Ch. 13
Mula sa hagdan, tumigil si Laureen sa paghakbang nang marinig ang pamilyar na boses ni Aston. Tumingin siya sa relong suot. Alas singko pa lang ng umaga. Ang alam niya, mamayang gabi pa ito makakauwi galing Malaysia at wala naman silang usapang pupunta ito sa Baesa.
Naalala niyang hindi siya nag-check ng phone simula kagabi. Malamang na tumawag o nag-message, pero hindi na niya namalayan.
Laureen hadn't fixed herself yet aside from brushing her teeth. Ni hindi pa siya nakakapagsuklay dahil gusto niyang abutan muna ang parents niya bago umalis ang mga ito. Nagsabi naman ang mga ito kinagabihan na kahit hindi siya bumangon nang maaga, pero hindi rin naman kasi siya nakatulog nang maayos.
Nakaupo ang tatlo sa dining at nagkakape. Pinag-uusapan ang tungkol sa pagdating ni Aston na inihatid pala ng isang driver na pinagpahinga na sa isa sa quarters sa hacienda. Inilaan talaga niya iyon para sa mga driver na bibisita sa kanila.
"Good morning," bati nya sa tatlong sabay-sabay tumingin sa kanya. "What time ka dumating?" tanong niya kay Aston.
"Kararating ko lang din. Thirty minutes ago," ani Aston na tumayo. Akala niya lalapit ito sa kaniya, pero hindi.
Sinundan niya ng tingin ang boyfriend niya na kumuha ng coffee mug, nagsalin ng brewed coffee, at saka iniabot sa kaniya. Naupo naman siya sa tabi ng mommy niya na umiinom din ng kape.
"Ang aga n'yong nagising ni Daddy, ha?" aniya na inihiga ang ulo sa balikat ng mommy niya. "Come back here after Hawaii. Please?"
Her mom kissed her forehead and nodded. "Yup. Kung wala lang kaming flight, we'll stay a bit. Surprisingly, nag-enjoy ako the past few days, ha? After Hawaii, we'll come back."
Natuwa si Laureen sa narinig. Hindi na siya sumagot at nakinig lang sa tatlong nagkukuwentuhan. Pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa Malaysia. Kumportable naman ang tatlo at iyon ang pinagpapasalamat niya. Nagtatatawanan nga at nag-high five pa nang ilang beses ang daddy at boyfriend niya.
Bago pa rin naman kasi niya makilala si Aston sa personally, nagkakasama na ang mga ito dahil naisasama nina Julien at Asia sa Baler. Mas nauna pang nakilala ng mga magulang niya si Aston, nakasama sa pagkain, at minsang nakikitulog pa sa bahay nila noon bago sila magkakilala.
Laureen smiled when her parents laughed at what Aston said and his boyfriend looked so proud. Umiling siya at umirap nang magtama ang tingin nila lalo nang pasimple itong kumindat bago nagpatuloy sa pakikipag-usap sa parents niya.
Humigop siya ng mainit na kape na magpapagising sa kaniya. Wala naman siyang plano sa maghapon kaya hindi rin naman maaapektuhan ang kahit na ano dahil dumating si Aston.
Hindi rin naman nagtagal, nagpaalam na ang mga magulang niya para daw maagang makarating sa Manila. Inaya na rin niya si Aston sa kwarto na kaagad pumasok sa banyo para maligo. Naamoy din niya kasing amoy alak ito.
Habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard, sumasagot siya ng e-mails habang hinihintay si Aston. Paglabas nito ng bathroom, kaagad niyang isinara ang laptop.
"Bakit umuwi ka na kaagad?" mahinahong tanong ni Laureen. "I thought mamayang gabi pa and I didn't have any idea na plano mong magpunta here."
"Kalev was in Malaysia, too. Inaya na niya 'kong umuwi," sagot ni Aston na naupo sa gilid ng kama habang tinutuyo ang buhok. "Sorry kasi hindi ko na rin nasabi. I was asleep the entire ride. Medyo nakainom kasi kami ni Kalev."
Ngumiti si Laureen at tumayo. Kinuha niya ang towel mula kay Aston at siya na mismo ang nagtuyo ng buhok nitong may kahabaan na rin. Tumutulo pa nga sa sariling T-shirt na ikinailing niya. Walang nagsasalita hanggang sa yakapin nito ang baywang niya.
"I really wanna go home already. Hindi naman talaga planong didiretso ako rito after conference, but I really, really wanna see you," bulong ni Aston sa may tiyan niya. Ramdam niya ang paghaplos nito sa bandang likuran niya. "Galit ka ba?"
"No." Umiling si Laureen at sinuklay ang buhok ni Aston gamit ang sariling mga daliri. "Okay lang ba 'yan na hindi mo tinapos ang conference at nandito ka? Baka hanapin ka na naman sa office."
Aston held her hand and asked her to sit on his lap, which she did. She then wrapped her arm around his nape and kissed his forehead while brushing his hair using his fingertips. It was just past six in the morning, too.
"You're sleepy," Laureen said. It wasn't a question. She knew Aston was sleepy. "Sleep ka muna?"
"Aalis ka ba?" Aston asked in a low voice. "If yes, can I come?"
Laureen smiled and shook her head. "Nope. I'm staying here. You can sleep, and I can read books or maybe work on my laptop. Wala rin talaga akong plans na umalis ngayon. I'm planning to rest since medyo pagod ako since dumating dito."
Hindi sumagot si Aston sa sinabi niya. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya habang patuloy na hinahaplos ang likuran niya kaya inaya na niya itong mahiga para makatulog kahit sandali. Naisip din muna niyang umidlip kahit saglit lang tutal wala rin naman siyang matinong tulog.
Mahinang natawa si Laureen nang marinig ang mahinang paghilik ni Aston nang makahiga. Pilit pa nitong nilalabanan ang antok dahil gusto pang magkuwento, pero hindi na kinaya. Hawak pa nga nito ang cellphone. Hindi na na-lock at mukhang nagbabasa pa ng message.
Laureen kissed Aston's cheek and took his phone. She was about to lock it but accidentally tapped a web application and saw familiar faces from the article. Ni hindi niya alam na mayroong ganoon. Pasimple niyang nilingon si Aston na mahimbing nang natutulog.
Out of curiosity, Laureen opened Aston's messenger. Hindi niya pinakealaman kahit kailan ang phone ng boyfriend niya, pero may nagtutulak sa kaniyang buksan ang messenger. May parte sa kaniyang gusto niyang makita kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa kaniya at hindi siya nagkamali sa parteng naging topic siya sa group chat ng magpipinsan.
One of Aston's cousins sent the link. Nabasa rin niyang inaasar si Aston na posibleng maging single na ito sa mga susunod pa dahil sa pictures nila ni Travis. Na baka magkabalikan na sila, na mabuti naman dahil hindi naman sila bagay. Some cousins sounded relief that maybe soon, they would break up.
Laureen's heart was beating fast. Paulit-ulit niyang binabasa ang mga messages tungkol sa kaniya. Some were even sending a laughing emoji, and she started questioning what she did for them to act like this.
She noticed Aston never responded to disrespect, and her heart sank. She immediately locked Aston's phone and placed it beside his pillow before lying beside him.
Wala na ang antok dahil parang biglang nag-spike ang adrenalin niya sa mga nabasa. Mabilis ang tibok ng puso niya, mainit din ang pisngi, at parang nanginginig ang kamay niya. Para niyang naririnig ang usapan at tawanan sa group chat.
Nahiga siya sa tabi ni Aston at diretsong nakatitig sa kisame na para bang naroon ang mga kasagutan sa mga posibleng tanong na hindi rin niya alam. Maraming tumatakbo sa isip niya, matalino naman siyang tao, pero bigla siyang walang maproseso.
Before drifting off to sleep, Laureen messaged Hannah that Aston was in town and she wouldn't be able to work.
——
LAUREEN woke up and gazed at Aston, who was still asleep. Nakadapa na ito at nakahaharap sa kaniya. Maingat siyang bumangon para hindi niya ito magising. It was already past two in the afternoon and she didn't realize she slept that long. Medyo masakit din ang ulo niya dahil mababaw ang tulog niya.
Pagpasok sa bathroom, matagal siyang nakatitig sa salamin. Ramdam niya ang parang bigat sa dibdib niya dahil paulit-ulit pa rin niyang naiisip ang mga nabasa.
For a moment, Laureen felt numb. She went inside the cold shower and pampered herself with a nice bath. She didn't mind the world. Gusto niyang paglabas ng shower, maayos na ulit ang pakiramdam niya tulad noon.
Natapos na siyang maligo, magpatuyo ng buhok, at magbihis... tulog pa rin si Aston kaya naisipan na lang niyang bumaba bitbit ang laptop niya para magtrabaho sa dining table habang kumakain.
"Nagluto lang ako ng nilaga, LJ," sabi ni Manang Tess. "Mamayang dinner, ano ang gusto n'yo ni Aston?"
"Baka kakain na lang po kami sa labas," sagot niya. "Thank you, Manang. Don't mind us po. If ever naman, we'll cook."
Tumango si Manang Tess at nagpaalam na magpupunta na muna sa farm para dalhan ng merienda ang asawa. Naiwan siyang mag-isa sa dining room habang umiinom ng kape at nagbabasa ng reports mula kay Hannah. Medyo malaki ang naging lugi sa maisan, pero wala namang kaso iyon sa kanila ni Travis. Kasama naman iyon sa risks.
Muli niyang naalala ang article kaya binasa niya iyon. Nakita rin niya ang comments ng mga taga-Baesa tungkol sa kanilang dalawa ni Travis at kahit na halos tatlong taon na silang hiwalay, hindi pa rin nawawala ang ilang taong sumusuporta sa dati nilang relasyon.
"Good afternoon, Love."
Nilingon niya si Aston na naglakad papalapit sa kaniya. Kaagad itong yumakap sa likuran niya at isinubsob ang mukha sa balikat niya.
"Slept well?" Laureen asked and kissed Aston's hand. "Lunch na tayo? Hinihintay kitang magising so we can eat together."
Kaagad na humiwalay si Aston at naupo sa tabi niya. Nakaayos naman na ang lamesa, kakain na lang sila. Ipaiinit na lang din niya ang pagkain nilang naka-ready na rin sa stove.
And even while eating, Laureen waited for Aston to say anything about the article, but he didn't. Natapos na silang kumain, sabay nilang hinuhugasan ang pinagkainan, pero wala pa rin siyang narinig tungkol doon.
Buong hapon silang nasa farm. Naisipan na rin nilang kumain sa labas, magpunta sa mall, at magpunta sa malapit na beach para lang maglakad, pero walang nabanggit si Aston tungkol sa article, sa mga pinag-usapan ng mga magpipinsan, o kahit ano tungkol sa kaniya.
While returning to the Baesa for dinner, Laureen gazed at Aston, who was driving.
"Kelan ka babalik sa Manila?" tanong niya.
"Tomorrow after lunch," ngumiti si Aston. "Why? Do you want me to stay?"
Umiling siya at ngumiti. "Nope. Baka kasi hinahanap ka na nila roon. Next time, don't come here just because you want to. You have your responsibilities, Aston. Hindi na puwede ang gusto mo tulad noon na puwede kang magpunta rito anytime."
Sandaling tumingin sa kaniya si Aston na salubong ang kilay, pero kaagad na ibinalik ang tingin sa daan.
"You have a job now, and it's not just any job," Laureen chuckled and faced the road. "You're being trained to manage a huge company, Aston. That's no joke. Hindi rin puwede na dahil gusto mong hindi magpunta sa training, conference, or whatever, gagawin mo... you have to value what you have. Hindi ka simpleng employee."
Again, Aston was quiet.
"It's not that I don't want you here. Gusto kong nandito ka, and if I can just keep you here, I would." Their gaze met. "But we both have responsibilities and ayokong maging hindrance tayong dalawa sa dapat na ginagawa natin. I will support you in any way, but I don't want to be the reason why you're not doing what you're supposed to be doing."
Aston didn't bother responding to what she said. Nagpunta sila sa isang kilalang restaurant sa Baesa para kumain ng dinner, pero tahimik. Nakatingin lang sila sa bandang tumutugtog. Naka-focus si Laureen sa kinakain, ganoon din si Aston.
Nag-decide silang umuwi na rin pagkatapos kumain. The hacienda was just ten minutes away from the restaurant.
The ride was dark and cold. Medyo umaambon din kasi at mukhang hindi nakikisama ang panahon sa nararamdaman niya.
"I get what you mean. Hindi na mauulit," sabi ni Aston na yumakap sa likuran niya pagpasok nila sa kwarto. "I'm sorry."
"Wala ka namang dapat ika-sorry about it. Ayoko lang na maapektuhan ang trabaho mo. Ang conference na napuntahan mo, you'll meet a lot. You'll make connections, Aston. Business-wise, you're lucky to have that opportunity dahil malalaking company lang naman ang na-i-invite riyan and you let you emot—"
Hind na natuloy ni Laureen ang sasabihin nang basta na lang siyang ipaharap ni Aston. He stopped her from talking by kissing her lips and she already knew where they were going. No restraints, Laureen agreed to making love to Aston.
...but while Aston moved inside her, her mind had a different thought. She couldn't stop thinking about that conversation, the article... everything.
She could feel the movements; it was satisfying, and it felt good... sex was always good.
Aston was on top of her, staring at her and kissing her... it was something she loved every time they had a chance to make love. He would encircle his arm around her, whispering he loved her... everything about Aston. But her mind was currently clouded by thoughts, and her emotions were everywhere.
"Love, stop. It's a little painful," she said. It was true. She wasn't lubricated enough.
Aston immediately stopped and withdrew. "Are you okay?"
Before Laureen could respond, Aston covered themselves with duvet and sat beside her. Inabutan din siya nito ng tubig. Iniabot din sa kaniya ang pang-ipit ng buhok na nasa bedside table.
"Something wrong?"
Laureen nodded. "Why didn't you tell me na nabasa mo na ang article? I accidentally saw your phone last night. The article was open. Why didn't you say anything about it?"
Umupo si Laureen at ginamit ang kumot na pantakip sa kahubaran niya. Nakatitig siya kay Aston na nakayuko bago ito muling tumingin sa kaniya.
"It was nothing," sabi ni Aston. "Alam ko naman na wala kayong ginawang masama. I know that the article was harmless. I've read it."
Nanatiling tahimik si Laureen.
"And I don't wanna make a fuss. Ayokong maging issue 'yon. I only have limited time with you at alam kong kapag pinag-usapan natin 'yon, possible na magkaroon ng issue between us or argument and I can't afford to argue with you. I don't want to spend my day thinking about it. I don't want to ruin my time with you just because I am jealous... kahit na wala naman akong dapat ikaselos. You're clear about that... kaya hindi ko na sinabi."
Laureen nodded and stared at Aston. She knew when Aston was lying. Hindi man sila palaging magkasama, pero alam niyang hindi ito humaharap sa kaniya kapag nagsisinungaling. Alam niyang nakapatong ang middle finger sa index finger.
"I'm not affected at all," Aston said, facing her and breathing. "Please, ayokong makipag-away, Love. I want to spend time with you peacefully. Can we do that? I only have 12 hours with you."
Laureen nodded and smiled. Nahiga siya sa kama at ginamit ang braso ni Aston bilang unan. Marami siyang gustong sabihin, maraming gustong itanong lalo tungkol sa group chat... lalo ang tungkol sa recent picture ng mga pinsan ni Aston... pati ni Audi kasama si Nicka, ang ex-girlfriend ni Aston.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top