PROLOGUE
Book Cover credit to Aurora Graphic Shop. Thanks to @seleskies
~⚖️~
Maayos ang daloy ng trapiko at malumanay lang ito magmaneho.
"Ang ganda talaga dito sa mundo n'yo"
Nagulat ang lalaki nang makitang may babae sa likod ng kotse niya.
"Sino ka? Paano ka napunta diyan?"
"Kamusta? Ako pala si-- babangga tayo"
Biglang kinabig nito ang manibela kaya bumangga sa isang puno, agad siyang bumaba upang tignan ang sira ng kotse.
"Grabe! Ang laki ng sira"
Nilingon niya ang nagsalita, nakasunod na pala sa kanya yung babae.
Tinignan niya ito ng masama at saka hinawakan sa magkabilang balikat.
"Sino ka? Paano ka nakapasok sa kotse ko? Siguro magnanakaw ka at plano mong kunin lahat ng gamit ko"
"Sandali lang. Masakit na" sabi ng babae pero hindi pa rin ito binitawan ng lalaki.
"SUMAGOT KA! " sigaw nito
"Huwag ka nga munang magalit, magpapaliwanag ako" sabi ng babae.
Binitawan niya ito at saka humakbang paatras, umayos naman ng tayo ang babae.
"May misyon ako, hinahanap ko ang prinsipe na---"
Hindi natapos ng babae ang sasabihin ng bigla siyang hawakan ng lalaki sa kamay.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo, kaya kung ayaw mong ipakulong kita, sabihin mo kung anong ginagawa mo sa kotse ko?"pinipilit na lang niya ang maging mahinahon pero sa loob niya ay naiinis na siya.
"OO NA! Bitawan mo na ako kasi nasasaktan ako"
Sinunod naman ito ng lalaki pero imbis na magsalita ay kumaripas ito ng takbo, saglit na natulala ang lalaki pero ng matauhan siya ay hindi na niya makita yung babae.
"Kainis! Huwag ko lang makita ulit ang babaeng iyon, malalagot siya sa akin" sinipa nito ang gulong ng kotse niya sa sobrang
inis.
Mabilis na nakalayo si Alleya sa lugar ng aksidente.
"Grabe naman ang lalaking iyon, wala naman akong ginagawa" bulong ni Alleya
Muli nitong pinagmasdan ang paligid at muli itong napangiti.
"Totoo ba ito? Nandito na nga ako sa mundo ng mga mortal" nagpaikot-ikot pa ito ng biglang may bumangga sa kanya.
"A-no ba m-miss? L-las-sing ka-ba?" sabi ng lalaking may hawak pang bote ng alak
"Kayo ang lasing, ayan at may hawak pa kayong inumin na nakakalasing" sabi ni Alleya sa lalaki
"H-hin-dii ak-koo lass-sing, gus-tooo m-moo bang mass-saktan" bigla nitong hinawakan si Alleya sa kamay.
"Bitawan n'yo nga ako kung ayaw ninyong masaktan"
"A-aba! Ma-matapang ka mi-miss" mas hinigpitan pa ng lalaki ang hawak sa kamay ni Alleya.
Tumingin muna sa paligid si Alleya at saka huminga ng malalim.
"Pasensya na pero kailangan ko itong gawin" sabi niya sa lalaki, aamba na siya ng suntok ng biglang may sumuntok sa
lalaki.
"Ayos ka lang ba, miss?" tanong ng dumating na lalaki.
"Gale--" nakita ni Alleya na tumayo ang lasing na lalaki at planong hampasin ang tumulong sa kanya kaya agad siyang kumilos, niyakap niya ang lalaki at nakipagpalit ng pwesto dito.
Dahil sa lakas ng hampas ay nawalan ng malay si Alleya.
This is my first fantasy story, sana po ay suportahan ninyo ako.
I'll try my very best para maging maayos at maganda ang storya kong ito.
Thanks in advance, don't forget to vote and comment.
-Librakhen27
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top