Ch. 35

Laureen felt at home the moment she stepped foot inside Baesa. Ibang-iba ang simoy ng hangin kumpara sa Hawaii na tabing-dagat at sa Metro na hindi pa rin niya makasanayang tirhan.

"I missed this place," Laureen said to Hannah who was standing beside her. "Kumusta ang lahat? Wala namang naging problema?"

"Wala naman bukod sa punong bumagsak sa may patubig n'ong bumagyo. Na-miss ka naming lahat dito, LJ. Aalis ka ba ulit? Babalik ka ba ulit sa Hawaii? Excited silang lahat na makilala si Alistair," sabi ni Hannah. "Hanggang ngayon, gulat pa rin ang lahat na may baby ka na, e. May baby na kami rito sa Baesa."

Malalim na huminga si Laureen at ngumiti. Sa Hawaii pa lang, nag-imagine na siya kung paano ang magiging buhay nila ni Alistair kapag bumalik na siya sa Baesa. Finally, they were home.

"Wala pa akong planong bumalik sa Hawaii," aniya na nilingon si Hannah. "Family's here. I want Alistair to live here sa Baesa and . . . Aston."

"Nagkabalikan ba kayo 'cos of the baby?" May pag-aalala sa boses ni Hannah. "Okay ka na ba? Nagkabalikan na ba kayo?"

Tumango si Laureen. "We decided to try again, not because of Ali, but because of us. We talked. Like what you said last time, we talked about our past relationships. About what went wrong. Ang dami kong kasalanan."

Natawa si Hannah dahil sa sinabi niya. Hannah had always been vocal about her shortcomings as a girlfriend. The neglect, miscommunication, and being too unconcerned should be addressed.

"Mabuti naman at napag-usapan n'yo na. Ang laking kasalanan mo rin kay Aston 'yong sa pagtatago mo kay Alistair. Jusko ka. Kaya pala sobrang emotional mo noon na iyak ka nang iyak, buntis ka pala!" Umiling si Hannah. "Pero tapos na 'yon. Ang mahalaga naman e ang ngayon. Sana lang, LJ, hindi na maulit ang mga nangyari. Please, ayaw ko na ring mahirapan ka."

Suminghot si Laureen dahil sa narinig. Lumapit siya kay Hannah para yakapin ito nang mahigpit.

"Thank you for taking care of Baesa while I was away," aniya habang mahigpit na nakayakap sa best friend niyang nagsimula na ring umiyak. "Thank you for understanding my shortcoming and thank you for staying with me kahit na ang hirap-hirap kong maging boss kasi lagi tayong nagwo-work."

Ang pag-iyak ay kaagad na napalitan ng pagtawa. Humiwalay sila sa isa't isa. Umangkla si Laureen sa braso ni Hannah habang naglalakad sila papunta sa stable.

Pinag-usapan nila ang pagpunta ng parents niya sa hacienda noong wala siya. Bukod kasi kay Hannah, nakiusap siya sa parents niya pati na rin kay Luana na tingnan ang hacienda habang wala siya. Wala silang maaasahan kay Julien.

Julien hated the place. Hacienda was boring for him kaya nga shokoy ang tawag nila dahil hindi puwedeng nawawala noon sa tubig. Malaki ang naging adjustment ni Julien sa paglipat sa Manila, pero kailangan dahil doon na ipinagpatuloy ang pag-aaral para makasama rin ang mag-ina.

"Daddy na daddy si Aston, ha?" sabi ni Hannah na nakatingin sa mansion. "Ang laki ng pinagbago n'yong dalawa. Ang showy mo na rin. Puwede bang pakilabas 'yong Laureen na nonchalant?"

Natawa si Laureen at umiling. "Never again. I don't wanna be that person again. I like what I am now." Humawak siya sa braso ni Hannah habang naglalakad sila.

"Gusto ko rin 'tong version na 'to, LJ. Gusto kong iyakin ka," ani Hannah na natawa. "Maayos na pala lahat ng kuwarto sa mansion pati na rin ang guest house. Anong or—"

Sabay na tumingala sina Hannah at Laureen nang marinig ang paparating na chopper ng mga Mathias. Expected na nilang lahat ang pagdating ng mga ito dahil sa gaganaping welcome party kinabukasan.

It was a welcome party for Alistair, and a lot of people were invited. Lahat ng nasa Baler, ang ilan sa pamilya ni Aston, ilang kakilala sa Baesa, at hindi puwedeng mawala ang lahat ng empleyado nila.

Everyone was excited, ganoon din sila ni Aston. Napag-usapan na rin nilang dalawa na si Aston na ang ipakikilalang ama ni Alistair. Mabuti na lang din at walang naging tanong sa pamilya niya, ni Aston, at sa ibang kakilala nila.

Sabay na bumalik sina Hannah at Laureen sa mansion para salubungin ang mga bagong dating nilang bisita. Hindi na siya nagulat na naka-chopper ang mga ito dahil nabanggit naman na iyon sa kaniya ni Aston. Ipinaayos niya ang guest house na ipinagawa niya noon dahil lumalaki na rin ang pamilya nila at para mayroong privacy sa main house.

Saktong pagpasok ni Laureen ng mansion, pababa naman ng hagdan si Aston buhat si Alistair na gising na gising. Sabay silang lumabas ng bahay para salubungin ang mga bagong dating.

Naabutan nila sa labas ang parents niya na kausap ang parents ni Aston. Nandoon din sina Asia, Julien, at Lucien na sumalubong kina Nyla, Vitto, at Audi.

Aston's grandparents were also present.

"Ang guwapo naman!" sabi ng lola ni Aston. "Sundan na kaagad 'yan! Bigyan n'yo pa kami ng maraming apo! Nagsasawa na 'ko sa mukha nitong Aston na 'to, e."

Natawa si Laureen at nakipagbeso sa lola ni Aston na kaagad humawak sa braso niya. Panay ang puri nito sa hacienda lalo nang makita ang mga kabayong malayang tumatakbo.

Sandaling nagkuwentuhan ang lahat bago nila dalhin ang pamilya ni Aston sa guest house. Panay ang pasasalamat na hindi naman daw kailangang mag-abala dahil kumpleto ang lahat para sa lahat ng bisita.

Everyone was playing with Alistair who was carried by Aston's dad in the living room.

The guest house was filled with voices about Alistair, laughter, and excitement about her son. Magkasundo ang pamilya nila dahil kahit sina Amira ay nandoon para makipagkuwentuhan sa kanilang lahat.

Nang makita ni Laureen na settled na lahat sa guest house, nagpaalam si Laureen para umuwi sa mansion, pero ang totoo, gusto niyang lumabas dahil iba ang pakiramdam niya. Alam niyang iiyak siya dahil gusto niya ang nakikita.

The entire hacienda rarely had this many visitors. Kung tutuusin, family members lang niya ang madalas na nagpupunta roon. Bukod sa mga trabahador, silang pamilya lang.

"Are you okay?" tanong ni Aston na sumabay sa paglakad. Hindi niya alam na lumabas din pala ito.

"Who's carrying Ali?" pagbago ni Laureen sa usapan. "I just need to breathe. Hindi pa rin talaga ako sanay na maraming tao rito sa hacienda na hindi workers, but I'll be okay. Hinga lang ako sandali."

Hindi na muling nagsalita si Aston at basta na lang hinawakan ang kamay niya. Sabay silang bumalik sa mansion. Dumiretso sila sa kusina. Tahimik silang dalawa. Pinaupo siya ni Aston sa dining table at saka ito kumuha ng isang slice ng vanilla cake na nasa ref.

"Ali won't cry naman siguro." Tinusok niya ang cake ng tinidor. "I want him to have this childhood, love. Not away from people that should be there for him." Suminghot siya. "I'm crying again."

Hinawakan ni Aston ang kamay niya at isinubo ang cake na nandoon. "That will be our goal for Ali; letting him live with people that are also important to us. What you went through . . ." Hinaplos nito ang likod niya, "that won't happen again. You and Ali will be surrounded by people who love you both. You're never alone now."

Laureen stared at Aston who casually said those words and her tears fell. He was right, and she promised that Ali wouldn't feel alone. It was one of the hardest parts of her life, and she could still feel the longing she had when she was four years old. She didn't want that for Ali.

They casually ate the cake while talking about hacienda.

"Excited ako para sa party tomorrow," sabi niya. "Walang work lahat bukas para sa party. Excited nga raw ang mga magsasaka sabi ni Manang Tess. Natuwa raw sa mga pinadalang damit para sa kanila."

Aston smiled, and his chinky eyes looked so cute.

Simula nang magkabalikan sila dalawang linggo na ang nakalipas, nagbago ang tingin niya kay Aston. She wanted to see him almost everyday, she was more clingy, and she wasn't shy about it.

"LJ, excuse lang." It was Hannah. "May sasakyan sa labas, naka-Range Rover. Papapasukin ba namin? Wala ka kasing instruction kaya hindi ko rin sigurado."

"That's Ate Yeza and Kalev for sure," sabi ni Aston sa kaniya.

"Sige lang, Hannah. Dito mo na lang muna sila padiretsuhin sa bahay. Ako na ang bahala sa kanila," pakisuyo niya sa kaibigan.

Tumayo na rin si Aston at sinabing aayain si Kalev na magpunta sa guest house para makapag-usap sila ni Yeza. Nag-message siyang iniimbitahan ito sa welcome party ni Alistair, pero hindi siya umaasang pupunta dahil alam niyang busy ito nitong mga nakaraan.

"I wanna walk around while we talk." Pumasok sila sa mansion. "This house feels homey. You preserved the interior, ha."

Tinutukoy nito ang pagiging vintage ng bahay, pero ipinaayos niya na ito para hindi masira ang structure.

"Yup. Gusto kong ma-maintain ang childhood home ng mommy ko," sagot niya. "Sa likod tayo."

Sabay silang naglakad ni Yeza papunta sa likod ng bahay at naglakad papunta sa ilalim ng puno na mayroong bench at hammock. Binati sila ng ilang trabahador at dinalhan sila ng pagkain ng isang kasambahay.

"I thought you won't get the invitation. Hindi ka kasi nag-reply," sabi niya kay Yeza.

"I don't do messages. Next time, call me," sagot nito na ngumiti. "How's Alistair?"

Awtomatikong ngumiti si Laureen dahil sa tanong ni Yeza dahil gustong-gusto niyang pinag-uusapan ang anak niya. "He's doing great. Ang laki na niya, actually. He's getting heavier na rin."

Isa-isa niyang ipinakita ang pictures ni Alistair sa phone niya. Pareho silang natawa ni Yeza sa video ng anak niya kung saan sobrang attentive nito kapag kinakausap nila.

"He likes Aston!" Yeza excitedly said. "Aston talked to me, by the way. He told me na you guys got back together na, and he wants to be Ali's dad."

Seryosong napatitig si Laureen kay Yeza. Napag-usapan naman nila iyon ni Aston, pero hindi niya alam na nakipag-usap na pala ito sa pinsan.

"I told him na I can easily fix the document na he's really the father . . . ." Yeza gazed at her. "But in one condition. I will only do that if you guys are married. Ayaw kong gumawa ng isang bagay na ikagugulo ng lahat."

Nakagat ni Laureen ang ibabang labi dahil sa sinabi ni Yeza.

"I wanna make sure na walang conflict. You don't need to rush or get married for Alistair. You guys need to get married for your relationship. Ayaw kong dahil sa baby kaya n'yo pag-iisipang ikasal. Fix your relationship first. Don't do the breaking up drama now."

Mahinang natawa si Laureen at yumuko. "It was me, and I don't have plans now. I love your cousin, Yeza."

Tumaas ang dalawang balikat ni Yeza at ngumiti bago ito uminom ng juice.

"That seven months without him won't happen again. I didn't even know I was so in love with him! I even asked myself why I was even crying for this man." Tinawanan ni Laureen ang sarili.

"I am actually asking the same question!" Yeza said nonchalantly. "Why Aston?" she uttered with disgust.

Laureen pouted. "Why not?"

Yeza snorted and both laughed.

"Just enjoy each other's company and don't get pressured to get married for Alistair." Yeza shrugged. "Also, our family loves you. Don't mind the others. Huwag mo nang hayaang maapektuhan ka na naman ng ibang tao o ang relationship mo sa iba just because some doesn't like you. They don't like you for a reason and that's enough reason para hindi sila maging parte ng buhay mo."

Laureen intently listened to Yeza. She could feel her heart calm. Hindi niya alam kung bakit, pero ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nito.

"Don't waste your time and energy thinking about what others might think about you. That's inevitable. You won't be able to please everyone, and you don't have to please the right people." Yeza tapped Laureen's back. "Focus on those who love you. You'll realize you don't need to get hurt again."

Ngumiti siya sa sinabi ni Yeza. "Thank you for always saying the words I want to hear."

"I'm not saying those to make you feel good," sabi ni Yeza habang nakatingin sa kaniya. "You deserve to hear it. You have to know na they won't matter. It's you and Aston now. Please, ha, don't break up na. Pahirap your boyfriend sa 'min. Palagi na lang sumasama, palagi naman umiiyak."

"What?" Laureen looked shocked.

Yeza smiled widely and chuckled. "Please, don't tell him."


The party was everything for Laureen. Seeing her family, Aston's family, and the workers of the hacienda bond warmed her heart. Napakaraming nakahain sa lamesa at panay ang pasasalamat ng mga trabahador sa kanila.

Aston and Laureen hired people to cater to everyone. Wala siyang trabahador na nagtatrabaho. Kahit si Hannah, masayang nakikipagtawanan. They hired organizers to take care of everything.

Everyone was happy to welcome Alistair. Ang ikinagulat nila ni Aston, halos lahat ng dumating na trabahador ng hacienda at ilang businesses niya ay mayroong dalang regalo. Hindi sila nag-expect. Hindi sila nagsabi, pero ang karamihan nga ay handmade pa.

Ang iba naman ay nadala ng pagkain kahit na sinabi na nilang sagot naman nila ang lahat. Mayroong kakanin tulad ng nilupak na ikinatuwa ng mommy niya, ganoon din ng mommy ni Aston.

Nag-setup din sila ng play area para sa mga anak ng mga trabahador.

Laureen watched how the kids played. Nagpahanda rin siya kay Hannah ng mga giveaway para sa mga bata. Lahat mayroong sari-sariling bag at sa bawat bag, mayroong mga damit, laruan, libro, at savings account.

Hinanap nila si Audi na buhat si Alistair at nilalaro ni Madeline.

"I always wanna do that." Laureen smiled at Aston who was standing beside her. "Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na ipalista kay Hannah lahat ng mga anak ng employee namin. The money wasn't much, but it's nice to see them all na mayroong savings account. Thank you for connecting me to Tobias Avelino, love. He helped a lot."

Inakbayan siya ni Aston at hinalikan sa gilid ng noo. "Just tell me if you need anything. We have connections naman. We can do a lot if you want to."

Tumango si Laureen at muling pinasalamatan si Aston.

"You invited Travis, right? Hindi siya makakapunta?" tanong nito.

Umiling siya. "Nope. He messaged earlier and sabi niya, bukas na lang daw siya dadaan here. There's a meeting daw sa Manila with his co-politicians. I'm not sure."

"Parang sa one week natin dito, hindi pa siya dumadalaw sa 'yo," sabi ni Aston sa kaniya. "Kumusta pala ang foundation and businesses n'yo together?"

"The foundation naman is doing okay. They all know naman na I'm away and busy with Ali kaya hindi ako nakakasama." Tumaas ang dalawang balikat ni Laureen. "The businesses, I sold my shares to Travis na."

Napatitig si Aston kay Laureen dahil sa narinig. "Why?"

"He offered to buy my shares before I left for Hawaii. Foundation na lang ang connection namin." Laureen smiled at him. "Plus, it's a good thing. You won't have to think about him na."

Mahinang natawa si Aston at kinagat ang ibabang labi. "I'm sorry you had to go that route for me."

"I love you." Laureen smiled warmly. "I'm sorry it took me so long to go that route."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys