilay niya sa pagtawag nito sa kaniya, pero hindi siya nagsalita.
"I wanna apologize about the group chat," sabi ni Audi habang nakatingin sa kaniya. "It was wrong to send a photo with me and Nicka. I'm sorry about everything. I won't enumerate; it's going be insensitive . . . but I wanna have a good relationship with you. Can I call you ate, or is that just too much?"
Laureen widely smiled and scraped her lip using her teeth. "Kung saan ka comfortable, okay lang kahit na ano. Thank you for apologizing, it means a lot to me."
Tumango at ngumiti si Audi. Inayos nito ang toasted bread para sa kanila ni Aston pati na rin ang juice na inilagay pa sa mini jug para hindi na raw sila bababa.
Audi also opened a topic about her pregnancy in Hawaii. Lying gets better each time people ask about Alistair. Unti-unti na siyang nasasanay sa sasabihin at nagiging natural na para sa kaniya. She would just divert the conversation to present Alistair to avoid uncomfortability.
Nang maayos ang lahat, tinulungan pa siya ni Audi na umakyat sa kuwarto. Ito ang may bitbit sa mga pagkain at tanging juice lang ang ipinadala sa kaniya. Nag-uusap pa sila papasok sana sa kuwarto, pero kaagad silang sinenyasan ni Aston na huwag maingay dahil natutulog na ang anak nila.
Laureen thanked Audi, and Aston gave her a look as if asking what had happened. Hindi kasi nila napag-uusapan ang kapatid nito. Hindi rin siya pinipilit na makipag-usap o makipag-interact lalo na at naging insensitive naman talaga si Audi sa kaniya.
Maingat na ibinaba ni Aston si Alistair sa kama at sumabay sa kaniya sa pagkain habang nanonood ng movie. They were whispering and making sure there was a minimal sound for Alistair to sleep.
They were enjoying their meal when Aston received a notification. Laureen saw Aston's brows furrowed and locked the phone without replying.
"Something wrong?" she asked.
"Nothing. Nag-message 'yong college friend namin sa group chat. Opening daw siya sa isang concert mamaya sa isang events place malapit sa isang mall. He's inviting everyone kung gustong manood since it's his first time," Aston casually said and drank some juice.
"Why don't you attend? Tama nga naman. You should support him," Laureen suggested.
Aston shook his head. "Nakakatam—" He paused and stared at her. "Gusto mong pumunta? We can ask Mom and Dad to look after Alistair while we're gone. Hindi pa kita nakakasama sa concerts, e."
Laureen squinted and agreed. In fact, it had been long since she watched a live concert. Kung hindi siya nagkakamali, high school pa siya at kasama sina Koa at Madi. She wasn't a fan of crowded places, which was suffocating.
But why not?
"Hindi ba nakakahiya sa parents mo na we'll leave Alistair?" Laureen asked. "If you're sure na okay sa parents mo, we can go. We can support your friend."
She wanted to laugh the moment she saw how shocked Aston was.
"A-Are you sure?" Aston stared at her. "I mean—"
"Try lang natin." She smiled widely. "I'll tell you if hindi ko na gusto. Tingin mo?"
Alam ni Laureen na napaisip si Aston sa offer niya, pero nag-agree ito basta sabihin lang daw niya kapag hindi na siya komportable para makaalis sila. Hindi niya alam kung matutuwa na iniisip ni Aston ang mararamdaman niya o malulungkot dahil may possibility na mag-overthink naman ito sa nararamdaman niya. Magulo.
And both weren't kidding. At six in the evening, dumating sila sa mall. Sinalubong sila ng mismong kaibigan ni Aston para bigyan sila ng VIP tickets kahit na sinabi nilang bibili na lang. Turns out, no one showed up. Silang dalawa lang and Aston's friend was so happy to see them.
First time makilala ni Laureen si Jack. Hindi rin naman ito nakukuwento ni Aston sa kaniya.
Nagpaalam ito sa kanila pagkatapos magkuwentuhan.
"He looks so happy," ani Laureen nang makaupo sila ni Aston sa isang coffee shop para sandaling tumambay bago ang concert.
Ngumiti si Aston at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you for this date," sabi nito ngunit halatang nalungkot. "Love, alam mo bang hindi kami close ni Jack? We're in the same circle of friends. Ang kaibigan ko talaga, 'yong isang close friend niya hanggang sa nagkakasama na lang kami sa inuman."
Tahimik na nakikinig si Laureen dahil hindi niya iyon inasahan lalo nang salubingin sila na mayroong malaking ngiti. Excited pa itong nagkuwento sa kanila kung paano nakuhang maging front ng isang bandang sikat sa Pilipinas. Tuwang-tuwa rin nitong itinuro sa kanila kung saan sila pupuwesto at malapit iyon sa stage. Halos sa harapan na.
"I feel bad now that no one, even his closest friends, showed up." Inilabas ni Aston ang phone. "No one even replied to his invitation. I was actually expecting to see familiar faces, pero wala. It's just one night."
Malalim na huminga si Laureen at hinaplos ang pisngi ni Aston. "Maybe some of them are just busy or this isn't their thing. Hindi kasi natin sila puwedeng ma-judge. We're both clueless and I don't want you thinking bad sa situation na hindi ka naman involve."
Seryosong nakatingin si Aston sa kaniya.
"What if they all talked to him privately? We'll never know, so we can't just judge them or their friendship, love. I don't want you hating on people 'tapos hindi mo naman alam ang totoo. Kung may issues man o kung ano ang maramdaman ni Jack, labas ka na roon," pagpapatuloy ni Laureen. "Not your issue, not your problem. Let's just enjoy the night, love. Let's not cloud our mind with something we're not involved."
Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Aston ang pagkalma ng dibdib niya dahil sa totoo lang, gusto niyang magalit, pero tama si Laureen. Wala silang idea sa kung ano ang totoo.
Kumain lang sila ng cake at uminom ng juice sa coffee shop habang naghihintay. Nakipag-video call din sila sa parents niya para sana kumustahin si Alistair na matutulog daw muna sa kuwarto ng mga magulang niya.
Aston's mom was so happy and loved taking photos of Alistair. Napag-usapan nga nila ni Laureen na hindi na nila kailangang mag-hire ng photographer para sa anak nila dahil sulit na sulit ang pagiging photographer ng mommy ni Aston.
Even Aston would take a photo of her and Alistair on a daily basis. For documentation purposes na ayaw namang ipakita sa kaniya.
Pagpasok nila sa venue, marami nang tao. Kinuha ng guard ang ticket nila at saka sila itinuro sa VIP area. Standing naman lahat kaya pakiramdam ni Laureen, lugi ang mga taong nasa likod nila dahil may katangkaran si Aston.
Sa LED screen, lumalabas ang picture ni Jack at ng sikat na bandang magpe-perform. Nagulat si Laureen nang kuhanan ito ng picture ni Aston dahil ipo-post daw sa social media.
Medyo maraming tao kaya siksikan. Hindi naman lumalayo si Aston sa kaniya na nakapuwesto lang sa likuran niya. Panay ang tanong nito kung okay lang ba siya at panay rin ang sabi niyang okay lang siya.
She was in her early thirties, and her heart pounded the moment a music played. Wala pa namang tao sa harapan, pero grabe ang sigawan. Sumandal siya kay Aston na ipinalibot ang braso sa kaniya. Napakapit siya roon habang pareho nilang inaabangan ang umpisa.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Aston tungkol sa group chat. Nakita niyang halos naka-seen lahat, may wow reaction, pero walang reply. She felt bad for Jack.
Personally, wala siyang group chat kasama ang mga kaibigan. Group chat lang kasama ang mga kapatid niya at mga magulang. That was it. Hindi rin niya nararanasan ang nangyari kay Jack dahil hindi naman siya nagre-reply. She even rarely read messages.
Nakapalibot ang isang braso ni Aston sa dibdib niya, sa may ibabang parte ng leeg niya. Nararamdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.
Aston and Laureen took a photo together.
Habang naghihintay sila, naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya at nakita ang tagged photo galing kay Aston. Their families were commenting enjoy and reacting to it. Bihira din kasi talaga silang mag-update ng picture na magkasama, kahit noon pa.
When the lights turned off, they were sure the concert was about to start. Mas humigpit ang yakap ni Aston mula sa likuran.
LED screen showed Jack's name and photo. There was smoke, blue LED lights, and bands playing until Jack was on the stage, playing a guitar.
The song was unfamiliar to her, but it was catchy.
"Love, what's the title?" tanong niya kahit na hindi siguradong maririnig siya.
Lumapit si Aston sa tainga niya. "The Movies, love. Jack sent me the list of songs he'll gonna cover. That's The Movies by . . ." Binasa nito ang nasa phone. "Nightly."
Tumango si Laureen at ibinalik ang tingin sa stage. Jack was enjoying, iyon ang napansin niya. Performer ito dahil bukod sa pagkanta at paggitara, nakiki-interact ito sa audiences. Panay ang ngiti nito sa mga nanonood, mayroong body movements habang kumakanta, at halatang nag-e-enjoy sa pagkanta.
Humawak ang dalawang kamay niya sa braso ni Aston na nakayakap sa kaniya. Naramdaman niya ang paghalik nito sa gilid ng noo nya pababasa pisngi at saka nila in-enjoy ang panonood kay Jack.
Jack sang five songs before the main event, but Laureen asked Aston to leave before the main performer started. Ayaw na niyang panoorin ang isa main performer dahil si Jack lang ang ipinunta nila.
"I enjoyed that." Laureen held onto Aston's arms. "Ulitin natin 'pag may gig ulit si Jack. He's good!"
"We should. That was fun." Aston chuckled. "Gusto mo na bang umuwi? Maaga pa naman. Date muna tayo?"
Laureen nodded. "Sige ba. Thank you for tonight. This is one of our many firsts, ha? You never asked me on a date like this."
Tumigil sa paglakad si Aston at humarap sa kaniya. "Because I thought you wouldn't like this. Akala ko . . . no, wait. You hated crowded places, you were busy with work, and I assumed you didn't like it. I'm sorry I didn't ask."
Ilang beses kumurap si Laureen habang nakatitig kay Aston. "Love, it's okay. You were thinking about me and I understand. There's nothing to apologize. Ako ang nag-set ng boundaries and rules noon kaya hindi ka rin nagtanong." Hinalikan niya ang pisngi nito. "From now on, please ask me anything. I wanna hear everything."
Nasa labas sila ng events place at mayroong iilang tao. Naririnig nila ang tugtog sa loob.
The lyrics were—
'Cause as long as there's each other
The world won't even matter
And life would be a simple bliss
It'd be as simple as this
"I will." Aston kissed the tip of her nose. "But, Laureen . . . I have one question."
"Hmm?"
"You still write your yearly plan? Like . . . one-year plan, three years, or five years?"
Napaisip si Laureen. "Actually, I haven't done that since Ali!" aniya na nagulat din sa sarili. "Why?"
Umiling si Aston at ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya at naunang naglakad.
"Hey, Aston! Why?"
Patagilid siyang nilingon ni Aston na may munting ngiti sa labi. "Nothing. I was just asking."
"That is not a random question, Aston! What's going on?"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top