CHAPTER 25: HUNTERS

Astrid Pov.

Nagising kaming lahat sa kakaibang malakas na tunog na nangangaling ata sa labas.

Mabilis akong tumayo at tinali ang buhok ko habang sila Marissa ay kinukusot pa ang mga mata.

"Faster," sabi ko kaya tumayo narin sila.

"Teka lang, Astridy. May lakad ka ba?" inaantok na sabi sakin ni Jasmine.

"Tsk."

Sabay sabay kaming lumabas sa tent namin at nakita ang mga kasama namin na lumabas na rin.

May nahikab, may mga kulang sa tulog, may mga naiinis at mga naglalakad ng nakapikit.

Tuluyan ng nagising ang diwa nila ng marinig nila ang matinis na tunog na nang gagaling sa pito ni Sir. Fernan. Mabilis naman silang tumayo meron pa ngang sumaludo, tsk.

"Good Morning, students. The breakfast is ready, this is your reward dahil nakarating kayo dito sa tamang oras and let's thank Astrid for that," sabi ni Sir at tinuro pa ako. Napatingin naman ang mga kasama ko sakin ng nakangiti habang meron pa rin namang masama ang tingin, of course, Mia and her useless friends.

Naunang naglakad si Sir samin habang nakasunod namin kami sa kanya. Sariling puntahan sa mga kaibigan tapos nakipag chismisan. Typical teenagers.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa waist ko.

"Kyle," nakangiti kong tawag sa kanya.

"My Trid," he said while smiling too. Napatawa naman ako ng mahina dahil doon.

"You don't own me," I said and he just smirk.

"Literally? Maybe yes, but this?" he said and point my chest where my heart place. "I own this," nakangiti niyang sabi. Tumawa naman ako dahil sa mga banat niya.

"You owned my heart? So I'm supposed to be dead right now," sabi ko habang natawa pero parang hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko dahil nakita ko nalang ang sarili kong yakap niya at hinahalikan ang noo ko.

"Please," he started. "Please stop saying things about deaths," I don't know but I just nod.

"It's hard for me knowing that this happiness is just temporary," he continue.

"I love you," he said and move his head.

"Until the creator took us apart." he said and smile geniuenly. I don't know but I just find myself smiling brightly too.

"Hey cold birds! We're hungry right now, mamaya na labing labing ha?" malakas na sigaw ni Jean samin kaya napatingin ako sakanya. Nakangisi ng nakaloloko ang lalaki.

"Remind me to bury him six feet under the ground, Trid," Kyle said and I just smirk.

"Ako na bahala maglagay," nakangising sabi ko sakanya.

"A-ah e-eh, sige ituloy niyo na yan, kaya pa naman naming magtiis eh," natatawa kahit halatang natatakot na si Jean. Napatawa naman ang mga kasama namin at hindi sinasadyang napatingin ako kay Aera.

She's staring at me blankly but sadness are visible in it.

"You okay?" Kyle said while looking at me. Tumango na lang ako at naunang maglakad para tumapat kay Aera. Tatabi na sana sakin si Kyle ng higitin siya ni Jean at patakbong hilain. Napatingin naman siya sakin kaya tumatawang tumango nalang ako sakanya.

"You're not changing huh?" bakas ang pagiging sarkastiko sa tono niya. Napalitan ng blanko ang masayang ekspresyon ko sakanya. Napatingin naman ako kila Marissa na busy kakatingin at kakabantay kay Jean at Kyle.

"What's your label?" nang uusisang tanong ni Aera. Napa buntong hininga nalang ako at sinagot siya.

"We're nothing," marahas naman siyang humarap sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Nothing?! E kung magyakapan kayo doon kanina at makapag sabi siya ng 'I love you' parang kayo? Ano yun? Enemies with benefits?" malakas niyang bulong sakin. Napa taas naman ang kilay ko dahil doon.

"I don't know. He's my mission, so I guess it's part of my-" she cut me off.

"Your mission? Heiress, ikaw na nagsabi, we've know each other for so many years, and that smile? It's different. You look so happy and safe with his arms, now tell me, are you falling?" seryosong sabi niya sakin, napatingin naman ako kay Kyle na mukhang naiinis na dahil kanina pa siya kinukulit ni Jean.

Nang maramdaman niya may nakatingin sa kanya ay luminga linga siya hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti siya sakin ng sinsero at bakas ang kasiyahan sa mga mata niya.

"I think I'm falling but I don't know if he will catch me,"

* * *

"Students, here is your second activity. Meron kaming mga bagay na nilagay sa loob ng gubat, you need to find those and think of something happy na maiisip nyo about sa bagay na iyon, at dahil simple lang naman ang task namin, kayo nalang bahala ang mag grupo sa sarili nyo, basta tandaan. You need to be here in less than two hours, kapag hindi kayo nakarating, walang dinner." sabi ni Sir. Fernan samin.

Pagkatapos naming magusap sa nangyare kanina ay hindi ko na hiningi ang opinyon niya at iniwan na siya doon.

"Your timer starts now," our teacher exclaimed, napabuga nalang ako ng hangin ng may humawak sa kamay ko at patakbo akong hinigit.

Ilang minuto din kaming nagiikot ng may makita kaming usok sa gitna ng gubat. Nag tinginan kami at patakbong pumunta doon, baka isa yun sa mga gamit na hinahanap namin.

Nang makarating kami ay naabutan namin ang isang bonfire at mga pagkain sa tabi.

"Ayos, kainan na!" sabi ni Jean at patakbong pumunta doon. Hahakabang na sana ako ng may maramdaman akong kakaiba.

Isa..dalawa..tatlo,

Marami sila.

Huli na ang lahat bago ko pa sila mabalaan ng may maramdaman na lang akong tumusok sa batok ko at nalambot ang tuhod ko. Sinusubukan kong dumilat at nakita ang mga kasama kong wala ng malay.

I don't know what happened but everything turn black.

* * *

Nagising ako sa hampas ng lamok. Napadilat ako at tumambas sa akin ang isang mukhang hindi ata naabisuhan na may skin care na ngayon.

"Gising na, panget!" malakas na sigaw nito sakin. Napangisi nalang ako dahil sa tinawag niya sakin.

"Don't call yourself, idiot." malamig na sabi ko. Nakita ko namang natigilan siya ng kunti ng makabawi ay sinamaan ako ng tingin.

"Anong sabi mo?!"

"Deaf." sasampalin niya na sana ako ng may tumawag sakanya.

"Tol, nagigising na yung iba." sigaw sakanya kaya masama nalang niya akong tinignan at umalis sa harapan ko. Sa pagalis niya ay nakita ko sila Marissa, Jean, Ethan, Xander, Jasmine, Aera at Kyle na nakatali habang unti unti ng nagigising.

"Andyan na si boss," rinig kong sabi ng isa. Ilang sandali pa ng may makita akong naglalakad papalapit samin.

"Intruders," sabi niya habang iniikot ang paningin samin.

"Ayoko sa lahat ang mga taong walang pahintulot na pumapasok sa teritoryo ko." mariin niyang sabi samin. Napairap nalang ako sa hangin dahil sa sinabi niya.

"Where are we?" malamig na tanong sa kanya ni Xander na hindi man lang natatakot sa sinabi sa samin kanina.

"You're in our territory, dumbass." sabi nung lalaki kanina na mukhang naiinis na.

"Okay," sagot naman ni Xander kaya mas lalong nainis ang lalaki kanina.

"Ako si Buto, ako ang pinuno ng tribo ng mga nanghuhuli, o mas kilalang hunters sa lugar niyo." hunters? I've know them since I was a kid. Hindi sila kasundo ng ibang mafia well, maliban samin. My forehead crease because of that. I know hunters are living in the city not in the forest.

Something's not right.

"At ang pagpasok niyo sa lugar namin ay nagsisilbing hamon sa amin," napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ulit siyang magsalita.

"Teka lang manong, naligaw lang kami. Hindi namin intensyon na pumasok dito kaya aalis na kami hehe," sabi ni Aera at sinubukang tumayo kaso nagkasa ng baril ang isa.
"Wala ba kayong pagkain dito? Medyo nagugutom na rin talaga ako eh," sabi naman ni Jean kaya napikon na si Buto. Mabilis niyang sinenyasan ang mga tauhan niya at hinigit si Aera sa braso at tinutukan.

Kasing bilis ding nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jean.

"Ibang usapan na yan, dre." sing lamig ng yelong sabi ni Jean sa may hawak kay Aera.

Malakas na hinablot ni Aera ang braso niya sa lalaki at patakbong lumapit kay Jean para yumakap. Huli ko nalang nakita ang isang baril ang tumama sa gilid ng mukha ko kaya napahiga ako sa sahig.

Argh, damn.

"Ang bagal mo pala, panget!" sabi sakin ng lalaking nanggising sakin kanina.

"Curse you." nakita ko nalang na walang awang sinusuntok ni Kyle yung lalaki at inaalalayan naman ako ni Aera tumayo.

"Ngayon na!" sigaw ni Buto at naramadaman ko nalang ulit ang pagikot ng paningin ko at ang pagdilim ng paligid ko.

Nagising ako sa isang malakas na sigaw. Napatingin ako sa mga kasama ko at nakitang si Aera ang hinahampas at kasulukuyang nasigaw.

"Go to hell! Stay away from her, you coward! Ako ang saktan niyo!" kunot noo akong napatingin kay Jean na nababalutan ng maitim na aura.

"Ahh!" napa taas naman ang kilay ko sa sigaw ni Aera.

"Hindi ganyan ang tamang pag hampas, hampasin mo sa center point ng bawat parte ng katawan para siguradong hindi na makakalaban." sabi ko sakanya. Tumawa naman siya ng malademonyo at tinuro ako.

"Tama ka," sabi nito at ngumisi. Kinuha naman niya ang baseball bat at lumapit kay Aera.

"Astrid!" sigaw nila sakin.

"What? Tsk." tanong ko sa kanila sabay irap.

Tumigil naman ang lalaking kausap ko kanina at mabilis na humarap ulit sakin.

"Bakit mo nga pala nasabi? Paano pag napuruhan ang kaibigan mo?" nagtatakang sabi nito sakin. Napangisi naman ako sa tanong niya. Good question, jerk.

"Simple lang," I started. "Kung anong tinamo niya, triple ang ibabalik ko sayo." pagtatapos ko. Nakita ko siyang namutla at natigilan ng bigla siyang tawagin ng kasama niya kaya mabilis siyang nabalik sa reyalidad.

"Si Boss Buto." kasabay ng pagsabi niya ang pagpasok ng lalaking matagal ko ng gustong sunogin.

Kabaliktaran ng pangalan niya ang katawan niya. Buto. Halos wala na ngang makitang buto sa katawan niya dahil natatakpan na ng taba, tsk.

"Pakawalan niyo kami dito!" malakas na sigaw ni Marissa sakanila.

"Manihimik ka!" sabi ng lalaki at hinampas sa tyan si Marissa kaya napuno si Xander. Saktan mo na lahat wag lang ang bestfriend niya, daw.

"Bastard, don't you dare touch her." tawa lang ang sagot nung lalaki sa kanya.

"Pahirapan niyo na yan." sabi nung Buto at umalis na.

Lumapit naman samin ang mga lalaki at paulit ulit kaming sinaktan. Sipa, suntok, bato, sampal.

At hindi ako nalaban, simple lang,

Tinatamad ako.

Habang busy sila sa pananakit samin, palihim kong kinuha ang kutsilyong nasa tabi ko. Dahan dahan kong hinihiwa ang lubid na tinali nila sa kamay ko.

"Kakapagod." sabi nung isang lalaki. Sumang ayon naman ang iba.

"Wala namang sinabi si Boss na hindi pwedeng tumikim diba?" tanga talaga. Titikman nila kung kelan puro sugat na.

"Tsk."

"Wag ka magalala panget, hindi ka kasama." sabi niya. Tsk stupid.

Mabilis silang lumapit kila Marissa kaya ang mga lalaki ay nagsisigaw dahil sa galit.

Lalapitan na sana nila sila Aera ng tuluyan ko ng matanggal ang lubid sa kamay at paa ko. Patakbo akong pumunta sa kanila at kinalibit sila.

"Laro tayo," walang ekspresyong sabi ko.

"Anak ng- paano ka nakatakas?!" sigaw nila sakin kaya napahawak ako sa ulo ko. Umaatake naman.

I want, bloods.

"Ako taya. Cold warm tayo ah?" sabi ko at kinuha ang kutsilyo sa gilid.

"Isa, dalawa, tatlo, tumakbo na kayo," sabi ko perong walang tumakbo.

Mabilis akong tumakbo sa likod nung isa sa mga lalaki.

"Cold," sabi ko at sinaksak siya sa likod. Napahiyaw naman siya sa sakit dahil doon.

Ilang minuto din kaming naglaro ng mapagod ako.

"Ang panget nyo kalaro, hindi kayo magaling." sabi ko at tinginan ang mga lalaking walang malay.

"Tsk." lumapit ako kila Kyle at tinanggalan sila ng tali.

"Bat ganun?" nagtatakang sabi sakin ni Ethan.

"Anong 'bat ganun'?" nagtataka kong sabi habang inaalis ang mga dugo sa mukha ko at iniinda ang sakit sa tagiliran ko dahil sa mga sipa nila kanina, tsk.

"Bat ang brutal?" brutal ba yun? Sinaksak ko lang naman sila sa likod at hinampas sa noo ng handle ng kutsilyo kaya sila nawalan ng malay eh.

"Tinatamad ako." napamaang nalang siya sa sagot kong walang konek sa tanong niya. Tinawanan ko nalang siya at tinignan sila isa isa kaya napansin kong nanghihina na sila sa dami ng sugat nila at pagkaubos na rin ng mga dugo nila.

"We have to leave." sabi ko ng matapos ko silang tanggalan ng tali.

Lumabas kami ng kwarto at mahinang naglalakad.

"Nasaan ba tayo?" tanong ni Aera na inaalalayan ni Jean.

"Magkakasama tayong pumunta dito kanina, kaya hindi namin alam kung nasaan na kami." malamig na sagot ko sakanya. Puro dugo na ang mga puting t-shirt namin. Nakaalalay din ako kay Kyle na halatang nanghihina na.

Nakakita kami ng isang malaking pintuan kaya papasok na sana kami ng may narinig kaming sigaw.

"Nakatakas ang mga bata!" sigaw ng isang lalaki. Mabilis kong binuksan ang pintuan at binigay si Kyle kay Aera.

"All of you, go back to the camp." sabi ko at tinignan si Aera. "Make sure his safe." tumango naman siya sakin kaya mabilis na akong sumugod sa mga lalaking paparating.

Argh, I'm tired.

* * *

Kyle Pov.

Paulit ulit kong sinisigawan si Astrid na bumalik pero patuloy parin siyang natakbo.

Fuck, I'm useless.

"We have to go," sabi ni Aera kaya hinila na nila ako patakbo.

Nakalayo layo na kami ng magpumiglas ako sa hawak niya.

"Si Astrid, kailangan natin siyang balikan," nanghihinang sabi ko.

Napasabunot naman si Aera sa buhok niya at hinarap ako.

"Aish! Oo na, dito lang kayo babalikan ko siya," sabi niya at tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin.

"Natasha!" nagulo nalang ni Jean ang buhok niya sa inis.

Bubulyawan na sana niya ako ng may marinig kaming mga mabibilis na yapak na papunta samin.

Kanya kanya kaming takbo ng walang lingunan. Takbo lang ako ng takbo ng maramdaman kong wala na akong kasunod.

Naghahabol ako ng hininga ng tumigil ako. Tumingin ako sa likod at parang gusto kong magmura ng makitang wala na akong kasama. Damn.

What the fuck is happening.

* * *

A/N:

Hi mara's. Another update for y'all. Sorry masyadong lame yung fight scene, sabaw si author e. Enjoy and have fun. I love you all.

Vote. Comment. Enjoy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top