Ch. 28
When Yeza and Helsey left, Laureen sat down and stared at the baby. Her heart pounded, and she wondered if what she had done was right and if she would be able to give the baby a good life.
There was fear, and her mind screamed that she could do it. She should. Wala na siyang choice. Nasa kaniya na ang sanggol, nakapangalan at iniwan na ito sa kaniya.
Alistair was sleeping soundly. Laureen watched how the baby twitched from time to time and how those cute, little lips moved as if sucking on something.
Sumandal siya sa sofa at inayos ang pagkakahiga ni Alistair sa braso niya. Naisip din niya na nakangangawit din palang magbuhat ng baby. Maliit pa ito, pero paano kaya sa susunod?
Habang nakatitig sa mukha ni Alistair, bigla siyang naawa dahil literal na ulila na ito. Ipinakita sa kaniya ni Yeza lahat ng files tungkol sa mga magulang nito, pero walang casual pictures. Puro pormal na parang pang-ID, iyon lang.
It was just six in the morning and her life literally changed. Isang desisyon, biglang nagbago ang lahat. Nakatatakot ang desisyon niyang ito dahil mayroong buhay na nakasalalay, pero ito rin ang desisyong walang atrasan.
Hindi rin niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang niya, sa mga kapatid, at sa ibang tao ang tungkol dito.
While Alistair was sleeping, Laureen took her phone and searched for the nearest doctor in her area. Wala siyang alam sa milk, vitamins, at kung ano pang kailangan. Nilingon din niya ang bag. Naalala niyang walang ibang gamit bukod sa ibinigay ni Yeza.
She didn't think twice, she booked a slot for the paediatrician, and immediately planned to go to the store to get some things. Tinawagan din niya ang caretaker ng bahay nila sa Hawaii para puntahan siya.
Maingat niyang ibinaba si Alistair sa car seat. Mabagal ang bawat pagkilos dahil natatakot siyang masaktan niya ito. Mabuti rin at hindi nagising kaya malaya niya itong naibaba para makatulog.
"Pasok ka po." Ngumiti siya at sinalubong si Nelia. "Sorry sa short notice, Tita. I just need some help."
Si Nelia ang isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya nila regarding sa properities ng parents nila sa Hawaii. Pamilya nito ang nag-aasikaso sa lahat kaya nang dumating siya, si Nelia ang tumulong sa kaniya. Nelia was the same age as her mom. Kilala na ito ni Laureen noong mag-Hawaii sila ng mommy niya noong bata pa siya.
"Wala 'yon. Sabi ko naman sa 'yo na tawagan mo lang ako 'pag may kailangan ka. Kumus—" Tumigil sa pagsasalita si Nelia nang makita ang car seat sa living area. "LJ?"
"Tita, I need help po sa kaniya? He's my kid, and I just had him, and I don't know how to. Puwede mo po akong turuan since nagkaroon ka naman ng kids and mga apo?" casual na sabi ni Laureen. "I would appreciate po, Tita, if there are no questions. Basta he's my baby."
Malalim na huminga si Nelia at tumango. Nilapitan na rin nito si Alistair habang nakatingin lang si Laureen. Maingat nitong binuhat si Alistair na nagising.
Alam niyang marami itong tanong, pero nirespeto ang hiling niyang wala sanang kahit na ano.
Nakita ni Laureen na akmang iiyak ito, pero kaagad na isinayaw ni Nelia kaya hindi nagtuloy. Isa-isa niyang inilapag ang mga plano niya sa maghapon. Nakikinig si Nelia sa kaniya at sinabi nitong sasamahan siya na ipinagpasalamat niya.
Una nilang pinuntahan ang clinic na mayroong pediatrician. Wala pa ang doctor, pero mayroon na ring mga naghihintay tulad nila. Ang ibang bata ay malalaki na, ang iba naman ay sanggol pa tulad ni Alistair na mahimbing ulit na natutulog sa car seat.
Habang naghihintay, inisip na ni Laureen ang posibleng sagot sa itatanong ng mga doctor base na rin sa ibinigay na mga papeles ni Yeza. Mayroong baby book si Alistair at mayroon na itong vaccines mula pagkapanganak para sa first immunizations.
It took them another hour before the doctor arrived. They were second on the list, and Laureed asked Nelia to wait for them in the lobby.
The doctor was a female and was very accommodating. Nagtanong ito tungkol sa history ni Alistair na maayos naman niyang nasagot. Sinabi rin niya na kailangan niyang magpareseta ng vitamins kung mayroon man at formula milk dahil kasalukuyan siyang umiinom ng gamot na hindi puwede sa pagpapasuso. It was a lie, of course, but she had to.
Laureen attentively listened to every instruction and was a little nervous about whether she could do it.
"Relax, Mama!" The female doctor chuckled. "You can do it. Ask for help if needed, okay? I know it won't be easy, but just enjoy being a mom. It won't be enjoyable sometimes but don't forget to stare at your baby whenever it feels heavy. You'll realize that you have someone looking up to you."
She nodded multiple times and smiled. She didn't mean to tear up but failed and started bawling inside the clinic. The doctor didn't judge her. Instead, she gave her a lollipop and a tissue.
"Just cry it all out. Nagsisimula ka pa lang, but a good environment will help you get through this," dagdag ng doktora.
Nagpasalamat siya at lumabas ng clinic. Naabutan niya si Nelia na nakaupo sa lobby at nakaharap sa phone. Nilapitan niya ito na kaagad tumayo nang makita siya para kunin si Alistair. Naging maayos ang lahat sa checkup at babalik sila para sa vaccination nito sa susunod.
Sunod nilang pupuntahan ang mall para bumili ng gatas na ni-recommend ng doctor. Naglista na rin siya mga kailangan pa niyang bilhin tulad ng vitamins, diapers, wipes, lotion, shampoo, at mga gamit pambata.
Una nilang pinuntahan ang bilihan ng stroller na puwedeng ipatong ang car seat. Same brand ang nakuha niya. Hindi na niya pinag-isipan at basta na lang iyong binili para magamit na rin nila at makapag-ikot. Si Nelia ang nagtutulak ng stroller, si Laureen naman ang sa cart.
Bago sila makalayo, nakakita si Laureen ng crib. Nagandahan siya dahil kulay gray at mayroong dalawang layer. Sakto sa baby at sa toddler na tumatayo na. Mayroon na rin itong diaper changing bed kaya iyon na rin ang kinuha niya.
While walking, Laureen searched for the perfect bottle. There were many brands, but she chose something sworn by moms online: something about no colic. She also took a sterilizer, bottle cleaning tools, and a milk warmer.
The next stop was for bathing. She looked for good tubs for babies, baby towels, soaps, and shampoos.
Hindi na siya umalis sa isang mommy blog. Ang daming kailangan ng baby kaya nagulat siya dahil ganoon pala maging nanay. She hadn't focused on this—not ever—and didn't realize that even lotions had to be chosen properly.
"Tita Nelia, ano po bang magandang clothes for babies?" tanong niya dahil may experience na ito sa mga anak at apo. "White is better po, right?"
"Oo. Iyong presko ang bilhin mo. Kumuha ka rin ng mittens, medyas, at saka mga lampin. 'Wag kang masyadong bibili ng mga damit kasi nako! Madaling makakaliitan 'yan," sabi ni Nelia na natawa.
Sa pagkakataong ito, si Laureen na ang nagtutulak ng stroller at si Nelia naman sa cart dahil ipinakikita nito sa kaniya ang mga damit na dapat niyang bilhin. Inilagay nito ang mga puting damit na mayroong tali, onsie na pantulog, mittens, cap, at medyas.
For some reason, she enjoyed shopping for Alistair's little clothes. Hindi na rin sila nagtagal para daw hindi masyadong ma-expose sa labas ang anak niya. Tinulungan pa siya ni Nelia na ayusin ang mga gamit ni Alistair tulad ng mga baby bottles na isa-isa nitong hinugasan. Nag-offer din ito na lalabhan ang mga damit ng anak niya at aayusin ang iba pang gamit sa closet.
"Tita, thank you po sa pagsama sa 'kin," ani Laureen nang magpaalam si Nelia sa kaniya. "Sorry po talaga sa abala."
"Wala naman 'yon. Tawagan mo 'ko kapag may kailangan ka. Don't hesitate, LJ, ha? Nasa kabilang bahay lang naman ako," sabi ni Nelia. "Uuwi na muna ako."
Tumango siya at nagpaalam at muling nagpasalamat.
Nang maiwan mag-isa, sumandal siya sa pinto at nakita ang mga pinamili niyang nasa lamesa tulad ng gatas ni Alistair. Totoo na talaga at mayroon siyang kasama. Isang sanggol na hindi niya inasahang magiging kaniya. Mayroong takot, pero sa kalahating araw niyang kasama si Alistair, parang biglang nagbago ang lahat.
Ang living room na dating walang laman ay mayroong crib sa gitna. Mahimbing na natutulog ang anak niya na katatapos lang mapadede.
Naramdaman niya ang pagdaloy ng luha sa magkabilang mga mata niya nang maisip na anak na niya ang sanggol na natutulog sa crib. She never planned for this to happen, but the moment she saw Alistrair's face in the picture, she felt her heart beat fast.
While Alistair was sleeping, Laureen went outside the house and called her mom who immediately answered. Nagtaka ito kung bakit siya umiiyak. Siya mismo, sinusubukang pigilan ang pagluha, pero hindi niya magawa.
"Laureen, what happened?" her mom asked. "Are you okay?"
"Mom." Laureen sniffed. "Mom, I adopted a baby, and I'm scared that I made the right decision. He's currently sleeping, and ngayon lang nag-sink in sa 'kin na I really have a baby inside, and he's mine and . . . ."
Mula sa kabilang linya, narinig niya ang boses ng daddy niya na tinatanong ang mommy niya kung ayos lang ba siya. Her mom responded she was okay, just overwhelmed and gave them time to let her cry. No words, but it was comforting knowing someone was listening to her.
"C-Can you come here, please? I know it's a sudden request, but I need help, Mom." She knew she sounded begging. "I-I don't know what to do and—"
"We'll come," her mom responded. "We'll just have to fix things. Can you give us a week, and we'll be there?"
—
LAUREL didn't know if she was excited or worried. When Laureen called, it took them a week to go to Hawaii because they had to fix some schedule. Atlas had to cancel interviews, shoots, and a meeting with a director to be with Laureen.
Laureen was vocal about not wanting kids in the future, so it was a shock that she adopted. Both were speechless after that call.
Hindi na sila nagpasundo kay Laureen. Si Nelia na ang tinawagan nila na kasama ang asawa sa pagsundo sa kanila. Kamustahan sa sasakyan ngunit nagmadali sila para makarating kaagad kay Laureen. Kinumusta nila si Laureen kay Nelia na panay ang puri sa anak nila dahil inaaral talaga kung paano ang gagawin sa pag-aalaga ng baby.
Nakatingin si Laurel sa bintana ng sasakyan, iniisip kung ano ba ang nagpabago sa desisyon ni Laureen. She was aware of the therapies and meditation and it might have helped their daughter in many ways.
It was ten in the morning when they arrived home. Dumiretso kaagad sila sa bahay at pagbukas ng main door, nakita kaagad ni Laurel si Laureen sa living room. Nanonood ito ng TV habang kalong ang baby na dumedede naman sa bote.
"Mom." Laureen widely smiled upon seeing her. "Sorry, hindi ako ang nakasundo."
"It's okay." Lumapit si Laurel at sinilip ang baby. "He's awake."
"Yeah. Kakatapos lang niya maligo and sleep time na rin niya." Ngumiti si Laureen. "Hi, Dad."
Laurel and Atlas exhaled simultaneously upon seeing the baby. Nilingon nila ang TV at nakitang pinanonood ni Laureen kung paano ang tamang pagpapaligo sa sanggol. Sumunod sa playlist ay tungkol sa tips kung paano magpatulog.
"How's the baby?" Laurel asked. "Sorry it took us long to get here."
"He's okay. Actually, hindi po ako nahirapan sa kaniya the whole week kasi hindi siya iyakin. I noticed na he'll only cry if maybe he's hungry or whenever his diaper is soiled." Laureen smiled. "I even had to search if it as normal kasi Lucien's iyakin."
Natawa si Laurel at naupo sa tabi ni Laureen. Maingat niyang binuhat ang sanggol. Tinanggal niya ang dede dahil ubos na rin naman. Naupo rin si Atlas sa tabi niya at pareho sila ng napansin.
"You have the same eyes when you were still a baby," ani Laurel habang nakatingin sa sanggol. "Kung hindi ko alam na adopted mo siya, I would think na he really is your baby. You have simila—"
Laureen gasped. Both Atlas and Laurel gazed at their daughter. "I thought it was just me! Akala ko ako lang ang nakakakita na we have the same eyes. I even looked for my baby pictures!" She smiled from ear to ear.
Pasimpleng nilingon ni Laurel si Atlas na nakatingin din pala sa kaniya. For years, they haven't seen their daughter's eyes this happy. Hindi maintindihan ni Laurel, pero para niyang nakita ang batang Laureen kung saan simpleng strawberry o simpleng pantulog na overalls lang, natutuwa na ito.
Bigla rin itong nagkuwento tungkol kay Alistair na katabi nitong natutulog. Ikunuwento rin na minsan, nagigising sa madaling-araw dahil gising ang baby, nagpapadede, nagpapalit ng diapers, at muling magpapatulog.
"It was tiring." Laureen smiled and looked at the baby. "But very fulfilling pala. It's nice to wake up with his cute face."
Laurel was listening to Laureen telling her about Alistair. Nagpaalam muna si Atlas sa kanila na aayusin ang mga gamit sa main bedroom nilang mag-asawa dahil nagplano silang mag-stay muna sa Hawaii hanggang sa kailanganin sila ni Laureen.
"Hindi ka naman nahirapan?" tanong ni Laurel sa anak. "Are you enjoying your motherhood?"
To Laurel's shock, Laureen nodded continuously and started sobbing. Panay ang daloy ng luha, ang paghikbi, at ang kagustuhang magsalita.
"Ano ba 'to!" Laureen fanned herself and laughed. Pareho silang natawa ni Laurel. "I became so emotional after Aston na hindi 'ko na napipigilang umiyak, Mommy. It's so funny na kailangan ko na talaga umiyak palagi."
"Wala namang mali sa pag-cry. Sinabi ko na sa 'yo 'yan noon, e." Ngumiti si Laurel at ibinalik ang tingin sa baby na gising na gising. "This time, hindi mo naman na kailangang itago ang nararamdaman mo. Don't make the same mistake as me. Kapag naiiyak ka, iyak ka." Tumingin siya kay Laureen. "Your son will see that and he'll be emotionally intelligent and he'll know that nothing's wrong with crying."
Laureen breathed. "Mom, do you think I made the right decision? I am scared, but I know that I made the right decision. Ever since he came into my life, every day feels lighter. My heart feels better. My emotions aren't scattered and I didn't think about the future for the first time in years."
Laurel was listening.
"Dati, I always think about what might happen in the future, but every since Alistair came, I just look forward to how we will spend the entire day and not think about tomorrow. D-Do you think I'll be a good mom?"
"I know you will." Laurel smiled, but tears rolled down her cheeks. "Kasi I know na you're better than me."
Umiling si Laureen dahil sa sinabi niya. "Mom, no. You're the best mom anyone could have!"
"No, LJ. You're way better than me kasi even before being a mom, you healed. You tried to heal. Kahit wala pa sa plano mo ang maging mommy, you intervened and that is the best step you made."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top