Ch. 21
"Aston, please."
Ibinaba ni Laureen ang tawag at gustuhin man sana ni Aston na tumawag ulit, hindi na niya ginawa dahil kilala niya si Laureen sa parteng mas lalo itong lalayo kapag mas pinilit pa niya.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bracelet na ibinalik sa kaniya ni Laureen. Hindi niya iyon binitiwan. Gusto niyang habulin si Laureen, pero hindi niya magawang lumabas ng condo. Hindi niya magawang magmaneho dahil bukod sa nakainom siya, hindi niya alam kung saan pupunta.
Aston calmed himself and called Kalev, asking if he was at the bar. Kalev said no, and Aston begged if he could come to him. To help him, and it didn't take long.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Kalev pagpasok sa loob ng condo. Naabutan niya si Aston na nakaupo sa sofa, nakayuko, at nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang tuhod. "What happened?"
"Laureen broke up with me," ani Aston at nilingon si Kalev. "Puwede mo ba akong samahan? I can't drive. I wanna see her and talk to her. Ayaw ko. B-But I can't drive."
Kalev didn't ask, but observed. Aston was looking down, sobbing. Nag-explain ito sa kung ano ang nangyari, kung bakit umalis si Laureen, at kung ano ba ang gustong gawin. Aston kept on saying he wanted to go follow Laureen, he wanted to talk, he wanted to say sorry.
"Please?" Aston looked at Aston, begging.
"Not now." Kalev shook his head. "Magpalamig muna kayong dalawa. Itulog mo na muna 'to, Aston. Mataas ang emosyon ngayon and it wouldn't be a good idea kung susundan natin siya. Bukas ng umaga, 'pag kalmado na, sasamahan kita."
Walang naging sagot si Aston na sumandal sa sofa at tumingalang nakatitig sa kisame. Ramdam niya ang pagdaloy ng luha sa magkabilang mga mata niya dahil hindi niya mapigilan. Hindi niya pipigilan. Alam niya ang pagkakamali niya, ang nasabi niya na naging dahilan para umalis si Laureen.
Naupo si Kalev sa pang-isahang sofa, pero nakaharap sa kaniya. Nakasandal ito, nakapatong ang kanang binti sa kaliwang hita, at tahimik lang nakatingin.
"What you felt was valid. Ikaw 'yan at ikaw lang ang makakaintindi sa nararamdaman mo. Knowing Laureen, she has a different perspective but shouldn't invalidate what you feel by saying what she said. It was normal to get tired, Aston, walang mali. Pero mali ka sa pagkakasabi mo," ani Kalev na malalim na huminga. "Lumagay ka sa sitwasyon niya sa pagkakataong 'to. Kapag sinabi niya sa 'yong pagod na siya sa 'yo, ano'ng mararamdaman mo? That's what Laureen felt when you said that."
Ibinalik ni Aston ang titig sa kisame na para bang nandoon ang sagot sa tanong na hindi rin naman niya alam kung ano.
"Leaving was the best option for Laureen. Fight or flight response. I can't judge her. I won't. Hindi ko siya kilala tulad ng pagkakakilala mo sa kaniya. Alam mo kung bakit siya umalis. Masasagot 'yan base sa pagkakakilala mo sa kaniya," dagdag ni Kalev.
Fight or flight. Laureen always chooses flight.
Sinunod niya ang sinabi ni Kalev na palipasin na muna at saka niya susubukang tawagan si Laureen. Pumasok siya sa kuwarto, pero kaagad siyang sinalubong ng katahimikan. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib dahil alam niyang malaki ang posibilidad na hindi na niya makakausap si Laureen pagkatapos nito.
He said too much, and he knew that. It was too late for him to realize. It was too late for him to take it back. There were no words, but when Laureen took the bracelet off, he knew it was done. They were done.
Under the shower, Aston replayed what happened and he fisted the moment he realized he fucked up. Tama si Kalev sa parteng masasagot niya kung bakit mas pinili ni Laureen ang umalis. Sinubukan niyang baliktarin ang sitwasyon, kung siya ang sasabihan ni Laureen.
At alam niya sa sarili niyang aalis siya para mapagaan kung ano ang mabigat, mapahinga kung ano ang nakapapagod. Kilala niya si Laureen at alam na niya ang sagot.
—
Bumagal ang takbo ng sasakyan ni Laureen nang makalabas ng expressway. Binuksan niya ang bintana at dinama ang lamig ng hangin ng madaling-araw. Ilang beses siyang huminto sa mga gasolinahan sa expressway para bumili ng pagkain, kape, o kaya gagamit ng restroom.
Sandali silang nagkuwentuhan ng mommy niya nang tawagan niya ito, pero hindi niya sinabing nagmamaneho siya pabalik sa Baesa. Aware ang parents niyang nasa Manila siya. Kinumusta niya ang mga ito at sinabing bibisitahin sa mga susunod.
Hindi niya alam kung kailan, pero sa susunod. Bahala na.
It would usually take just four hours from Manila to Baesa, but she had been driving for six hours and wasn't home yet. Medyo malapit na, pero hindi siya nagmamadali. For some reason, she enjoyed the night ride. It was peaceful. It made her heart at peace.
Pagdating sa Baesa, kaagad na binuksan ng guwardiyang naka-duty sa gabi ang gate. Naabutan niya itong nagkakape. Masaya niya itong binati at nagpaalam na didiretso na siya sa mansion.
She was away from Baesa for over two weeks but was updated.
Mula sa malayo, nakita niya ang ilaw sa labas ng mansion. Malamang na tulog ang mga tao na ipinagpasalamat niya dahil ayaw niyang may makakita sa pagdating niya. Ayaw niyang magulat na madilim pa, nandito na siya . . . na mag-isa siya.
Laureen pulled over and breathed. Nakahinto siya sa harapan ng mansion ng Hacienda Ricardina at hindi niya magawang lumabas ng sasakyan. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa steering wheel bago ipinatong ang noo roon. Malalim ang bawat paghinga at nang tumagilid siya ng tingin, sa unang pagkakataon, naramdaman niyang wala siyang suot na bracelet.
She felt naked. The feeling was bare. Something was missing. Something was lost . . . she felt lost.
Bumaba siya ng sasakyan. Kinuha niya ang mga gamit mula sa likod at basta na lang iniwan ang sasakyan sa harapan ng mansion. Maingat ang bawat paggalaw niya para hindi makagawa ng ingay. Ayaw niyang may magising. Ayaw niyang may magtanong.
Dumiretso siya sa kuwarto para magpalit ng damit. Pumasok siya sa loob ng bathroom at habang nakatitig sa sarili, nakita niya ang pagkalukot ng damit niya mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Aston.
Laureen stripped off her clothes and went inside the shower. It was cold and she didn't mind. Tumingala siya, sinalubong ang malamig na tubig. Nakapikit siya, dinadama ang malamig na tubig na nagpagising lalo sa diwa niya. It was almost three in the morning and she didn't know what to do. She didn't have plans, she had nothing on her to-do list, and she had no idea how to complete this day.
Simula noong araw na magkasama sila ni Aston, walang nakalagay sa to-do list niya. Ginusto niyang maging impulsive ang araw nilang dalawa at gawin kung ano ang puwede nang walang restriction unless mayroong trabahong kailangan.
At hindi kasama sa plano ang maghiwalay kaya hindi niya alam kung paano kukumpletuhin ang araw. Alas-tres pa lang, marami pa siyang oras.
"What to do?" Laureen asked herself. "Fuck."
Sa harapan ng salamin, tinuyo ni Laureen ang buhok at saka inipitan iyon nang mahigpit. Siniguro niyang walang tikwas. Inayos niya sa paraang hindi siya mahihirapan sa maghapon. Tinitigan niya ang sarili, inisip kung nasasaktan ba siya.
Siguro? Hindi rin nya alam. Wala siyang maramdaman.
It took her an hour to fix her hair. Hindi siya nagmamadali. Marami siyang oras. Ilang beses niyang inulit ang pag-ayos sa buhok niya hanggang sa mauwi siya sa braid. Ramdam niya ang sakit sa anit, pero gusto niya ang pakiramdam.
Nagsuot siya ng riding tights, black long-sleeved shirt na madalas niyang ginagamit sa tuwing naiisipan niyang sumakay sa kabayo. Kinuha niya ang boots, gloves, at saka lumabas ng kuwarto.
"Laureen?" It was Hannah who just woke up. "Anong oras ka dumating? Kanina ka pa ba? Saan ka pupunta?"
"Sa stable lang." Ngumiti siya. "Good morning. Pakisabi mo mamaya kay Gabriel na paki-park nang maayos ang sasakyang dala ko. Sabihin mo rin na pa-car wash na niya."
Nagsalubong ang kilay ni Hannah. "Laureen, ang aga pa."
"I'll be fine." Natawa siya. "Ang aga mong nagising, ha," aniya nang hindi nililingon si Hannah at dumiretso na sa likod ng mansion.
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng kaibigan niya dahil magtatanong na naman ito at wala siya sa mood para sumagot sa kahit na ano. Lakad-takbo siyang dumiretso sa stable. Nakabukas ang ilaw tulad noon. Walang tao.
Nilapitan niya si Sergeant, ang isa sa mga kabayong pag-aari niya. Hinaplos niya ang mukha nito na kaagad nagpaaamo sa kaniya.
"Let's go?" Hinaplos niya muli ang mukha ni Sergeant.
Without thinking twice, Laureen took Sergeant for a run. Mabagal noong una hanggang sa bibilis papunta sa dulo ng hacienda. Ramdam niya ang malamig na hanging tumatama sa mukha niya, rinig niya ang tunog ng horseshoe ni Sergeant, at ang kaluskos ng mga tuyong dahon mula sa dinaraanan nila.
Madilim, pero dahil walang light pollution, kinakaya ng buwan na bigyan ng kaunting liwanag ang lugar.
Sa dulo ng hacienda, kita niya ang ilaw ng mansion. May kalayuan na iyon mula sa lugar kung nasaan siya. Hawak niya ang tali ni Sergeant na palakad-lakad lang. Aatras, aabante. Tumingala siya at saka tinitigan ang langit. Mayroong ilang bituin, pero ang ilan ay natatakpan ng makapal na ulap.
Habang nakatingala, pumikit siya at malalim na huminga. Matagal siyang nasa ganoong posisyon bago muling pinatakbo si Sergeant pabalik sa stable. Pinakain muna niya si Sergeant bago bumalik sa mansion para magpalit ng damit.
This time, Laureen wore skinny jeans, a white polo shirt, and comfortable tennis shoes. She wasn't sleepy, and it was already five in the morning. Magsisimula na ang buhay sa hacienda kaya ganoon din siya.
Sa loob ng hacienda, nandoon ang opisinang ipinatayo niya. Nakita niya ang mga papeles na nasa lamesa ni Hannah. Kinuha niya iyon bago naupo sa sarili niyang lamesang mayroong computer, mga papeles, libro, at kung ano-ano pa.
Oo, sa lamesa siya naupo. Naka-indian sit, nakasuot ng headphones, at nagbabasa ng mga report.
Laureen listened to random old songs such as From This Moment On and For You I Will. These were Hannah's playlists, and she didn't mind. The room was cold, and the bright lights were blinding.
Binabasa niya ang isang papeles tungkol sa ipinatatayo niyang bagong stable nang ibaba ni Hannah ang pinggan na mayroong panini.
"Chicken sandwich na may cucumber. Nalagyan ko na rin ng jalapeno," sabi ni Hannah. "Nakita ko 'yong coffee cups sa sasakyan kaya hindi ka magkakape. Ito juice." It was an orange juice.
"Thanks." Ngumiti si Laureen. Kinagatan niya ang panini "Ang aga mo, ha?"
Walang naging sagot si Hannah na nanatiling nakatitig sa kaniya.
"What?" Laureen acted as if she didn't know that Hannah would ask.
"Ano'ng nangyari?" Hannah sat beside her. Pareho na silang nakaupo sa lamesang gawa sa kahoy.
Laureen smiled and gazed at Hannah. "Aston and I . . . we're not together anymore. Pagod na siya, e." She chuckled. "Kaya umuwi na lang muna ako. Magwo-work na muna ako. Bigyan mo ako ng maraming work, please?"
"Magpahinga ka muna. Matulog ka muna, Laureen," sabi ni Hannah.
"Hindi nga ako inaantok, e." Natawa siya. "Please fix my calendar. Tawagan mo lahat ng puwede kong ka-meeting, ipasa mo sa 'kin 'yong ibang kailangang gawin, i-plot mo sa calendar kung may mga kailangan ba akong puntahan."
Walang naging sagot si Hannah.
"I'm begging you," ani Laureen na nakatingin sa sandwich na hawak niya. "Make me busy, Hannah."
And for a week, Hannah granted her request. Meetings with business partners here and there. There were potential buyers from the land she bought, but she sold them again after improvements. She met the farmers assigned to the new crops, workers at the farm for cattle, and other businesses she handled.
It had been one week, and she hadn't heard from anyone. She had chosen to cut everyone off except for her parents.
Nakita niyang tumatawag at nagme-message sa kaniya sina Luana. Alam niyang may alam na ito. Hindi malabo at mas magugulat pa siya kung wala itong alam. Nag-message na rin sa kaniya si Julien kaninang umaga. Malamang na nagkausap na ang dalawang kapatid niya.
Diretsong nakatingin si Laureen sa kisame. Nakatulog siya, pero kalahating oras lang. Ganoon sa araw-araw kaya sumasakit na ang ulo niya at nararamdaman na niya ang pagod. Kahit na anong pilit niya, hindi niya magawang matulog.
She would sleep, but her mind was so active that she had vivid dreams—as if she were watching a movie. Different scenarios, different people, but the same hollow feeling.
Bago siya natulog, nag-jogging muna siya kaya siya nakatulog pag-uwi. Nakaramdam siya ng gutom at bigla siyang nag-crave sa bacon and egg sandwich na mayroong lettuce, tomato, and spicy mayo. Biglang kumalam ang sikmura niya lalo na at hindi siya nakakain ng dinner kagabi dahil hindi niya napansin ang oras habang nasa opisina pa siya.
Laureen made herself busy, and it helped. Working and being busy was always her coping mechanism when something was bad, and it worked. She hadn't thought about anything other than work.
Bumangon siya at humarap sa salamin. Bagsak ang medyo kulot niyang buhok dahil naligo siya bago natulog, pero hindi na nagkaroon ng pagkakataong mag-blower. Suot niya ang simpleng puting T-shirt, wala siyang suot na bra, at dolphin shorts. Maikli, pero komportable.
Nagpunta siya sa kusina para gumawa ng sandwich. Niluto niya ang scrambled egg base sa gusto niyang consistency. Tinusta niya ang dalawang sliced bread at nilagyan iyon ng butter. Nakakita siya ng bagong pitas na lettuce. Hinugasan niya iyon at tinuyo. Nakakuha siya ng kamatis at hiniwa iyon nang maninipis. Maingat ang bawat paghiwa niya dahil hindi siya fan ng makapal na hiwa ng kamatis. Nakasusuka iyon para sa kaniya.
Gumawa siya ng sarili niyang mayonnaise. Sriracha at mayonnaise na nilagyan niya ng kaunting asin at paminta.
Bigla rin siyang nag-crave sa fresh orange juice. Mabuti na lang at mayroon. Kinuha niya ang juicer at siya mismo ang nag-squeeze.
Laureen carefully assembled her sandwich. She added toasted bread, butter, mayonnaise, an egg omelette, lettuce, tomato, and another layer of mayonnaise, as well as more sriracha and another toasted bread. Dalawa ang ginawa niya at inilagay iyon sa isang pinggang dadalhin niya sa garden para kumain ng almusal.
Sunod niyang isinalin ang juice sa malaking baso. Kumuha siya ng yelo sa ref at inilagay iyon kasama ng orange juice. Naghanap siya ng reusable straw sa drawer at inilagay iyon sa baso.
Excited siyang kumain ngunit sa hindi inaasahang matabig ang straw ng orange juice at tumapon iyon sa pinggan kung nasaan ang dalawang sandwich.
Sandali siyang napatitig sa nangyari. Nagkalat ang orange juice, na-absorb na rin ng toasted bread ang orange juice na nasa pinggan, at kalat-kalat sa buong kitchen counter. Nabasa rin ang sahig, pati ang paa niya at tsinelas.
Malalim siyang huminga, humawak ang dalawang kamay sa dulo ng kitchen counter, yumuko, at hindi inasahang magmamalabis ang luha niya. Ang mahinang pag-iyak ay kaagad naging hagulhol.
"Ano'ng nangyari?" Pumasok si Manang Tess sa kusina at naabutan si Laureen na nakatingala, nakatakip ang dalawang mata gamit ang likod ng kamay. "Laureen, ano'ng nangyari?"
Dumating si Hannah at naabutan ang pangyayari.
"Manang." Humarap si Laureen sa mag-ina. "Manang, nagugutom na 'ko. Natapon lahat. Ang hirap-hirap magluto. Sayang!" Panay ang hikbi nito. "Manang!"
Lumapit si Manang Tess kay Laureen na nagpunta sa kabilang gilid ng kusina para kunin ang basahan habang humahagulhol. Sinubukan nitong punasan ang orange juice sa counter ngunit tumigil at humawak doon na parang kailangan ng suporta.
Nakatitig lang sina Hannah at Manang Tess dahil ito ang hinihintay nila. Buong linggo silang nakatingin kay Laureen na hindi umiyak, hindi nagbukas ng topic tungkol sa paghihiwalay, at gawing busy ang sarili sa buong linggo. Wala silang alam sa nangyari. Sinabi lang na hiwalay na, iyon lang.
Ikinagulat nina Hannah at Manang Tess nang bigla na lang maupo si Laureen sa sahig, nakasandal sa kitchen drawers, nakatingala, at panay ang hikbi.
"Nakakapagod na. Nakakapagod na," paulit-ulit na sambit ni Laureen. "Manang . . . ."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top