CHAPTER 14: RUMBLE

Astrid Pov.

Kanina pa paikot ikot ang katabi ko kaya nagsisimula na akong mainis.

"Will you please stop?" I face her.

"Eh kasi naman diba newbie ka? Ibig sabihin kasama ka sa Rumble mamaya at sa itsura mong yan hindi malabo na ikaw ang unahin nila." sabi nya habang naka pout.

Naghahanda lahat ng newbie dito. Nandito kami ngayon sa Gymnasium. Dito daw kasi kami maglalaban laban. Maraming upuan ang nasa gilid na inuupuan na ng mga estudyanteng hindi kasali sa Rumble mamaya.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang paghahanda ng mga makakalaban ko habang nakaprente lang ako at nakaupo. Tsk.

Kanina pa ako kinukulit ng kasama ko na magensayo na daw para handa ako mamaya pero hindi ko sya sinunod at umupo nalang. Halata sa mga kaaway ko na ako ang punterya nila. Kanina pa kasi sila natingin sakin sabay ngisi. As if I'm scared.

Ilang minuto lang ay nakita ko na si tanda na umakyat ng stage at kinuha ang mic.

"Are you ready newbies?" she said and they all shouted in answer. I remain calm and relax.

"Ok so here's the mechanics. You have 30 minutes to fight with each other. Pwede kayong gumamit ng kahit na anong armas o gamit. Kailangan nyo lang masiguro na hindi na bumabangon ang mga kalaban nyo. Matira matibay." sabi nya at sumagot naman sila. Matira matibay.

"So all the newbies, step forward and ready yourself." papunta na sana ako ng hablutin ni dahlia ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Please be careful." she said with teary eyes, I just nod and walk away.

Marami kaming nandito sa gitna. Merong mga babaeng halatang sanay na sa laban, mga lalaking halatang dati pa basagulero at mga estudyanteng halatang walang alam at hindi sanay sa laban. Tsk halata sa kanila na natatakot sila bagay na gustong gusto ng mga to.

"Goodluck newbies, show us what you've all got." she said while staring at me, I just smirk at her and ready myself.

Tumunog na ang hudyat na simula na ang laban.

Nagsimula na silang sugudin ang mga halatang mahina at pinapatulog. Wala akong ginawa na ingay at umupo sa gilid.

Wala naman sa rules ang hindi pwedeng maghintay.

* * *

Principal Kathy Pov.

Tumunog na ang hudyat na simula na ang laban kaya nagsugudan na samantala ang dahilan kung bakit may Rumble ngayon ay hindi ko makita. Napanguso na lang ako. Nasa tabi tabi lang siguro yun.

Marami ang nagkaroon ng sugat dahil sa laban, may nabalian din. Ilan lang ang pwede nilang gamitin na armas. Baril, kutsilyo, kunai, dagger, bow and sword. Walang kumuha ng kutsilyo. Dahil siguro akala nila ay walang silbi yun tsk.

Ilang minuto lang ay nakita ko na malapit na silang maubos. Pinaka maraming napatulog ay ang lalaki na halata mong siga, pumapangalawa yung babaeng gumagamit ng espada, pangatlo naman yung babaeng gumagamit ng pana. Magagaling sila pero wala silang binatbat pag siya na ang nandyan. Pasalamat talaga sila at parang wala sa mood ang pamangkin ko.

Tatlo na lang silang natira, naguusap sila ng umasinta yung babaeng may pana sa isang gilid na parang may inaasinta. Bigla nyang pinakawalan ang palaso at sumakto sa gilid. Akala ko ay may mahuhulog na tao o estudyante pero ganun na lang ang gulat nila ng mabilis na nakabalik ang palaso at nasugatan yung babaeng may pana.

Lumabas ang babaeng kanina ko pa hinihintay.

She's here.

* * *

Astrid Pov.

Nagising ako ng may maramdaman akong papalapit sakin.

Arrow.

Dinilat ko ang mata ko at kinuha ang papalapit na palaso sabay hagis pabalik sa pinangalingan nya.

Lumabas ako sa dilim at tinignan ang tatlong tao na natitira sa gitna. Nakita ko din yung babaeng may hawak ng pana na may sugat sa mukha.

Blanko lang ang ekspresyon ko habang nakatingin sa kanila habang halata naman sa kanila ang inis at galit.

"Seriously?" the girl with bow said and turn her glance to my hand.

"Scholar?" the boy with the gun continue.

Tumawa silang tatlo na parang may nakakatawa sakin. I look at their hands and saw their type. A two mid type and one low type.

Ako lang ang Scholar. Nakakasiguro ako na kapwa ko Scholar ang una nilang pinatumba.

Susugod na sana sila sakin ng may biglang nagsalita sa mic.

"Four newbies remain. Dahil apat nalang kayo, can you please get in the stage and introduce yourselves?" Napatingin ako sa kanya ng blanko pero nginitian nya lang ako. Tsk old maid.

Pumunta sila ng stage ng nakangiti sabay kaway sa mga fans nila. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Ako ang nasa dulo ng pila kaya ako ang huling magpapakilala.

"Princess Frances. Mid type." nakangiting sabi ng may pana sabay flying kiss sa mga nanunuod naghiyawan naman sila lalo na yung mga lalaki. Tsk

"Raiza Sullido. Low type." hindi katulad kanina mas mahina lang yung kanya. Dahil narin siguro sa type na meron sya.

"Aiken Gerardo. Mid type." mas malakas ang hiyawan sa kanya na nagmumula sa mga babae.

"Astrid Bernardo. Scholar type." mas malakas yung akin kumpara sa kanilang tatlo. Malakas na tawanan.

"A weak scholar? How can she win?"

"Pft no wonder ganyan ang itsura nya."

"Kaya pala nagtago kanina. Mahina pala haha."

I just remain emotionless.

Nagsalita na si Auntie kaya nakuha nya atensyon nila mula sakin.

"My fellow students, We have our four challengers to be part of our High type classroom. Mayroon tayong mga armas na nandyan. Isang latigo, shotgun, pana at kutsilyo. Paunahan kayong makakuha ng kahit na anong armas. Pwede nyo rin makuha ang armas ng matatalo nyo. Paalala, bawal pumatay." sinabi nya ang huling salita ng nakatingin sakin. Why? I'm not going to waste my time for killing them.

"Ok goodluck challengers. Ready, set, FIRE!" may biglang nagpaputok ng baril hudyat na simula na ulit. Tumakbo sila sa mga armas at naguunahan na kumuha. Samantalang ako ay naglalakad lang.

Kanya kanya silang kuha ng armas.

Princess get the bow and arrow.

Raiza got the whip.

Aiken grab the gun.

So the knife is there, waiting for me.

Nang makuha ko ang kutsilyo ay hinarap ko sila. Nakangisi sila sakin habang naghahandang sumugod. Nakatutok ang pana sakin ni Princess, nakahanda namang manlatigo si Raiza, at isang kalabit lang ni Aiken.

Ngumisi sila sakin at sinugod ako, nanatili ako sa pwesto ko habang hinihintay sila.

Sinubukan akong latiguhin ni Raiza pero nakaiwas ako. Patuloy syang umaatake at naiinip na ko. Sa huling hampas nya ay malakas kong hinuli ang latigo at pwersahang kinuha sa kanya. Nilagay ko ang kutsilyo sa kanang bahagi ng skirt ko.

Pinatunog ko ang katawan ko at tumingin sa kanya. Bigla naman syang sumugod sakin pero naiwasan ko yun. Puro suntok, sipa at kalmot amg binibigay nya sakin na iniiwasan ko lang. Nang mainip ako ay hinablot ko ang kamay nya sabay pilipit.

"Arghhh!!" malakas na daing nya.

"Noisy tsk." sabi ko at may ginalaw sa batok mya dahilan para makatulog sya.

Natumba sya sahig kaya napatingin ako sa dalawa na nakatayo sa harapan ko.

"H-how did you do that?" I just tsk. Naunang nakabawi si Aiken kaya pinaulanan nya ako ng putok ng baril. Iniiwasan ko lang yun na parang mga suntok lang. Nang makarinig ako ng 'click' napangisi ako. He's out of bullets.

Mabilis akong lumapit sa kanya at binigyan sya ng malakas na sipa sa mukha. Natumba naman sya kaya mabilis kong nilapit ang bibig ko sa kanya.

"Never messed with me again." I said and twist his head enough for him to knock out.

Napatahimik naman ang mga tao at parang hindi makapaniwala sa nakita.

Tsk idiots.

Nang makabawi si Princess hinanda nya ang pana nya para matamaan ako. Nang binatawan nya ang string ay ang mabilis na pagbulosok ng palaso sakin, hindi ako gumalaw o umalis. Hinihintay ko lang ang paglapit nito.

Mabilis ang pagbulusok nito pero parang mabagal lang sa paningin ko. Nang ilang dipa na lang ang layo ay tinagilid ko ang mukha ko dahilan para hindi ako matamaan. Nagulat naman si Princess at nang makabawi ay sunod sunod nyang pinakawalan. Tanging pagiwas lang ang ginagawa ko kaya alam kong naiinis na sya at tama nga ako. Binaba nya ang pana nya at sinigawan ako.

"Fight back bitch!" she shouted and continue. I just smirk and run fast towards her. Hindi nya inaasahan ang pagtakbo ko kaya alam kong nagulat sya. Malakas kong binawi ang pana sa kanya at sinuntok sya sa ilong dahilan para magdugo yun. Nagiiyak naman sya ng makitang may dugo sya. Tinignan nya ako ng masama pero nalaman nya na wala na syang armas ay ginamit nya ang mahaba nyang buhok. Sinakal nya ako gamit yun kaya nagsigawan ang mga tao. Tsk.

Hindi mahigpit ang pagkakasakal nya kaya hindi ako mawawalan ng malay. Nang mainip ako ay bigla kong kinuha ang kutsilyo sa skirt ko at pinutol ang mahaba nyang buhok na hanggang balakang na ngayon ay hanggang braso nalang.

I smirk.

"W-what have you done?" galit na sigaw nya sakin sabay sugod. Iwas lang ako ng iwas habang galit naman syang sumusugod.

Sa bawat suntok nya halata na galit na galit sya. Well I don't care.

Nang mapagod sya kakasuntok ay malakas kong kinuha ang kamay nya at pinilipit.

"Is it hurt?" I mockingly said. She just shouted in pain, which I like the most. I want to hear them scream in pain because of me.

Nang marindi ako sakanya ay malakas kong hinablot ang braso nya at binalibag sa sahig dahilan para mawalan sya ng malay.

Ilang minuto din ang kinatagal ng katahimikan bago sila nagsisigawan. May nagpoprotesta at nagagalit kung bakit daw ako nanalo.

Hindi ko sila pinansin at pinunasan ang dugo sa kamay na galing sa ilong nung bruha. Naglakad ako papalapit sa stage at kay auntie na hawak parin ang pana at kutsilyo.

Wala parin silang tigil sa kakasigaw kaya lumapit ako sa mic at nagsalita.

"Kung sino man ang nagrereklamo sa pagkapanalo ko, come here and fight me." I emontionless said giving them an authority to come here.

May bumaba na dalawang lalake at dalawang babae, tumatakbo silang sumugod sakin pero nanatili akong nakangisi at nakatayo. Nang ilang dipa nalang ang layo nila sakin ay inasinta ko ang pana ko papunta sa dalawang lalaki sabay bitaw.

"Shit." they shouted in pain while glaring at me. Nakita ko naman na masama din ang tingin sakin ng dalawang babae but I just gave them a blank stare.

Nainis naman sila at tumakbo ulit papunta sakin, hinugot ko ang kutsilyo sabay patama sa hita ng isa kaya napaupo sya sabay iyak. Tsk weakling.

Napahinto naman ang isang babae sa pagsugod sakin kaya napangisi ako.

"Scared?" I said but she just raised her middle finger and run towards me.

Mabilis din akong tumakbo gaya nya at sinalubong ang atake nya. Nang malapit na kami sa isa't isa ay mabilis nya akong sinuntok sa panga dahilan para dumugo ito. I wipe my mouth cover with blood using my palm. I stare at her and saw how she satisfied with my scar.

I didn't think twice and run faster to her. I swift my body and kick her stomach. She spit blood and it's so good to see. Kinuha ko ang buhok nya sabay suntok sa mukha. Hindi ako tumigil hangga't nakikilala ko parin ang mukha nya.

I stop when I noticed that she's now unconcius and her face was swollen and cover with blood.

"One drop of blood means one life, but I'm going to spare you, just don't messed with me again." I whisper to her ear kahit na alam kong wala syang malay.

"It's settled then." I said and turn my back to them. Nakita ko naman si tita na nakangisi habang nailing. Lumapit ako sakanya kaya binigay nya ang singsing na nagpapatunay na isa na akong High type.

"You never changed heiress, Brutal and heartless." napa tsk nalang ako at tumalikod sa kanya.

I won't change myself. Never.

* * *

A

/N:

Hi mara's another encounter para sa bida. Sa mga silent readers dyan sabihin nyo lang po yung opinyon nyo, natanggap naman po ako hehe. I hope nagustuhan nyo kahit sobrang lame. Sorry sa wrong grammar and typos.

Vote. Comment. Enjoy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top