Ch. 12

Without Aston, Laureen had to return to Baesa as soon as possible. Nagkaroon daw ng problema sa ani ng mais. Kaya naman sanang ihandle ni Hannah ang lahat, pero ayaw niya itong pabayaan.

Laureen was supposed to borrow one of Julien's car, but her dad insisted on driving her back to Baesa with her Mom. Balak din naman daw kasing bumisita sa kaniya kaya sinamantala na rin niya iyon.

Aston was still in Malaysia, pero ang alam niya ay uuwi na rin ito sa makalawa. Hindi na lang din talaga niya nahintay.

"Are you okay, Mom?" tanong niya nang makita itong nasa balcony, nakatingin sa kawalan.

Ngumiti ang mommy niya at tumango. "Ang ganda rito. Ang fresh pa rin talaga ng hangin. Thank you for taking care of this place, LJ."

"Of course. I love this place so much," aniya habang nakatingin sa mommy niya. "I remembered Papa Ali's story about this place and want to keep it that way. I want this place to be what it was supposed to be."

"But please, 'wag mong pababayaan ang sarili mo. I know that you love this place, pero mag-enjoy ka rin! Travel while you're young!" payo ng mommy niya. "Alam ko namang wala pa rin sa isip mo ang mag-asawa and that's okay, but make time for yourself, LJ."

Iyon naman ang importante sa mommy niya. Kahit na kailan, hindi siya pinilit ng mga magulang niyang mag-asawa na kahit na halos lahat ng ka-batch niya tulad na lang ni Koa ay kasal na at mayroon nang pamilya. Sigurado nga rin siya na isang araw, mauunahan pa siya ni Luana at okay lang din iyon sa kaniya.

"LJ."

Nilingon niya si Travis na kaagad nagpunta nang malamang dumating siya. Isa ito sa mga umasikaso sa problema sa bukid dahil pareho nilang pag-aari ang maisan. Binili nila iyon bago pa man ito maging mayor at business partners sila roon.

Lumapit ito sa mommy niya at nakipagkamay. Sandaling nagkuwentuhan ang dalawa bago ito humarap sa kaniya.

"Dumating ka raw sabi ni Hannah, but everything's under control," sabi ni Travis habang pameywang at nakatingin sa kaniya. "Kumusta ang byahe?"

"Okay naman," sagot niya. "Thanks for looking after the farm. Wala namang masyadong nasirang mais."

Nakita ni Laureen ang reaksyon ni Travis sa tanong niya. Nagsalubong ang kilay nito at umiling. "Halos kalahati rin pala kaya baka medyo lugi tayo ngayong season."

Tumango si Laureen dahil naintindihan niya iyon. Wala rin namang magbabago. Hindi naman nila inasahan iyon kaya wala na rin silang magagawa. May mga pagkakataon din talaga sa business na ito na hindi palaging panalo at napag-aralan na nila iyon.

Nagpaalam sa kanila ang mommy niya na pumunta sa ilalim ng mangga kung nasaan ang daddy niya.

"Trav, please don't mention about the horse," paalala niya. "Walang alam sila, Mommy and I already told everyone it's a secret. Please."

Nagsalubong ang kilay ni Travis dahil sa sinabi niya, pero wala na itong sinabing kahit na ano. Tanging tango at muli nilang pinag-usapan ang gagawin sa bukid ng mais. Natakot ang mga magsasaka dahil sa nangyari kahit na ilang beses na nilang siniguro na walang problema dahil hindi rin naman ginusto.

Travis and Laureen decided to visit the farm. Everyone was panicking, but stopped working when they arrived. May dala kasi silang pagkain para sa mga magsasaka. Pareho naman silang hindi galit ni Travis dahil aware sila sa risks, pero nag-alala ang mga trabahador dahil malaki ang malulugi sa kanila.

Habang kausap ni Travis ang mga trabahador, humarap si Laureen sa kabuuan ng bukid. Malaki iyon at matagal na rin nilang nagagamit sa pagtatanim. Minsang mais, minsan naman ay palay o kung ano ang puwede sa season na iyon. It was one of their biggest purchase at naghati sila ni Travis dito noong panahong sila pa.

Years after breaking up, they remained friends. The breakup was mutual; both wanted to grow... separately.

Travis wanted to build a family. He already had his achievements. Nakuha na nito ang gusto. Maging mayor, financially stable, businessman, at iba pa... pero hindi pa siya handa nang magtanong ito sa kaniya kung puwede na ba silang magpakasal. He may had achieved a lot, but she had her own plans, too... at hindi sila nagkasundo sa bagay na iyon. Hindi sila nagtagpo dahilan para matapos ang limang taon.

They discussed pursuing other things first since they were still young, pero naging malabo ang lahat sa kanila. Nagkaroon ng lamat na naging dahilan kung bakit napag-usapan na lang nilang maghiwalay.

Single si Travis. Nagkaroon ito ng girlfriend more than a year after breaking up, but they broke up recently. That was what Laureen heard. Hindi rin naman kasi siya nagtatanong tungkol doon.

Tumabi sa kaniya si Travis at pareho silang nakatingin sa kabuuan ng bukid.

"Bawi na lang tayo ulit sa susunod," ani Travis.

"Oo naman. Hindi naman palaging okay, eh," sagot niya at nilingon ito. "Thank you sa pag-help mo kay Hannah na to handle things."

"Wala naman 'yon," sagot ni Travis. "Thank you raw sa mga pagkaing dala mo sabi nila Manong Rey."


——


Ramdam ni Aston ang pagod mula sa maghapong conference. Bukod sa pakikinig sa mga speaker mula sa iba't-ibang bansa, kailangan din niyang makihalubilo pa sa mga business people na nakilala niya. Kailangan iyon para sa koneksyon.

Pabagsak siyang naupo sa sofa. Iniabot naman sa kaniya ni Mike—ang secretary na sumama sa kanya—ang isang folder na kailangan niyang basahin para sa huling araw ng conference kinabukasan.

Buong maghapon din niyang hindi nahawakan ang phone niya. Aware siyang umuwi si Laureen sa Baesa dahil nagkausap sila kaninang umaga. Mabuti na lang din at sumama ang mga magulang nito para mayroong magda-drive. He even offered to take her via chopper, but of course, his girlfriend declined.

Gusto na niyang umuwi. Gustong-gusto na, pero hindi pa puwede.

Naligo na rin muna si Aston bago nahiga sa kama. Kinuha niya ang phone para tawagan si Laureen, pero nakita kaagad niya ang message sa group chat nilang magpipinsan. Mayroong message na naka-tag sa kaniya kaya agad niya iyong binuksan.

The message was from Suri and was linked to one of the news channels in the Philippines. Sa picture pa lang, nakita kaagad niya si Laureen at Travis. Hindi niya alam kung gusto ba niyang buksan. Hindi niya alam kung gusto ba niyang basahin ang nasabing article o kung handa ba siyang makita ang dalawa sa iisang picture.

Another message from Suri says he should read the comments.

Hindi siya nag-reply. Lumabas siya ng kwarto at sandaling tumambay sa balcony ng hotel na tinutuluyan niya. Nakatitig siya sa Petronas Twin Towers habang malalim na humihinga. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang mararamdaman.

Matagal niyang pinag-isipan kung bubuksan ba niya ang message sa group chat nilang magpipinsan dahil sunod-sunod ang messages at kinakantyawan siya tungkol kay Laureen. Wala siyang binasang kahit na anong message. Binuksan lang niya ang post na mayroong article.

The main image was Travis and Laureen. It was a candid shot and Aston bet his girlfriend had no idea about it. Nakaharap ang dalawa sa isa't-isa, mukhang nag-uusap. Parehong seryoso ang mukha, pero pagbaba niya sa mismong article, mayroong ibang picture. Nakangiti si Laureen kay Travis, nakangiti ang dalawa sa mga magsasaka, at ang isa ay naman ay parehong nakaupo sa ilalim ng puno para sumilong.

Aston breathed hard and read the entire article. Na-explain lang naman na malaki ang nasira sa sakahan at mukhang malaki ang lugi. Walang direktang interview mula kina Laureen at Travis, pero mayroong ilang magsasakang nag-explain tungkol sa nangyari.

He decided to close the article since it was a news. Wala namang magiging epekto iyong sa relasyon nila, pero hindi niya sinasadyang mabasa ang isang comment mula sa social media. Some were comments from people of Baesa.

'Sana magkabalikan na kayo ni Ma'am Laureen, Mayor.'

'Bagay na bagay talaga!'

'Kayo na lang ulit!'

Marami pang iba, pero hindi na niya binasa lahat. It was just all about Laureen and Travis getting back together. Everyone in Baesa loved them as a couple, he knew that dahil noong nililigawan pa lang niya si Laureen, nakita niya ang interview ni Travis. Nabanggit doon na single na ito at nabasa na rin niya ang comments ng ilang nakakikilala sa dalawa sana ay magkabalikan na lang.

Everyone thought the two were compatible in many ways, and he agreed, but letting go of Laureen would be the last thing he would do.

It was just ten in the evening. He messaged Laureen if he could call and she responded yes. Instead of just voice call, it was a video call. Nakita kaagad niya ang mukha nito at sigurado siyang nasa balcony ito, mukhang nakaharap sa laptop.

"I miss you," bungad ni Aston. "Hindi ka pa matutulog?"

Umiling si Laureen. "Not yet. I am currently reviewing some reports tungkol sa farm," ngumiti ito. "I miss you. How's your day? Last day mo tomorrow?"

Aston nodded. "Yup. Uuwi rin kaagad ako bukas ng gabi. I have enough of Kuala Lumpur. I miss the Philippines already."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Laureen. "The Philippines misses you, too. After Manila, magiging busy ka?"

"Not really. Weekend naman pag-uwi ko. I'll rest," sagot ni Aston. Gusto sana niyang magbukas ng topic tungkol sa article, pero hindi niya alam kung paano. "How's your parents? How's Tita?"

"They're okay, pero babalik na rin kaagad sila sa Manila bukas kasi may flight sila to Hawaii next week. Isasama raw nila si Lucien. I was actually planning to go with them kaso nga nagkaroon ng problema here sa Hacienda. Maybe next time," Laureen smiled. "I kinda miss Hawaii."

Sumandal si Aston sa inuupuang sofa habang nakatingin sa mukha ni Laureen. Nakangiti ito habang nagkukuwento tungkol sa Hawaii. Ilang beses na rin silang nagplanong magpunta roon para daw maipakita sa kaniya ang property roon, pero hindi natutuloy dahil palagi silang nagiging busy.

"Maybe we should go there sometimes," suggestion ni Aston. "Next month, 'pag hindi ka busy?"

Laureen squinted and warmly smiled. "Yeah, we should. Aayusin ko ang schedule ko next month."

Aston nodded, but they were dominated by silence for a minute. He was just staring at Laureen—who was sipping maybe a cup of tea to make her fall asleep. Laureen would sometimes look at the camera and smile... that was it before they both talked about their day and then dropped the call to rest.

Habang nakahiga, hindi makatulog si Aston dahil paulit-ulit niyang iniisip ang mga comment.

As he was about to fall asleep, his phone rang. It was Kalev. Kararating lang nito sa Malaysia kaninang hapon. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi na rin naman nakagugulat dahil madalas naman talaga itong umaalis ng bansa.

"Nasa pinto ako. I have beers." Emphasizing the letter S.

Aston shook his head and stood up. He opened the door and saw Kalev, one of his cousins from Alonzo-Mathias, carrying beers and a whole roasted chicken. Niluwagan niya ang pinto. Kaagad na pumasok si Kalev at dumiretso sa balcony.

"I have an early conference tomorrow. Ano 'to?" tanong niya.

"Wala naman. Wala akong makausap sa hotel and I'm bored and a little birdie told me you're here. Huwag ka nang magpunta bukas. Alam ko namang tinatamad ka," natawa ito at inabutan siya ng beer. "So, may naitulong ba sa 'yo ang conference?"

"Meron." Tinungga ni Aston ang beer bago naupo sa sofa, katabi ni Kalev. "Kung paano ka magmumukhang mayabang sa harapan ng mga businessman para maging high and mighthy ka kasi iba ang pala talaga ang treatment nila depende sa last name mo."

Mahinang tawa ang naging sagot ni Kalev. "Don't attend tomorrow. Uuwi na 'ko bukas. Sumabay ka na lang sa 'kin. I'm a bad influence, uwi na lang tayo. I miss my girl."

"I miss mine, too," Aston said and smiled. "Gusto ko na rin talagang umuwi."

"Then go home with me tomorrow. Sabay na tayo," sabi ni Kalev. "I saw the messages from the group chat. Suri is really, really, really insensitive. I hope you're okay."

Aston drank some beer and got himself a chicken. Baka maubusan pa siya ni Kalev dahil para itong gutom na gutom na kinakain ang roasted chicken at walang pakialam sa kaniya.

"I'm not okay. Kakatapos lang din naming mag-usap ni Laureen and I haven't told her a thing about what I read. Okay naman ang article. The comments," mahinang natawa si Aston. "Sa comments ako uncomfortable."

"Comments na sinasabing magbalikan na sila?" Tumingin si Kalev. "Yeah. I read the entire chat. But are you comfortable na magkasama sila?"

Umiling si Aston. "Not really. Nasabi ko naman na kay Laureen, but I can't open a topic about it again kasi paulit-ulit lang din naman ang kahihinatnan namin."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa 'yo kasi wala ako sa situwasyon mo, but I know that it'll be hard for you. With the age gap, distance, and you're also both busy... hindi ko alam kung paano kayong dalawa sa susunod," pag-aamin ni Kalev. "Do you want me to be honest?"

Sandaling napatitig si Aston kay Kalev dahil may parteng ayaw niyang marinig ang sasabihin nito dahil sigurado siyang may katotohanan na magpapagulo lalo sa isip niya, pero parang gusto rin niyang marinig para maging handa sa mga susunod pa.

"Just tell me," sabi ni Kalev na ngumiti. "Matagal ko na ring gusto sabihin sa 'yo, pero ayokong magkaroon ng epekto ang sasabihin ko sa relationship n'yo."

"So... there's a possibility na magkaroon na 'ko ng doubt sa relationship namin 'pag narinig ko ang saabihin mo?" napaisip si Aston. "If yes, then don't say a single word. I had enough of Heather and Suri. Please, ayoko na muna. I love Laureen."

Kalev nodded and understood him. "Uuwi ka na? If oo, gusto mong magbyahe na tayo ngayon? Puwede ko tawagan si Philip anytime na ready ka."

Sandaling napaisip si Aston. "You're really a bad influence. Mamayang madaling araw na lang. Ubusin na muna natin 'tong beer at chicken mo. Ano'ng ginawa mo rito sa Malaysia?"

"Mission," sabi ni Kalev habang diretsong nakatingin sa kawalan. "Gusto mo bang maging agent? I'll train you, para hindi ka na magpunta sa mga ganitong conference."

"And then what? On call? Imagine cuddling with your girl 'tapos tatawagin ka dahil someone's gonna be assassinated? Thanks, but no thanks. Ngayon pa nga lang nararamdaman kong nagiging rocky ang relationship ko, magiging agent pa 'ko," natawa si Aston.

Tumingin si Kalev sa kaniya. Alam niyang mayroon itong gustong sabihin, pero hindi itinuloy. Nagpatuloy ito sa pag-inom ng beer at patuloy pa ring kinakain ang roasted chicken na ikinatawa niya.

Hindi man sila palaging magkasama, pero iba ang closeness nila ni Kalev. Siguro, iba ang closeness nilang Alonzo-Mathias kumpara sa ibang pinsan nila dahil mayroon silang kanya-kanyang ginagawa sa buhay.

"Basta whatever's making you happy and comfortable, do it. Kung kinakailangan mong itigil ang relationship na nagkukulong sa 'yo, you're gonna have to," Kalev said seriously. "Love isn't the only thing that matters, Aston. Please know that."



T
H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys