Ch. 36
Laureen woke up without Aston and Alistair in bed. She didn't realize it was already nine in the morning and she slept through the night. Madalas siyang gising sa madaling-araw para magpadede kay Ali, pero buong magdamag naman siyang hindi nagising.
Inayos muna niya ang sarili bago bumaba. Naabutan niya sina Hannah at Manang Tess sa kusina at mukhang pinag-uusapan ang groceries nila sa mga susunod. Tinanong niya kung nasaan sina Aston at Alistair, itinuro ng mga ito ang hammock sa ilalim ng puno.
And the moment she saw her boys, her lips automatically curled up into a smile. Nakakandong si Alistair kay Aston habang nakaupo sa papag at mukhang nagbabasa ng libro. Nakita rin niya ang baby bag ni Ali na malamang ay mayroong lamang gatas.
Aston was topless and wearing colorful beach shorts, while Ali wore his nappy and a sando. Kaagad na tumingin sa kaniya si Aston nang makita siya at ikinaway ang maliit na kamay ni Ali.
"Good morning." Naupo siya sa papag, sa tabi ni Aston. "Maaga kayong nagising?"
"Siya ang maagang nagising kaya lumabas na lang kami para makatulog ka na rin muna." Hinalikan ni Aston ang gilid ng noo niya. "Hindi na ba masakit ang ulo mo?"
Umiling siya at hinalikan ang pisngi ni Aston sumunod ang tuktok ng ulo ni Alistair. "Hindi naman na. Ikaw ba ang nag-ipit sa kaniya? Ang cute, ha!"
"Si Manang Tess." Natawa si Aston. "Naiirita kasi siya kanina, panay ang hawi ng buhok. Tumatama na yata rin kasi sa mata niya, e. His hair's so luscious, love. Parang medyo curly rin like you!"
Ngumiti si Laureen at kinuha si Alistair mula kay Aston. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ng anak, sunod ay ang leeg nitong paborito niya lalo na kapag bagong ligo at mayroong kaunting pulbo.
Samantalang pasimpleng nilingon ni Aston si Laureen na humahagikgik habang hinahalikan ang anak. Bumaba rin ang tingin niya sa bracelet na suot nito. Ibinalik niya iyon noong magkausap silang susubukan ulit nila.
Aston held onto that bracelet for months. Obviously, he didn't wear it because it was too small, but it was always with him. He still looked forward to giving it to Laureen.
He watched how Laureen played with Alistair. She would talk to him, tell him stories about horses, goats, and the farm, and often dance with him. Laureen would even spend her night reading books to Alistair before sleeping. These were just some of the observations he had the past two weeks.
And it wasn't the Laureen he dated for a year. This Laureen was completely different.
"Why are you looking at me like that?" Laureen asked without even looking at him.
"Naninibago ako," Aston said truthfully. "You're not the Laureen I dated. You're not my workaholic girlfriend who would spend her time reading documents before sleeping. You're not that woman I dated who would wake up at four in the morning to jog or work."
Aston saw how Laureen's eyes widened in shock and looked worried.
"Hey, love." He chuckled. "It's not a bad thing! Naninibago lang ako kasi malaki talaga ang changes. I love the old Laureen, and I love you now . . . Actually, it feels like falling in love with you all over again."
Laureen stared at him and hugged Alistair.
"You were the opposite of the Laureen we all met. From working late to sleeping late because Ali's still awake. From waking up early to waking up at nine. From reading documents and reports to reading stories for Ali," Aston explained. "Bago kasi sa 'kin 'to, e. You were vocal about the possibility of a child-free marriage, and I was okay with that. You don't carry babies, not even watching a video of them."
Laureen smiled and bit her lower lip.
"I remember you telling us that babies are cute, but they're a handful, and you don't know if you want them for yourself. Gusto mo ng babies, but for others. A baby you can give back to the parents when things get messy." Aston chuckled. "I never imagined you'd be a mom. I was always okay na tayong dalawa lang."
Yumuko si Laureen at hinalikan ang pisngi ni Alistair. Sandali niyang tinitigan ang sanggol na nagpabago sa kaniya. Kahit naman siya mismo, hindi niya inasahang magiging ina siya.
"I never knew I'd fall in love with him. I didn't want to, but this baby changed my perspective in life." Laureen sniffed. "And I love being a mom!"
Malakas na natawa si Aston at hinalikan siya sa pisngi. Tumayo ito at kinuha si Alistair sa ka kaniya para isayaw-sayaw. Nanatili naman siyang nakaupo sa papag, pinanonood ang dalawa. Itinuro pa ni Aston si Sergent na tumatakbo sa hacienda kasama ang iba pang kabayo.
Totoo naman ang sinabi ni Aston dahil kahit mismong siya, nagugulat sa mga nangyayari sa kaniya simula nang dumating si Alistair sa buhay niya. Madalas pa siyang napagagalitan ni Hannah ngayon dahil ayaw niyang magtrabaho. Ilang beses siyang napagsabihan ni Hannah dahil ayaw na niyang magpunta sa mga meeting dahil ayaw niyang iwanan ang anak.
Noong minsang kailangan niyang makipag-meeting sa ilang business partners, nakiusap siya kay Hannah na ito na lang ang magpunta dahil ayaw niyang iwanan ang anak dahil simula nang dumating si Alistair sa buhay niya, naramdaman niya ang separation anxiety na huli niyang naramdaman nang mag-aral siya sa Paris.
Kung puwede lang niyang isama sa kung saan ang anak niya, gagawin niya.
"Love, paliguan na natin siya?" pag-aya ni Aston. "Baka mag-sleep na rin siya mamaya kasi maaga siyang nagising?"
Laureen agreed and happily walked with Aston. Nag-usap din sila na pupunta sila sa grocery mamayang hapon dahil darating kinabukasan si Nyla, ang pinsan ni Aston, para sa interview kasama ang ilang pulitiko ng Baesa.
Sa bathroom, nakaupo si Laureen sa nakasaradong toilet bowl habang pinanonood kung paano paliguan ni Aston si Alistair. Nasa loob ng bathtub ang dalawa, pero walang tubig. Mayroon lang baby bathtub para kay Alistair na panay ang paggalaw dahil sa maingat na pagpapaligo ni Aston.
"I can't believe he's more than three months na," aniya habang nakatitig sa anak. "His hair's so thick, 'no? Grabe rin the big curls."
"Mana nga sa 'yo, e," sagot naman ni Aston. "My hair's straight. Sa 'yo talaga 'to."
"I'm not even complaining." Ngumiti si Laureen at nilingon si Aston nang may maalala. "Love, hindi pa ikaw babalik sa work? Baka magalit na sa 'kin sina Tito na you're always here and ilang months ka nang hindi nagwo-work sa company 'tapos nandito ka naman."
Tumaas ang dalawang balikat ni Aston. "It's okay. I talked to my parents about it. They actually told me to focus on you and Ali for now lalo na't kailangan ko raw bumawi sa 'yo for not being there before and during Ali."
"I can manage naman. You can—"
"Love, they're right. Kailangan kong bumawi sa 'yo at kay Ali . . ." Nilagyan nito ang ilong niya ng bubbles. "And kailangan mo ring bumawi sa 'kin. They're sending me work naman thru email kaya wala akong pagkukulang sa company. We're good. We have a lot of time to bond."
Muling natahimik si Laureen dahil mayroon siyang naisip. Hindi niya inalisan ng tingin si Aston at Alistair.
"What's going on? Love, we're good," Aston said.
Laureen breathed. "I was just thinking, hindi ka ba nakokonsensya na . . . we're actually betraying people around us by telling them that Ali's—"
"He's our son, love. Labas na silang lahat doon. Mas magandang iilan lang ang nakakaalam. They don't need to know the truth. It's easier to handle when only a few people know about this. Ali's our baby," Aston said in a low voice but immediately shifted to a happy voice when talking to Alistair.
Ipinatong ni Laureen ang baba sa palad habang pinanonood kung paano asikasuhin ni Aston ang anak nila. Oo, nila. Iyon na ang pinanindigan nilang dalawa at napag-usapang hindi na muling bubuksan ang topic tungkol sa adoption ni Alistair.
Ali's their baby.
—
Madaling-araw dumating si Nyla kaya naman maagang nagising si Aston para salubungin ang pinsan. Dinala muna niya ito sa isang guest room para makapagpahinga dahil after breakfast pa naman ang usapan.
Maaga ring nag-ayos si Laureen dahil mayroon din siyang sariling meeting kasama ang mga trabahador sa farm lalo na ang mga magsasaka para sa susunod na pagtatanim ng palay. Isa ring binabantayan nila ang pag-ani ng mga okra, sitaw, at kamatis.
Kumakain sila ng almusal nang sabihin ni Hannah na dumating si Travis. Sabay silang lumabas ni Aston sa dining area para salubungin ito. May bitbit itong malaking box at ibinaba iyon sa living room.
Ngayon lang sila nagkita dahil naging busy ito kaya hindi na rin nakarating noong nakaraang linggo para sa welcome party.
"Kailan ka dumating?" Nakipagkamay si Aston kay Travis.
"Kahapon lang," ani Travis na dumako ang tingin kay Alistair na buhat ni Aston. "Grabe. Laureen na Laureen, ha?"
Ngumiti si Laureen at nakipagkamay kay Travis. Tinanong niya kung ano ang laman ng box na dala nito at sinabing puro regalo para sa anak niya tulad ng mga laruan, libro, at mga damit na nabili noong nagpunta sa New York. Even Travis' parents had a gift for her son.
"Mom's asking if they can visit you and Alistair," sabi ni Travis na ibinaling ang tingin kay Aston. "Only if you two are comfortable."
"Oo naman! We can set a dinner with your parents tonight. Tingin mo, love?" Nilingon ni Aston si Laureen.
Tumango si Laureen. "Why not? Maybe tomorrow? Tingin mo? Puwede nating i-suggest kay Nyla na ma-interview si Tito Ted. If he's interested, ha?"
Travis' dad was a congressman. Sakto iyon sa kailangan ni Nyla para sa isinusulat nitong article tungkol sa mga politiko nang ilang taon at mga bagong politiko.
Tinanong ni Travis kung puwede ba nitong buhatin si Alistair na kaagad namang ibinigay ni Aston. Nagpaalam ito sa kanila na tatawagin si Nyla sa kuwarto para sabihing dumating na si Travis.
Laureen saw how Travis held onto Alistair's small hands while swaying.
"You look better than the last time I saw you," Travis said and looked at her. "How are you?"
"I went to therapies for months." Laureen smiled.
"Finally. Finally, LJ. Changes are visible, by the way. You look happier now . . . and this." Ikinaway ni Travis ang maliit na kamay ni Alistair. "This little one's unexpected. Kaya pala heightened ang emotions mo that time, e. The hormones. Kaya pala grabe kang umiyak."
Laureen just smiled and didn't say anything to correct Travis. Even Hannah and Manang Tess assumed she was a mess after the breakup because of her hormones. Kaya naman daw pala iyak siya nang iyak ay dahil mayroon siyang dinadala.
Natigil ang pag-uusap nila ni Travis nang marinig ang boses nina Aston at Nyla. Sabay silang tumingala nang maaninag ang dalawang bumababa sa hagdan.
But the moment Travis saw Nyla, he stopped swaying Alistair. Nakatitig lang ito at nakatingala sa hagdan habang nakatingin sa pinsan ni Aston. Literal na nagsalubong ang kilay ni Laureen sa nakita. Hindi niya iyon inasahan.
Nyla also stopped walking while looking at Travis. Hawak nito ang iPad at phone. Literal din na nagkatinginan sina Aston at Laureen dahil sa nangyari. Nagsalubong pa ang kilay ni Aston, pero naunang bumaba.
"Dito na lang kayo sa living room?" tanong ni Aston nang makalapit kay Travis, pero nakatingin siya kay Laureen. Pareho silang nagtaka.
"Ah, yes. Puwede naman," sagot ni Travis na ibinalik si Alistair sa kaniya bago muling nilingon si Nyla. "Good morning."
"Good morning." Ngumiti si Nyla at tumingin kay Laureen. "Kahit sa balcony na lang kami. Okay lang ba? Para dito na lang kayo sa living room."
Nag-agree si Travis. Ipinatawag naman ni Laureen ang isang kasambahay para samahan ang dalawa sa spot na puwedeng ganapan ng interview at nagpaayos na rin ng pagkain.
Nilagpasan na sila. Narinig nilang tinanong ni Travis kung kumusta ang biyahe ni Nyla papunta sa Baesa, ganoon din si Nyla na itinanong naman kung kumusta ang flight.
"What the heck?" Aston gazed at Laureen. "Did you see that, love?"
Laureen laughed quietly and nodded. "Their world literally stopped. Parang movie lang. Ang cute. If I were to ask, they are a good pair. Politician and journalist. Cute couple."
Aston frowned, but didn't say anything. Kinuha nito ang remote sa gilid ng TV at naghanap ng movie. Napansin ni Laureen na natahimik si Aston na basta na lang ding naupo sa sofa.
"Are you mad?" Laureen worriedly asked. "I was just kidding."
"Mad about what, love?" Aston gazed at her and kissed Alistair's head.
"About what I said kina Nyla and Trav?" Laureen scraped her lower lip using her teeth. "I'm not serious, love."
Aston laughed and rested his head on the backseat. "Hindi ako galit. Why would I? Nyla can choose kung sino ang gusto niyang maka-date. If she's going to choose Travis, then good for her. She's in good hands."
Laureen squinted and stared at Aston.
"Imagine caring for you for five years and even after the breakup. I remembered what Ate Yeza said when I was with them. I needed to accept that Travis is part of your life. If I can't accept that, I don't deserve to be part of yours," Aston said in a low voice. "Nagselos ako sa kaniya, but I know he's a good man. Kaya nga ako takot sa kaniya, e."
Nakagat ni Laureen ang ibabang labi dahil sa sinabi ni Aston.
"My jealousy isn't just because I am jealous. I was also scared I'll lose you to him. Matched kayo, e . . . pero mas match tayo. Wala na 'kong pakialam sa kanilang lahat," dagdag ni Aston. "Basta tayo."
Natawa siya at mas isiniksik ang sarili kay Aston. Hinawakan niya ang kamay ni Alistair na panay ang galaw ng ulo dahil nagsisimula na itong magbalanse sa leeg na ikinatuwa niya dahil isa iyon sa iniingatan at ikinatatakot na rin.
"Love, by the way . . . when ang plans mong magpunta sa Manila? Baka kasi sumabay ako kay Nyla sa Friday kasi tinawagan ako ni Mommy for family lunch. Matagal na kasi akong hindi nagpupunta," kinakabahang tanong ni Aston. "Ayaw ko sana kayong iwanan dito, but it was a request from my grandmother."
Nagsalubong ang tingin nilang dalawa.
"Puwede ba kayong sumama ni Ali sa Manila para uuwi na lang din kaagad ako after the family lunch? If not, uuwi agad ako here," sabi ni Aston.
"We'll come na lang with you sa Manila," sagot niya. "We can stay sa house na lang ni Julien. I don't wanna stay here na wala ka. Baka hanapin ka ni Alistair."
Ngumiti si Aston. "Ikaw, hindi mo 'ko hahanapin?"
"Hahanapin! I like sleeping beside you," Laureen said casually. "I like my pillow now. This pillow." She pinched Aston's arm.
Aston flexed his biceps, making Laureen laugh.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top