CHAPTER 27: REVELATION

ASTRID

Nang makarating kami ng Maynila ay hindi parin ako binibitawan ni Kyle. Kahit saan ako magpunta ay sinasamahan niya ako kaya hindi ako makahanap ng tyempong umalis, dahil lagi siyang nakabantay.

Siya rin ang nagalaga at nagpapalit ng benda ko kahit may sarili siyang sugat.

"Naiden, kailangan na naming umalis eh," sabi ni Aera kay Kyle kaya napasimangot ang isa.

"Ihahatid ko na kayo," napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi niya.

"Ay naku! Hindi na kailangan, may sundo kami oh," sabi naman ni Aera at tinuro ang driver niyang naka sandal sa buggati niya at halatang naiinip na.

"Ayos lang yan dre, magkikita naman kayo sa bukas eh," sabi ni Jean at tinapik pa ang likod ni Kyle. Tumango nalang si Kyle at tumingin sakin.

"See you on school, love." sabi sakin ni Kyle. Love.. I hate endearments but why do I found this cute?

"See you on school, Kyle." napasimangot naman siya sakin sabay yakap.

"Call me on that name again," he said and hug me tightly. Oh so he heard that.

"What name? Kyle?" pangiinis ko pa sakanya.

"No, the other one." sabi niya at tinignan ako. Ngumiti naman ako at niyakap siya. Naramdaman ko namang napangiti siya kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Next time." I said kaya napanguso nalang siya.

"We need to go." sabi ko at kumalas sa yakap niya.

Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo. Pinanuod ko naman silang sumakay sa van na susundo sa kanila.

Sasakay na sana siya ng lumingon ulit siya sakin para kumaway, kumaway ako pabalik at sinenyasan siyang pumasok. Ngumiti naman siya at sumakay na.

Nang makasakay na siya ay pinaandar na ng driver nila ang van habang pinagmamasdan ko sila.

Nang mawala sa paningin ko ang van nila sabay din ang pagkawala ng ngiti ko.

"Heiress," nakayukong sabi ni Aera sakin.

"Clemente's Mansion." sabi ko at nauna ng maglakad sa sasakyan.

Ilang minuto din akong nakaupo ng makarating kami sa bahay.

Dirediretso akong naglakad papunta sa library namin ng makitang nandoon ang bodyguard ng pamilya namin.

Papasok na sana ako ng harangin ako ng isa. Napatingin ako sakanya ng matalim pero napaatras lang siya.

"Move." madiing utos ko sakanya. Tinutukan naman siya ng baril ni Aera kaya tuluyan na siyang umatras.

Marahas kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang pamilya ko kasama ang isang taong hindi ko inaakalang nandito.

"Lolo." sabi ko. Yumuko naman ang mga bodyguard na nandito sa loob kasama na ang personal bodyguard/butler ni Lolo.

"Ikaw ba yung may kasalanan ng lahat?" nagtitimping sabi ko pero nginisihan niya lang ako. Ito ang ayaw ko kay Lolo, tahimik at misteryoso, parang ako.

"I'm asking you!" nagtitimping sigaw ko kay Lolo.

"Caily!" galit na sigaw sakin ni Dad. Napatingin naman ako kay Lolo ng bigla siyang tumawa.

"Nasan na ang matalino kong apo? Caileigh," sabi nito sakin. Napakunot ang noo ko at sinubukan siyang lapitan kaso humarang si Gabriel, ang kanang kamay/bodyguard ni Lolo.

"Get out," I said but he remain his posture. Humakbang ako papalapit kay Lolo ng bigla niya akong hablutin sa braso pero mabilis akong umikot at hinuli ang kamay niya.

"I said, get out!" sigaw ko sa kanya.

"Go out, Gabriel. Maguusap langt kami ng apo ko." nakangiti utos ni Lolo kay Gabriel. Binitawan ko naman siya kaya mabilis siyang yumuko at sinenyasan ang mga kasama niyang lumabas.

Tinignan ko ng masama si Lolo pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Masyado kang-" naputol ang sasabihin niya ng patakbo akong pumunta sa kanya at hinila ang leeg niya.

"Sabihin mo sakin, pinaglalaruan niyo lang ba ako? Ikaw ba ang nagplano ng lahat ng ito" nagtitimping sabi ko sakanya.

"Caily, bitawan mo ang Lolo mo!" galit na sigaw sakin ni Dad. Mabilis naman akong hinila papalayo kay Lolo nila Kuya.

"Sweetie, hayaan mo kaming magpaliwanag, please." sabi ni Mommy kaya napatingin ako sakanya. Napapikit ako ng mariin sabay buntong hininga.

"Explain." madiing sabi ko. Napangiti naman si Mommy at napahinga ng maluwag sila Kuya.

"Do you remember when you ask me about your childhood?" napakunot ang noo ko sa sinagot ni Dad sakin.

"Anong kinalaman ng nakaraan ko-" napautol ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit.

"It's all a lie." malungkot niyang sabi sakin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"What?" naguguluhang sabi ko.

"Hindi mo kaibigan si Natasha simula bata kayo, hindi ka nahawak ng kutsilyo nung bata kayo, hindi ka ganyan nung bata ka." mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Anong hindi ako ganito?

"Isa kang masiyahin at bibong bata noon, ikaw ang nagsilbing liwanag ng bahay natin. Hindi ka humawak ng kahit na anong baril o kutsilyo, dahil ayaw namin ng Mommy mo at ng mga Kuya mo." napatingin ako kila Kuya ng naluluha silang tumango sakin. Nahagip ng paningin ko si Mommy na nagpupunas ng luha niya.
"Wala kaming balak na sayo ipamana ang mafia legacy natin, dahil ayokong matulad ka saamin, gusto kong magkaroon ka ng payapa at masayang pamilya kaya ang Kuya Arisse mo ang naging tagapagmana." all this time, lahat ng inaangkin ko at mga bagay na meron ako ay Kuya pala. Napatingin ako kay Kuya Arisse pero nginitian niya lang ako.

Pinapatunayan kong karapatdapat ako ngunit hindi pala ako ang dapat may ari nun simula't sapol.

"Ngunit nagbago ang lahat ng makidnap ka," nagtaas ang paningin ko kay Dad dahil doon. Nakidnap?

"Isang linggo kang nawala at halos mabaliw kami noong mga oras na iyon, hindi makakain ang Mommy mo at ayaw tumigil ng mga Kuya mong maghanap," naiiyak na sabi ni Dad sakin.

"Hanggang isang araw, dumating ang Tita Kathy mo dala dala ka." Tita Kathy?

"Ang sabi niya ay may tinurok siya sayo na magpapaalis ng memorya mo para hindi ka matrauma sa mga nangyare, puro sugat, pasa at tuyong dugo ang katawan mo nun. Hindi na namin napansin ang sinabi niya dahil abala kami sayo," sabi ni Dad habang nakangiti sakin ng may kuha ang mata.

"Makaraan ang ilang araw ay bumalik ang pagkasigla mo, ngunit matapos kang atakehin ng sakit mo ay nagbago kana." pagpapatuloy niya. Nakita ko namang inalalayan nila Kuya si Mommy.

"Sinabi samin ni Kathy noon na baka nagaadjust ka pa kaya hindi kami nabahala, sinabi niya rin saamin na isali ka sa mga ensayo para hindi kana ulit makuha, sa takot naming mawala ka ulit ay pinag ensayo ka namin," kaya pala sobrang paghihirap ang ginawa ko nung mga panahon na yun. Kaya pala.

"Hanggang sa lumaki ka, hindi na nabalik ang dating Caily. Lumaki kang matapang at malakas, kaya hindi na ulit kami natakot na makukuha ka. At dumating ang araw na may nagtangka sating kumalaban, at yun ang misyon mo." sumikip ang dibdib ko sa narinig ko.

"I will not continue that mission." sabi ko at pinunasan ang luhang sumasagabal sa mga mata ko. Ngumiti sakin si Dad ng malungkot.

"You don't have to." napakunot ang noo ko sa sagot niya.

"What?" nagtatakang tanong ko. Ngumiti siya at nilapitan ako.

"Because they're not our enemy," tuluyan ng bumuhos ang mga luhang sumasagabal sa mata ko. Masaya namang pinunasan ni Dad ang luha ko.

"Palihim kong nakausap ang mga Acodism, wala silang alam sa lahat."

"Bakit palihim?" sabi ko, umatras naman siya at tinignan ako ng maigi.

"May humaharang samin para makausap sila."

"Tita Kathy," I said and he nod, I clenched my fist because of that.

That filthy old hag.

"Nalaman namin na siya pala ang humaharang samin, at hindi lang yun," sabi ni Dad habang seryosong nakatingin sakin.

"Ano pa ang ginawa niya bukod doon?"

"Siya ang kumakalaban sa atin at nagtangkang pumatay sainyo sa gubat," tuluyan ng nabalot ng galit ang sistema ko.

"She almost killed us!" sigaw ko at napasabunot sa buhok ko. Niyakap naman ako nila Kuya para pakalmahin.

"Shh, Caily." sabi sakin ni Kuya Arissa habang hinahagod ang likod ko.

"Everything will be okay, sis." sabi sakin ni Asrael at ngumiti. Napangiti ako pabalik dahil sa sinabi niya.

"Wag kana umiyak, Caily. Ang pangit mo!" sabi sakin ni Kuya Axcel pero siya mismo ang umiiyak habang pinupunasan ang sipon niya.

Kumalas naman ako sa kanila sabay tingin kay Mommy. Patakbo akong yumakap sa kanya kaya tuluyan na siyang humagulgol.

"I'm sorry, Mom." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"It's okay, baby. Basta masaya at ligtas ka." sabi niya at hinalikan ang magkabilang pisnge ko.

Nakangiti naman akong humarap kay Dad kaya hinalikan niya ang noo ko.

"Babalik din ang lahat sa dati, anak." sabi niya kaya nginitian ko lang siya.

"Dad, what about this?" sabi ko at kinuha ang kwintas na buwan sa leeg ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"You already found the answer, baby." sabi niya sakin ng nakangiti. Kunot noo ko namang kinuha ang kwintas sa leeg ko.

"You already found him." napamaang ako sa sinabi niya. Him?

"When you still a kid, you have a childhood bestfriend." sabi niya kaya napatingin ako kay Aera na naluluha narin.

"Hindi si Aera yun. Your bestfriend is a boy." sabi niya kaya napatingin ako ng diretso sa kanya.

"You were so close back then, siya rin ang kasama mo ng makuha ka. Hindi niya kilala ang pamilya mo kaya hindi siya makapag tanong kung anong balita sayo, doon lang siya nanghihintay sa tambayan niyo noong mga bata pa kayo, hanggang sa lumipas ang isang taon, pumunta sila ng America at ngayon lang bumalik," mahabang sabi ni Dad sakin. Tumango tango naman ako bago mgsalita ulit

"Sino siya? Anong pangalan niya? San siya nakatira? Anong itsura-" naputol ang mga tinatanong ko ng magsalita si Dad.

"Kyle Naiden Acodism. You use to call him, Ky." sabi niya kaya natulala ako.

"You knew all of this?" sabi ko sakanya. Mabagal naman siyang umiling kaya napapikit ako.

"Huli ko nalang nalaman ng makausap ko ang tatay niya," paliwanag niya sakin.

"I almost killed my bestfriend, I almost killed the man I love." mahinang bulong ko sa sarili ko.

"I'm sorry, anak." sabi ni Dad pero tinignan ko lang siya.

"It's not your fault, Dad." sabi ko at niyakap siya.

"And I will make sure to kill the person who start all of these."

* * *

A/N:

Hi mara's last three chapters and epilogue na, omygee! I can't believe na matatapos na ito. I hope you like this chapter. I love you all.

Vote. Comment. Enjoy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top