Ch. 18
Seryosong nakatitig si Laureen kay Aston habang inaayos nito ang helmet na suot niya. May kaba sa dibdib niya dahil first time niya itong gagawin, pero desidido na siya. Buong araw nila itong pinag-usapan, gagawin na nila.
"I'm scared," Laureen murmured like a little girl.
"I know." Aston chuckled. "Hawak ka lang sa 'kin. Chill ride lang naman tayo so hindi natin bibilisan. We can talk here." He pointed out the earphone inside their helmets. "Kapag nangangawit ka na, tell me."
Laureen nodded and breathed hard.
Nang matapos si Aston sa ginagawa, itinanong nito kung naririnig niya ang boses habang nagsasalita. Tumango siya. Ipinagdikit ni Aston ang helmet nilang dalawa bago humiwalay sa kaniya at saka sumakay sa motor.
It was just a random conversation last night. Hindi naman niya inasahang tototohanin ni Aston ang isang bucket list niyang makasakay sa motor at umikot sa city. Isang sabi lang niya, ipinadala kaagad sa condo ang isang motor na pag-aari nito kaya hindi na rin siya nakapalag.
Inalalayan siya ni Aston na makasakay sa motor. May takot lalo nang gumalaw ang motor dahil sa balanse, pero siniguro naman ni Aston na magiging okay lang silang dalawa. Hinawakan nito ang magkabilang legs niya, hinaplos iyon, at bahagyang sumandal.
"Hawak ka sa 'kin. Whatever happens, don't panic," sabi ni Aston na nakasandal sa kaniya. "Lean forward, love, and encircle your arms around me."
Sinunod ni Laureen ang sinabi ni Aston. Mas kinabahan siya nang magsimulang umandar ang motor. Nasa basement sila ng condo kaya rinig sa buong lugar ang ingay ng motor ni Aston.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa jacket na suot nito lalo nang makalabas sila sa main road. Hindi masyadong traffic dahil almost midnight na rin, pero marami pa ring sasakyan.
"You okay?" tanong ni Aston.
"Still scared," pag-amin niya. "Love, 'wag kang haharurot o sisingit sa iba, ha? Can we just have a chill stroll lang?"
"Yup," sagot ni Aston. "Enjoy the night lights, baby."
This time, Laureen looked up and saw all the buildings around the area. It was almost midnight, yet so busy. Nakita niya ang ibang nagmamadaling pumasok sa building at mukhang simula pa lang ng araw. Bigla niyang na-miss ang Baesa dahil sa ganitong oras, tulog na ang lahat.
Tahimik siya, ganoon din si Aston hanggang sa tumugtog ang isang kanta. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Aston at sinabayan ang kantang Kiss Me by Sixpense None The Richer. Dinig na dinig niya ang boses nito habang binabaybay nila ang daan papunta sa kung saan.
Ang kasalukuyang dinadaanan nila ay medyo maraming sasakyan. Huminto sila sa gilid habang hinihintay ang green light. Muling hinawakan ni Aston ang magkabilang legs niya, hinaplos iyon, at itinanong kung nangangawit na siya.
Hindi pa. Ine-enjoy niya ang malamig na hangin at ang bagal ng takbo nila. Minsang sumisingit si Aston sa ibang sasakyan kapag kailangan, pero nag-e-explain ito sa kaniya kung bakit.
Nang medyo naging komportable na si Laureen, humiwalay siya kay Aston ngunit nanatiling nakahawak sa baywang nito. Ipinalibot niya ang mga mata sa bawat lugar na madaraanan nila.
Laureen's heart pounded as she realized what others said was true. This city was beautiful, especially at night. The beaming lights were blinding compared to what she was used to, but for some reason, she was enjoying this ride with Aston.
. . . and she would love to do this again.
—
Maagang umalis si Aston para sa trabaho. Naisipan naman ni Laureen na bumisita kina Julien, Asia, at Lucien. Maaga siyang umalis para maabutan ang mga ito bago pumasok sa school.
Gamit na niya ang bagong sasakyan galing sa Criso Cars. SUV type ang kinuha niya this time, malayo sa nakasanayan niyang sedan. Maiba lang.
Pinapasok kaagad siya sa subdivision dahil kilala naman na siya. It was almost seven in the morning, sigurado siyang natutulog pa si Lucien. Pumarada siya sa sidewalk ng bahay ng kapatid niya.
The house was a gift from their parents. The lot was from Asia's parents, too. Maganda ang bahay, simple lang. Natawa siya noong unang beses niya iyong makita kahit na nasa isang subdivision at ikinagulat nang matapos iyon.
It was different from other houses. May beach house vibe kasi ang ipinagawa nina Julien at Asia—very unique para sa city.
"Ate!" bati ni Asia paglabas nito ng bahay. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya. "Tulog pa 'yong mag-ama, e. Hindi rin kasi namin papapasukin si Lucien today kasi medyo may ubo't sipon siya. Nag-swimming kasi sila kahapon."
Natawa si Laureen dahil hindi na 'yon nakagugulat. Sumunod siya kay Asia papasok ng bahay at nakita ang almusal na nakahanda. Nagpaluto raw pala ang kapatid niya. Binigyan siya ng kasambay ng brewed coffee.
"Akala ko, Ate, kasama mo si Aston," sabi ni Asia.
"Maaga siyang pumasok sa office para daw maaga siyang matapos," sagot niya. "I'll stay here sa Manila for maybe a month. Sana lang din walang mangyaring bad sa hacienda para hindi muna ako bumalik."
Nakita niya kung paano natigilan si Asia sa ginagawa at matagal na napatitig sa kaniya. Halatang may gulat dahil malamang na hindi ito sanay tulad ng iba.
"I'm just here to stay with Aston for a while," pag-amin niya. "Medyo marami akong utang na bonding sa kaniya, e."
Ngumiti si Asia dahil sa sinabi niya. "Aww, tha'ts sweet, Ate. Ang swerte naman ng Aston na 'yan! Pero minsan, mag-stay ka rito sa bahay, ha? Para we can bond with you."
"Sige lang," sagot niya.
Pinag-usapan nila ni Asia si Lucien na nag-aaya raw umuwi sa Baler dahil nami-miss ang grandparents, pero hindi pa puwede dahil ongoing ang school at busy rin sina Julien at Asia sa bagong business na inaayos ng mga ito.
Laureen was comfortably talking to Asia when the door opened.
"Bago car n'yo? I like that ca—" Tumigil sa pagsasalita si Suri nang magtama ang tingin nila.
"Oo nga! That's the new car—" It was Heather behind Suri who also stopped talking.
Laureen composed herself and smiled. Kahit na bigla niyang naalala ang mga pinagsasabi ng mga ito tungkol sa kaniya—na narinig niya sa banyo at nabasa sa group chat—ngumiti siya para bumati sa dalawa. Naka-workout clothes ang dalawa, mukhang galing sa pagtakbo.
Tumayo siya mula sa dining chair at ngumiti. "Good moring. Coffee tayo."
"No, thanks," ani Suri na patagilid na nakatingin sa kaniya bago nilingon si Asia. "Ano'ng dadalhin mo sa family lunch tomorrow? I don't know pa kung ano sa 'kin."
"Hindi pa kami nakakapag-usap ni Julien, e," sabi ni Asia. "Gusto n'yong mag-breakfast? Nagluto kasi kami."
"Nah." Suri shook her head.
Nagtama ang tingin nila at basta na lang itong tumalikod palabas ng bahay. Sumunod si Heather na hindi tumitingin sa kaniya, hindi na rin nagpaalam. Sumunod si Asia sa mga ito kaya naiwan siyang mag-isa.
Masakit, oo, dahil sa pakikitungo ng dalawang tao, parang nasira ang plano niya. Parang nawalan siya ng gana sa planong subukang maging malapit sa mga kamag-anak ni Aston. Parang biglang nagbago ang plano . . . biglang ayaw na niya.
Not because she hated failing but because she hated the feeling of being unwanted. Kung ibang tao lang sana ang mga ito, wala siyang pakialam. She could easily let this go, but the fact that these people were Aston's cousins—whom he grew up with—it would be harder for her to accept.
The flow of memories from being unwanted by people rushed through her. Naalala niya ang hirap sa pagpasok sa school noong kabataan niya, ang pagsubok na baguhin ang ayaw sa kaniya para tanggapin siya, at hayaan ang ibang husgahan siya dahil sa pamilya niya.
Malalim siyang huminga para subukang pakalmahin ang sarili. Pumasok si Asia, halata ang kaba sa mukha nito habang nakatingin siya.
"A-Ate, sorry about that," Asia said in a low voice.
"Wala ka namang dapat ika-sorry sa 'kin. You did nothing wrong," Laureen assured. "Puwede bang 'wag mo na lang sasabihin 'yon kina Aston and Julien or anyone?"
Asia didn't respond.
"Hindi naman 'to ang first time. I already heard them talking about me. Do you have any idea bakit nila—" Laureen stopped. "Wait, don't answer that."
Mabuti na lang din at narinig na nila ang boses ni Lucien. Mabilis ang pagbaba nito kaya rinig nila ang pagsaway ni Julien na kaagad lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa gilid ng noo.
Laureen shrugged the feeling and enjoyed her day with Lucien. Inaya siya nitong maglaro sa likod ng bahay. Nakasalampak lang silang dalawa sa damuhang mayroong duvet at pinagbasa siya ng libro. Pinagkuwento rin siya tungkol sa mga kabayong nasa hacienda at sinabing pupunta ito roon sa susunod kasama ang grandparents na ikinatuwa niya.
She was laughing, but there was a hollow feeling inside her chest. Masaya siyang nakikipaglaro sa pamangkin niya, pero paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang tingin sa kaniya nina Suri at Heather.
The thought of wanting to make them like her vanished.
"Ate?" Lumapit si Julien sa kaniya paglabas niya ng bathroom. "Punta tayo sa rooftop?"
Tumango siya at sumunod. Naririnig nila si Lucien na ayaw uminom ng gamot.
"Musta ka na, Ate?" tanong ni Julien na sumandal sa railing ng rooftop. "Nabanggit sa 'kin ni Asia na mag-stay ka raw dito nang one month. What changed?" Mahina itong natawa.
"Wala naman," sagot niya. "Gusto ko lang munang maka-bonding si Aston. Gusto ko na ring isa-isahin 'yong mga unit natin. Gusto kong makita kung merong dapat ipaayos. Ang tagal ko na rin kasing hindi napupuntahan."
Malalim na huminga si Julien at ngumiti. "Buti naman lumabas ka ng hacienda. Gusto mo bang mag-stay rito sa bahay? Papalinis ko 'yong isang room."
"No. Hindi rin ako comfy rito sa place n'yo," pag-amin ni Laureen. "I don't feel welcome and mas gusto kong kasama si Aston kaysa sa 'yo kaya thank you na lang sa offer."
Mahinang natawa si Julien sa sinabi niya. Pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-uwi sa Baler dahil isa iyon sa plano nila ni Aston sa mga susunod na linggo kaya magsisipag daw ito ngayon para matapos ang ilang trabaho.
At dahil nasa subdivision na rin naman siya, naisipan niyang dumaan sa bahay ng parents ni Aston. Sakto namang kararating lang ng mga ito. Kaagad siyang pinapasok at nag-slice pa ng cake ang mommy nito para sa kaniya.
"Noong sinabi ni Aston na nasa Manila ka, sabi ko magpunta kayo rito bukas para sa family lunch," sabi ng mommy ni Aston. "Sakto rin namang hindi ka pa namin nakakasama roon."
Hindi siya kumibo at nanatiling nakikinig.
"Everyone will be there!" natutuwang sabi nito, mukhang excited na magpunta siya. "We'd love for you to be there, too."
Ngumiti si Laureen at tumango, pero hindi siya sumagot. Iniba niya ang usapan. Tinanong niya kung kumusta ang pagpunta ng mag-asawa sa Paris dahil nabanggit sa kaniya ni Aston na nag-tour ang mga magulang nito.
Going to that family lunch would be the last thing she wanted now. Siguro kung hindi niya na-encounter sina Suri at Heather, puwede pa, pero sa pagkakataong ito, hindi muna. Hindi muna ulit.
Para hindi na muling magbuksan ang topic tungkol sa family lunch na iyon, nagtanong siya tungkol sa Paris. Sa limang taon niyang pamamalagi roon, marami siyang alam na puntahan at kainan. Ipinakita rin sa kaniya ng mommy ni Aston ang mga picture na kinuhanan nito dahil isa nga itong photographer.
Nalibang na rin siya at hindi namalayan ang oras. Nag-message siya kay Aston na sumunod sa kaniya. Inaya muna silang mag-dinner ng parents nito bago sila umalis at sasakyan na niya ang ginamit nila pauwi sa condo.
"How was your day?" Hinalikan ni Aston ang likod ng kamay ni Laureen. "Napagod ka ba sa play time n'yo ni Lucien?"
"Oo, pinaghabol ako." Natawa si Laureen. "Ikaw, how's your day?"
"Busy." Tumaas ang dalawang balikat ni Aston na nagsimulang magkuwento tungkol sa mga ginawa sa maghapon tulad ng meetings, pagbabasa ng mga papeles, at training kasama ang Accounting Department dahil gusto niyang makita ang ginagawa roon.
Ngumiti si Laureen at ibinalik ang tingin sa daan. Naghihintay siya na mag-open si Aston tungkol sa family lunch na nabanggit sa kaniya ng mommy nito. Nakaisip na siya ng dahilan at firm ang desisyon niyang hindi magpunta.
Samantalang napansin ni Aston ang katahimikan ni Laureen, mukhang pagod nga lalo nang sumandal ito sa upuan ng sasakyan habang nakatingin sa bintana. Hindi siya sigurado kung natutulog ba ito o ano kaya hindi na rin siya nagsalita.
Aston had a long day, too. Pinipilit niyang matapos ang mga task sa mabilis na paraan dahil gusto niyang umuwi nang maaga. Nagplano na rin siyang mag-off at humingi ng bakasyon simula next week dahil minsan lang free si Laureen, susulitin na niya.
Balak niya itong ayain magpunta sa Baler at sa ibang bansa kung puwede para maiba naman. Hindi pa nila nasusubukang mag-travel na sabay nang sila lang kaya ito ang magiging goal niya sa isang buwang magkasama sila.
Pagdating sa condo, naunang pumasok sa bathroom si Laureen. Aston went inside the shower with Laureen who immediately encircled her arms around his neck and kissed the side of his lips.
"I missed you today," Laureen whispered in between kisses. "Can we . . . fuck?"
Aston didn't have to say a word. He turned Laureen around, pushed her onto the cold tiles, and cupped her right breast before slowly thrusting. The shower was filled with moans from both.
Nakalapat ang dalawang palad ni Laureen sa tile habang maingat ang bawat paggalaw ni Aston mula sa likuran. Naramdaman niya ang paghalik ni Aston sa batok niya, ang paghaplos ng dalawang kamay nito sa baywang niya, at ang maingat na paggalaw.
"Aston," Laureen whispered when Aston buried deep inside her. She fisted her hands as she reached the orgasm she had been wanting.
Hinila siya ni Aston at hinalikan nito ang pisngi niya.
"I love you," Aston whispered. He stopped moving and she felt warm liquid inside her.
Sabay nilang tinapos ang pagligo. Nakaharap sa salamin si Laureen habang sinusuklay ang buhok niya nang maupo si Aston sa gilid ng kama, pero nakatingin sa kaniya.
"Love, we're having a family lunch tomorrow. Do you wanna come with me?" tanong ni Aston. "Kung hindi ka puwede, okay lang, but I have to be there kasi hahanapin ako ng lola ko."
Laureen smiled and shook her head. "I have to meet someone tomorrow. Naalala mo 'yong sinasabi ko sa 'yong nagbebenta ng isang unit na sinabi ni Luana sa 'kin last time and I liked it? I will meet her tomorrow."
"Of course, no worries. Magkita na lang tayo rito sa condo o gusto mong ihatid kita 'tapos susunduin na lang kita?" Aston sounded worried.
"No, love. I can manage. Dito na lang tayo magkita sa condo bukas," Laureen said. "Enjoy."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top