Ch. 19

Laureen was thankful that the woman she was supposed to meet was available. Sinubukan lang naman niyang tawagan kagabi kung puwede itong makipagkita sa kaniya para sa unit at ipinagpasalamat niyang nag-agree ito.

The deal was immediately closed the moment Laureen saw the unit. Maganda iyon at balak niyang idagdag sa mga for rental.

Maagang natapos ang meeting at hindi alam ni Laureen kung saan siya magpupunta. Naisipan niyang mag-ikot sa mall na malapit sa condo at magtingin ng damit na puwede niyang mabili ngunit habang naglalakad, nakita niya ang isang salon na walang masyadong tao.

Nakita niya ang reflection niya sa glass wall. Matagal na rin siyang hindi nakakapagpa-treatment dahil busy siya nitong mga nakaraan. Bugbog din sa init ang buhok niya dahil halos araw-araw niya iyong pinaplantsa.

Malalim siyang huminga at pumasok sa loob ng salon. Kaagad siyang sinalubong ng babaeng nagtanong kung ano ang gusto niyang ipagawa. Nagsabi siyang gusto lang niya ng hair treatment, pero nakita rin niya ang footspa at parang gusto na rin niyang magpa-manicure.

It had been long since she had pampered herself like this. Ni hindi na niya maalala. Gumagawa lang din talaga siya ng excuse para maging busy.

Ipinalibot ni Laureen ang tingin loob ng salon nang makapuwesto siya sa harapan ng salamin. It was very cozy and a woman offered her champagne which she gladly accepted.

Laureen explained to the stylist what she wanted with her hair. Treatment and trim, that was it. Na-shower ang buhok niya at habang nakatingin sa salamin, lumabas ang pagkakulot niya na halos siya na lang ang nakakikita kapag basa o kaya ang mga tao sa hacienda.

It was beautiful, but it was a little hard to manage kaya mas pinipili ni Laureen na mag-straighten ng buhok kapag may chance o kaya ay ipitan iyon nang mahigpit.

Nag-message siya kay Aston para sabihing nasa salon siya dahil naisipan niyang ipaayos ang buhok. Nag-reply si Aston na mag-enjoy siya at magkita na lang sila sa condo.

Habang hinihintay ang treatment sa buhok niya, pinaupo siya sa komportableng sofa para sa foot spa at para na rin sa kamay niya. Hindi siya fan ng nail polish, gusto lang niyang palinisan. Gusto lang din niyang ipamasahe ang kamay.

Bumukas ang pinto ng salon at nagtama ang tingin nila ng pamilyar na babae. Hindi siya puwedeng magkamali. It was Yeza, Aston's cousin who immediately walked towards her and asked if the space beside her was available.

"Sabi ko na ikaw ang nakita ko while walking," sabi ni Yeza na ngumiti at hinarap ang receptionist. "I'd like what she's having. Foot spa ba 'yan and manicure? I'd like a gel polish, 'yong hindi kaagad natatanggal."

Laureen was just staring at Yeza while talking to the receptionist. Nanghingi rin ito ng champagne at masayang nakipag-usap sa mga taong nakapaligid.

Ito ang unang beses niyang makita si Yeza sa personal at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Hindi niya alam kung babatiin ba niya ito o kauusapin dahil kahit mismo ang mga tao sa loob ng salon ay napalingon.

The aura Yeza radiated inside the salon was overpowering. The way she talked to the people around them was admirable. May pakisuyo, nagpapasalamat, at nakikipag-eye to eye talaga, pero ramdam ang awtoridad.

Yeza was wearing simple high-waisted blue jeans paired with a black long-sleeved top. Medyo nakabukas ang mga butones hanggang sa may dibdib, pero hindi revealing. She was wearing a necklace with fire made of red stone. Iyon ang napansin niya. Her hair was styled in a tight and sleek ponytail. No loose hair. Not even one.

The highlight of Yeza's face was her deep dimples on both cheeks, her subtle cleft chin, and her eyes. Doe, but it could be foxy. She wasn't sure.

"So, hindi ka rin nagpunta sa lunch?" sabi ni Yeza na nilingon siya habang umiinom ng champagne.

"I had a meeting earlier." Ngumiti si Laureen. "I'm Laureen. Nakita na kita sa pictures, but not yet in person."

"Me, too!" Yeza happily said. "I'm Yeza. Aston already told me about you. I even read articles about you! Kaya I feel like medyo kilala na kita. But of course, based lang sa sabi ng iba and sa nababasa ko. That's just . . ." she squinted, "maybe ten percent of who you are?"

Hindi nakapagsalita si Laureen sa sinabi ni Yeza, pero ngumiti siya. Gusto niya ang pakiramdam na aminado si Yeza sa pagkakakilala nito sa kaniya. Nagulat siyang mayroong pang percentage, pero ikinatuwa niya iyon dahil ibig sabihin, hindi ito nag-assume na kilala siya base sa mga kuwento o nababasa.

She hoped that other people would be the same. No assuming.

"Siguro bilang sa fingers ko kung ilang beses akong nagpunta sa family lunch." Yeza rested her back and sipped champagne. "Ikaw, na-try mo na ba kahit once?"

Laureen shook her head. "H-Hindi pa. Hindi rin kasi ako comfortable pa," aniya na tumigil at nilingon si Yeza na nakatingin sa kaniya. "I'm sorry."

"Wala 'yon." Yeza smiled. "Because same. I love my family and all of them, but there are some things na hindi aligned sa gusto ko."

Laureen remained quietly staring at Yeza and didn't say a word.

"After this, do you wanna grab some coffee? Ngayon lang din kasi ako naging free and I was planning to go home na sana until I saw you," Yeza said calmly. "Kung free ka lang, ha?"

Tumango si Laureen at pumayag. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa hacienda. Seryosong nakikinig si Yeza sa kaniya tungkol sa mga ginagawa niya sa hacienda tulad ng pagpaparami ng mga kabayo, ng cattle, at mga pananim. Nililinisan na ang kuko nito, pero nakatingin pa rin sa kaniya.

"You're so beautiful," Yeza cut Laureen off. "The harmony of your face is very, very, very nice."

Laureen's eyes widened. Tungkol sa mga kabayo ang pinag-uusapan nila, pero biglang iyon ang sinabi ni Yeza.

"I'm sorry." Yeza shook her head and apologized. "I love observing people's faces; their reactions and how they talk. I'm sorry if it's uncomfortable. Now I get why Aston's head over heels sa 'yo. Your facial harmony is so good."

Alam ni Laureen na namula siya sa sinabi ni Yeza dahil naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya. She was often praised for her looks, but it felt different coming from Yeza who was literally flawless. The gracefulness in her movements, the calmness in her voice, and how she would listen when someone else talked to her were so badass.

Gusto niyang sabihing mas maganda si Yeza, mas maganda ang facial harmony, at mas higitan ang papuri nito sa kaniya, pero hindi niya alam kung anong tamang salita ang sasabihin na hindi ito mao-offend sa kaniya.

Iniba ni Yeza ang usapan at muli itong nagtanong tungkol sa Baesa. Napansin ni Laureen na may ingat ang bawat tanong at palagi ring sinasabi ni Yeza na kung komportable lang siyang sagutin. Nagtanong din ito tungkol sa kung paano ba ginagawa ang farming na masaya niyang in-explain.

Ito na rin siguro ang unang beses na naka-encounter siya ng tao na hindi nagtanong tungkol sa pamilya niya. Ang refreshing. Sobra.

Even Aston asked her about her family after a few dates, and she didn't mind. But Yeza was different. Her boundaries.

Nang matapos silang dalawa, sabay silang naglakad sa mall para maghanap ng coffee shop na walang masyadong tao.

"Fan ka ba ng malls?" tanong ni Yeza.

"Hindi masyado," sagot ni Laureen. "Ikaw?"

"Hindi rin." Ngumiti si Yeza at umiling. "Pero kung dito, puwede naman since hindi masyadong maraming tao. I don't like the crowd that much kaya homeschooled ako since I was young."

Nagulat si Laureen sa sinabi ni Yeza. "As in . . . hindi ka pumasok sa big school?"

"Nope." Umiling si Yeza. "During college, everyone's pushing me to study sa EU or kahit sa ibang bansa, but I didn't want to. Enrolled ako sa Eastern, pero hindi ako pumapasok sa class. I have my own modules and exams."

Hindi nakasagot si Laureen.

"Professors ang nagpupunta sa 'kin," dagdag ni Yeza na ikinagulat niya. "There! May coffee shop na walang masyadong tao!"

Ngumiti si Laureen dahil sa sinabi ni Yeza. For some reason, she felt validated for the first time. The crowd, wanting to be alone—it was something she wanted.

Pagpasok nila sa coffee shop, nilapitan sila ng isang lalaki. Hindi iyon crew dahil naka-suit ang lumapit sa kanila, pero iniabot ang menu. Tumayo ito sa likuran ni Yeza, nakalagay ang dalawang kamay sa likod. Nakita rin niya ang earphone sa kaliwang tainga nito habang nakatingin sa lugar.

"Order ka na, my treat!" Yeza offered. "Kahit ano. Parang gusto kong ma-try 'tong strawberry shortcake nila."

Tumingin si Laureen sa menu at nakita ang almond sansrival. Iyon ang kinuha niya at iced double shot espresso.

"Si Kalev? Nagpunta sa lunch?" tanong ni Laureen. "Ilang beses ko na ring name-meet si Kalev so hindi na siya bago sa 'kin."

"Oo, he's there," sabi ni Yeza na ibinigay ang menu sa lalaking nasa likuran nito at isa-isang ibinigay ang order. "Baka inaya nina Aston and Julien to be there."

Ngumiti si Laureen at yumuko. Bigla niyang naalalang hindi pa siya nagme-message kay Aston. Sinabi niyang tapos na siya sa salon, pero hindi ito nag-reply. Baka busy kaya hinayaan na lang din niya.

Muli niyang ipinalibot ang tingin sa lugar. Busy si Yeza sa phone at mukhang mayroon itong kausap kaya nakakuha siya ng pagkakataong tingnan ang lugar. Walang masyadong tao. Mayroon, pero mukhang mga seryoso ang mga pinag-uusapan. Mayroong ilang nakaupo sa loob at mayroon din sa labas. Mga naka-civilian, pero iba ang pakiramdam niya.

Ang iba ay madalas na titingin sa loob, kay Yeza na mukhang normal na umiinom ng kape, pero mukhang alerto. Dalawa lang ang nakaitim at mukhang kasama ni Yeza, pero sigurado siyang marami pa silang kasamang iba.

"Naiilang ka ba sa kanila?"

Nagulat si Laureen sa tanong ni Yeza. Komportable itong naupo sa pang-isahang sofa. Mayroong coffee table sa gitna nilang dalawa.

"I know you noticed them." Yeza smiled at her. "They're with me. Kung naiilang ka sa kanila, puwede ko silang paalisin para maging comfortable ka."

And Laureen wanted to know.

"M-Medyo," sagot niya kahit na ang totoo, ayos lang namang mayroon silang mga kasama.

Tinawag ni Laureen ang lalaking nag-order ng pagkain nila. Naupo ito hindi malayo sa kanila, pero nakita niyang isa-isang tumayo ang iba't ibang tao. Mayroong nakasuot ng uniform ng isang university. Babae iyon. Sumunod ang isang lalaking naka-casual na damit, lalaking nakasuot puting long sleeve, at kasabay pa nito ang isang babaeng naka-casual office dress. Sumunod ang lalaking mayroong gitara sa likod, mukhang nagbabanda. Hindi siya sigurado kung sino ang mga kasama ni Yeza sa mga iyon.

"They're all with me." Ngumiti si Yeza sa kaniya. "Sila actually ang naghanap ng coffee shop na 'to for us para walang tao."

Gustong magtanong ni Laureen kung bakit may bodyguards si Yeza, pero hindi niya ginawa.

"Anyway, I hope comfortable kang kausap ako kahit na nakita mo sila. It's just that . . . I like being surrounded by my people," pag-amin ni Yeza. "So, how's Manila naman for you?"

"It's fine. Medyo may adjustment kasi nami-miss ko ang Baesa, but Aston's making Manila comfortable for me. Madalas kaming lumalabas sa gabi." Ngumiti si Laureen. "Bakit ka pala nandito sa mall?"

"Oh, I met someone." Yeza smiled warmly. "Also, para na rin tumakas sa family lunch. Hindi kasi ako masyadong sumasama talaga roon kasi iba ang wavelength ko sa kanila and ayaw kong maging calculated sila 'cos of me."

Alam ni Laureen na nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi nito. It was unexpected. Ang alam niya mula kay Aston, hindi nagpupunta sina Kalev at Yeza sa family lunch dahil palaging busy.

"Some of my cousins aren't fond of me, too, kaya gets kita," Yeza said and chuckled. "I know. Alam kong ang iba hindi ka gusto and that's one thing I don't like about them. Kapag may hindi sila gusto, kahit na ano'ng gawin mo, hindi ka nila magugustuhan."

Hindi naitago ni Laureen ang sakit dahil malalim siyana sinabi ni Yeza. Nasaktan siya dahil gusto sana niyang subukan.

"Nakatatak kasi sa kanila na 'pag pakiramdam nila, outcast ka sa buhay na meron sila, hindi ka nila magugustuhan. Kahit na lumuhod ka sa harapan nila, hindi ka ka nila titingnan," diretsong sabi ni Yeza. "That's one trait I hate about the family."

Yeza tried to hold back her tears by biting her lower lip.

"Every family has different lifestyle, perception, decision, and lahat 'yon may reason. But some aren't acceptable and shouldn't be justified kaya ngayon pa lang, ako na ang humihingi ng sorry sa pakikitungo ng iba sa 'yo," sabi ni Yeza. "The grown ups, wala kang problema sa kanila . . . but Suri and Heather are a different breed. Hindi ko rin talaga sila kasundo."

Ngumiti si Laureen. Nakita niyang muling magsasalita si Yeza, pero hindi natuloy nang dumating ang order nila.

"Pero, ikaw?" Naglakas loob si Laureen habang nakatingin kay Yeza. "I know you're more mature, na you'll understand me and Aston. W-What do you think about me? Ayaw mo rin ba ako for him?"

"Wala akong karapatang magsalita about your relationship, but I like you for Aston. I like that he became mature. I can only imagine na kung hindi ka niya kilala, happy-go-lucky 'yan tulad noong college. Actually, napag-usapan namin ni Kalev before na at risk ang Zothas knowing he's not serious about life yet." Yeza chuckled. "Malamang na laman pa rin 'yan ng bar tulad noon. Malamang na kung saan-saan na naman namin sila makikita o hahanapin."

Laureen sat comfortably while staring at Yeza.

"Aston had a habit of not letting anyone know kung nasaan siya or sila nila Suri. Maybe that's one of the reasons why Suri doesn't like you. Nagbago kasi talaga si Aston," pagpapatuloy ni Yeza. "Dati magugulat na lang kaming nasa Japan sila or Europe. Walang paalam."

"Grabe." Laureen shook her head. Hindi siya makapaniwala. "Seriously?"

"Serious!" Yeza laughed. "But after you, he became serious about life. He started showing interest sa company, sa business. He started asking questions, which is why I'm not against you. If he's changing, it's for the better. Magagalit ako kung nagbago siya at napariwara ang buhay niya."

Yeza exhaled. "Pero tulad nga ng sinabi ko kay Aston, I know that you two are bound to fail. That's the truth."

Nagulat si Laureen sa sinabi ni Yeza, pero hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatingin sa mukha ng babaeng kaharap.

"Aston wouldn't be able to give you that peace of mind, Laureen," Yeza said truthfully. "Because while you're dating him, you'll feel unwanted by people who shouldn't matter, but would on your part kasi you'll always think about them. Kahit na sabihin ko o ni Aston na 'wag mong pansin, 'wag mong isipin, hindi namin mapipigilan ang nasa isip mo."

Laureen felt a lump in her throat, which she tried to clear but couldn't.

"But I am here for you." Yeza smiled sweetly. "Hindi natin sila bati."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys