CHAPTER 7: HER OTHER SIDE

Naiden Pov.

I'm here inside my mansion together with my friends.

Marissa together with nana is cooking our dinner.

While Jasmine is busy painting her obstract because that's her hobby.

Xander? Well, he's busy playing with his imagination. Tsk he fell asleep.

And Jean? Doing some funny jokes with Ethan while eating gummy bears.

Me? Thinking. I'm still thinking about yesterday, masyadong nakakababa ng ego yun. Natalo ako ng isang babae sa racing, nakuha ng isang weird na babae yung tobleron ko. Habang inaalala ko yun ay biglang lumabas ang mukha nya sa isip ko.

Her brown eyes.

Her pointed nose.

Her perfect jawline.

Her cute cheek bones.

Her kissable lips.

Aish! Naiden this is not you. Not you.

I get up from the couch and start walking to the stairs when jean called me.

"Dre, san punta? Mag kukulong kananaman sa kwarto mo?" natatawang tanong nya sakin habang nakataas parin ang mga paa.

"No, I'll just take a bath" sabi ko at tumango nalang sa bilang sangayon pero di pa ako nakakaalis ay may naalala ako.

"Jean," tawag ko sa kanya. Bigla naman syang tumayo at sumaludo.

"Yes sir?" sabi nya habang nakasaludo padin. Hindi ko nalang pinansin ang kalokohan nya at nagsalita na.

"Tell the others to change thier clothes, We're going somewhere ok?" sabi ko at bigla namang lumiwanag ang mukha nya. Umakyat na ako at dumiresto na di pa ako nakakalayo ay narinig ko pang sinisigawan nya sila Xander psh.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo ko.

Hinubad ko ang damit ko at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig mula sa mukha ko hanggang katawan ko.

Mafia Society is for us. For all the mafia's na gustong magsaya at manakit ng iba. That society is build in my lolo's era. Masyado ng matagal yun pero hindi halata dahil sa tatag at tibay ng gusali nila.

Ilang minuto pa ako nagbabad ng maisipan kong umalis na at pumunta sa closet ko.

I grab my favorite. My black jacket and a black short, I also grab my mask. Tinitigan ko ito at napangiti. This is the only thing made me remind her except for the necklace I gave to her.

"Ky tara laro tayo." sabi ng isang batang babae na kasing edad ko.

"Cai, tanda na kaya natin para maglaro." sabi ko at tinignan sya. Ngumuso naman sya sakin at nangilid ang mga luha.

"Ky naman eh. We're just 7 years old. Come on let's play." sabi nya at pilit akong hinihila sa playgroud dun sa park.

"Psh alright, come on." I said and drag her.

"Yehey! Ky going to play with me." masaya nyang sigaw kaya napangiti ako. Nagulat naman ako ng bigla syang humarap sakin habang nakangiti.

"Ky, promise me," promise her?

"You won't leave me ok?" sabi nya habang naluluha na.

Niyakap ko naman sya at binaon naman nya ang mukha nya sa leeg ko.

"I promise."

Bigla akong bumalik sa realidad ng may kumatok.

"Dre? Matagal ka pa ba dyan? Wag mong sabihing na flush mo yung sarili mo ah." sabi nya at tumawa. Napailing nalang ako at sinagot sya.

"Just wait for me." sabi ko narinig ko namang tumakbo sya pababa.

Sinuot ko nalang ang maskara ko at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay tumambad sila sakin ng nakabihis na at hinihintay na lang ako.

"Buti naman at bumaba kana dre. Akala ko na flush mo na ung sarili mo eh." sabi ni Jean at tumawa. Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya bigla syang pumunta sa likod ni Jasmine.

"Cut the crap Jean, Let's go." sabi ko sa kanila at nauna na.

Lumabas na kami sa bahay at pumunta sa kotse ko. Si Xander ang mag dadrive ako naman ang nasa passenger seat. Nasa likod naman yung tatlo.

"Aiden, san ba tayo pupunta at bakit suot mo yung mask mo? Dont tell me-" hindi ko na sya pinatapos at nagsalita na.

"Yes, We're going to mafia society, Now put your mask." sabi ko at naghiyawan naman sila lalong lalo na si Jean.

Nagsimula ng umandar ang kotse papuntang mafia society.

* * *

Umabot ng ilang minuto ang byahe namin dahil sa liblib na lugar ang society.

Pagkarating namin ay agad na pinarada ni Xander ang kotse at sabay sabay kaming lumabas.

Nagsimula na kaming maglakad sa back door. Ang nasa likod nito ay isang hagdan pataas sa ikalawang palapag kung san nakalagay ang upuan namin. Ayokong dumaan sa main door dahil alam kong maraming mafia's ang naghihintay doon at ayoko ng atensyon.

Nagsimula na kaming umakyat sa hagdan at ng makarating kami ay binuksan si Jean ang pintuan kasabay ng paglagay nila ng kanilang mask.

Biglang tumahimik ang lugar na kanina lang ay maingay ng dumating kami pero bigla ding napuno ulit ng sigawan at hiyawan.

"Wahh, Si prince Aiden nandito "

"Oo nga girl. After one week finally pumunta na sila ulit."

"The heir is here, I heard nandito din ang heiress?"

"Oo nga first time nating nalaman na nasa iisang lugar sila"

Heiress? Nandito ang pinakamalakas na mafia? Luminga linga ako pero wala akong makita na kakaibang nilalang na mayrong kakaibang aura. Umiwas na lang ako at pinagsawalang bahala ko nalang ito at sinenyasan ang MC na simulan na ang laro, mukhang naintindihan nya naman ako dahil umakyat sa pataas ng stage.

"Good evening mafia's. We're about to begin the fight. Are you guys ready?" sabi nya at nagsigawan naman sila bilang sagot.

"Ok, let THE BATTLE begin!" sabi nya at hinampas ang isang bagay na nagpaingay sa buong lugar. Tsk I hate noise.

"Let's call on the fighters. The Dragon's versus The Lion's" Dragon's mafia is the ninth rank while the Loin's are in the tenth.

Umakyat ang walo na babae sa stage at nagtitigan ng masama sa isa't isa. Matagal na talaga silang galit sa isa't isa.

"Here's the machanics. You have five minutes to fight your opponents. Ang unang mapatumba o ang hindi na kayang tumayo yun ang talo maliwanag?" sabi nya at tinignan ang mga manlalaro na tinanguan lang sya.

*Ring bells.

Tumunog na ang hudyat na simula na ang laro.

Unang sumugod ang leader ng lion's at sinapak bigla yung isa pa. Nagulat naman yung leader ng kabila dahil sa dugong lumabas na ilong nya. Bumangon sya bigla at tinadyakan sa tiyan at binigyan ng uppsrcut ang kalaban dahilan para mahilo ito. May lumabas na dugo sa bibig nito at galit naman na pinunasan nya yun. Galit syang sumugod ngunit dahil hilo na sya ay mabilis na naiwasan ng isa ang tira nya at tinadyakan sya sa puson sabay suntok sa mukha. Knockout.

Sabay na tumunog ang bell hudyat na tapos na ang oras. The Dragon's win.

Umakyat muli ang mc at nagsalita.

"What a good fight right? Do you want more?" tanong nya, kanya kanya namang sigaw ang nandito.

"We have another group pero walang gustong kumalaban sakanila kaya sila mismo ang pipili ng makakalaban nila. Let's call on The Black's." mahabang sabi nya. The Black's sila ang ikalima sa rank.
Binigay naman nung MC ang mic kay Rose at bigla naman itong ngumisi na nakapagtahimik sa lahat.

"Hi, Do you want to laban us? Well sorry na lang kayo kasi naka pick na ko ng fighter na makakafight ko eh" Maarteng sabi nya. Tsk she didn't change at all.

"Hays, ganyan parin si Rose ngayon." sabi ni Jasmine habang nailing pa.

"Bitch will always be a bitch." natatawang sabi ni Marissa.

Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ang atensyon sa susunod na maglalaban.

Nilibot naman ni Rose ang paningin nya at tumigil iyon sa babaeng nasa bar counter. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil ang tanging ilan na nakabukay ay nakatutok sa ring.

"I want that girl to fight me. I challenge her." she said then smirk. Who's the unlucky girl? Fighting one of the leaders in rank is not a joke. All the mafia's sigh after what they heard.

Ilang sandali pa ay umakyat ang babaeng hinamon. All black ang suot nya at ang maskara nya..

Hindi ko natapos ang nasa isip ko ng magsalita ulit yung mc.

"Dahil huling laban na ngayon, babaguhin natin ang mechanics. Ang unang sumigaw ng 'I surrender' ang talo at bibigay ang gusto ng nanalo maliwang fighters?" sabi nya. Ganun talaga pag huli na ang laban nyo.

Tumango lang silang dalawa. Si Rose na nakangisi habang yung babae naman ay blangko lang.

"Before we start, let's introduce the fighters." it's that even applicable? Tsk so much time to waste.

Rose grab the mic on the MC's hand and started to talk nonsense.

"Hi everyone, Rose is my name and suffer is my surname. Let's see your ability Ms." she said empathazing her everyword. She even smirk to the girl who just remain emotionless and calm.

All the mafia's are cheering for Rose while their saying 'boo' to another.

The MC went closer to another girl and ask her name.

"Miss can you tell us your name?" sabi nya.

"Angel," malamig na sabi nya kaya't bahagyang natulala ang lahat maging ako. Kakaiba ang boses nya. Nakakatakot at nakakakilabot. Dahang dahang umalis naman ang MC at bumalik sa pwesto nya.

"O-ok, let the fight begin" sabi nya.

Nagtitigan ang mga babae ng matagal. Nainis na siguro si Rose kaya sya ang sumugod madali namang nakaiwas ang babae na parang isa lang syang hangin, sinubukan namang sipain ni Rose si Angel pero nakatalon ito at sabay sipa sa mukha ni Rose. Nagalit naman ito at sunod sunod na suntok ang pinakawalan. Wrong move. Parang wala lang na iniiwasan ni Angel ang suntok nya ng mainip ito ay dali nyang hinablot ang isang kamay nito at pinalipit dahilan para makarinig kami ng 'crack' at sigaw ni Rose. Bigla naman nyang sinipa ito para tumalsik sa kabila ng ring. Nanlilisik ang mga mata nito ngunit nanatiling blangko lang si Angel. Tatakas na sana si Rose ng bigla syang hatakin ni Angel at binalibag na parang angaan lang nya. She punch Rose face, hard and fast. Dagli nya naman itong pinagsusuntok dahilan para matahimik kaming lahat. Brutal. Sobrang brutal. Halos mapuno na ng dugo ang mukha ni Rose pero pinipilit nya paring lumaban kahit nanghihina na sya.

"Heir, We need to do something" sabi sakin ni Jean.

"Yes heir pag hindi natin sya pinigilan baka-" pabitin na sabi ni Marissa.

"Baka mapatay nya si Rose." sabi ni Xander habang seryosong nakatingin kay Angel na wala paring tigil ang pagsuntok.

There's a rule here in Mafia Society. A group that belongs to the 'Highest Ranks' can kill anybody. Pero malaking pagkakamali pag hindi ka kasali, maari kang mamatay kapag may napatay ka.

"No, We will do nothing" sabi ko at halatang nagulat naman sila.

"But heir-" sabi ni Jean. Pinutol ko naman to.

"That's against the rule Jean and you know that. Ang tanging paraan lang para maligtas sya ay ang pagsasabi nya ng 'I surrender' kailangan nyang sabihin yun." sabi ko.

Tumingin ulit ako sa kanila. Nakita kong nakatayo na si Rose habang nakahawak sa lubid sa gilid na halatang nagaalalay sa kanya.

Susugod na sana ulit si Angel pero..

"I surrender, I surrender." natatakot na sigaw nya. Huminto naman si Angel at dahan dahang lumapit sa kanya, bumulong naman ito sakanya pero dahil tahimik ang lahat ay narinig din namin.

"Angel is my name and death is my game. Don't mess up with me again or you'll see hell." nakakatakot at malamig na sabi nya.

Nahimatay naman si Rose kaya dali syang inalalayan ng ka team mates nya.

Sinundan ko ulit ng tingin si Angel ng makitang paalis na ito.

"Until we meet again, heir." sabi nya at umalis.

Nakatingin parin ako sa nilabasan nya at napaisip.

Why do we have the same mask?

* * *

A/N:

Hi mara's sorry ngayon lang naka ud. And hindi po ako sponsor ng jollibee at starbucks. sorry din sa wrong grammar and typos. I love y'all.

Vote. Comment. Enjoy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top