Ch. 20

Lumabas ng kuwarto si Aston at naabutan si Laureen na nag-aayos ng lamesa para sa lunch. Kagigising lang nila dahil maaga silang umalis para mag-jogging at muling nakatulog pag-uwi.

"Ano'ng niluto mo?" Niyakap ni Aston si Laureen mula sa likuran.

"Sinigang na beef," sagot ni Laureen na humiwalay sa kaniya. "May lakad ka ba mamaya? Dito na lang tayo sa condo magkita?"

Naupo si Aston sa dining chair. "Friday kaya magkikita kami mamaya."

Laureen knew what Aston was talking about. It was the weekly bond with cousins and Aston was aware that she wouldn't come. Nagtanong na si Aston kaninang umaga kung gusto ba niyang sumama noong nagdiya-jogging sila, pero humindi siya.

"Sa Diamond Hotel 'ko pupunta, love," sabi ni Laureen. "Meeting lang naman 'yon with Agaran Foundation, pero hindi ko alam kung anong oras kami matatapos."

"Sino-sino kayo?" tanong ni Aston. "Complete kayo?"

Tumango si Laureen at naupo na rin. "Yup. Kararating lang daw ni Travis kaninang umaga."

"Galing sa Baesa?" Nagsalubong ang kilay ni Aston.

"Yup. Let's eat. Mag-aayos na rin ako after kasi medyo malayo ang hotel from here," ani Laureen na nagsimulang magsandok ng ulam. "What's your agenda today aside sa inuman n'yo later?"

Umiling si Aston. "Wala naman. Mag-stay lang ako rito sa condo the whole afternoon." Nilingon niya si Laureen. "What if sumama na lang ako sa 'yo? Wala naman akong gagawin, e."

"Love, ma-a-out of place ka lang doon," sabi ni Laureen.

Tumigil si Aston sa pag-inom ng tubig at nilingon si Laureen na nakatingin sa TV habang kumakain. May katotohanan nga naman iyon dahil hindi rin naman talaga niya kilala ang mga taong kasama nito sa meeting, pero nabuburyo kasi siya sa condo. Hindi rin siya komportableng nandoon si Travis.

Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa si Laureen na ang unang tumayo at mag-ayos para sa pag-alis.

Aston offered to just bring Laureen to the hotel and will leave, pero sinabi ni Laureen sa kaniya na paano kapag pauwi dahil magpupunta siya sa Friday bonding? It made sense. Nagsabi naman siyang puwede siyang hindi pumunta.

"Pumunta ka lang," sabi ni Laureen habang inaayos ang buhok. "I'll be home as soon as the meeting's done. Enjoy ka muna tonight since magkasama naman na tayo the entire week."

Mula sa reflection ng salamin, nakita ni Laureen na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Wala naman siyang ibang intensyon. Gusto lang din niya itong sumipot sa Friday bonding kasama ang mga pinsan dahil baka siya na naman ang pagbuntunan ng mga ito. She didn't want anymore drama. Wala na sa plano niyang amuhin ang iba, pero hindi naman niya ilalayo si Aston sa mga ito at sa mga nakasanayan.

Nakatingin lang si Aston kay Laureen na nagsuot ng simpleng blue jeans at puting short sleeved polo. Nakabagsak lang din ang buhok nitong bagong blower at pinanood niya itong isuot ang bracelet na bigay niya. Araw-araw iyong suot ng girlfriend niya at tinatanggal lang kapag matutulog at maliligo.

It was his first-anniversary gift to Laureen, a thin gold bracelet with her initials.

Pag-alis ni Laureen, Aston continued with his day by watching movies. Nasa living room siya, nakahiga sa sofa, hawak ang remote, at nanonood ng movie na napanood naman na niya.

Laureen was updating him on her whereabouts kaya alam niyang nasa hotel na ito kasama ang mga ka-meeting.

Imbes na magmukmok na hindi rin niya alam kung bakit, bumangon siya para mag-ayos. It was almost five in the afternoon and he decided to go visit the office first before heading to the bar. Naabutan niya si Dayne, isa sa secretary nila ni Audi na inaayos ang mga papeles na dapat ay dadalhin sa kaniya, pero ni-review na niya ang ilan at pinirmahan.

"Sir Aston?" Ibinaba ni Dayne ang papel sa lamesa. "Ito po 'yong available flights to Paris next week. Sabihan n'yo na lang po ako kung ano ang ipa-plot ko para sa inyo ni Ma'am Laureen."

Tumango si Aston at nagpasalamat. "Itatanong ko muna siya mamaya pag-uwi. Let me confirm her schedule and availability."

"Noted, Sir Aston. Nilagay ko na rin po riyan ang ibang available next week," dagdag ni Dayne bago nagpaalam.

Nakatingin siya sa listahan ng mga bansang puwede nilang puntahan ni Laureen next week.

Hindi na rin namalayan ni Aston ang oras dahil nag-enjoy siyang magbasa ng mga dokumento. Kung hindi pa nag-message si Laureen na kinukumusta siya at tinatanong kung on the way na ba siya sa bar, hindi niya mapapansin ang oras.

It was past seven in the evening when he decided to go to the bar. Maaga pa kung tutuusin, pero naisipan niyang doon na lang mag-dinner.

Habang nasa elevator papunta sa basement, naisipan niyang mag-scroll sa social media nang makita ang pamilyar na mukha mula sa isang post na ni-like ni Luana. It was the foundation's page and the photo were the founders: Laureen, Travis, and four more people he was also familiar with. One was an actress, and the three were businessmen. Kasama rin ng mga ito si Madeline, ang beauty queen na madalas ding kasama ni Audi nitong mga nakaraan.

His eyes settled on his girlfriend who was smiling widely. Ang ganda, sobra. Tumingin naman siya kay Travis na hindi nakaupo sa kabilang side ng lamesa. Hindi naman magkatapat ang dalawa, hindi rin magkatabi, pero bumigat ang pakiramdam niya.

The caption also stated every achievement of the foundation's members, and again, Aston felt the insecurity he tried so hard to bury.

Nasa tamang edad si Travis. Bukod sa pagiging mayor sa Baesa, mayroon itong businesses tulad ng fisheries, farming kasama si Laureen, at franchise ng ilang convenience store sa iba't ibang lugar. Bukod sa bachelor's degree galing sa isang kilalang university sa Paris, nag-aral din ito sa London para sa business at kung ano-ano pa.

Ni hindi na niya nagawang basahin ang achievements ng ibang kasama dahil naka-focus siya kay Travis. Nasa kaniya naman si Laureen, siya naman ang boyfriend, pero hindi niya maiwasang mapaisip lalo sa mga comment na sana ay magkabalikan na ang dalawa.

True enough. Five years was long. The two practically built their lives together, lived together, and achieved a lot . . . together. Hindi niya kailangang ma-insecure, pero hindi niya maiwasan. For some reason, he himself knew that Laureen and Travis were compatible. Ayaw man niyang aminin, pero siya mismo, iyon ang nakikita.

Hindi pa kumpleto ang mga pinsan niya pagdating sa bar, pero uminom na siya ng isang bote ng beer habang nakikipagkuwentuhan kay Vitto na kararating lang din.

As much as he wanted to enjoy it, he couldn't. He was uneasy, and reading that post was a huge mistake. Hindi siya mapakali. Isang bote ng beer, nagpaalam na siya kahit na wala pa ang mga pinsan niya. Gusto na niyang umuwi, gusto na niyang makita si Laureen.

His emotion was heightened, and he decided to go home. Nagpaalam na siya sa mga pinsan niyang na sa bar pati na rin sa group chat nila na uuwi na muna siya. No explanation at all.

Wala pa si Laureen. Nasa condo na rin siya nang mag-message itong on the way na, nag-dinner lang muna kasama pa rin ang mga kaibigan.

Aston rested his head on the sofa's backrest and shut his eyes. Moments later, he heard the door open. Nagtama ang tingin nila ni Laureen na nakangiti. Hawak nito ang sapatos sa isang kamay.

"You're here early," ani Laureen. "Akala ko mamayang madaling-araw ka pa."

"How's dinner?" tanong ni Aston at tumayo. "Saw the pictures sa foundation page n'yo kanina. How was it?"

Nagsalubong ang kilay ni Laureen dahil sa tono ng pananalita ni Aston. Sigurado siyang hindi iyon simpleng tanong lalo na at posibleng ma-involve na naman si Travis sa usapan nila.

"What's with the tone, love?" Tumigil si Laureen sa paglakad. Nanatili naman si Aston sa living area na nakatingin sa kaniya. "Are we okay? Si Travis na naman ba 'to?"

Walang naging sagot si Aston na nanatiling nakatitig sa kaniya. Of course the issue would be about Travis again. Malalim siyang huminga at umiling. Naramdaman niya ang iritasyon dahil ilang beses na nila itong pinag-usapan. Ilang beses nang ipinaintindi, ilang beses na ring sinabing naiintindihan, pero ito na naman sila.

"Iiwasan mo na naman ba?"  ani Aston na nagpatigil kay Laureen sa paglakad papunta sa kwarto.

"Love, wala akong iniiwasan. We already talked about this mulitple times 'tapos ito na naman tayo. Ito ka na naman. Love, we're just going round and round and round again kasi 'yon lang din naman ang sasabihin ko sa 'yo." Malalim na huminga si Laureen. "Here we go again, Aston. Nandito na naman tayo."

Aston frowned at what she said, but she was a little irritated. Nanatili itong nakatayo malapit sa sofa, nakatingin sa kaniya.

"How many explanations needed, love? Paulit-ulit na lang kasi," sabi ni Laureen sa mababang boses. She didn't want to say it, but had to.

"Hanggang kailan ba kita iintindihin?" Aston asked in a low voice, enough for Laureen to hear. It was almost like a murmur.

A sigh escaped from Laureen's mouth upon hearing those words. "W-What do you mean?"

Aston was intently staring at her. "Ako na lang ba palagi ang iintindi? Naiintindihan ko naman, love. Gets ko kung ano kayo, pero naiintindihan mo rin ba kung ano ang nararamdaman ko?"

"Ye—"

"No. I think hindi mo naiintindihan. Ako na lang ba palagi ang mag-i-initiate ng conversation? Ako na lang ba ang gustong mag-work 'to, love? Ako na lang ba palagi ang mag-a-adjust base sa kung ano ang dapat kong intindihin?" Nakapameywang si Aston at tumingala bago muling tumingin sa kaniya. "Ako na lang ba palagi ang pupunta sa 'yo? A-Ako na lang ba palagi?"

Laureen's brows furrowed while staring at Aston uttering words.

"Kasi . . . nakakapagod pala talaga?" Aston said lowly.

Naramdaman ni Laureen ang pagbigat ng dibdib dahil sa huling sinabi ni Aston. Humigpit ang hawak niya sa sapatos at parang hindi niya maigalaw ang paa, pero pinilit niyang tumalikod papasok sa kuwarto.

"Ano? Tatalikod ka na naman? Ako na naman ang hahabol? Ako na naman ang magri-reach out? Ako na naman ang susubok na umayos?" sunod-sunod na sabi ni Aston. Kalmado, mabagal ang pagkakasabi, pero bawat salita ay mayroong diin.

Patagilid na nilingon ni Laureen si Aston na nanatiling nakapameywang habang nakatingin sa kaniya. "Aston, bukas na lang. Nakainom ka. We might say some things na hindi naman dapat."

"Maaayos ba 'pag bukas na naman o makakalimutan na lang ulit natin?" tanong ni Aston.

Walang naging sagot si Laureen na nanatiling nakatitig kay Aston. Malalim itong huminga. "Kasi lagi naman nating ipinagpapabukas. We'll talk tomorrow, that's what we always say . . . pero hindi na natin napag-uusapan kasi okay na tayo bukas, e. Ganoon na naman ba 'to? Kasi nakakapagod na."

Hindi inalisan ng tingin ni Laureen si Aston dahil bawat salita, nararamdaman niya.

"Nakakapagod ka na."

Literal na bumuka ang bibig ni Laureen para huminga nang marinig ang sinabi ni Aston. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa sapatos at hinanap ng kanang kamay niya ang doorknob ng pinto. Narinig niya ang mahinang mura ni Aston.

"Fuck," Aston whispered. "Love, I'm sorry."

But everything was muffled. Laureen could hear the words, but it felt like something was blocking her hearing; Aston's voice sounded suppressed. Pinilit niyang makapasok sa kuwarto at saka dumiretso sa bathroom.

Nabitiwan niya ang sapatos na hawak at saka lumuhod sa toilet bowl nang maramdaman ang pag-angat ng sikmura niya. Paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinasabi ni Aston. Paulit-ulit din ang pagduwal niya.

Nang mahimasmasan, maingat siyang tumayo para magmumog at uminom ng tubig. Nakatitig siya sa sarili niya sa salamin. Ang ganda ng buhok niya, nakabagsak, pero wavy. Ang ganda ng damit niya dahil bago at sakto ang fit sa kaniya. Ang ganda pala ng mukha niya . . . pero kinukuwestyon niya ang sarili dahil bakit bigla siyang walang naramdaman.

Lumabas siya ng banyo at naabutan si Aston sa labas ng pinto. Ipinalibot nito ang kanang braso sa katawan niya dahilan para mapigilan ang tuluyan niyang paglabas.

"Sorry," bulong ni Aston habang hinahalikan ang gilid ng noo nya. "I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit.

Wala siyang naging sagot. Inalis niya ang pagkakayakap ni Aston sa katawan niya at dumiretso sa closet. Inilabas niya ang nag-iisang maletang dala niya. Isa-isa at tahimik na inilagay ang mga damit niyang nakatupi at naka-hanger. Naririnig niyang nagsasalita si Aston, pero wala siyang maintindihan.

Bigla niyang ipinagpasalamat na kaunti lang ang damit na dala niya. Na ang pambahay na ginagamit niya ay damit ni Aston.

Inilagay niya ang sapatos sa luggage nang makita ang bracelet na suot niya. It was from Aston. She breathed hard and carefully unbuckled the locks and faced Aston who was looking at her wrist.

Aston shook his head and murmured. "Love, no."

Laureen finally dared to face Aston; she smiled and walked towards him. She immediately encircled both her arms around his neck. She was welcomed by his manly perfume and the smell of alcohol. Eyes closed, she pulled Aston close to her while he wrapped his arms around her small frame.

"I'm sorry," Laureen whispered and kissed the side of Aston's head. "I'm sorry."

"No, I'm sorry." Aston tightened his hug and buried his face between Laureen's neck and shoulders. "Hindi ko sinasadya. I'm sorry."

Naramdaman ni Laureen na mas humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Aston kasunod ang paghikbi dahilan para siya na mismo ang pumutol sa yakap. Hinaplos niya ang kanang pisngi ni Aston, ginamit ang hinlalaki para haplusin iyon, at saka hinalikan ang gilid ng labi nito.

Walang salita. Wala siyang maisip na salita.

Hinawakan niya ang kanang kamay ni Aston at ibinalik ang bracelet na ibinigay nito sa kaniya bago ito nilagpasan para kunin ang ilang gamit niyang nasa vanity table na mayroong salamin.

Kita ni Laureen ang sarili. Nakita niya ang paglingon ni Aston at ang pagharap nito sa kaniya, ang paglakad papalapit sa kaniya, ang pagyakap sa kaniya mula sa likuran.

Nakikita niya ang sarili. Nakita niya kung paanong humawak si Aston sa damit niya. Mahigpit na mahigpit dahilan para malukot iyon. Nakita niya ang piraso ng bracelet mula sa kamay ni Aston na nakahawak sa kaniya habang yakap siya nito mula sa likuran.

Laureen exhaled. Aston rested his forehead at the back of her head. She felt his chest move as he sobbed. She heard every sniffle, every inhale, every exhale, and every sorry.

Walang dapat ika-sorry dahil totoo naman ang sinabi nito sa kaniya.

Ibinalik niya ang tingin sa sarili sa salamin. Hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang maramdaman. Walang luha, walang hinanakit sa dibdib, walang bigat. Nakatingin lang siya sa sarili, iniisip at nagtatanong sa sarili kung bakit.

She could hear Aston murmur 'I'm sorry'. She could hear him sob.

Pero nanatili lang siyang nakatitig sa sarili, sa damit niyang lukot dahil sa pagkakahawak ni Aston . . . na maingat niyang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.

"I'll get going," mahinang sambit ni Laureen. "Babalik na muna ako sa Baesa. You should sleep kasi nakainom ka rin. You should rest."

Humarap siya kay Aston at tipid na ngumiti. Nilagpasan niya ito at saka isa-isang kinuha ang mga gamit niya bago lumabas ng kuwarto. Hindi na niya binalikan ng tingin si Aston ngunit naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya. Nakabukas na ang pinto ng unit, palabas na siya.

"I-Ihahatid na lang kita," sabi ni Aston na kinuha ang susi ng sasakyan sa lamesa. "Please, Laureen."

Laureen shook her head in response and carefully closed the door. She was thankful that he didn't insist and didn't follow her. Nagpasalamat siya sa guard ng basement na tinulungan siyang ilagay ang luggages niya sa sasakyan, ngumiti siya sa guard na nasa entrance ng parking, at saka dumiretso sa isang coffee shop na mayroong drive thru.

Masaya siyang nag-order ng kape dahil magmamaneho siya, alas-otso na rin ng gabi, at traffic pa kaya kailangan niyang magising.

While casually driving, the car was too quiet. She didn't turn on the stereo, but as she drove along the expressway, it was a little dark, too. She hummed. It wasn't a song, it wasn't a lullaby, it was just a random muffled melody.

And it was calming her.

She stopped when her phone rang and saw it was Aston again. It was his third call. She didn't answer the two, but this time . . . she did.

"Where are you?" Aston asked. She could hear cars. "Please, where are you?"

Laureen stepped on the accelerator harder and breathed. "Aston, please," she murmured and dropped the call.

While driving, she hummed again to comfort herself and dialed someone's number. Three rings, the person said hi.

"Hi, Mommy," she murmured.



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys