Ch. 2

Sa apat na araw ni Aston sa hacienda, wala silang ginawa kung hindi ang manood ng movies. Nagsimula rin sila ng series na siguradong matatapos bago ito bumalik sa Manila. Hindi sila lumabas ng hacienda kahit na isang beses. Sabay rin silang nagwo-workout tuwing umaga, pero sa balcony area lang din ng mansion.

Nagtatrabaho pa rin naman si Laureen, pero ginagawa lang niya iyon sa tuwing makakatulog na si Aston. She made sure to make time for them. Nag-effort naman na itong magpunta sa kaniya, maliit na bagay lang naman ang adjustment sa oras.

It was almost five in the morning when she woke up. Walang alarm, but her body knew she had to. May mga sasagutin kasi siyang e-mail para hind na niya iyon gawin mamaya.

Pagbukas niya ng browser, nakita niya sa front page ng isang website ang picture ng daddy niya. Matagal na itong tumigil sa pag-a-artista, pero mayroon pa ring umagawa ng articles. Minsan ay kasama pa nga ang Tita Amira niya. Madalas din kasing ibinibida online ang achievements, works, and awards ng mga ito noong active pa sa pag-a-artista.

Laureen was curious about the new article, and she immediately regretted it. It was about known couples who were married and separated. Nabanggit din sa article ang pangalan ng mommy niya.

The internew knew what happened. Kahit nga mismong siya, mayroong pictures sa internet noong bata pa siya. Gustuhin man siyang protektahan ng mga magulang niya noon, hindi iyon nangyari. Isa pa, walang alam ang media sa totoong nangyari sa buhay nila, pero grabe husgahan ang mommy niya. Maraming article ang nagsasabi na homewrecker ito at kung ano-ano pa. Sinisisi ng mga fans ng daddy niya at ng Tita Amira niya ang mommy niya sa nangyari.

Everyone was blaming her mom at kahit na ilang taon na ang lumipas, mayroon pa ring mga nagsusulat tungkol doon. It was one of the many reasons why Laureen never liked media.

Laureen stopped reading and stood up. Nawalan siya ng ganang magtrabaho kaya bumalik siya sa higaan. Kaagad namang pumulupot ang braso ni Aston sa baywang niya at inalikan siya sa tuktok ng ulo.

"Tapos ka na sa work?" tanong ni Aston.

"Nope. Nawalan lang ako ng gana," pag-aamin ni Laureen.

Aston didn't say a word and just pulled Laureen closer to him. He brushed her messy hair using his fingertips while his lips were on her forehead. He knew he didn't have to ask. Laureen would tell him about it, and he wasn't wrong when his girlfriend started opening up about the article.

"That's media," Aston murmured. "They're so good at assuming things, breaking people, and talking about things they knew nothing about."

"Ang tagal na noon," Laureen said in an annoyed voice. "It's been decades, and they're still blaming mom. I remembered Kuya Vaughn even talking about how he finally saw Mom. Media. It sucks."

Hinayaan lang niyang magkuwento si Laureen. He knew about the family background, Laureen told him. Ilang beses na rin niyang na-meet in person ang mga magulang nito and Laureen was literally her Mom's twin. Kung tutuusin, parang magkapatid lang.

Sandaling ipinikit ni Aston ang mga mata at hindi namalayang nakatulog na pala siya. Nagising siyang walang katabi. Madilim ang buong kwarto dahil na rin sa kurtinang nakatakip sa malaking bintana, pero nakita niya mula sa LED clock na nasa lamesa ni Laureen na alas nuebe na rin pala ng umaga.

Diretso siyang nakahiga na ang bilis ng oras at araw dahil malapit na ulit siyang bumalik sa Manila. Nag-message na nga ang secretary niya tungkol sa bago niyang schedule pagbalik niya. He was still a trainee, but he had to handle a lot.

Wala pang mabigat na trabaho mula sa daddy niya, pero mas madalas na siya na ang ipinakakausap sa mga tao. Madalas na siya na ang uma-attend sa mga meeting at minsang pumipirma sa mga dokumento para maging pamilyar na siya.

Aston knew that after the training, he would be busier. Ni hindi niya alam kung makakapunta pa ba siya kay Laureen kahit na kailan niya gusto, but he was into work-life balance. Paninindigan niya iyan.

Nang maburyo, bumangon siya at naisipang bumaba. Mamaya na siya maliligo dahil nauuhaw na rin siya. Hindi rin siya sigurado kung nasa mansion ba si Laureen o umalis ito tulad kahapon dahil kailangang magpunta sa kabilang farm para I-monitor sandali ang mga tauhan nito.

Sinuklay ni Aston ang magulong buhok gamit ang sariling mga daliri. Mula sa hagdan, narinig niyang mayroong mga tao sa living room. Bukod sa boses ni Laureen, narinig din niya ang dalawang magkaibang boses ng lalaki. Bumaba ang tingin niya sa sarili. Topless siya at tanging jogger pants na itim ang suot. Hindi siya sigurado kung sino ang mga kausap, pero wala siyang pakialam. Baka tauhan lang din naman ni Laureen, bahala na.

Bumaba siya ng hagdan at mula sa kinatatayuan, nakita niya si Laureen na nakatalikod sa kaniya. Nakatayo ito at nakapameywang habang nakatingin sa dalawang lalaking nakaupo sa sofa. Sumisimsim ng kape ang isa at namumukhaan niya ito.

It was Travis Magbanua, the current Mayor of Baesa and Laureen's ex-boyfriend.

Sabay na tumingin ang dalawang lalaki sa kaniya habang pababa siya ng hagdan. Lumingon naman si Laureen na kaagad ngumiti ngunit nagsalubong ang kilay nito dahil wala nga siyang pang-itaas.

"Good morning," bati ni Aston sa tatlo.

"Good morning," ngumiti si Laureen at naglakad papalapit sa kaniya. "May coffee sa kusina. Nagluto na rin ako ng breakfast."

Tumango si Aston at hinarap ang dalawang lalaking tumayo mula sa pagkakaupo. Nasa harapan niya si Travis at ito ang unang pagkakataong nakita ito nang malapitan. Dito niya napagtanto na mas matangkad pala siya ito. Nakapasok ang dalawang kamay ni Aston sa loob ng bulsa habang nakatingin sa mga ito.

"Good morning." Inilahad ni Travis ang kamay kay Aston. "I'm Travis Magbanua and this is Enrique Chua."

Tinanggap ni Aston ang kamay ni Travis at tumango. "Aston Mathias."

Laureen observed Aston. Gusto niyang matawa habang nakatingin dito na nakikipag-usap kay Enrique Chua dahil kilala pala nito ang mga Mathias. Parehong taga Manila ang dalawa. College classmate ito ni Travis sa isang university sa Manila na bumisita lang sa Baesa.

Ito naman ang unang beses na magkaharap sa personal sina Aston at Travis. Hindi naman kasi nagkaroon nang pagkakataon na magharap ang dalawa. Sakto lang din talaga na nagpunta si Travis dahil mayroong ipakikilala sa kaniya. Sakto rin naman na andito si Aston. Wala rin namang problema sa kaniya, pero patagilid niyang nilingon ang boyfriend na nakabalandra ang katawan sa mga kaharap nila. Nakapamulsa pa ito.

"So, ano'ng meron? Ang aga n'yo," sabi ni Aston na nilingon si Laureen.

"It's past nine," pagtama ni Laureen. "Enrique's planning to get a horse. Ni-refer siya rito ni Trav since he knew that we have available foals. Kapapanganak lang din kasi noong dalawang kabayo."

Tumango-tango si Aston. Nakinig lang siya kina Laureen at Travis na nag-uusap tungkol sa mga kabayo na nasa Hacienda. Both were very much familiar with raising horses. The two casually discussed everything about the Hacienda and almost finished each other's sentences. It was annoying.

At dahil hindi naman siya maka-relate sa usapan ng mga ito, umalis siya at hindi na nagpaalam. Nagpunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan niya roon si Manang Tess na nagbabalat ng kalabasa para siguro sa magiging ulam nila mamayang lunch.

"Gusto mo bang kumain ng almusal?" tanong ni Manang Tess. "Hindi pa rin kumakain si Laureen kasi hinihintay ka niya, pero biglang dumating si Mayor."

Hindi sumagot si Aston na dumiretso sa ref para kumuha nang malamig na tubig. Sumandal siya sa kitchen counter habang umiinom ng tubig at pinanonood ang ginagawa ni Manang bago naisipang bumalik sa living room.

Mabagal siyang naglakad papalapit sa tatlo. Nagtatawanan sina Laureen at Travis ganoon din ang kausap na lalaki. Nakakrus ang dalawang braso ng girlfriend niya na nakasuot ng itim na skinny jeans na pinarisan ng puting v-neck shirt at farm boot na pangbabae.

Tumingin si Laureen sa kaniya nang mapansin nitong papalapit siya. Ngumiti ito. "Love, kindly put a shirt on. Lalabas lang muna kami and pupunta sa stable. If you're interested, you can also come."

"No, it's fine. Tatawag na rin muna ako sa office," sabi ni Aston na ngumiti at hinarap ang dalawang lalaking kausap. "Nice meeting you both."

Both men nodded, but Aston looked at Travis—who faced Enrique—one last time before leaving. Hindi na rin siya lumingon ngunit narinig niya ang pag-aya ni Laureen na magpunta sa stable na nasa likurang bahagi ng hacienda. Imbes naman na magmukmok, tinawagan ni Aston ang secretary niya para itanong kung ano ang puwede nitong ibalita habang wala siya.

His dad was still handling Zothas. Nasa training pa rin siya dahilan kaya busy at maraming ginagawa. Marami pa siyang dapat aralin dahil sila lang naman ni Audi—ang bunso niyang kapatid—ang puwedeng sumunod sa yapak ng daddy niya. Hindi rin nagtatrabaho ang mommy niya sa company nila dahil naging photography instructor ito sa University na pag-aari din ng pamilya nila. Gusto kasi ng daddy niya na kunin ng mommy niya ang trabahong gusto nito.

Aston started working instead. Busy naman si Laureen, he might as well make himself busy, too. . . But it was all a joke. He couldn't stop thinking about Laureen and Travis being casually together. Gusto niyang bumaba, pero ayaw niyang makagulo. It was all business, after all.

Imbes din na mag-isip, naghanap si Aston ng puwedeng laruin sa phone. Nang maburyo, nagbasa naman siya ng mga e-mail. Naghanap din siya sa TV ng pelikulang puwedeng panoorin at kung ano-ano pa. Nagugutom siya, pero gusto niyang sabay sila kakain. Nakaligo na rin siya at lahat, wala pa rin si Laureen.

Nakahiga siya sa sofa habang naka-play ang isang movie. Napanood naman niya iyon, pero lumilipad ang isip niya. Kilala naman niya si Travis. Wala namang nilihim si Laureen sa kaniya at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya mapalagay.

Bumukas ang pinto at kaagad na nilingon ni Aston si Laureen na nakangiti. Tinanggal nito ang sapatos at saka naglakad papalapit sa kaniya habang nananatiling nakahiga sa sofa.

"Sorry that took longer than expected," Laureen smiled at him. "Hindi ka pa rin daw kumakain sabi ni Manang? Do you wanna eat brunch na?"

"Umalis na ba sila?" Aston asked.

Laureen nodded and walked towards him. Naupo ito sa sofa, sa tabi niya mismo, at saka hinaplos ang pisngi niya.

"Bumili naman ba ng kabayo?" tanong ni Aston.

Napansin ni Laureen ang baba ng boses ni Aston. Ibinalik din nito ang tingin sa TV. Nakahawak ito sa legs niya, pero mukhang walang ganang makipag-usap sa kaniya. Seryoso pa ang mukha. Singkit ang mga mata kaya naman parang masamang nakatitig sa TV dahil patagilid pa.

"What's our problem?" Inalis ni Laureen ang buhok na nakaharang sa kilay at sa may mata ni Aston. Nakatitig pa rin ito sa TV, mukhang walang balak na sumagot, pero hinahaplos ng hinlalaki ang legs niya.

Matagal bago tumingin si Aston kay Laureen dahil pinag-isipan muna niya kung itatanong niya o sasabihin niya. "Does he really have to be here? Ang aga-aga pa. Hindi ako kumportable sa kaniya."

Aston stared at Laureen, who chuckled. He waited.

"Love, it's for business," Laureen said monotonously. "I thought we're clear tungkol sa business relationship ko kay Travis? Aren't we done talking about it? Pinag-usapan na natin ito noon, right?"

Hindi nakasagot si Aston sa sinabi ni Laureen na basta na lang tumayo at iniwan siyang nakahiga sa sofa. Napatitig siya sa kisame. Bigla niyang pinagsisihan na nagtanong siya at sinabi ang totoong nararamdaman niya. Ipinikit niya ang mga mata, tinakpan pa iyon ng sariling braso at malalim na huminga.

"He's here for business, and you're aware of all our businesses, foundations, and estates," Laureen said. "Ang alam ko, napag-usapan natin ito. Do we have to go through all of this again? Bago pa maging tayo, you're already aware about me and Travis. What changed?"

"I saw you together for the first time," Aston mumbled. "And it's very, very, very uncomfortable." He got up and gazed at Laureen in front of the mirror, fixing her hair. "Bakit kasi pati 'yong mga kabayo n'yong mag-asawa, hindi nag-break?"

Sa sinabi niya, patagilid na tumingin sa kaniya si Laureen. Seryoso ang mukha nito hanggang sa napalitan iyon nang ngiti at pagtawa. Umiling ito, umirap, at saka naglakad papalapit sa kaniya. Naupo ito sa tabi niya, pero nakaharap.

"Seryoso ako," dagdag ni Aston. "Hindi ako kumportable na ganoon kayo mag-usap. You guys dated for five years. That's long. Hindi 'yon joke kaya hindi mo 'ko masis–"

"But you're aware before even courting me," pagputol ni Laureen sa sasabihin niya. "Are we going to talk about this? Okay. Love, you see . . . we're business partners, and I know you, of all people, know how businesses work. We have businesses together. We have to manage them, we have to talk about them, and you have to understand that."

Tahimik na nakatingin si Aston kay Laureen.

"Our horses, hindi namin sila puwedeng paghiwalayin and you know that, too!" pagdiin ni Laureen. "So are we gonna argue about this or what? One way or another, you know the ending. Whether you like it or not, comfortable or not, it's the same ending."

Aston nodded in response because he knew he couldn't argue. Laureen had a point, and he didn't want to end this conversation with more uncomfortable thoughts and misunderstandings. Malapit na ulit siyang umalis and he couldn't afford fighting with Laureen. He wanted to enjoy their day and the day after, so he raised the white flag.

"So, may nabili ba si Enrique Chua?" Pagbukas ni Aston sa ibang topic para ma-divert na ang pag-uusap nila sa iba. "Ang dami n'yo rin kasing bagong foal. Ano'ng kulay ang kinuha niya? Kayo rin ba ang mag-aalaga?"

Laureen smiled and started talking about the deal with Enrique Chua. Pinakikinggan lang ito ni Aston na para bang hindi sila nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa pagiging hindi niya kumportable kay Travis Magbanua.

He researched something about the Mayor of Baesa, the ex-boyfriend of Laureen for five years. Graduate ito sa Spain bago bumalik dito sa Pilipinas para naman mag-aral ng Law. Bago ito naging mayor, kilala na ito sa buong Baesa dahil sa pagiging matulungin. Nasa politiko rin kasi ang mga magulang, kilalang abogado sa public office, at kilala na mayroong foundation.

His girlfriend was actually a co-founder of that foundation kaya naman base sa nabasa ni Aston online tungkol sa relasyon ng dalawa, laking hinayang ng mga taong nakakikilala, lalo ng mga taga Baesa na naghiwalay ang dalawa.

Travis and Laureen's relationship was widely known here. Nakita niya ang ilang campaign photos ni Travis years ago noong tumatakbo pa itong Mayor na kasama si Laureen. That was four years ago.

Aston trusts Laureen, but a part of him was scared. Matagal na nagkasama ang dalawa.

Aside from being a lawyer and a public servant, kilala rin si Travis Magbanua na ipinaglaban ang ilang lupain para sa mga magsasakang ninakawan ng mga lupain sa Baesa. Kilala rin itong lumalaban sa mga corrupt na opisyal sa lugar lalo sa mga baranggay at kilala sa pagpapagawa ng public hospital at public school na nagagamit sa Baesa.

People who knew him described Travis as a saint. Articles described him as mature for his age and knowledgeable about his job. At 31, the man already had a long list of achievements.

"So ayon." Bumalik ang atensyon ni Aston kay Laureen nang humiga ito sa legs niya at ginawa iyong unan. "Binili niya ang foal, pero kami ang mag-aalaga. I think bragging rights na lang din niya na mayroon siyang horse, I don't know. He won't even see the foal grow up and it's a win-win for us kasi kikita na kami, makakasama pa ng foal ang parents niya."

"Hmm. . ." Aston smiled and brushed Laureen's hair using his fingertips. "That's nice."

Bumangon si Laureen mula sa pagkakahiga at tumayo sa harapan niya. Ngumiti ito at hinalikan siya sa noo. "Do you wanna go somewhere? Pasyal tayo before ka umalis?"

Tumango si Aston. "Sure."

And that was the end of their conversation, his worries, everything. Aston hoped it would be the last he would question something like this . . . He promised himself not to search for anything about that Mayor again.


T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Note:  
This story will be an ongoing update starting today sa Hideout and Patreon :) They will be 10 chapters advanced kaya babalik ako here kapag nakaka-10 chapters na kami roon... but thank you for reading! See you soon! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys