Ch. 17
Pagdating sa condo, kaagad na dumiretso si Laureen sa balcony para silipin ang university mula sa itaas. Kita niya ang mga ilaw sa field, sa buildings, at ang ilang estudyanteng naglalakad pa. It was just past seven in the evening.
Nag-stay muna sila nang dalawang araw sa Baesa dahil iyon ang hiniling ni Aston. Dumaan na lang din sila sa isang fast food para sa dinner dahil hindi na sila makakapag-grocery.
"I'm still curious," sabi ni Aston na tumabi sa kaniya at ipinatong ang siko sa railings ng balcony. "What made you like this place? May mas maganda akong unit sa 16th area. The sunset and sunrise are beautiful. This isn't even the top floor."
Patagilid na nilingon ni Laureen si Aston. "I like watching those people." Itinuro niya ang mga estudyante sa bleacher ng school na nagtatawanan. "Noong unang beses na dinala mo 'ko rito just to show me the university, nagandahan ako. Sabi ko, next time, I'd stay here all do doing nothing, just observing people."
"Bakit?" Aston curiously asked.
Laureen shrugged. "Wala naman. I like making random conversations inside my head based on their facial reaction, body actions, and emotions. Ganiyan ako n'ong bata ako, e."
Aston stared at Laureen, who started making up stories about people passing by. It was fascinating for him to see his girlfriend do this. Ang galing dahil sumasakto sa facial reaction ang made up stories na sinasabi nito.
"I remembered my classmates not wanting to play with me kasi ayaw raw nilang mag-English. I remember hearing them say na 'wag nating isasali si LJ kasi ang arte-arte naman niyang magsalita," pagpapatuloy ni Laureen. "I remember them murmur na naiinis sila sa boses ko kasi maarte ako. Conyo isn't the normal word for it noon, but I had a hard time."
Silence. Aston didn't say a word and let Laureen tell him things. Kahit narinig na niya ang kuwento, hearing Laureen tell him things she decided to forget was big. Alam niyang hindi bumabalik si Laureen sa nakaraan o pinag-uusapan ang bagay na nangyari na kaya hinayaan niya ito.
"Anyway, I survived them," Laureen happily said. "Naalala ko 'yong sinasabi sa 'kin nina Tita Amira and Tito Job na okay lang na hindi ka gusto ng ibang tao. Kung hindi ka nila gusto, edi hindi. Simple. No explanation. Noong una kasi nahirapan ako. I have to deal with these people everyday! Classmates ko sila, e . . . until I realized na they're just around. I'm still Laureen Juliana without them. They're not part of my life for a reason and that reason is enough. No questions asked."
Ngumiti si Aston dahil sa sinabi ni Laureen. Pumuwesto siya sa likuran nito habang pinakikinggan niya ang made-up stories ni Laureen sa mga taong nasa field ng university. Hinalikan niya ang balikat nito at ang pisngi.
"Thank you for spending time with me here. Sigurado ka bang gusto mo rito sa Manila?" tanong ni Aston.
"Ilang beses mo na 'kong tinatanong niyan." Natawa si Laureen. "Kaya naman. Sasabihin ko naman sa 'yo 'pag hindi ko na kaya, 'di ba? Bukas ng umaga, jogging tayo o maaga kang aalis?"
Humigpit ang yakap ni Aston sa baywang ni Laureen na sumandal sa dibdib niya. "Nag-off ako hanggang bukas. Sa mga susunod na araw for a week, half day lang ako kaya we can do whatever we want. Bukas, jogging tayo around the area. Got any plans after?"
Samantalang naramdaman ni Laureen ang paghalik ni Aston sa balikat niya. "Grocery. Hindi pa natin 'to nagagawa together . . . more like I haven't been inside a grocery store for a very long time and I wanna shop with you. Okay ka sa idea?"
"Oo naman." Mahinang natawa si Aston. "Then? Kailan mo balak magpunta sa Criso Cars to get your new wheels?"
"Bukas ng hapon para may sasakyan ako kapag aalis ka. I'm planning to visit my Kuya Vaughn pagpasok mo sa office. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkikita," ani Laureen sa mababang boses.
"You're busy, and people around you surely understand," Aston said. He remembered what Yeza told him about Laureen pursuing things. "And that's okay. We're all here."
Napangiti si Laureen sa sinabi ni Aston. Mas sumandal siya sa dibdib ng kasintahan at saka nagpaalam para ayusin ang mga gamit nila. Halos dalawang maleta ang dalang gamit ni Laureen at siguradong bibili pa siya sa mga susunod pa.
Kinabukasan, habang nasa grocery, si Aston ang nagtutulak ng cart habang si Laureen naman ang naghahanap ng mga bibilhin nila. Nakalista ang lahat na ikinatawa ni Aston, but Laureen insisted.
"Are you cooking?" Aston asked.
"Yes," Laureen responded while looking for a specific tomato sauce. "Here you go. Ito kasi ang ginagamit ni Manang Tess for the afritada kaya ito lang ang bibilhin ko. Baka kasi hindi same ang taste if we're gonna get a different brand."
Aston chuckled without a word and looked at Laureen, who was busy going through her list.
"Love," kuha ni Aston sa atensyon ni Laureen. "I never thought doing groceries as a couple is nice. First time natin 'tong ginawa."
Tumingin si Laureen kay Aston at tumango. Wala siyang nasabi dahil iyon naman ang totoo. First time niyang mag-grocery kasama si Aston. Hindi niya first time na mayroong kasama dahil noong sa Paris sila nakatira ni Travis, ginagawa naman nila ito. Normal kung tutuusin.
"We should do this more often," sabi ni Aston habang patuloy na itinutulak ang cart at dumiretso sa meat section.
Ang tagal pinag-isipan ni Laureen kung gagawin ba niya ito. She wanted to free Aston from her, that was the truth. Hindi na nasundan ang breakup conversation dahil sa pagkakataong ito, gustong ayusin ni Laureen ang samahan nilang dalawa. Sa pagkakataong ito, siya naman ang gagawa ng paraan para sa relationship nila.
It was a big step for her. Hindi siya sanay na hindi nagtatrabaho, na wala sa hacienda, at walang gagawin, pero susubukan niya habang kasama si Aston. Naisipan din niyang mag-stay sa Manila para kahit papaano ay magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga pinsan ni Aston.
Walang mangyayari kung magpapakalugmok siya, kung mas ilalayo niya ang sarili sa iba, at kung mas pipiliin niyang ayawan siya.
She wanted Aston. She loved him, and she would try for him.
That was the purpose of staying here in Manila.
Naisip din niya na kung sakali mang gugustuhin niyang maging welcome ang sarili niya sa pamilya nito, hindi puwedeng hindi siya gagawa ng paraan. Walang miracle sa parteng ito. She had to adjust and do something, too.
"Are we okay?" tanong ni Aston, mukhang napansing malalim ang iniisip niya. "Ang tahimik, ha. Something's bothering you?"
"Nothing." Ngumiti si Laureen at inilabas ang card.
Aston wanted to pay for the groceries, but Laureen insisted. Good thing Aston didn't argue, pero sinabi nitong bawal siyang mag-share sa gas ng sasakyan. Nag-agree naman sila.
Bumalik kaagad sila sa condo para ayusin ang groceries and Laureen realized that even sorting the groceries was fun! Siya ang naglalabas sa mga lalagyan, si Aston naman ang naglalagay sa counter. It was just a simple bond and she was loving it.
Laureen slept, and it wasn't part of her to-do list today. Nabigla siya ng bangon nang ma-realize na madilim na. It was past seven. Naaalala niyang bago siya nahiga, alas-dos pa lang iyon ng hapon. Gumawa sila ng fruit salad at sinabi niyang hihiga lang siya sandali para magpahinga.
Nagmadali siyang lumabas ng kuwarto at nakita si Aston na nasa kusina. Naka-apron ito, pero walang pang-itaas. Nakasuot ng simpleng shorts na pambahay at nagluluto.
"Hey, love!" Lumapit si Aston na mayroong dalang kutsara. "I made mashed potato. Tikman mo nga kung tama na siya for you."
Kahit na inaantok pa, tinikman niya ang mashed potato at masarap iyon dahil mayroon pang bacon bits. Sumunod siya kay Aston sa kusina at nakitang steak ang niluluto nito bukod sa mashed potato.
"Sabi ko ako ang magluluto, e," ani Laureen.
"Bukas ka na lang," sagot nito na itinuro ang lamesa. "Kakain na tayo. Naka-rest lang ang steak and we're good. May naisip akong gawin after dinner, baka gusto mo?"
Nagsalubong ang kilay ni Laureen, pero hindi siya nagtanong.
"Gusto mong pumasok sa university? We can walk around lang or stay tayo sa field," pag-offer ni Aston. "Kahit sa field lang tayo."
"Sige. Bili tayo ng gelato sa baba ng condo. May nakita ako kanina." Ngumiti si Laureen. "Sure ka bang puwede akong pumasok sa loob?"
"Oo, kasama mo naman ako, e," sagot ni Aston habang isinasalin nito ang mashed potato sa bowl.
For some reason, Laureen felt the excitement. Isa sa mga gusto niyang masubukan ang maglakad around Manila kapag gabi. Gusto rin niyang pumasok sa loob ng university dahil isang beses pa lang niya iyong nagagawa—noong mag-entrance exam siya kasama si Vaughn, pero hindi niya itinuloy.
Laureen and Aston enjoyed the dinner. She volunteered to do the dishes, but Aston refused. Sabay nilang hinugasan ang mga ginamit sa pagkain at pagluto bago sabay na naligo at saka lumabas ng condo.
Dumaan muna sila ng ice cream sa gelato house na malapit sa condo. Simpleng hoodie at jogger pants ang suot nilang dalawa. It was past ten and Aston was sure that they could still enter the university.
And he wasn't wrong! Laureen asked how. Sinabi ni Aston na mayroong quarters ang magpipinsan sa school kapag gusto nilang matulog doon. Hindi rin nagsasara ang library para sa mga estudyanteng gustong magpalipas ng oras o mag-aral sa loob ng campus.
One area of the university was always available for enrolled students.
Pagpasok sa campus, nakipag-usap muna si Aston sa isang guard para ipagpaalam si Laureen dahil wala naman itong ID at record sa school. He vouched for his girlfriend who was happily eating her ice cream on cone.
At gusto niya ang nakikita dahil malayo ito sa Laureen na nakasanayan niyang palaging nakaayos, nakadamit panlakad talaga, at halos hindi nawawalan ng kausap sa phone.
Naka-messy bun ang buhok ni Laureen. Wala itong makeup kaya mas nagmukhang bata. Ni walang suot na hikaw at masaya lang na kumakain ng ice cream.
Sa tuwing magkasama sila o sa tuwing nakatingin siya kay Laureen, hindi mahahalatang mas matanda ito sa kaniya. Kapag hindi nagsasalita, mukha itong estudyanteng magtatanong sa kaniya kung nasaan ang building para sa literature or arts dahil iyon ang vibe ibinibigay nito sa kaniya.
"Why are you smiling?" Laureen frowned the moment she noticed Aston was smiling playfully.
"Para kang student dito." Aston walked towards Laureen and held her hand. "Love, your facial features are very, very baby. Hindi halatang you're already in your early thirties. Plus, you're really small beside me."
Masamang tumingin si Laureen kay Aston nang ipaalala nito ang edad niya. Totoo rin naman dahil matangkad si Aston kumpara sa kaniya. Walang kaso sa kanilang dalawa ang age differences nila dahil hindi rin naman ipinararamdaman ni Aston na mas matanda siya. Kung tutuusin, may mga pagkakataong umaarte pa itong mas matanda sa kaniya.
While walking, Laureen observed the place. The university had buildings for every college and department. One thing she loved about the place was the mini hospital. It wasn't just a school clinic. It was literally a hospital named after the Laurents—Aston's lineage.
Nakarating sila sa field at hindi lang sila ang nandoon. May kumpulan ng mga estudyanteng nagkukuwentuhan, nagdiya-jam habang nakagitara, at ang iba naman ay nakahiga sa damuhan.
Ang buong akala ni Laureen, mag-stay sila sa damo, pero dumiretso sila ni Aston sa stage. Walang tao roon dahil bawal dumaan sa likuran kung saan puwede lang umakyat, pero mayroong access ang ID na dala ni Aston.
Sa stage, kita ang kabuuan ng oval. Marami pang ilaw na nakabukas sa mga building na mayroong mga classroom. At mula rin sa kinatatayuan nila, kita ang condo unit ni Aston.
"So, ano'ng pakiramdam na parang ikaw naman ang possible na tingnan ng mga nasa condo unit?" tanong ni Aston na basta naupo sa edge ng stage. "Sayang 'no? Kung dito ka sana nag-aral, mas matagal na tayong magkakilala."
Mahinang natawa si Laureen at naupo sa tabi ni Aston. Pareho silang kumukuyakoy.
"Kung dito ako nag-aral, walang magiging tayo," sagot ni Laureen. Ipinagpatuloy niya ang pagkain sa ice cream na hawak niya. "With our age gap, you'll be very young 'pag nagkakilala tayo rito."
Naningkit ang mga mata ni Aston. "That actually makes sense. Ayoko na pala. I'm good now. Now na naiisip ko 'yang sinabi mo, I'm actually thankful na hindi tayo nag-meet earlier. I mean I know you already, but meeting you later felt different."
"What makes the difference?" Laureen asked curiously.
"I was more mature and may lakas ng loob akong ligawan ka," Aston chuckled. "And I had a shot kasi hindi ako minor."
Laureen laughed. "Imagine you're a minor and shooting your shot? Nakakadiri ka for me."
"Pandidirihan mo talaga ako?" Aston frowned.
"Yes. Kasi, you're fully aware of our age 'tapos ganoon? If gender was reversed, kikiligin pa ang ibang minor na girls na nagugustuhan ng mas matandang lalaki sa kanila without knowing the risk. Some might even think it's acceptable. Kadiri lang," Laureen said in a low voice. "Ako naman, imagine what others thought after dating you kahit na okay naman na ang age natin? Siguro ang tawag sa 'kin, cougar."
Aston looked away, and Laureen saw that. Alam niya kung ano ang sinasabi niya. She intentionally used the word cougar, the same as what Aston's cousins used towards her, trying to see his reaction and if he would say something about it.
But she got nothing.
"Anyway, this place looks nice up close. Nagagandahan na ako sa kaniya sa itaas, but seeing this now, ang ganda pala talaga. True to Kuya Vaughn and my younger siblings said," Laureen breathed. "You by the light is the greatest find..."
Aston gazed at Laureen, who started singing Terrified lowly. Sapat ang boses para marinig niya, pero mahina at mababa. Nakatitig siya sa side profile ng girlfriend niya at wala siyang ibang naiisip dahil kahit na nahihirapan siya sa relasyon nila, ilalaban niya.
"Love?" Pagkuha ni Aston sa atensyon ni Laureen na tumigil sa pagkanta. "I love you so much."
Laureen smiled. "I love you," she said and looked away. "Alam mo, I wasn't supposed to say yes. Ayoko, eh. Ang bata mo. I can see immaturity, nahihiya ako sa sasabihin ng ibang tao sa 'kin, naiilang ako na ang bata mo. Alam kong we won't work at all."
"T-Then..." Aston worriedly asked. "What made you change your mind?"
"Remember when we had a date a drive-in movie, and we watched Jurassic World together, and you cried when that Brachiosaurus was left behind by everyone and died?" Laureen widely smiled.
Umiling si Aston. "I buried that memory, Love. Nakakahiya."
"No. Ba't ka nahihiya eh 'yon nga ang reason kung bakit ako nag-try sa relationship natin?" natawa si Laureen at tumingala. "Hindi ko rin alam kung bakit, but when I saw you tearing up from that scene and trying to hide it from me... naisip ko lang na wow, I can cry with this person sa kahit anong situation."
Nagsalubong ang tingin nilang dalawa.
"I don't cry that much, but I cried sa scene na 'yon. My heart broke, and seeing you cry, too... I love you for that, Aston."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top