Ch. 25

Dumapa si Aston sa kama, niyakap ang isang unan, at saka nilingon si Kalev na busy maglaro ng video game sa laptop. Kalaro nito si Vitto at si Hyram. Inaaya siya, pero wala siya sa mood. Gusto lang niyang matulog.

Vitto was his cousin from Quintin, and Hyram was the son of his Tito Rye. Hyram was also one of the highest-ranking agents of Vous Tuer—a family-owned agency.

"Sumali ka na kaysa nagmumukmok ka riyan," ani Kalev nang hindi tumitingin sa kaniya. "Darating na 'yong iba. Gusto mo lumipat sa kabilang unit?"

"Ayaw ko." Tumihaya si Aston. "Iiyak lang ako roon. Mag-isa ako."

"Gago." Nilingon siya ni Kalev. "Kahit naman nandito ako, hindi ka nahihiyang umiyak. Sabi ko kasi sa 'yo, kaysa magmukmok ka, puntahan mo na lang. Balikan mo na lang. Mahal mo naman."

Walang naging sagot si Aston na pumikit. It had been forty-five days, and he couldn't move on. For weeks, he had been in denial. He couldn't move forward and didn't want to. He wanted Laureen back but didn't know how to win her back.

Sinubukan niyang gawing busy ang sarili sa pagtatrabaho, pero hindi niya magawa. He couldn't do what Laureen could. Hindi niya kayang magtrabaho, hindi niya kayang mag-function, kaya nanghingi siya ng time off sa daddy niya na kaagad pumayag. Wala siyang gana sa lahat.

Ilang weekly bonding, family lunch, at importanteng meeting ang hindi niya napuntahan dahil hindi pa niya kaya.

Aston wasn't relying on alcohol. That was the last thing he wanted. Umiinom siya noon, pero hindi niya masyadong gusto ang pakiramdam ng hangover. Isa pa, nakainom siya noong gabing nagkapagsalita siya ng hindi niya gusto. Hindi na iyon mauulit.

Imbes na mag-stay sa bahay, sumasama siya kay Kalev na nagpupunta sa iba't ibang bansa para sa mga mission. Nasa hotel lang naman siya, natutulog, pero mas mabuti iyon kaysa mag-isa siya. At the end of the day naman, may kasama na ulit siya.

Kasalukuyan silang nasa Sweden—ang ika-limang bansang pinuntahan nila. Hindi pa sila umuuwi sa Pilipinas, dalawang linggo na rin ang nakalipas.

Wala naman siyang idea sa mission ng mga pinsan niya. Wala rin naman siyang balak alamin dahil hindi naman siya kasali. Gusto lang talaga niyang sumama. Minsan siyang bababa ng hotel para mamasyal, pero mas madalas lang siyang nakahiga at nag-iisip kung kumusta na si Laureen.

Sa naisip, ipinikit niya ang mga mata dahil mas gusto niyang matulog kaysa isipin si Laureen. Iiyak lang siya. Hindi naman siya nahihiya roon. Hindi siya nahihiyang iniiyakan niya ang breakup dahil masakit naman talaga.

At hindi niya namalayang nakatulog na siya dahil pagmulat ng mga mata niya, kaagad niyang naramdaman ang pananakit ng ulo. Naramdaman din niya ang pagkalam ng sikmura dahil sa gutom at uhaw na uhaw siya.

"What the fuck?" Bumangon siya at sinapo ang ulo.

Kinuha niya ang bote ng tubig na nasa ibabaw ng mini fridge. Nilingon niya ang mga pinsan niyang nasa dining table na nag-uusap habang nakaharap sa malaking mapa. Ang iba naman ay nakaupo sa sofa at may kanya-kanyang laptop.

Two sets of twins were present. Hyram and Helsey—twins of Rye. Their royal twin cousins DeMarco and Weesley—twins of Annika—were present, too. Mukhang malaking mission dahil kumpleto ang mga pinsan niyang nagtatrabaho Vous Tuer.

"Finally. Gising na ang boss," natatawang sabi ni Hyram. "Ganiyan pala ma-broken heart si Aston Mathias. Twenty-four hours natutulog."

Tumigil si Aston sa pag-inom ng tubig at nilingon si Hyram na nakayukong mayroong binibilugan sa mapa na para bang walang sinabi sa kaniya. Nakipag-usap lang ito kay Kalev tungkol sa susunod na pupuntahan.

"How are you na ba?" Inabot ni Weesley ang isang slice ng pizza. "You look terrible."

Kaagad naman iyong tinanggap ni Aston dahil gutom na gutom na siya. Halos hindi na niya nginunguya ang kinakain niya at bigla na lang lulunok.

"If being heartbroken looks like that, I don't wanna fall in love," sabi ni DeMarco na nakasandal sa sofa, pero nakatingin sa kaniya. "You look like shit."

"Shush!" paninita ni Weesley sa kakambal. "Why are you here? Bakit hindi ka mag-stay sa Philippines or somewhere?"

Walang naging sagot si Aston na sumandal sa counter ng maliit na kusina ng hotel room kung nasaan sila. Natulog siyang si Kalev lang ang kasama, nagising siyang halos lahat ng pinsan niya, narinig na.

Vitto arrived, too, and was busy working with Kalev.

Hinayaan niya ang mga itong gawin ang mga trabaho. Kinuha niya ang isang box ng pizza dahilan para sundan siya ng tingin ng mga ito. Naupo siya sa sofa at komportableng sumandal. Kumuha siya ng isang slice ng pizza at naghanap ng movie na puwede niyang panoorin.

"Aston, I think you should bathe," sabi ni Weesley.

Narinig niyang natawa si Helsey. "Kailan huling ligo mo? Nanlalagkit na 'yang ulo mo, kadiri ka."

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ng mga pinsan at ipinagpatuloy ang pagkain. Tahimik niyang pinanonood ang movie ni Jason Statham. Hindi niya alam ang title, gusto lang niyang maglibang. Suminghot siya nang maramdaman ang pangangati ng ilong. Hindi naman siya iiyak, pero nakita niyang sabay-sabay na lumingon ang mga pinsan niya sa kaniya.

"What?" Nagsalubong ang kilay ni Aston.

"Seriously, hindi kami makapagplano kung iiyak ka," sabi ni Vitto.

Umiling siya. "Hindi ako iiyak. I sniffed. What the heck?"

Sabay-sabay na ibinaling ng mga pinsan niya ang tingin sa mga papel at laptop na nasa lamesa. Hindi naman siya nagpapapansin. He just wanted to eat and watch in peace, pero nakikita niya sa peripheral niyang tumitingin ang mga ito sa kaniya.

Bumukas ang pinto ng hotel. It was Yeza who immediately talked to their cousins about the plan. Aston could hear what everyone was discussing, but he didn't care. He didn't even know who the target was. It could be someone big, especially since Yeza was here.

"Sa lahat talaga ng pinsan natin, sa 'min ka sumama?" Inabot ni DeMarco ang isang lata ng beer na tinanggihan niya. "Ayaw mo ng beer?"

"No."

"May trauma sa alak 'yan," natatawang sabi ni Kalev. "Bigyan mo ng chocolate drink."

"So, bakit nga dito ka sumama?" tanong ni DeMarco.

Tumaas ang dalawang balikat ni Aston. "Hindi n'yo kasi ako pinagtatawanan."

"Anong hindi?" agad na tanong ni Hyram na nakangisi.

Ibinaling ni Aston ang tingin kay Yeza na nakaupo sa pang-isahang sofa dahil narinig niyang natawa ito. Hawak nito ang tablet at mukhang mayroong binabasa.

"If you love her that much, edi makipagbalikan ka," sabi ni Yeza nang hindi tumitingin sa kaniya. "Ang miserable mo. Instead of following us wherever we go, bakit hindi mo puntahan sa Baesa?"

"Kung nasa Baesa nga," sagot naman ni Kalev.

Bilang sagot, umiling si Aston at malalim na huminga. "Hindi na ako tatanggapin n'n. 'Di 'yon bumabalik sa ex."

Nagulat siya nang sabay-sabay na magsalita ang mga pinsan niya at iisa ang sinabi.

"Ayon lang," sabay halakhak.

Imbes na mainis dahil sa halakhak ng mga pinsan niya, nakitawa siya dahil totoo naman. He was aware that Laureen would never go back to an ex. Vocal ito sa parteng iyon kaya gusto man niyang subukan, mas nirespeto na lang ang space. Gustuhin man niyang tumawag o mag-message, hindi niya ginawa dahil habang mas sinusuyo, mas lumalayo. Ganoon din si Laureen.

Aston burped and thought of something.

"What if 'pag nagkaroon ng bagong boyfriend si Laureen, I will hire you 'tapos i-ambush n'yo na lahat ng susunod sa 'kin?" aniya habang nakatingin sa TV.

Tumigil ang usapan sa lamesa at sabay-sabay na tumingin sa kaniya.

"Pussy," sabi ni Yeza habang may binabasa sa tablet.

"Mahal ang fee namin," sagot naman ni Weesley. Kung makapagsalita, parang hindi prinsesa. Tumaas pa ang dalawang balikat. "Mahal ang fee namin ni DeMarco. We require bars of gold."

Malalim na huminga si Aston. "Tss."

"What if mag-training ka na lang sa 'min para ikaw na ang um-ambush?" sabi ni Kalev habang nagta-type sa keyboard. "Bored ka naman, mag-training ka na lang."

"Good idea, para hindi siya pabigat," sagot naman ni Hyram.

Natawa si Aston sa pagiging casual ng mga pinsan niya. The conversation immediately ended and all proceeded to their respective jobs. Alam niyang susunod nilang pupuntahan ay Armenia. Tinanong siya ni Kalev kung sasama pa rin siya.

Siyempre. Bukod sa libreng biyahe, libreng hotel, at libreng pagkain, makakapag-travel siya na matagal na niyang gustong gawin. Hindi nga lang kasama si Laureen, at least nakapupunta siya kung saan habang humihinga at nagmo-move on.

"Here." Inabot ni Weesley ang camera. "Use this camera. Go out and take pictures. Gayahin mo your mom na nag-e-exhibit. For sure, she taught you photography."

Kinuha niya ang camera. Mayroong initials iyon ni Weesley. PWO. Princess Weesley Olivia.

"Ibalik mo sa 'kin or palitan mo ng mas magandang specs after using," sabi nito na naupo sa tabi niya. "Get yourself a hobby para hindi ka masyadong magmukmok. We get that you're in the process of moving on, but you also have to take care of yourself."

Aston checked the camera, and the shots by Weesley were exhibit-worthy, too.

"Sumama ka kaya sa 'kin sa gym?" sabi ni DeMarco. "Mag-workout tayo. Paano ka babalikan niyan kung wala kang abs?"

Tumingin si Aston sa sarili niya. May abs pa naman siya, pero parang nawawala nga dahil bumaba rin talaga ang timbang niya.

"Bulk up!" suggestion ni Weesley. "Wala na ngang abs, pangit pa ng biceps. 'Yong snake tattoo mo," hinaplos nito ang braso niya, "parang starved."

Malakas na natawa si Helsey sa sinabi ni Weesley, ganoon din siya. Napakaarte pa ng pagkakasabi, parang awang-awa sa snake tattoo niya sa braso. Nag-agree din ito na sumama siya kay DeMarco dahil hindi naman sumasama ang kambal sa mga mission. Hindi puwede.

"I agree." Yeza stood up and crossed her arms while looking at her. "And get a good haircut, too."

Naramdaman ni Aston ang pang-aasar sa kaniya ng mga pinsan niya. Mga lantarang insulto, pero alam niyang para sa ikabubuti niya ang sinasabi ng mga pinsan.

Habang nakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito, hindi niya rin alam kung bakit ba sa grupong ito siya sumama. Mga walang social life at walang inuman, pero gusto niya ang pakiramdam na wala siyang naririnig na toxic positivity o kung ano man.

Everyone was serious based on their respective tasks while he was sulking over his breakup. He couldn't move on. More like . . . he didn't want to.

Imbes na makaistorbo sa mga pinsan niya, bumalik siya sa kuwarto. Kumuha siya ng damit pamalit bago pumasok sa bathroom para maligo.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Mahaba na ang buhok niya at mukha na talaga siyang gago. Natawa siya habang hinahaplos ang balbas at bigoteng hindi niya nagawang ahitin nang halos dalawang linggo. Malalim siyang huminga. Humawak ang dalawang kamay niya sa gilid ng counter ng bathroom sink at saka yumuko.

Ilang beses na niyang pinag-isipang puntahan si Laureen bago siya sumama kay Kalev, pero hindi niya ginawa. Tama naman ang parents niya sa sinabing bigyan muna nila ng space ang isa't isa, pero napapaisip siya sa parteng minsan ba, naisipan na rin ni Laureen na puntahan din siya?

Iyon ang madalas na nagiging dahilan ng pagsikip ng dibdib niya na baka siya na lang ang gustong kumausap, siya na lang ang gusto pang lumaban . . . siya na lang ang gusto pang ilaban.

Aston wore simple jogger pants paired with a white shirt and his jacket. Balak niyang umikot muna sa Stockholm at maglakad bago sila lumipat ng bansa. It was almost nine in the evening, and the city was alive at night.

"Where are you going?" Yeza asked.

"Out," Aston answered in a low voice. "Maglalakad lang muna ako kung saan ako mapunta."

"That's good," Helsey said. "Enjoy the city. Baka maka-move on ka."

Aston shook his head.

"As if he wants to," DeMarco uttered.

Hindi na hinintay ni Aston ang sasabihin ng iba. Wallet at phone lang ang dala niya. Isinuot niya ang hood ng jacket at saka lumabas ng hotel. Sumalubong kaagad ang dami ng tao. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng mga ito at gusto niya iyon.

Aston realized that there was beauty in not knowing something like a language. He could hear people talking, but it was like a murmur. And having no idea what everyone was talking about was something he didn't expect he'd like.

Norrmalm was looking busy. He loved the city lights, but every time he saw something new—like a man playing his saxophone—he remembered how Laureen was always fascinated by people who performed on the streets.

He stopped and watched the performer. The song Nothing's Gonna Change My Love For You triggered every emotion he felt over the past weeks.

Without thinking, he pressed his speed dial number one. It was Laureen's number. He was unsure if his ex-girlfriend would pick up, but he would try. He gazed at the clock. It was 9:30 p.m., and Sweden was six hours late.

Three rings, four rings . . . papatayin na sana ni Aston ang tawag nang makarinig siya ng mahinang paghampas ng alon sa dalampasigan. Literal na nanlaki ang mga mata niya lalo nang marinig ang boses ni Laureen.

"Hi."

Malalim na huminga si Aston at tumingala. "Hi. Did I wake you?"

"Hindi naman," sagot ni Laureen. "Maaga rin talaga akong nagising. Flight ko kasi mamayang gabi."

"W-Where are you going?" Pumikit si Aston. "Aalis ka?"

"Hawaii. I'll stay there muna for a while," ani Laureen sa mababa at kalmadong boses. "Bakit ka pala tumawag? Ang aga mong nagising, ha?" mahina itong natawa.

Ngumiti si Aston at ibinalik ang tingin sa lalaking tumutugtog. "It's just eleven here, almost midnight. Nasa Sweden ako with Kalev and others."

"Oh." Laureen then chuckled. "Enjoy, Aston. You d-deserve that. Nasa labas ka ba? Medyo maingay, e."

"Yeah. Nasa street ako. Medyo maraming tao," sagot niya. "I'm currently watching a man perform with saxophone. Naalala kita. I thought you'll gonna love this street performance."

Walang naging sagot si Laureen sa sinabi niya. Sinilip pa niya ang phone kung nasa call pa ba sila. Oo, hindi naman pinatay, pero hindi nagsasalita. Muli niyang narinig ang paghampas ng alon.

"Anyway, hindi na kita iistorbohin," aniya at yumuko. "Ingat ka sa flight and bon voyage. Enjoy Hawaii, Laureen."

"I will," Laureen responded and there was silence for one good minute. "I-I hope you're okay now."

Aston smiled and felt a warm liquid roll down his eyes. "Hindi ako okay, Laureen. I-Ikaw?"

"I-I'm not," Laureen murmured with a small laugh.

He didn't say a word, but he sniffed as he shut his eyes.

"I'm sorry," he heard Laureen say those words. "I'm really sorry for everything, Aston. F-For wasting your time."

Aston licked his lower lip and brushed his hair using his fingertips. "No time wasted. I even want more time with you."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Laureen. "Baka tumanda ka sa sobrang pagod."

"Okay lang." Ngumiti si Aston. "I want more time with you, Laureen."

No response, and he understood. Of course, she didn't.

"I'll see you soon," Aston uttered.

He was sure they would see each other again, though he was unsure when. With all their connections, their paths would surely cross again.

"I'll get going," Laureen said. "Enjoy Sweden."

"I lo—" Aston stopped as he heard the beeps. Laureen already dropped the call. "So much."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys