Ch. 15

Aston didn't know what was happening inside Laureen's mind, which was frustrating. He had a lot of questions, but after hugging his girlfriend, he knew that something heavy was lifting. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang si Laureen na mismo ang humiwalay kay Aston.

"Ikaw nagluto?" tanong ni Aston habang nakatingin sa lamesa. "Hindi pa rin ako nagdi-dinner. Can I eat before we go to sleep?"

Tumango si Laureen at humiwalay sa kaniya para ayusin ang lamesa. Habang nakatingin sa girlfriend niya, napasandal siya sa kitchen counter dahil para siyang naubusan ng lakas, pero hindi niya iyon ipinahalata. Nakatingin lang siya kay Laureen, sinusundan ang bawat kilos nito... ni hindi magawang tumingin sa kaniya.

"Bumili rin ako kanina sa café ng cake," sabi ni Laureen na nilingon si Aston. "Gusto mo rin ng slice? It's vanilla lang with vanilla icing and caramel. That was it."

Ngumiti si Aston at lumapit kay Laureen. Hinalikan niya ang pisngi nito bago naupo sa dining chair, katabi ng mismong upuan ni Laureen na hindi pa rin tapos kumain. Naupo rin si Laureen sa tabi niya na sinandukan siya ng baked potatoes at nilagyan pa ng gravy ang pinggan niya.

His heart was heavy, but he tried to smile as much as he could. He happily accepted all the food Laureen put on his plate.

"Saan ka galing?" tanong ni Laureen. "Amoy alak at yosi ka."

"I was at the bar with my college friends," pag-aamin ni Aston. "After receiving that message, tinawagan ko na kaagad si Neil para makapunta kami rito. Ayoko nang ipagpabukas 'to, e. We haven't talked about the same messages last time because we're both occupied. I think we need to now."

Laureen looked down, looking guilty. Without saying a word, she started slicing her steak. Aston observed and saw how his girlfriend's movements were calculated, and instead of pointing it out or saying anything, he didn't. They will probably talk tomorrow. He knew they would.

They ate in silence. May mga pagkakataong nililingon ni Aston si Laureen na tahimik na kumakain. Dessert na, tahimik pa rin silang pareho... at siya na rin mismo ang nag-volunteer na maghugas ng mga pinagkainan nila. Nilingon niya si Laureen na lumabas ng kusina at nagpunta sa garden na nasa likod ng bahay. Hinayaan niya it hanggang sa matapos siya sa ginagawa.

Aston didn't say a word and just hugged Laureen from the back. Both were staring nowhere. It was dark and quiet, and no one was around them.

Again, he waited, but nothing. He kissed the side of Laureen's forehead and whispered. "I miss you. I don't want to break up, babe. I love you, but am I making this relationship hard for you?"

Naghintay ng sagot si Aston, pero wala. Nanatiling tahimik si Laureen na mahigpit na humawak sa braso niya. Ramdam niya ang pagsandal ng likuran nito sa dibdib niya.

"Gusto mo na bang matulog?" tanong ni Aston. "Love, I can't stay long. Gusto kong mag-stay, pero may meeting ako bukas ng umaga. I'll sleep here tonig—"

"Y-You can go." Humarap si Laureen sa kaniya. "I'm okay na. Sorry kasi ito na naman ako," sabi nito at ngumiti. "Bumalik ka na sa Manila para hindi ka magahol mamaya."

Umiling si Aston. "Mag-stay muna ako, matutulog na muna ako. Kausapin ko lang sandali si Neil na magpahinga na muna siya. We'll leave at around six in the morning. What do you think?"

Yumuko si Laureen at tumango. Nagpaalam na rin muna si Aston na kakausapin si Neil para sabihing kinabukasan na sila babyahe. Tumawag din muna siya sa parents niyang hiniram muna niya ang chopper at babalik din kaagad kinabukasan.

Matagal bago siya bumalik sa bahay. Sandali muna siyang huminga dahil mabigat na rin talaga sa kaniya. Ni hindi niya alam kung ano ang mga tamang tanong para kay Laureen dahil hindi rin siya sigurado kung sasagutin ba iyon.

Pagpasok sa kwarto ni Laureen, sakto namang paglabas nito mula sa walk-in closet hawak ang towel, T-shirt, at jogger pants niyang palaging iniiwan.

"Mag-shower ka na rin muna. Medyo mabantot ka," pagbibiro ni Laureen.

"Shower with me?" Aston encircled both his arms around Laureen's waist. "No other business, just shower with me."

Laureen agreed and held his hand. Sabay silang pumasok sa bathroom at si Laureen na mismo ang nagtanggal ng mga butones ng longsleeve na suot niya. Nanatili siyang nakatayo habang nakatitig sa mukha ni Laureen na malamlam ang mga matang naka-focus sa damit niya.

Sa loob ng shower, malamig na tubig ang dumadaloy sa katawan nilang dalawa. Aston cupped both Laureen's cheeks and carefully kissed her lips. He pulled away, took Laureen's shampoo bottle, and carefully shampooed his girlfriend's long, wavy hair. Maingat at magaan ang bawat paghaplos niya sa buhok ni Laureen na nakaharap sa shower. Tumatama sa mukha nito ang bawat patak habang hinahayaan siya sa ginagawa.

And it didn't stop there.

Aston took Laureen's hair brush and blower to dry her hair thoroughly. Silence dominated them. The sound from the television playing a random movie and the blower's subtle vibrations dominated the room. He had a lot of questions but didn't ask. Alam niyang sa pagkakataong ito, katahimikan ang kailangan ni Laureen.

Paminsan-minsan niyang tinitingnan si Laureen na nakatagilid sa kaniya. Lumiliwanag ang kwarto depende sa scene ng movie na pinanonood ni Laureen. Seryoso ang mukha nito kaya nanatili siyang tahimik.

He knew what Laureen went through growing up. It wasn't a secret to him. Laureen may be reserved, but she also shared parts of her past. He also knew that some people were difficult to deal with and would still stay.

"Done," Aston turned off the blower and kissed Laureen's cheek. "Ang ganda ng pagkakulot ng buhok mo, Love. Bakit mo ini-straight araw-araw?"

"It's more manageable," Laureen subtly smiled and gazed at him. "I love you, Aston."

That made him smile.

"I love you, Laureen Juliana."



It was almost six in the morning and Aston made breakfast for Laureen who was still asleep. Nagsabi siya sa helper na tumulong sa kaniya na hindi na niya gigisingin si Laureen kaya asikasuhin na lang ang alsmusal nito mamaya.

Sinabihan na niya si Neil na aalis na sila. Kailangan niyang maagang makarating sa office kaya nakisuyo na lang din siya sa secretary niya na magpadala ng damit. His day was packed.

Bumalik siya sa kwarto at naabutan na mahimbing pa ring natutulog si Laureen. Wala siyang balak gisingin ang girlfriend niya. Gusto lang muna niya itong makita bago humalis.

Aston kissed the side of Laureen's forehead before fixing her duvet. He left a note and kissed the back of her hand before leaving.

He didn't want to leave, but had to. Sa office na rin siya naligo at nagbihis. Kaagad siyang sinalubong ng secretary niya para ibigay ang mga document na kailangan niyang ma-review para sa meeting.

Around nine in the morning, Aston received a message from Laureen, who had woken up. His girlfriend sent a photo of her enjoying the breakfast he made. It was just fried rice, scrambled eggs, and bacon.

After his first meeting, Audi entered his office, frowning. "Ginamit mo na naman daw 'yong chopper kagabi. Kuya, lumalaki ang bills mo this month."

Hindi sumagot si Aston na tiningnan lang ang kapatid niya bago nag-focus sa bagong folder na binabasa niya para sa marketing meeting mamaya.

"Hindi mo na naman kami pakikinggan. You're ignoring me again. Kuya naman, eh. Last time, hindi mo tinapos ang conference para magpunta kay Laureen. Now, mataas ang costing me. Alam mong hindi ako nakikialam and I have nothing against your relationship with Laureen, but you're out of focus recently," ani Audi na naupo sa visitor's chair niya.

"My relationship shouldn't be your concern," mahinang sambit ni Aston.

"Palagi namang ganiyan ang sinasabi mo, but at the end of the day, damay pa rin naman ako," mahinang natawa si Audi. "Sasabihin ko sa accounting na ibawas sa 'yo mismo ang nagastos sa paggamit mo ng chopper dahil hindi naman company trip 'yon."

Isang tango lang ang naging sagot ni Aston dahil wala na siyang balak pang makipag-argue sa kapatid niya. Nagpaalam na ito dahil mayroong sariling commitment para sa company nila kaya naiwan siyang mag-isa.

Habang nagpapahinga, nakatingin siya sa calendar niya at iniisa ang mga gagawin niya sa buong linggo. Kung noong nag-aaral pa lang siya, madali ang buhay, iba na ngayon dahil marami na siyang kailangang harapin sa araw-araw. The company was no joke, too.

Nagkausap sila ni Laureen sa buong maghapon. Busy rin ito sa hacienda at nag-update lang sa kaniya, ganoon din siya. Normal na conversation tulad noon, pero tumatawag siya sa tuwing natatapos ang meeting niya.

Fortunately, Laureen was in the mood to answer his calls. Wala itong hindi sinagot na ipinagpasalamat niya.



It was a Saturday, and their parents decided to have dinner for everyone. Kumpleto silang magpipinsan, pero lumipat sila sa ipinagagawang bahay ni Heather sa mismong subdivision din naman para mag-inuman.

Tatlong araw na simula noong huling pagkikita nila ni Laureen, pero maayos ang communication nila nitong mga nakaraan. Madalas nilang pag-usapan via video call ang ginawa nila sa maghapon.

Nagsabi sa kaniya si Laureen tungkol sa isang news article na lumabas kung saan kasama nito si Travis para sa event ng foundation na pagmamay-ari ng dalawa. He was aware about it, he knew about it. It was nothing to him, too.

...but his cousins weren't on the same page as him. Nakita rin kasi ng mga ito ang article at nasama pa sa news dahil mayroong mga artistang nakasama sa fund raising para sa event.

Hawak ni Aston ang beer at tinungga iyon habang pinanonood ang mga pinsan niyang nagsasayawan sa may pool. Ikinagulat nila nang dumating sina Yeza at Kalev na tumabi sa kaniya. For some reason, the volume dropped.

"You can have fun," sabi ni Yeza na kinuha ang beer na iniabot ni Kalev. "Dito lang kami."

Nakita ni Aston ang tinginan ng mga pinsan niya. Alam niyang hindi kumportable ang mga ito kay Yeza kahit na wala naman talagang ginagawa ang pinsan nila. Siguro dahil bihira itong sumama sa kanila.

Bukod sa mga alak, nag-order sila ng pizza. Mayroong nagluluto ng barbeque para sa kanila, mayroong nachos, at bumili rin ng streetfoods tulad ng isaw, kwek-kwek, at penoy na paborito rin nila.

Inilabas niya ang phone para kumustahin si Laureen. Nagsabi naman ito sa kaniya na kakain lang muna ng dinner at maliligo bago mag-message sa kaniya. It had been an hour kaya naisip niyang baka natutulog na ito, pero nag-reply naman kaagad na katatapos lang magbabad sa bathtub dahil masakit ang katawan.

The television outside Heather's house was on. A video streaming site was on, and a thumbnail of Atlas Legaspi, Laureen, and Julien's dad showed up.

"Don't play that," umiling si Julien. "Naalala kong wala kaming pinapanood na palabas ng daddy namin. We can't just watch him."

"Ang gwapo kaya ng daddy mo!" sigaw ni Suri. "My gosh, paano pa kaya noong prime niya? Pero kamukha mo siya. I'm not saying na gwapo ka, Julien, pero kamukha mo ang daddy mo."

Tumango si Julien. "Hindi ko naman tinatanggi 'yon," natawa ito. "Luana kasi is mix ni mom and dad. Si Ate Laureen kasi talaga ang kamukha ng mommy ko. Mukha talagang mabait."

Ngumiti si Aston, pero kaagad na nawala ang ngiting iyon nang makita ang iritasyon sa mukha ng ibang pinsan niya na para bang hindi nagustuhang marinig ang pangalan ng girlfriend niya.

"What's with the face?" Yeza asked, shocking Aston. "Bakit parang ayaw niyo sa kaniya? May ginawa ba siya sa inyo?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Suri. "Not to us, but to Aston. We don't like her for Aston. It's like... simula noong naging sila ni Aston, nagbago siya. And ayaw namin na siya lang ang nag-a-adjust for Laureen. Like?"

"Hindi naman sa ganon. It was my choice to—"

"Choice mo ba talaga o gusto mo lang kasing sumabay sa lifestyle niya?" tanong ni Heather na umiling at halata ang pagkadisgusto. "You're maturing early dahil lang gusto mong sabayan ang girlfriend mong mas matanda sa 'yo. Why are you even with her? Why not date someone your age?"

Aston shook his head. "I don't think my relationship should concern any of you."

"Ha? Sure ka? Audi said na lumalaki ang costing mo cos of frequent use ng chopper to be with her. Pati meeting and conferences," Suri blurted.

He was about to say something and defend his actions to protect Laureen when she heard Yeza scoff.

"Ano'ng mali sa pagma-mature? It's actually a good thing that Aston's maturing, and I like Laureen for that!" Yeza said calmly. "Maturing at a young age is wrong now?"

"Hindi naman namin sinasa—"

"Hindi pa ako tapos, Suri," sabi ni Yeza na ibinaba ang bote ng beer sa harapang lamesa. "First of all, you're hating on Laureen kasi nakikita n'yong nagma-mature si Aston. You should be grateful kasi at least, he's doing good. Second, have you met her? Bonded with her?"

Walang sumagot. Nilingon siya ni Yeza.

"Nadala mo na ba si Laureen sa ganito?" tanong nito.

Tumango si Aston bilang sagot.

"And? Ano'ng nangyari? You didn't like her 'cos she's too mature? Why not? Now, I'm liking her," Yeza crossed her legs.

"She's still bonding with her ex kahit na sila ni Aston," sabi ni Suri na hinahanapan ng mali si Laureen.

"It was fine with me," sagot ni Aston.

Natawa si Suri at nag-cross arms. "Okay lang ba talaga sa 'yo o sinasabi mo lang 'yan just to please her?"

"It's actually... none of your business, Suri." Humarap si Yeza sa kaniya. "Nakikialam ka ba sa relationships ni Su?"

Umiling si Aston.

"Nakialam ka ba noong sinundo siya ng batallion sa precint dahil nasama siya sa boyfriend niyang mayroong marijuana?" tanong ni Yeza na ikinagulat nilang lahat. "I remember having to call people to delete the footages just to protect you."

Literal na nanlaki ang mga mata nilang lahat sa sinabi ni Yeza dahil hindi nila iyon inasahan. Nagkatinginan sina Aston at Kalev. Si Aston mismo, gusto na niyang umalis sa inuupuan lalo nang makita ang paggalaw ng panga ni Suri dahil sa sinabi ni Yeza.

"Julien?"

Nilingon ni Aston si Julien na katabi si Asia.

"Yes po, Ate?" seryoso itong nakatingin kay Yeza bago sa kaniya.

"Hindi mo ipagtatanggol ang ate mo?" tanong ni Yeza sa kalmadong boses. "What kind of brother are you? Same with you, Audi. Your siblings are the topic of this nonsense conversation, pero tahimik kayo?"

Walang naging sagot ang dalawa. Kinabahan si Aston nang tumingin sa kaniya si Yeza. Ngumiti ito at malalim na huminga.

"I'm sorry you have to go through this, Aston. I'm sorry that you have to hear them criticize your girlfriend. I'm sorry that you have to deal with these kind of judgments," ani Yeza habang nakatingin sa kaniya. "Nothing's wrong with growing up and maturing instead of talking shit about others who're better than you. You don't have to like Laureen, guys, but a little respect? Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo."

Bago pa man siya makasagot, tumayo na ito at basta tumalikod. Dinigs na dinig nila ang lagatok ng takong nito habang naglalakad papalabas ng bahay garden ni Heather. Kaagad na sumunod si Kalev na walang kibo.

Ibinalik ni Aston ang tingin sa mga pinsan niya. Nakita niya ang pagpunas ni Suri sa luha bago pumasok sa loob ng hindi pa tapos na bahay. Nakayuko si Julien na iniikot ang bote ng beer na hawak, nakatingin naman sa kaniya si Audi.

Aston breathed and stood up. Silence dominated the entire place, and Aston had no plans to deal with his cousins. 



T
H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys