Ch. 11

Four days in Manila was a challenge for Laureen. Hindi siya sanay na iinom ng kape sa balcony at naririnig ang maingay na busina ng mga sasakyan. Kahit na may kataasan ang unit niya, hindi pa rin iyon maiwasan. Ilang araw na rin siyang nagigising ng maaga—halos madilim pa nga—dahil para siyang namamahay.

Madalas ding wala si Aston dahil busy ito sa trabaho. May mga pagkakataon naman na umuuwi kapag lunch para sabay silang kumain bago muling babalik sa opisina.

Gustuhin man niyang bumalik na sa Baesa, hindi pa rin pumapayag si Aston dahil nararamdaman pa rin niya ang pananakit ng braso niya. Kung siya lang, kaya na niya, pero alam niyang maapaketuhan din ang trabaho ni Aston dahil hindi ito papayag na uuwi siyang mag-isa.

Isa pa, papunta rin sa makalawa ang mga magulang niya sa Manila. Wala pa ring alam sa nangyari sa kaniya kaya naman ipinagpapasalamat niyang mas naigagalaw na niya ang braso kumpara noong mga nakaraan.

Simula rin naman nang dumating siya sa Manila, iba't-ibang tao na ang mga nakausap niya. Bukod kay Keanna na ilang beses na niyang nakakausap over lunch para sa improvements ng ibang units, nakausap na rin niya ang ilang kaibigan ni Vaughn na bukas ang mga kumpanya para sa investments. She loved investing. Hindi niya gustong nakatago lang ang pera niya sa bangko. Kung mayroong puwedeng paggamitan, iyon ang ginagawa niya.

Nang matapos naman ang meeting kasama ang isa pang businessman, nag-ikot si Laureen sa isang mall para maghanap ng mga damit o kung ano ang puwedeng mabili. Wala pa rin naman si Aston at kung sakali man, aayain na lang niya itong kumain sa labas para hindi na sila magluto.

And speaking of Aston, Laureen's phone rang while she was waiting for the shoes she purchased. Tinatanong nito kung gusto ba niyang magpunta sa isang bar na pag-aari ng mga pinsan nito dahil magkakaroon ng dinner doon.

She agreed since she was hungry and had nothing on her to-do list.

"Mag-cab na lang ako, Love," sagot niya at tinanguan ang saleslady na okay na ang sapatos na gusto niya. "Yup, sure. Para hindi ka na rin mag-travel here. Sa bar na lang tayo magkita."

"Okay, Love. I'll see you there. Update me, okay?" sabi ni Aston.

Mula sa kabilang linya, narinig niya ang boses ni Audi at tinatanong si Aston kung pupunta ba sila. Si Laureen na rin ang nagpatay ng tawag. Binuksan niya ang messenger para makuha ang address ng bar na ilalagay niya sa application.

Nakita niya ang madilim na kalangitan paglabas ng mall. Bukod sa madilim, mayroong pagkulong at sigurado siyang uulan. Dumating ang sasakyang nakuha niya na kaagad siyang binati.

May kalayuan ang ibinigay na address ni Aston kaya may kamahalan din ang pamasahe. Hindi siya nagkamali nang biglang umulan. Mas lalong magiging traffic kaya malamang na late na rin siya makararating sa bar.

Nakatingin lang si Laureen sa bintana at inoobserbahan ang daanan. Maraming nagtatakbuhan dahil lumakas ang ulan. Maraming naghihintay sa sakayan at ang iba naman ay nakikipaghabulan sa bus. Traffic na rin kaya paunti-unti ang pag-usad ng sinasakyan niya. Wala naman siyang naririnig na reklamo mula sa driver ng sinasakyan niya at iyon ang ipinagpapasalamat niya.

Laureen messaged Aston that she was on the way, and while on the road, she called Hannah to ask about updates. Magse-send naman ito ng end of day report, pero mas gusto rin niyang kumustahin ang mga tao sa hacienda.

Confident naman siyang magiging maayos ang lahat, pero ginawa na lang din niya iyong excuse dahil gusto na rin talaga niyang umuwi. She missed home, but she made a promise to Aston. Babalik pa rin kasi sila sa hospital at mayroon pa itong conference sa Malaysia sa susunod na araw.

It took them an hour and a half before arriving. Mabuti na lang din at tumigil na ang ulan. Nakita rin niya ang mahabang pila papasok sa bar, pero sinabihan naman siya ni Aston na sabihin lang na girlfriend siya nito para madaling mapapasok.

Mula sa labas ng bar, walang ingay, pero pagpasok na pagpasok niya sa loob, sinalubong kaagad siya nang malakas na tugtugan. Maraming nagsasayawan sa gitna, kuwentuhan, at inuman sa bawat lamesa. Sanay naman siya sa bar noong nasa Paris pa siya, pero matagal na ang huling beses na nakapasok siya sa ganito. Medyo nakakapanibago.

Aston gave Laureen an instruction. Sa VIP ng third floor daw siya pupunta. Umakyat siya at nakita ang comfort room, kaagad siyang pumasok to freshen up. Nakita kaagad niya ang sarili sa salamin at medyo magulo ang buhok niya. She needed to pee, too.

While inside the cubicle, Laureen thought of messaging Aston that she was already inside the bar.

"I heard from Audi na darating daw si coug." A female voice said.

Laureen stopped typing when she heard the conversation.

"Oo nga raw. I hope she won't come." It was a different voice. "Imagine going home early or leaving the bar dahil hindi tayo comfy sa kaniya like the last time? Ugh. Sana hindi siya sumipot."

"Keep your phones active na lang in case na dumating siya so we can talk and go na lang. Lipat tayo sa Hunters." Another woman uttered. "But I hope she won't come."

Yumuko si Laureen at napatitig sa phone na hawak niya habang pinakikinggan ang conversation. Natigil na sa parteng sana hindi siya makarating bago nagbukas ng bagong conversation at nagtatawanan, pero paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi ng mga ito.

She felt a bile in her throat and tried so hard not to make a sound until the comfort room was empty. She stayed inside the cubicle for five more minutes, staring at her phone. Aston was messaging her, asking where she was.

. . . and she didn't reply. Instead, she immediately booked a ride. It wasn't hard. Cars were coming and going around the area, too. Madali siyang nakakuha ng sasakyan at nagmadaling sumakay.

Nang medyo makalayo sa bar, tumawag si Aston dahil siguro, hindi pa siya nagre-reply.

"Love, saan ka na?" tanong ni Aston sa kabilang linya.

Dinig na dinig ni Laureen ang ingay sa bar.

"Love, sorry. Baka hindi na ako makapunta," sagot niya habang nakatingin sa daan. "Medyo malayo pa ako and I'm already tired. Sumasakit na ang braso ko. Okay lang bang umuwi na 'ko? Maybe next time?"

"Uuwi na rin ako," sabi ni Aston.

"No!" Kaagad iyong tinutulan ni Laureen. "You should stay there ano ka ba. Nandiyan ka naman na, stay ka na riyan. I'll be okay. I'll get fastfood na lang for dinner. Uwi ka na lang mamaya. Enjoy ka."

"Are you sure okay ka lang? I will stay for another hour since nandito na rin ako, but I'll go home soon. Let me know if you want and need anything. Update mo ako sa location mo or once you're home," tuloy-tuloy na sabi ni Aston na nagpangiti sa kaniya. "I love you. I'll see you later."

"I love you," sagot niya. "Ingat ka sa pag-drive. If you're too drunk, get a cab. See you later."

Siya na rin mismo ang nagpatay ng tawag dahil alam niyang posibleng magpumilit si Aston na umuwi. Nag-message na lang siya nang puwedeng ibilin tulad ng donut o kahit na anong matamis para lang hindi ito makahalata.

Medyo masakit ang narinig niya at parang paulit-ulit pa rin niyang naririnig. She was already used to it. It wasn't new, pero sa tuwing nakaririnig o nangyayari ulit... parang muling sinasaksak ang peklat na mayroon siya. Inisip niya kung mayroon ba siyang nagawa noong unang beses niyang nakasama ang mga ito.

Malamang na mayroon, pero hindi niya alam. Hindi naman papangit ang tingin sa kaniya o magsasalita ng ganoon ang mga pinsan ni Aston kung wala... iyon nga lang, wala siyang idea.

It took her another hour to reach her unit. Bumili na lang siya ng pagkain mula sa restaurant na nasa ibaba ng condo dahil nagugutom na rin siya. Nag-message siya ay Aston na nasa bahay na siya, nag-message naman ito na uuwi na rin mayamaya... pero sinabihan niyang huwag na muna at huwag magmadali.

... dahil gusto na rin muna niyang mapag-isa.

Nag-decide siyang magbabad sa bathtub dahil masakit ang katawan niya mula sa maghapon. Naging struggle pa ang pagtanggal ng damit niya, naging mabagal at paulit-ulit iniisip kung ano ang nagawa niya.

Palagi namang ganoon. Palagi niyang tinatanong ang sarili niya kung ano ba ang ginawa niya sa ibang tao para maging ganoon ang trato sa kaniya.

She chuckled and sipped the wine she had prepared for herself.

"Why am I even asking? As if I'll get the answers," she breathed.

NAGISING si Laureen nang maramdamang mayroong yumakap sa kanya mula sa likuran. Naamoy niya ang body wash ni Aston, mukhang naligo muna bago tumabi sa kanya, pero naamoy niya mula sa paghinga nito ang alak.

Kinuha niya ang phone na nasa bed side table para tingnan kung anong oras na. It was almost three in the morning.

"Kararating mo lang?" Humarap siya kay Aston na nakatingin sa kaniya. "Hindi na kita nahintay kanina. Naka-sleep na 'ko."

"Sorry," bulong ni Aston at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Medyo nakainom ako. Sumabay na lang ako kay Vitto kasi may driver naman siya. Hinatid na lang nila ako."

"That's nice." Laureen kissed the side of Aston's lip. "Sleep ka na. Good na nag-enjoy ka."

Aston smiled at her and kissed her lips. "Na-miss kita today. How's your day?"

Laureen had no intentions of telling Aston about her day. Instead of answering the question, she kissed Aston back, and their lips fought with the same hunger and ferocity. Both had alcohol in their system; both longed for each other's touch... and they needed each other... physically.

Aston's hand was inside her shirt, traveling from her stomach to her breast. She let out a soft moan, triggering Aston to position himself on top of her.

"I love you," Aston whispered in between kisses.

And the next thing they knew, they were under the sheets, making love. Laureen felt how careful Aston was because of her condition. Every movement was calculated, every thrust was slow but deep... and he was making sure she was comfortable.

Laureen caressed Aston's cheek and kissed his lips. It was deep and needy. Aston moved inside her until both were sated. She felt his release inside her, and as much as she wanted to clean up, she didn't because Aston immediately cuddled.

Pinag-usapan nila ang araw nila. Nagkuwento si Laureen sa nangyari sa kaniya, pero hindi ang narinig niya. She felt guitly for lying, but it was one thing she wouldn't tell Aston. Nariring niya sa boses nito habang nagkukuwento ang tuwa habang pinag-uusapan ang mga pinsan. He was close to everyone... lalo na at sabay-sabay na lumaki ang mga ito.

"Sayang hindi ka nakapunta. Julien and Luana are there! Complete sana kayong magkakapatid," mahinang natawa si Aston.

Mas naramdaman ni Laureen na parang mayroong sumaksak sa dibdib niya. Bakit ang mga kapatid niya tanggap... siya, hindi?





DUMATING SA Manila ang parents ni Laureen, sakto namang nasa Malaysia si Aston. Dumiretso ang mga ito sa condo niya nang malamang nasa Manila rin siya. Mabuti na lang at hindi na ganoon kasakit ang braso niya, pero masakit na masakit naman ang puson niya.

"Thank you, Dad," Laureen smiled at Atlas, who was busy cooking corn soup for her.

"Kung sinabi mong mas maaga na nandito ka sa Manila, we could've traveled earlier!" Her dad said and smiled. "But it's good to see you here. Mabuti naman at naisipan mo namang lumabas ng Baesa."

"Uminom ka na ba ng pain reliever?" Her mom asked. "Ipinainit ko na sa microwave ang hot compress. Ilagay mo sa lower stomach mo later para medyo mag-ease ang pain."

Laureen nodded and listened to her parents. They were scolding her for working too hard and not resting. Baka mas marami siyang marinig kapag nalaman pa ng mga ito ang tungkol sa pagkalaglag niya sa kabayo.

"Hacienda is just there. Kaya ka nga may employees, eh. Kung alam ko lang din na magiging ganiyan ka ka-focus sa hacienda at napapabayaan mo na ang sarili mo, sana hindi ko na ibinigay sa 'yo," pagmamaktol ng mommy niya.

Mahinang tawa lang ang naging sagot niya. Nakatingin siya sa daddy niya na hinahalo ang corn soup na nasa bowl at hinihipan pa iyon bago ibigay sa kaniya.

"Bababa ako sandali sa café. Nakausap ko kasi ang old manager ko and we'll be meeting downstairs," sabi ng daddy niya. "Do you like cake? Magtitingin ako."

Tumango si Laureen at inayos ang manggas ng hoodie na suot niya. Bukod kasi sa sakit ng puson dahil sa menstruation niyang dumating kaninang umaga, naramdaman din niyang para siyang magkakasakit dahil sa lalamunan niya.

Hinalikan na muna ng daddy niya ang mommy niya sa pisngi bago ito nagpaalam sa kanila. Humarap naman sa kaniya ang mommy niya, halata ang pag-aalala sa mukha nito.

"Are you okay?" Her mom smiled. "Bakit kasi hindi mo pa ipatanggal 'yang birth control mo para hindi ka nahihirapan? I already told you last time na baka 'yan sa IUD mo kaya ka nahihirapan 'pag may menstruation ka."

"I don't wanna be a mom yet," Laureen smiled. "It's once a month lang naman and it's tolerable pa naman po. It's better than having a kid."

Her mom chuckled. "Ikaw talaga. Try getting a shot na lang kaya? Or the same lang ba ng effect? Ask your OB-GYNE rin para hindi ka na nahihirapan sa period mo."

Laureen nodded. Simula pa naman noong nagdalaga na siya, naging open sila ng mommy niya tungkol sa sex. It was important. Sex education was important. She only had sex at the age of 25 and even before having sex, nagpalagay na siya ng IUD para hindi na iyon maging issue sa kaniya.

Travis wasn't her first boyfriend, but she had many firsts with Travis, including sex. And she did it when she was ready.

"Mom, I have a question."

"Yeah?" Her mom locked her phone and faced her. "Something's bothering you?"

"Unfortunately, yes. Kasi 'di ba, Tito Vin's family doesn't like you. How did you..."

Umiling ang mommy niya. "I never had a chance na ayusin pa. We parted ways before we even had a chance to try. Bakit? Nagkakaroon ka ba ng problema sa family ni Aston?"

"Not sa immediate family, pero sa cousins? I think they don't like me," pag-aamin niya. "I'm okay with it, naman, but I am worried that Aston might not. Kasi close siya sa mga pinsan niya and I get naman the hate towards me."

Laureen saw how her mom's eyes softened while staring at her, listening to what she was saying.

"Ayaw kong dumating ang time na... magkaroon sila ng issue because of me," pagpapatuloy ni Laureen. "I love Aston, Mom... but I don't wanna be the reason why his cousins will hate him or magkakaroon sila ng gap because of me."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys